Oo addict na ako
by Mimay Pala-Bye-bye
I
Alam mo bang pilit kitang iniiwasan
pero di natatapos ang araw ikaw pa
rin ang aking inaasam
ang init at ang lasa mo, nanonoot sa
aking nguso
II
Alam mo bang ipinagbabawal ka sa akin
Sabi ni Nanay, pag di kita tinantanan
Mahihirapan na kita’y lubayan
Para ka kasing marijuana, amoy mo ay
maaroma
III
Sana na nga ‘di na ako nag-try
Wish ko’y nakinig na lang ako kay Inday
Yeah pero hindi, hindi, hinding hinda na
maawat pa….
Chorus:
Oo addict na ako
Name mo man ay Nescafe,
KDO, Kape Puro, kopiko o kapeng barako,
Pati na San mig light este san mig mild
Wala akong pake
Basta ako’y kapeng-kape (wuwuhuhuhe yeah!)
(IV)
Dati naman, pagatas-gatas lang
Kontento na rin sa juice at soft drinks
In can, o sige damay mo na rin
pati samalamig diyan
(V)
Ewan ko ba, lalo na pag three in one
Nangangati ang kamay ko na pilasin
Ang cover mo then itaktak ka sa baso
Sabay buhusan ng warm water
(VI)
Una kong rason pantanggal antok lang
Kinabukasan pampagana naman
Kinalaunan ay nakasanayan na
Ngayon kahit masakit na ang tiyan
(Repeat chorus 2x)
Rap Reggae:
Mainit na ang aking pakiramdam
Puso ko’y pumipitlag
Dilat na dilat ang aking mata
Pero mukhang nanghihina
Tingin ko’y napapaligiran ako nina Piolo, Angel at ng Parokya (Ni Edgar)
From orig naging extra strong kaya so intense
Feeling ko pati mga aliens kainuman ko na rin
Buti na lang may kumalabit sa akin, sabi ni Armando “Ingat?!”
Dodo-doc-doc ish that u?
(Repeat chorus)
Naks, pa-awit awit tayo ngayon a! May karaoke version ba tong awitmo Mlle. HoshiKiriHito?
soon po… nagpapa-audition na ako ng musicians at arranger. unang single ito ng vigatin kong album. buhahaha
siempre dapat marunong magkape…
Ang kulit! Walang binatbat si Moymoy Palaboy. nyahaha
Thanks po! totoo ba yun? hahaha
baka gusto mong maging actress sa music video nito… haha?
pede ako extra kapag nagka music video ito? yung napadaan lang kunyari, hehehe
uy! ang galing! coffee mood din ako this week. pareho tayo. sana kanta ka din sa youtube. hehe
Basta ba okay ang talent fee. nyahaha
ate Kengkay! sure na isasama kita… especially at gusto kong i-release ito sa buong Europe.. hehehe.
naku… bigatin na kagad ang casting nitong music video ng kantang ito. hahaha!!! mabuhay!
yes, salamat IceOrg… sige sana nga mai-post ko ito sa youtube.. alay ko rin sa ating mga coffee drinkers… mabuhay!
naku.. wala pa nga may talent fee na kaagad… hahaha. eh buhok mo lang naman ang kukunan… yung natuluan ng kape….
hehe
iba talaga ang kiliti ng kape
bakit nga ba?
hehe
oonga eh… prang minsan parang beer lang…
kamusta na ang kaibigan kong adik?
hehe
eto gumon na…konti na lang pipikit na naman ang mata… kay laklak ulit