Eksato ngayong araw ang anibersaryo ng pagkakabili “namin” sa pang-apat kong cell phone (CP). Wehno naman ‘di ba kung bumili ako? Eh kasi yun ang first time na ako pumili at nagpalabas ng pera para bumili ng sarili kong CP.
Hindi naman kasi ako tech savvy at ayokong maging taong ‘di nabubuhay ng walang CP. Katunayan, nagagawa kong hindi mag-load ng ilang buwan at lagi rin akong nakakatanggap ng complain dahil ang tahhhhhhgal kong mag-reply sa aking mga textmates. Well maliban kasi sa walang load, hindi ko ugali ang magbitbit ng CP kahit saan lalo na kapag nasa bahay.
Medyo naiba na nga lang ngayon dahil yung cp na nabili “namin” (nag-share pa nanay ko makabili lang ako ulit) ay pwede ng magpatutog ng MP3 at mahusay-husay na kamera.
From 1st to 4th
Kung ‘di nagsanla ng cp yung kapit-bahay namin ay malamang wala akong toy este CP nung college. Toy kung tawagin yun ng mga classmates kong pa-chochal kasi kapag nag-vibrate yun nanginginig buong table. Kapag malaglag din ang two-liner at mala-brick game na cp na iyon ay para lang din tumatalbog. Pero wag ka napakatibay nun.
One time naiwan ko iyon sa taxi. Tas nung tinawagan ko, pinapakuha kaagad sa akin nung asawa ng taxi drivers at wala silang kabalak-balak na angkinin daw yun. Hahaha! In the end, ibinigay ko iyon sa pinsan ko nung ipasa sa akin ng ate ko ang 3210 niya.
Yung second cp ko namang yun ay nalaglag ko sa jeep at hindi na ibinalik ng driver. Feeling nasa alapaap kasi ako noon gabing iyon kasi nanalo ako ng isang award sa college namin at niyakap pa ako bigla ng crush ng bayan sa school. Kitang-kita ko lang naman na maraming bruha este babaeng napatanga sa eksena iyong. Buhahahaha! Tas siempre naipamukha ko sa mga nagmamagaling at nagmamatalino na kahit simple si hoshi eh hitokiri pa rin. Kahit nga yung prof na dini-deadma ako nun ay ikinumpara ako sa isang sikat na TV personality. Hayun, yung saya nabawasan ng todong-todo dahil kapalit ng award eh yung cp ko. Huhuhu!
Yung pangatlo actually ay papalit-palit ng unit (3210 – 3310 – 1100 – C651). At nawala o nadukot siya sa Robinson Galleria noong nakakawindang na December 6, 2007. Aligaga kasi ako noon sa pagpapa-picture este sa pagtatrabaho kaya hayun nakalimutan ko na may CP pala ako. Pero actually kahit mawala na yung CP okay lang, ang mahalaga lang sa akin ay iyong sim card kasi yun ang gamit ko since nung magka-toy este cell phone ako.
Other benefits
Bukod sa tool ang CP para makipag-communicate, ito rin ay isang bagay na nagiging dahilan para ako mapangiti, mapahalakhak at ma-inspire. Basta maganda at nakaka-motivate ang forwarded messages di ko dini-delete. Iyon minsan ang binabasa ko para makapag-vibrate ng “positive radiation.”
Pero siempre iba pa rin yung message na personal at bukal sa loob na itineks gaya ng “oh kumusta ka na,” “good day,” “thanks to you…,” ” sweet dreams,” “take care,” “JAPAN,’ and of course yung “I… miss you” or ” I…hope your fine” pwede ring
I…
will cross the ocean for you
I will go and bring you the moon
I will be your hero, your strength, anything you need
I will be the sun in your sky
I will light your way for all time, promise you
For you I will, yes yeah, yeah
“Bosing, nag-reply na ka-textmo. Dali, dali, dali, sagutin mo na bago magtampo!”
Hehehe! Ang hagalpak ko lang nung first time na marinig ko yan na text-tone.
Oy, yang CP, registered initials ko yan. Baka i-korte kita ng public-may-dance…
ah saiyo na ba yan… eddie pag ginawa mo po yan idadawit ko na ang sambayanan. hahaha.
ako rin naalala ko nung may nag-text sa nanay ko tas sinagot niya ng hello. kasi hindi pa niya alam ang tunog.
Thanks for great post !
Free Games
Free Wallpapers
huli ka
naku,
di ka rin pala pala-reply sa text, ha
mana ka ke raft3r
ako nimumura na at lagi akong dedma
kahit tumawag pa sila
dedma pa din ako
hehe
ah hindi naman ako kasing tatag mo. hahaha!
basta ma-feel kong kailangan ko mag-reply nagpapa-pasa load na ako hahaha…
ang reklamo lang na di ko magawa ay maka-reply kaagad.
nagka-CP ka ba ng kasing laki ng pangkuskus ng yelo para sa mix-mix?
🙂
(tingnan ko lang pag maintindihan mo yang mix-mix…)
mix-mix eddie halo-halo
so alam mo rin pala ang point-point… hahaha
-hindi po ako nagkaroon nun.. pang mayaman po iyon eh. dati…
toy lang talaga kinaya ko. heheh
ayos sa kanta a. lab song. hehe
haysus, ano na naman ba yang point-point?
sino ba si hoshi dian sa kodak sa itaas?
bonjour hito-san!
oo ganun talaga icezorg… mabuhay!
sagot lang sa mix-mix ninyo… point -point = turo-turo. wahahaha
ako po yung nasa likod ng kumukuha ng kamera. hahaha.. joke-joke…
actually gumanda ang camera ng celphone mo dahil sa model. very sure ako dun
may ganun! pero sige dahil bonggang-bongga ka that day, agree na me. hehehe!!
huy, kumusta na kayo dian sa Pinas? Malamig nga ba?
opo sa sobrang lamig… nagkasakit ako at may ubo pa hanggang ngaYON
bakit kaya kailangan ko ng CP e wala naman tumatawag at nag te text sa akin kundi si kengko 😦 paawa daw, hehe
meri krismas!
Merry Christmas Ate kengkay!
heheh ok lang yun. at least, hindi ka gaya ng iba na gumagastos ng load at text ng text kung kani-kanino makakuha lang text mates.. hehe.
mabuhay!
hi. mahigit two years delayed ‘tong reaction ko, ha?
no, hindi mahalaga sa yo ang cellphone. iginawa mo lang naman sila ng isang blog na mahaba-haba, he, he…
ang ibina-blog mo lang ‘ata talaga e, ayaw ka nang tantanan ng CPs. akalain mong matapos ang mga aksidente, kasawiang-palad atbpng happenings, ang ending, may cellphone ka pa rin? o, lagi ka pa ring may cellphone? aba, naman… :]
oo nga friend, tagal na! hahaha
sa bagay tama ka rin ano, kahit anong mangyari dapat may cp ako. actually medyo naiba na ang lifestyle ko after one year lang ng blogpost na ito. kailangan nalaging may dala akong cp.
salamat sa paghalungkat ng cp post ko na ito. mabuhay!