Ang hirap talagang gumising lalo na kapag malamig ang panahon. ‘Yong kama ko parang may magnet at ayaw akong payagan na tumayo o umupo man lang. hahaha! (Magkagayon man, ito ang pinakagusto kong lagay ng panahon na hindi gaanong maulan at hindi mainit masyado.)
Pero dahil isa akong responsableng indibidwal (responsible daw o!) kailangan kong bumangon. Ano nga ba ginagawa ko para matanggal ang antok ko? ‘Pag trip ko, stretching muna saka konting exercise. Padaluyin baga ang mga dugong bughaw sa aking katawan. Siempre dala-dala ko na parati ang aking cell phone para may background music naman. (Malabo na kumanta na lang ako kasi mas ginaganahan akong mag-concert sa loob ng CR.)
Ngunit ang isang basong kape o kahit maligamgam na tubig ay pwede ng pampadilat konti sa aking namumungay na mga mata.

Subalit, a-agree kaya kayo na iba ang umaga pag masarap ang kain ninyo? Iyong kahit hindi mahal at magarbo ang agahan mo ay gaganahan ka. Noong bulinggit pa lang ako, marami akong kinahiligan na umagahan. Iyong tipong kahit inaaraw-araw ko ang pagkain ay hindi ko pa rin pinagsasawaan.
Una na roon ay ang Taho. Maraming nagtitinda ng taho sa amin pero may isa akong kilalang magtataho na sa kanto pa lang ay UMAALINGAWNGAW na ang kanyang boses. Hindi kaya dati siyang UMALAHOKAN sa past life niya?
Sunod naman doon ang hopiang monngo sa tindahan nina Baby Tsina. Kahit minsan masungit si lola at ang mga apo niya sa pagtitinda sa akin, bili pa rin ako ng bili. Minsan, naaasar din sila sa akin dahil pabaliik-balik ako sa pagbili ng tinging keso o coco jam nila. Pero pag tinanong nila kung kanino ako anak, may dagdag na iyong hiwa at takal. Hehehe.

Siempre hindi mawawala sa listahan ang all time favorite ko na Champorado. Kahit kasing laki pa lang ata ng kit chain ang mga talampakan ko, ang layo na ng nararating ko makabili lang ng champorado. Pero the best sa lahat ay yung luto ni Aling Guia. Ang sarap-sarap lalo na kapag nilalagyan niya ng gatas (mas type ko pag powder). Alam ba ninyo na astig yang si Aling Guia, nakapag-abroad na at nakapagpagawa pa ng apartment. (nakatulong yung palima-limang pisong mangkok ko. Hehehe)
Sa ngayon, ganado ako sa homemade peanut butter ni ate marivic. Pwede kong itapat iyon sa isa ko pang favorite na peanut butter na gawa ng isang sikat panaderia ng pandesal. Dahil homemade, talagang gawa iyon sa peanut ‘di gaya ng ibang nabibili pa man din sa grocery na may halo. Hehehe. Iyong presyo niya sulit naman.
Pag trip nyong bumili, comment lang kayo sa akin. Para ma-try ninyo. Hehehe. Yong picture to follow. Gusto ko lang tulungan iyang si ate amrivic ko na umuwi ng Dubai dahil sa kailangan niyang magpa- therapy sa likod.
Hay! Isa pang tanong, ano ang mas gusto ninyo- sobra o kulang sa tulog? (wala makatanong lang.)
Sagot sa tanong: ayokong magtigil sa bed kung walang kayakap, lalo na pag malamig!
Hmm, kasarap naman yang tinapa lalo na pag may kamatis at nakangiting kasama habang kinakain. Best breakfast I ever had ay yong boneless tinapa sa PanckeHouse tapos may nakikita kang mga beauties na patingintingin sa yo…!
B-fast ko dito ay nakakasawa na. Mais na pinaligoan ng gatas!
Penge nga ng peanut butter at makapagluto ng kare-kare!
ang sarap naman ng agahan nyo dyan
ako puro pandesal lang
hehe
pero tama ka
sarap matylog lalao pag malamig ang panahon
lalo na kung may kayakap
yahoo!!!
ah kuya VF, ipinagbibili po ni Ate Marivic ang kanyang peanut butter sa sulit na halaga. hehehe
oo nga, ewan ko ba diyan sa pancake house na ‘yan. pag diyan ako kumakain ng salad napapadami ang kain ko ng gulay.
naku oo nga nakakasawa na rin pag ganyan ng ganyan. sure naman me pag uwi mo dito, ipagluluto ka ni BT ng walang tigil, walang pagod. masarap lang. hehehe.
talagang pareho kayo ng sagot sa kayakap ha. hehehe.
naalala ko tuloy nung bata ako, gustong gusto kong yumakap sa pwetan ng nanay ko. ngayon katabi ko na lang ay sina lorry, shiyu, bluito at Owie. hehehe.
sa agahan, napapadalas pandesal ang kinakain namin. siempre ako lagi tayang bumili. buti na lang may peanut butter na.
Mahirap talaga bumangon sa umaga, malamig o mainit.
Sarap ng almusal mo ah! :p
At mas gusto ko naman ang sobra sa tulog. :p
ah okay tim. ewan ko lang pag masydo kasing mainit kahit anong tulog ko… di na ako dinadalaw ng antok. hehehehe
leng-leng! magkakahiwalay na almusal/ umaga ‘yan ha.
oo nga lalo na kapag gutom na gutom ka… talagang kasarap ng mga ‘yan, esp. yun hmmmm pritong talong.
sa bagay kahit sinasabi ko na masakit sa katawan ang bumabad sa kama, nagpapatagal pa rin akong bumangon.
Miss ko na talaga ang b-fast ko sa Ilocos, lalo na sa mga grandparents ko noon: Fried garlic rice with tuyo or tinapa, boiled kamote tops with bagoong, a big cup of ‘rice coffee, tatlong hinog na manga or ripe papaya…yun bang kumakain ka na parang wala kang pakialam sa mundo if you are sloppy or not.
Nagsasawa na ako talaga dito sa mga commercial breakfasts. Tingin ko sa mga yoghurt at cereals ay parang kaning-baboy!
Time to come home at makakain ng tunay na pagkain…sa lilim ng punong kahoy or at the middle of the farm… away from the husle-bustle and pollution ng siudad!
Good morning HitoKiri!
good morning VF!
naku natatakam naman ako sa mga tinuran mo. as in nai-imagine ko ang mga pagkain na ‘yon. hmmmm.
sana nga makatikim na ng mga foods na ‘yan at ng masaya na ang lafang mo. davash!?
“lafang mo. davash!?”
yaaaaaay, whas dat? fagkaen vah yohn?
…let me ask BT. Siguro, alam niyang lutoin yon…
naghahanap pa naman ako ng daing na bangus ngayon. di ko lang ma-post sa blog kasi kina-career ko yung pag picture sa daing hehe.
VF! ang ibig sabihin po ng lafang ay pagkain (eat) at ang davash naman ay di ba? (right?) hehehe
hi icezorg, welcome sa Hoshilandia!
hehehe… naku masarap din yan… yummy! masarap din isaw-saw sa either suka o tuyo na may kalamansi.
Kaka gutom naman dito. Mahal ang bangus sa mga fast foods. I need to learn how to cook talaga.
hitokirihoshi_kawaii: Mabuhay and welcome sa Hoshilandia Jason!
Naku hindi ka nag-iisa, hindi rin ako marunong magluto hehehe. Marunong lang mamalengke at kumain. Oo nga, minsan natatakam rin ako sa mga pix sa taas kasi matagal ko na ring mga kuha iyon. mas gusto kong luto sa bangus ay inihaw tas sawsawan ay toyo at kalamansi.
ehem
nasan na almusal ko?
gusto ko coco jam palaman, ha
hehe
hehehe… makakabili ka rin raft3r. teka, naalala mo pa ba yung coco jam na nakalagay sa isang malaking Tupperware na hugis mansanas?
iyon ata yung first time na nahilig ako sa pagkain ng coco jam.
wow ang sarap ng tinapa. Miss ko na yan since walang tinapa sa cebu.
dangit gusto niyo.
http://cebuimage.blogspot.com
gusto ko rin nyan… crispylicious!!!
welcome sa hoshilandia!
Pakain ulu sa inyo jane!
sure, may big event ulit join kayo!
ay matagal pa ata..
heheh… naku medyo nga. baka sa b-day na ni manang juling sa august. with matching ballroom pa yun kahit may videoke na.