Growing old…Feliz Compleañoz Jane!

from Sir Joseph
from Jane's Sir Joseph

Dear Ate Jevz,

Hello po and belated happy birthday pala sa mga ka-birthday kong sina Piolo Pascual at Oyo Boy Sotto!

Dati kapag tinatanong ako kung ilang taon na ako, kung hindi pabiro ang sagot ko ay sasabihin ko secret! Bata pa naman ako pero parang ‘di ko lang trip magsasagot ng ganyang mga tanong lalo na kung ‘di ko type o close ang nagtatanong.

Pero this time, kahit papaano ay sinasagot ko na ang tanong na ‘yan (na madalas isinusunod sa pagbati) ng diretso. Na-realize ko lang naman na wehno naman kung mas bata o mas matanda sa akin ang nakakasalamuha ko. Kanya-kanya tayo ng tinatahak na kapalaran at kahit ano pang gawin mo gugurang at gugurang ka pa rin.

Na-move rin ako sa nabasa kong entry sa Our Daily Bread last year, March 31. Ang title nito ay “Which Way I’m Growing.” Ang ganda ng mga linya at gospel doon and I quote:

“People don’t get irritable and short-tempered merely because they’re getting older. Aging doesn’t have to make us hypercritical and cranky. No, it’s more likely that we’ve become what we’ve becoming all along.” – David Roper, the author of the entry.

Syngkit's b-day card 4 me
Syngkit's b-day card 4 Jane

Kapag dumating ang araw na hindi ko na magawa ang gusto ko at ‘di na rin ako makapag-ballroom ( ‘yong gaya sa commercial ng gatas.. hehe), magiging masaya pa rin ang lahat. Bakit? Kahit nasa tumba-tumba ako habang ngumangatngat ng buto ng pakwan, masasabi ko pa rin sa sarili ko na marami akong nagawang maganda sa buhay ko. Naging masaya ako sa pag-abot ng mga pangarap ko, naranasan ko ang magkaroon ng mga totoong kaibigan, may pamilya akong nasandalan etc. etc. Pag nangyari ‘yon, walang dahilan para maging istrikto at KJ na lola ako. Kahit mag-sag na ang skin ko, alam kong walang magdi-dare na tatawag sa akin ng matandang hukluban.

“Be not deceived; God is not mocked: for whatever man sows that shall he also reap.” – Galatians 6: 7

Para sa akin, time is gold talaga. Whether sa pag-grab man ‘yan ng opportunity or spending time with your love ones. Gamitin baga ang panahon at makakayanan mo para the next year na tatanda ka ulit, euphoria ‘yon dahil next level ka na.

my CMC barkada -Che
Jane's CMC barkada -Che

Maganda rin ‘yong homily nung pare sa St. Jude Shrine (10 am mass – Malacanang, Manila) last Sunday – January 11. Sabi niya para magkaroon ng pagbabago kailangan tantanan natin ang maging negatibo o pagsasabi ng NO!

Dapat sabihin mo (energy este) Yes. “Yes to Life,” “Yes to Happiness” and “Yes to Love.” Tumpak siya na ang mga taong madalas mag-say no ay ‘yong walang mga kumpiyansa sa sarili at pinaniwalang wala silang kakayahan. Kasama rin sa sinabi niya iyong pangaral na “bawal ng sobrang magpakasaya dahil baka mamaya iyak ka naman ng iyak ( or something to that effect).

Oo nga naman, dahil lang sa takot kang malungkot mamaya hindi mo na ie-enjoy ang buhay. Ano yun? Para lang huwag kang malungkot, ayaw mo na ring maging masaya.

My friends/officemates' gift
Ver and Jovy's special gift with messages

Kagabi nga naisip ko ang isang konsepto na ang pagtanda at pinagdadaanan ko sa buhay. Para rin iyong pagtawid sa madilim na footbridge sa lugar namin. Doon sa pinanggalingan ko ay ang edad ko nung isang araw at sa dulo naman ay iyong edad ko ngayon. Kung ‘di ko haharapin o tatawirin ang mga pagsubok at mga taong magiging hamon sa aking buhay, malamang di ko rin mapu-fulfill ang aking tadhana. Walang pagbabago, walang maso-solve na dilemma.

Kung sa kabilang dulo ay matalisod ako, wala na akong paki. At least nasabi ko na ginawa ko ang alam kong tama o sumubok ako. Sa buhay na ito, pwede kang huminto pero hindi ka pwedeng manatili sa kinalalagyan mo habang buhay.

Pwede po bang pakita nyo rin yung mga natanggap kong cards or gifts kahit tatlo lang. Iyon po kasi ang nagpapasaya sa akin ngayong gumurang ako ng isang taon. Thanks!

Rumerespeto,

Jane G.

Dear Jane,

Wala na akong masabi. Parang kami ata ang nasermonan mo eh. Hehehe. Pero maganda ang iyong mga binanggit na linya at mukhang maganda naman ang pananaw mo ngayon.

gift from Ms. Mau, Sarah & Mark
gift from Ms. Mau, Sarah & Mark

Ang panalangin ko na lang ay matupad ang mga kahilingan mo noong Birthday mo. Feliz Compleañoz y Vaya Con Dios!

oh ayan… dinamihan ko pa yung mga pics ha!

Nagpaparespeto,

Ate Jevz

17 thoughts on “Growing old…Feliz Compleañoz Jane!

  1. Sabi nga, “Growing old is inevitable; growing up is a choice.”

    Isa itong nakakaantig na birthday post! 😉 Ganoon naman yata talaga, mas marami kang nari-realize habang tumatanda ka.

    At ang saya ng birthday party mo! :p

  2. jane: wow… naantig ka?! salamat po!

    korek, sumasabay ata talaga ang pag-mature sa pagtanda… sa bagay, iba-iba naman ang stages ng ating life. maging bata- habang bata at umakto ka ayon sa iyong edad. charing!

    salamat at nasiyahan ka rin sa b-day bash…

    bat nakatalikod? siempre para makita yong mga messages ninyo…

  3. jane: opo enero po ako… kaya madalas isinasabay na lang sa new year celeb.. hehe.

    pero lagi pa rin espeyal yun, siyempre lalo na pag may pera. in fairness, wala atang birthday ko na wala akong kasamang kaibigan o hindi ako dinalaw.

    yung cake, lalo na yung pangalawa ayaw kong i-share. sarap e. hehehe

  4. Uyyyyyyyyyy, si Marie Antoinette, napadalaw hehehe! Ano ba, pati ba sa blogging, may crisis din sa Pinas?

    HoshiKiriHito, multahin mo sia, ‘sama mo na rin si Salve.

    🙂

  5. Jane: Tonet!!! Okay lang yan mare! actually, i understand kun di ka makakarating naman. nag-try lang talaga ako. kasi para makumpleto ang barkada.

    yes masaya naman… kahit si ate jevs nagdiwang nga e. heheh.

  6. oo nga VF… mukhang abalang masyado ang dalawang veteran bloggers at hirap makapag-post… hehehe

    ah tonet.. tama na ang 2 bote ng VCO at 3 box ng Leche flan..

    avi…pasalubong mula sa celeb ni iki…

    pero ikaw rin naman VF ah… tamad ka rin mag-post.

  7. tunay nga kaya yun. kapag tumatanda nagiging makulit at madaling mawalan ng pasensya. sabi ni kengkoy kapag naging ganon daw sya e batukan ko daw sya. sabi ko naman ngayon pa lang gawin ko na, hehehe

  8. aray ko talagang babatukan na kaagad si kengkoy…
    naku siguro bukod sa ugali na at experience na pinagdaanan.. dapat pala talakayin dito ang hormonal imbalance. hehee

  9. Alam mo mareng jane, tama yan. Don’t be afraid to get old. It’s the only way to go. Alanagan namang habang lumalakad ang panahon, pabata naman tayo. Ang pagtanda e tanda rin ng moving forward. Huwag mag-worry, nang di magka-wrinkles! divash?

    Hapi berdey!

  10. hindi naman ako natatakot tumanda o magkaedad, maraming dahilan at paraan para sumaya ang tao.

    ayoko lang maging malungkot pagtanda ko. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s