Siguro naman alam na alam n’yo na kung gaano ako katakaw sa kakanin. And after Nena’s Special Bibingka (by the way nakita ko na yong no. nila – (02) 911-25-78 at exact address – Gen. Romulo St. Socorro Cubao, Q.C.) gusto ko naman ibida ngayon ang Dolor’s Kakanin kung saan mabibili ang sapin-sapin na akin ding favorite.
Dati takot akong kumain ng sapin-sapin dahil sa isang kwento na aking napanood sa Batibot. Iyon ay tungkol sa isang planeta na gawa sa pagkain. Lahat ng bahagi at bagay doon ay gawa talaga sa masasarap na pagkain. Biruin mo ‘yong lawa nila ay gawa sa juice then ‘yong mga bahay eh gelatin. Ang maganda pa eh sa pagkakatanda ko ay clay animation ang pagkaka-present kaya paniwalang-paniwala ako. Eh tapos yung daan dun gawa sa masarap at makulay na sapin-sapin. So feeling ko naman, pag kumain ako ng sapin-sapin ay kumakain ako ng kalye. At magiging isa akong dahilan para magunaw ang mundo.
Sa pagkakaalala ko ang namayapa kong Tito Julio (dabarkads ni Daddy) ang unang nakapag-present sa akin ng Dolor’s kakanin. Talagang ‘di ko tinantanan yon hanggat di nauubos (oh ‘di ba talagang ginaya ko rin yung mga tao sa kwento sa Batibot). Tapos may dati akong kasama sa trabaho na iyon din ang hinanda noong birthday niya kaya lalo akong nahumaling sa sapin-sapin na ‘yan. Talagang sinabi ko sa sarili ko na ‘pag napuno na ang salop ay babangon ako’t bibili ng dolor’s sapin-sapin saan mang lupalop ‘yan ng Metro Manila.
Nung 2007 nagbalik-bayan ang pamilya ng ate ko from New Zealand, naisip ko iyon na ang perpektong pagkakataon para makabili ng Dolor’s Sapin-sapin. For them and for me hahaha, heal the world!
Kayag-kayag ang isa kong ate, kahit inabot kami kun saan-saan noong araw ng bisperas ng Pasko ay ‘di ako nagdalawang-isip na lumuwas sa Monumento, kasi ‘yon lang ang alam niyang may dolor’s. kaya sugod ang mga alagad ni Dora!
Hindi naman ako nabigo, kasi nagustuhan ng mga taga-new zealand ‘yong sapin-sapin and like me, parang nakipagkarerahan silang ubusin ‘yon. Para bagang mapapanis ang ibang food sa aming noche Buena pero ‘di ‘yon. Pero, alam n’yo ba kung ano ang inuuna kong kunin sa makulay na part ng sapin-sapin, iyon ‘yong kulay ube. Grabe, sarap na sarap ako roon, tas next priority ko na ‘yong kulay white na makulaya ang ilalim. Hehehe sorry pati sa pagkain ng sapin-sapin may mga priorities and favoritism din ako.
Nitong nakaraang media noche namin, naglakas loob akong lumuwas (luwas talaga noh!) ulit papuntang Monumento kahit ako na lang mag-isa, traffic, wala ng masakyan, at puro paputok na. Napanood n’yo ba yung “Kung Fu Panda”? Feeling ko, ako yung bidang Panda na si Po na natalo ang kontrabidang tiger, dahil na motivate ko ang sarili ko na ‘yong golden scroll ay ang paborito kong sapin-sapin. Watahhhh!
And again winner ako ulit dahil ‘yong mga umuupo sa lamesa namin ay sapin-sapin ko talaga kinukuha. Medyo may mga time lang na napapabaling din naman ako sa dalang moron (suman ng mga waray) ng auntie ko, sarap din kasui eh. Ang siste lang ay may nagtanong kung bakit wala na ‘yong kulay ube at bawas na kaagad ‘yong kulay white. Queber, ako bumili kaya ako mauuna noh!
Bukod sa sapin-sapin ay may iba pa namang kakanin na paninda ang Dolor’s. At mayroon din naman pala silang ibang branch na malapit sa amin. Kaya sa susunod hindi na ako kailangan makipagpambuno papuntang Monumento. Para sa iba pang detalye ng Dolor’s kakanin click n’yo na lang ‘yong kuha kong larawan.
Mabuhay ang pagkaing Pinoy!
ako gustong gusto ko yung mga suman kahit anong klaseng suman basta suman hehe..saka halaya love it…:)
me,mapili pagdating sa suman. ayoko nung bigas na sinasawsaw sa asukal. gusto ko talaga yung moron!
at pareho tayo ng favorite, ube halaya.
Penge po ng merienda.
Ano ba yang sapin-sapin, di ba yan yung nabibili na may different sizes: S, M, L, XL & XXL? (kase, may ilokano term na sapin…)
Nakakain ba yan? Masarap ba with RTO?
opo meron ding pong may cup b, joc -joc.
naman nakakain ang sapin-sapin… ang di ko alam yung sinasabi ninyong RTO
🙂
cup-B, di ba yun yong inuman ng gatas? Sige ka, yang joc-joc mo na yan, baka ma-bolante ka hehehe!
RTO is RoyalTruO….. lasang orange. Wala kasi dito yan.
ay sige ayoko na ituloy yun. hehehe. baka mapahamak pa ako. hahaha!
ah yun ba ang RTO, akala ko regional trial court (naks). malamang wala niyan diyan kasi wala diyan si Francis M. (wala lang makahirit lang. hehehe)
I think na yung mga gumagawa ng kakanin ay mga imaginative and creative people. Look at the size and shapes ng mga ginagawa nila. Yung nasa kodak mo, parang rainbow colored na t_e ng baka. Yung mamon (kakanin ba yun?), siguro, lalaki ang nagimbento; yung espasol, bakit elongated at hindi flat?
Sige nga, sabihin mo…
O, nagiging imaginative din lang ako ha….
🙂
hay pastilan VF! hehehe
sige sinusubukan mo pagiging imaginative ko ha… fire!
ang espasol ay hind pinahaba at hindi flat kasi para maiba naman kapag nilabas na sa katawan. heheh kung gagawin mo siyang flat at pabilog… magmumukha lang siyang palitaw. charot
bah, ang alam kong espasol, e yung long, (how long?) tubular, (bahala ka na sa thickness) 🙂 at binalot sa bond paper.
Malalaman mo kung sino and how young ng gumawa pag inalis mo ang balot. Pag nakatayo ang espasol, bata daw ang gumawa. Pag nagkumbawa, bahala na hehehe!
Asan ba sina Salve, Tonette at BT para alamin natin kung gusto nila ng espasol? Footres, nabibisibisihan ba ang mga yan?
oo nga e, pansin ko nga ang pagka-espasol mo sa kanila… buhehehe… kay BT wala akong gaanong balita. kumusta napo siya?
Dapat mag-PR ka na lang. Paging Dolor’s management. hehehe
Alm ko namang wala kang kahilig-hilig sa kakanin, tusino at ice cream. hehe
pwede na ba akong mag_PR…. kaso nagsasalita lang sa pinaniniwalaan kong produko.. kaya mahirap ako para sa commercialism. hehehe. may ganun… pero depende na yan sa bayad. buhahaha..
sorry len hindi ako mahilig sa tusino at ice cream… pagkain ba ang mga yun?
naku
paborito ko talaga ang sapin2x
ang sarap, eh
penge naman dyan!
ay pareho tayo raft3r… pero sorry ubos na… nung pasko pa. next na lang ulit. hehehe
the best sapin-sapin!! 😀
try their rellenong bangus too.
korek ka dyan u8mypinkcookies!
sige ma-try ko nga rin yan.
btw, welcome dito sa hoshilandia!
hello, hitokirihoshi.
matagal ko nang gustong mag-koment sa cute na cute mong gravatar, hihi. saan nahahanap yan? :]
agree ako, ansarap nyang dolor’s sapin sapin. kaya kong kumain ng kalahati nyan in one sitting. tapos yong kalahati, para bukas. sa ‘kin pa rin, ha,ha.
una akong nakatikim nyan, iniregalo lang sa ‘min. bago yon, naku, hindi ako nagkakain ng sapin-sapin, as in ayaw… titikman ko rin ang relyenong bangus nila per advice ni pinkcookies, he, he…
salamat sa pag-feature mo nito.
hi doon po sa amin! welcome and thank you very much sa pagbisita sa aking Hoshilandia Sr.
yung bago kong gravatar na nakapikit ay regalo/ gawa ng isa kong co-blogger na si JEC Mendiola. pero kung itong nakadilat, eh sa yahoo ko lang ginawa.
ako rin maraming beses na sa una hindi ko kumakain pero once na makatikim at makaulit. gustong -gusto ko na.
welcome and thanks din at nagustuhan mo ang pag-feature ko dito. mabuhay!