Who do you think you are?

Dear Ate Jevs,

Nakakatawa na malaman minsan ang impression ng ibang tao sa iyo. Especially kung yung ibang tao na ‘yon ay hindi mo close friend. In a way, kapag may narinig kang comment mula sa kanila, may mare-realize or madi-discover ka tungkol sa iyong sarili. Siempre, hindi lahat puro magaganda, may mga pangit at masasakit din.

Pero itong isang kwento ng kuya ko about sa akin, natatawa ako. Nakainuman daw niya iyong dati kong kaklase nung elementary at itatago natin siya sa pangalan na Gaara. Hindi alam nung kuya ko na naging kaklse ko iyong lalakeng iyon tas hindi rin alam ni Gaara na kapatid ko pala yung kuya ko. Kasi itong si Gaara, medyo mailap din sa mga kapit-bahay nila, siguro kasi iba ang religion niya at masasabing may kaya sila.

Sabi raw ni Gaara, isa raw ako sa iniiwasan niya nung magkaklase kami (siguro hanggang ngayon). Ayaw daw niyang magkabanggaan kami o makaaway ako. May pagka-boyish daw kasi ako, baka daw mapano siya. Hahahahahaha! Natawa talaga ako, kasi ni hindi pumasok sa isip ko na ganun ang impression niya sa akin at hindi ko rin naramdaman ‘yon nung magkaklase kami. Ang naaalala ko lang ay talagang straight akong tumingin sa mga kausap ko at kapag seryosong nagtanong serysoso ko rin sasagutin.

Naging magkaklase kami ni Gaara nung grade 5 at grade 6 kasi pumasok na ako sa section 1. Kilala siya na matalino pero maloko. Lahat ng babae na kaklase namin, honor students man o hindi minsan pinagtitripan niya. So na-realize ko na ngayon na oo nga pala no, hindi pala niya ako hinarot ni minsan. Tapos, ‘yong best friend niya na kasama niya sa kalokohan nung mga time na iyon ay nakakausap ko pa ng matino.

Boyish, loner, tahimik, kulang na lang sabihan akong suplada o alien, ‘yan ang madalas na komento sa akin nung mga kapit-bahay namin lalo na ang mga kabarkada ng kuya ko na hindi pa ako nakikilala. One time, may nagtanong pa nga sa akin kung may GIRLFRIEND na ako. Hahahaa!

Pero sa palagay ko, ‘yong mga nakakausap na ako ay nagbabago naman ang tingin sa akin. In fact nung may tindahan pa kami, madalas kung kakwentuhan eh yung mga kabarkada (kaedaran) ng mga kuya ko. Kahit anong kwento nila, medyo nasasakyan ko naman pero in fairness wala akong naalala na nagkaroon kami na topic na bastos. Siguro respeto na rin kung sino ako sa komunindad na ginagalawan nila na sister ako ni ganito at anak ako ni ganyan. Pero gusto ko ‘pag napapakuwento ko na sila ng deepest secret or feelings nila ng kusa. Halimbawa about sa love life nila or ‘yong pangarap nila sa buhay.

Minsan may nagtanong sa akin, kung hindi ko ba raw type si ganito. (sorry kahit may itsura yon at nuknukan ng talino, ayoko sa isang kaibigan o kapit-bahay). Tas tinanong na niya ako about sa love life ko. Tas binigyan niya ako ng malupit na payo then sinabi niya sa akin pareho daw ako ng mga kapatid ko. Buhahahhaa! (‘wag na nyo ng tanungin kung ano, basta isa iyong masakit na katotohanan).

Nakakatuwa rin yung mga comment or testimonial sa friendster kasi kahit alam mong bola iyong iba, may sinasabi pa rin silang kakaiba tungkol sa iyo. Halimbawa, sa ganito niya ako natatandaaan at kilala niya ako sa pagiging ganito-ganyan.

Iyon lang po,

Yana

Dear Yana,

Buhahaha, salamat sa pagsi-share ng iyong kwento. Nagkaroon tuloy ako ng impression about sa iyo. Anyway, tama rin na pansinin natin ang tingin ng iba sa atin, pangit man o maganda.

Hindi naman para ma-pressure kang baguhin ang iyong personality dahil ang bawat pagkatao ay may unique na quality at binubuo ng iba’t ibang factors. Ang mahalaga lang diyan ay maging aware ka sa sarili mo o iyong dating mo sa iba. May mga tao kasi na sobrang walang paki sa sinasabi ng mga tao sa kanila.

Pwede naman ‘yon actually, pero dapat din nating isipin na may constructive criticism na pwedeng synonym ng word na advice. Maaari kasing hindi ka aware na insensitive ka na sa feelings ng iba or over ka na sa iyong mga action. Eh hindi lang naman ikaw ang mamumuhay sa mundo kailangan mong makisama. At sa pakikisama kailangan mong malaman kung ano sila at ikaw sa kanila. Sabi nga ni St. Basil: “He who sows courtesy reaps friendship, and he who plants kindness gathers love.”

Iyon lang din,

Ate Jevs

12 thoughts on “Who do you think you are?

  1. hmmmm….kilala mo si johari windows? hindi sya rapper ha….sabi niya ang tanong na who do you think you are? ay masasagot sa pamamagitan nya( of course di lang naman siya ang may sagot ha…marami din namang meron).
    ang pagkakakilala tungkol sa sarili ng isang tao ay nahahati sa apat na bahagi ng isang bintana:
    una: alam ko at alam nila
    ikalawa: alam ko at di nila alam
    pangatlo: di ko alam at alam nila
    pang-apat: di ko alam at di rin nila alam
    eto lang muna ang mase-share ko….

  2. hehehe
    paminsan talaga yun first impression mo sa tao ang tunay na mag-stick sayo, eh
    medyo mali
    pero ganon talaga, eh
    mahirap i-overcome yun first impression mo sa ibang tao
    bakit kaya?
    napakamot ako ng ulo don, a
    hehe

  3. ako may isang bestfriend, nung una ko syang nakita e ayaw ko syang lapitan kasi may iba syang dating. iniwasan ko talaga sya. pero naging matalik kaming magkaibigan, nung nagusap kami tungkol sa first impression sabi ko sa kanya e natakot ako sa kanya, hahaha

    pero ayan nga at ilang beses na rin nya akong nadalaw dito sa alemanya

  4. ate jevs: korek ka diyan Raft3r kaya ganun ka -importante ang first impression. pero siempre dapat maging open din para may chance naman yung tao to prove kung ano talaga siya.

  5. totoo naman yan ate kengkay… minsan yung kinaiinisan mo before o kahit yung kaaway mo ay pwedeng-pwede naman maging best friend. napatunayan ko na rin yan.

  6. yes, higit naman talaga kahit kanino eh yung mismong may katawan ang nakakilala ng kanyang sarili. but in order to enhance o may makatulong na maging flexible dapat maging open din sa ibang chines. pag sobra kasing ikaw at ikaw lang, walang room for improvement.

    yun lang, nasa tao na talaga kung gusto niyang i-prove kung mali o tama an impression sa kanya.

    mabuhay!

  7. Hey sistah! Shucks, andami ko na palang babasahin dito. Parang kelan lang yung ako ang nambubulahaw pâra magpost na kayo! Ano vahhh!

    At nandito pala si VF! Ahahha. Kaloka ang tanong niya.

    First impressions? MArami ang nagsasabi sa akn a akala nila nung una e super sungit ako! Kaloka!

  8. oo nga eh nakakaloka ang tanong niya… eh mukhang di matanong ni ate jevs si yana. buhehehe…

    ako impression ko sa iyo before, siguro strict kang tao lalo na pag nagsasalamin ka na. pero siempre nag-iba yun nung nagka-bonding na tayo nina avi.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s