Confession: His name is Lex

After ng matagal kong pakikisama kay SM at panaka-nakang pakikipag-ulayaw kay SW, ay may bago na akong kinahuhumalingan.

At tila mas malakas ang tama ko kay Lex kasi every time na kaharap ko siya nakakalimutan ko ang oras. As in wala akong reklamo kapag napupuyat na ako sa kanya.

Alam ko namang dapat ay maging mature ako at dapat magkaroon ng priority sa mga bagay-bagay pero para siyang may batubalani, hindi ko mapigilan ang aking sarili na siya’y hanap-hanapin. Minsan isinasantabi ko na iyong panonood ko, iyong kailangan kong basahin, at iyong kailangan kong trabahuin.  Iba e ‘pag siya ang kasama ko, ang dami kong nadidiskubre at ang dami kong natutuhan.

Minsan natatakot na ako kasi ma-adventure si Lex, nai-intimidate ako sa lakas ng loob at talino niya. Hindi siya mayaman pero kaya niyang magkaroon ng ari-arian dahil sa diskarte niya.  At kakapalan ko na ang mukha ko na sabihin na magagawa niya iyon pag kami ang magkasama. Handa akong sumabay sa mga adventures niya at alam kong makakamit namin ang aming mithiin kapag kaming dalawa ang magka-partner. Oh da va!

Hay… basta I don’t care kung hanggang saan kami basta ang alam ko ay hindi ko siya bibitiwan kahit magalit pa si Manang Juling! Remember his name is Lex!

Note:

Gusto mo malaman kung sino  sina SM and SW?

Advertisements

19 thoughts on “Confession: His name is Lex

  1. alam mo ineng nahihiwagahan ako sa mga pinagsasabi mo hindi ko tuloy ma gets kung anong kadramahan iyan at abot abot ang iyong pagasa sa lalaking yan (tunay ba yang lalaki o balake? hehehehe) o adik ka ba paki klaro mo nga at mahina na ang takbo ng lolo mo aru!

  2. ay sus buti na lang in-admit mong lolo ka nga hahaha… malalaman niyo rin kung sino si lex… kung iki-click mo ang link sa name niya mismo.

    Okay!? hindi po siya bakla no…

  3. Agi at pinanay ang Waray, naubusan tuloy ako!

    Sige, ako na lang ang driver ng Lexus taxi:

    “Maupay nga aga. Saan ba tayo ngayon ale?” sabi ko

    “Sa Hoshiville,” sagot ni Hoshi

    “Saan ho ba yon?” tanong ng driver.

    “Wala. Tu’o. Diretso! Ano ka ba, ikaw ang driver.” Nagalit si aleng Hoshi at gustong bumaba pero naka-lock lahat at mga pinto…

    …ano kaya ang gagawin niya?

  4. aba-aba hinahamon man ako gid ni mano VF.

    hala daw… ito gagawin niya

    Hoshi: Manong Lexus Driver?! nagi-text mana ko friend BT, minamadali na ako bumili ng VCO ni Tonet…

    driver: eh di ko po mabuksan yung pinto Hoshi- san..

    Hoshi: AH GANUN… (TAtawag sa phone) Hoy Bougard tapos mo na bang i-deliver ang mga effectus? pagkatapos niyan… pakitambangan itong Lexus taxi with plate no. BTVF-7-11 o 2-10…

    Bougard: Bakit po bossing?

    Hoshi: gusto kong hilahin mo tas dalin mo sa hoshiville.. itong lexus driver ala raw alam… buti na lang kamo walang alam… kasi alam mo naman ako…

    Bougard: oo boss alam ko na ‘yang linya mo…”MASYADO NA ITONG MARAMING NALALAMAN KAILANGAN ITUMBA NYO NA…

    natakot si manong lexus driver sa mga anrinig niya… ano kaya ang gagawin niya.. leader pala ng gang si Hoshi? buhahahaha!!!

  5. Naaa, at gangster pala ‘tong Hoshi-san na ‘to! Teka, ‘kaw ba’y miembro ng ‘Takosa’? Sige, gawin nating parang Jap-animé, Indi-Jones style.

    …tan tararan
    tararan…

    …at iginapus ni Lex si Hoshi sa isang puno para ipakain sa mga lion….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s