
“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight
Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord. Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.
Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.
Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)
Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.
Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?
Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba. Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi. Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen. Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.
Hinuha:
Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?
Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral. Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.
Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.
Ano ang focus?
“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams
This is why playing games are important in our daily lives. 😉
ah tim,
ang lahat ng sobra ay nakakasama. ang laro ay nanatiling pampalipas oras sa anumang mahalagang gawain. well maliban na lang kung ang trabaho mo ay mag-create ng computer games. K?!
hehehe peace!
kaya nga dapat everything must be in moderation… hindi kulang, hindi sobra…pero dapat organize parati or plan for contingencies just in case di mag work may back up ka… 😉
korek mang badoy!
two essential ingredients for successful job (whatever it is) – to be goal oriented and flexible. of course take one step at a time.
focus lang ba? e….., anong nangyari sa ‘inspiration?’
🙂
ah e ibang aspect na po ‘yon kuya VF. hehe
ibang laro at ibang dictionary. wahehehe
e, yung larong poker, hindi focus ang kailangan, poker face (daw); yun bang nakangiti pag maasim, nakasimangot pag matamis!
nakangiti ka ba ngayon?
🙄
nakalutang po VF. hehe
hanggang ngayon supermario at mario brothers pa rin nilalaro ko. hehe
hitokirihoshi_kawaii: welcome sa hoshilandia!
well kung meron pa ba kami nun. malamang adik pa rin ako doon. mas gusto ko yung supermario 3. yun ata yung may pakpak o nakakalipad na si mario.
Masarap ang feeling na worry-free!
Laro na ulit! hehe
hay korek ka diyan… mas alam mong naibibigay mo ang lahat ‘pag walang mga pahara-hara. hehehe
Amen! Mahina ako sa ganyan eh kasi pag tinignan ko yung time na malapit ng maubos and other factors, naooverwhelm ako eh. Pero tama ka. Dapat ibaling ang negative thoughts at magfocus sa dapat gawin, hindi sa kung kelan ang deadline + other chuva. Hehe 🙂
yeah Carol!
ako din madalas, ang daming anik-anik sa isipan kaya hayun madaling napupunarda ang aking mga chinilin. hehehe.
mabuhay sana ay manatili tayong focus sa ating mga priorities.
mabuhay ang online games!!!
yahoo!!!
hehehe… paano ‘yan. hindi naman ako nag-o-online games…
nye nye nye
Nakalutang?
…do you need a lifeguard?
🙂
hindi ko na po kailangan. hahaha… kaya ko naman. may pakpak me
ang buhay parang laro din, eh
may panalo
may talo
at may pikon
hehe
tama yan. ito rin ang kailangan ko…wala namn akong masyadong ginagawa pero wala akong focus… eto ang kailangan ko FOCUS.
rafter! tumpakers ka diyan…may nakalimutan ka pa, ung laging mga taya…hehehe
ummm… dudong, darating din ang time na magkakaroon ka ng gawain na iyong pagkakaabalahan. bigyan mo lang ng focus kapag dumating na yun. heheh
medyo hirap ako sa concentration churva, maliban na lang kung nagbabasa o nanonood ako ng pelikula.
feeling ko magkaiba ang concentration at focus. kaya ko ang focus, lalo na pag may deadline. di pwedeng mawala ang train of thought pag nagsusulat. kahit may distraction sa paligid, kailangang ituloy ang tinitipa sa keyboard.
sa tingin ko naman magkapatid yung concentration at focus. hehehe… kasi para di mawala ang focus mo kailangan mong mag-concentrate. oh di ba! hahaha
hay… naalala ko tuloy si tonet siya ang malakas ang focus eh. takatak-takatak…
ikaw naman walang mahabang audiobook, libro, dvd pag trip mo. hehe
Aba, nawala ang hukos-Pokus ni Bb. Salve at nagising!
Si Tonet, a ewan. Siguro gone with the wind…
O ano, nakalutang ka pa ba? Teka, lutang sa alapaap o sa tubig? May tawag ako diyan…
hayaan n’yo po malapit na akong lumapag… may ibang eklabu lang ako pinagkakaabalahan. heheh
haha… di ko na try yung mario 3.
hitokirihoshi_kawaii: hmmm maganda po yun… cute-cute pa ni mario roon. hahaha!!!
Eklabu?
Wala, ako ang nawawalan dito ng focus! Napapakamot na lang ako ng ulo hehehe!
May laro kami ni BT. Toki-toki Boom ng YM. Kinukuwentohan ko habang naglalaro -ayun, laging talo!
hitokirihoshi_kawaii:eklabu = activities… nakakawala po ba ng focus? hehehe
naku gusto ko sanang alamin kung ano ang mechanics ng laro na ‘yan kaso baka para sa inyo lang ata yan. hehehe kaya ok lang.
december na
new post na dapat
saka bumisita kana sakin
hehe
happy weekend!!!
may nagawa na ako eh haba pa naman kaso ang pasaway na pc namin sa bahay, pa-pampam. nagsasara ng kusa tas may trip kung kailan niya gustong magbukas.
sure. ire-retype ko na lang…
Karibal ba ito ni Lex?
siya po ang nauna, in fairness. minsan ko na lang siya landiin. hahaha