Hmmm, ayokong makisawsaw sa pamumukadkad ni BB Gandanghari dahil choice niya iyon. In a way, nakakatuwa siya kasi ang lakas ng loob niyang patayin si Rustom Padilla at parang nakaka-tense ito kasi hindi ko alam kung anong impact ang kanyang iiwan sa mga kabataan. Sa totoo lang, naisip ko talaga na reality show ba ito o hindi? Pero, malalim na usapin ‘yan at ayokong mag-dive!
Basta lately, para sa iba’t ibang isyu natutuwa ako sa mga bantog na personaliad na kilala sa kanilang pagiging binabae. I admire their sincerity and talagang kapag gagawa ako ng script gusto kong hiramin ang pamatay nilang mga linya.
Beauty expert Ricky Reyes to BB Gandanghari:
“Ang pagkababae ng isang bading ay dapat sa sarili lamang niya… ayoko ng bawat bading dito sa Pilipinas ay parang matsing sa hawla na pinaglalaruan at pinagtatawanan.” (source: abs-cbnnews.com)
– Gandaaa mother, I like it! Ito hindi dahil sa sinabi niya kay BB ha, talagang panalo lang ang mga words.
Veteran and award-winning scriptwriter Ricky Lee to Nora Aunor and other artists:
“Optimistic akong tao. ‘Pag magaling ang isang tao, direktor man, artista, writer, at marami ka pang dapat i-share, gagawa ng paraan ang Diyos man, ang kapalaran o ang tadhana o ang lahat ng tao sa palibot mo para mai-share mo pa ‘yong kakayahan mo. Maraming mga tao ang tumutulong para makabalik siya at isa ako dun. May mga gumagawa ng paraan para makabalik at makagawa ng proyekto ang isang mahusay na aktres na tulad niya.” (source: gmanews.tv)
-alam n’yo ba na mahaba rin ang nagiging paglalakbay niya para maabot ang kanyang pangarap. At sa ngayon ay tinatrabaho na niya na magkaroon ng foundation na mala- MOWELFUND para sa mga bagong writers at maging doon sa wala na sa hanapbuhay.
Prolific and award winning scriptwriter-director Joey Reyes to Gay movie directors and producers:
“Ang paniniwala ko kasi riyan, sapat na ‘yong naging bading ako, and I just have to live with my homosexuality. Hindi ko na kailangang isapelikula pa ‘yon, o gawin sa pelikula ang mga paniniwala ko. Marami pa kasi akong ibang ideas na pupuwedeng gawin, na sa palagay ko, interesting na mapanood ng mga tao.” (source pep.ph)
-mukhang may punto rin naman si Dir. Reyes kasi nagiging trend na nga sa mga indie film ang topic about homosexuality.
Sa akin, wala naman ‘yan sa gender kundi sa personality or individuality ng isang tao. Kung gusto mong irespeto ka, umakto kang karespe-respeto. Hindi mo kailangan magpanggap, kung alam mong wala kang ginagawang masama. Lahat naman tayo ay tao lang nangangapa sa mundong ito at kailangan makisama sa isa’t isa. Problema na ng iba kung panghihimasukan pa nila ang pribado mong buhay tapos huhusgahan ka.
Ako man, ayaw kong makisawsaw. My only concern is, sa dinamidaming nagkalat na mga bading, how can you tell if it’s a ‘pole’ or a ‘hole’? Kawawa naman yung mapeke!
🙂
Isa pa, last time na nandian ako sa Manila, napuna ko na, to sound like Manilenian, mababae, malalake, magpakabading ka hehehe!
…and add the words: dhi vah?
May business proposal ako sa ‘yo. Magpatayo ka ng ‘Bading Wife Store’. But then, you have to be bading (creative) yourself to succeed.
Hay nakWoH Hitosan!
actually VF minsan, ako pa nahihiya sa ibang bading kasi ang gaganda nila compare sa akin. hehehe. and tumpak ka na nababahiran na nga ng mga gay lingo ang salitang balbal ng mga Pinoy. Yes, isa ako sa apektado nito… and i think that’s part ng pagiging dynamic ng wika natin. for as long as, alam pa rin natin na gamitin ang formal at ibagay sa taong kausap ang diction natin. walang problema. wag lang talaga kalimutan at hindi na gamitin pa.
aray ko, doon sa bading wife store ha… na in fairness naiisip ko talaga na what if makapangasawa ako ng bading. hehehe. ok lang sa akin na manlalake siya basta may parlor kami at DI (dance instructor) sya sa gabi. hehehe!
m
Honestly, medyo na-off ako kay BB. He overdid it!
Tama si Mother Ricky Reyes. Maraming magagaling na homosexuals sa iba’t ibang fields, iyon nga lang nahahaluhan ng iba na medyo loud at bastusin ang dating.
But in general, they have my respect.
di ko nga alam kung ano ang nagtulak kay rustom para maging bb. nirerespeto ko ang kagustuhan niya pero naiisip ko yung iba na nakakakita sa kanya.
so far naman eh, wala akong nakikitang mga batang bading na sila si BB kaya ok pa. hehehe. mas ok na maging ok sila kung ano sila kaysa gayahin nila ang iba para maging ganun sila. ewan ang gulo!
“Lalaki ako. Tigasan mo ang pagbigkas,” bulyaw ng ama.
“Lalake aKwo,” umi-iyak na ang bading.
“Lalaki, sabi ko. Puputolin ko yang iyo.” Galit na galit na ang ama.
“Sige. Puedeng bakal na lang?” at kumembot na siyang lumayo sa ama….
bravo VF! hehehehe
aray ko, joke yan pero trulily… charot!
bakit galit si mother ricky sa kanya?
may magandang ba ang bangs ni rustom sa kanya?
hehe
ayaw n’ya actually ang pagmi-make up ni BB. raft3r. OA daw. hahaha
ang taray ni Mother Ricky. well Bebe’s behavior today is a product of her past, we can’t blame her. For Gay films, it is not promoting homosexuality act, it simply shows the reality though most of them are like rated x films you have to look at it in higher angle, all of it has a theme about acceptance.
nung asa bangkok ako mas marami pang ganyan na tunay na operada talaga ha. hindi mo na alam talaga kung sino ang tunay. pero respekt din kay rostum kasi alam nya kung alin ang gusto nya
happy v day!!!
Hi dudong! belated Happy V-day!
hmmm, siguro talagang ang pinakapunto diyan ay magrespetuhan na lang ng pagkatao. and yes, marami namang magandang gay films. talamak na nga lang ngayon kaya minsan kahit maganda nagiging ordinary na lang.
oo nga ate kengkay! minsan mas nakakaelib na ang kanilang mga kagandahan. in fairness, tingin ko mangingiti si BB pag nabasa niya ang mga comment rito.
mabuhay!
happy v day din raft3r! nasan na ang cadbury ko? charot!