Ang Pinaka Paboritong movies ni Vilma Santos

Kung papipiliin ninyo ako rati kung sino between Vilma Santos at Nora Aunor ang type ko, mas gusto ko si Vilma.  Dahil kasi iyon sa show niya sa GMA 7 na talagang may bonggang-bonga production numbers siya palagi. Eh mas hilig ko ang mga sumasayaw kaysa kumakanta.  Feeling ko kasi,  marami na ang magaling na singers at singer-singeran pero ang magaling at graceful sumayaw, napakabihira niyan.  Sa ngayon, kahit  kanino na  ako. After naman ako sa kabuuan ng pelikula at acting at hindi sa artista.

Nitong nakaraang linggo nakapanood na naman ako ng “Ang Pinaka” and ang kagandahan pa nito  ang mga paboritong movie ni  Star For All Season- Vilma Santos ang tampok.

Vilma Santos old photosIto po ang mga iyon:

10: Alias Baby Tsina (1984)

9.  Dekada ’70 (2002)

8. Lipad Darna Lipad (1973)

7. Tagos ng Dugo (1987)

6. Anak (2000)

5. Bata Bata Paano Ka Ginawa? (1998)

4. Pahiram ng Isang Umaga (1989)

3. Burlesque Queen (1977)

2. Sister Stella L (1984)

1. Relasyon (1982)

Ang pinakapaborito ko naman dito ay ang “Bata-Bata Paano Ka Ginawa.” Astig itong pelikulang ito, kahit sino sa cast wala kang itatapon. Sa lahat pinakagusto kong eksena ay nung tinatanong ni Albert (Ding)  si Vilma (Lea)  kung anong magandang luto para sa itlog- prito ba o laga?  Eh aligaga si mother Vi sa pagpapatahan kay Maya (Serena Dalrymple na wow na wow ako sa performance) kaya ‘di sya makasagot. Sa bandang huli nagalit si Ding… alam nyo sagot ni Lea?

Lea: NANG putang ina gawin mong manok!

Siempre winning moment at classic talaga ang acting nina Carlo Aquino (Ojie) at Vilma sa scene na…

Lea: Wala akong ginagawang masama

Ojie: akala mo lang wala, pero meron-meron

(Sampal ate VI with matching panggigil ng nguso at panlilisik ng mata!)

(Pasampal ka Carlo habang umiiyak then hinga ng malalim!)

I like it grabee.  Naku kung natutukan lang talaga ng kung sino man yang si Carlo A. talo pa niyan sana sina Piolo P, Jericho R, John Lloyd C. sa mga stars ng 2.

Bukod sa mangilid-ngilid din ang luha ko, lalong-lalo na iyong itinulak ni Claudine si Vilma nang ipinapauwi siya nito sa bahay nila noong naglayas siya, memorable talaga sa akin ang “Anak.”  Iyan kasi iyong pelikula na pinanood namin ni Manang Juling sa sinehan na kinain ata ako ng silya.

Ito ang eksena, nakapwesto  sa  medyo gitnang part ng orchestra sina  Manang Juling at Hoshi. Ang nasa screen na ay ang confrontation scene ni Vilma at Claudine kung saan sinabi ni VIlma: “Sa bawat paghithit mo ng sigarilyo mo… kung ayaw mo  sa akin, ayaw ko rin sa ‘yo!”

Manang Juling:  Tingnan mo nga nagagawa ng ina. Kahit anong sama ng mga anak nandiyan pa rin (medyo humahagol-gol habang sinasabi).  Ang anak matitikis ang magulang pero ang magulang….

eh akala ng tao inaaway ko ata siya, nagbulungan tuloy. Tas may narinig ako Grabe naman yang babaeng ‘yan! Hayun kinain na ako ng silya ko. Hahaha!  Akala siguro nila si Claudine katabi nila. (joke)

Yung ibang pelikula sa chart ay ipinalabas ng wala pa ako sa mundo kaya hindi ko masyado na maarok. Ito ay maliban sa “Burlesque Queen” na super renta ako before.. Yung “Dekada ’70” di ko naman pinanood kasi di ko trip, wala siguro ako pera noon. Sa lahat naman ng laman ng survey  naku- curious ako sa “Tagos ng Dugo” mukhang maganda siya e.

Hay miss ko na makapanood ng mga lumang pelikulang Pinoy.

Sana ulitin yung kina Sharon at Nora, maging yung kay Dolphy kahit napanood ko na sa Ang Pinaka.

26 thoughts on “Ang Pinaka Paboritong movies ni Vilma Santos

  1. Diyan sa top 10 movies ng “Ang Pinaka”. tatlo lang ang napanood ko. Maganda talaga ang Bata Bata Paano Ka Ginawa? Maganda rin iyong eksena na napagbaligtad ni Vilma kung sino kina Albert at Ariel iyong ‘di nagdala sa kanya sa ospital noong manganganak siya. :p

    Napaiyak din ako ng “Anak”.

  2. ay oo kasama rin yan sa mga eksena na ipinakita doon sa show. sabi ni ate VI kina Ariel at Albert…

    “Oo tanga ako, tanga ako. kaya nga kayo ang napangasawa ko e.”

  3. Hindi po ako maka-Vilma. sabi ko lang po…

    “Sa ngayon, kahit kanino na ako. After naman ako sa kabuuan ng pelikula at acting at hindi sa artista.”

    hehehe. ok din na man po sa akin si nora. amazing yun lalo na sa minsan may isang gamu-gamo at “himala.”

  4. “Anak” made me iyak too 🙂

    I may need to watch the film again to remember the whole story but I know it’s all about the travails of OFWs in Hong Kong.

    Oo, magaling nga si Ate Vi bilang artista -sa kapanahonan niya. Pero marami nang mga bago ngayon na mas natural ang acting.

    Naku, nababading na yata ako dito sa topic mo hehehe!

  5. hahhaa… ok lang yun. hindi naman siguro kabandingan ang humanga at mag-critic ng pelikula. hehehe.

    sino bang tinutukoy mo na magaling na artista na magaling ang acting.

    ako kasi minsan nagagalingan kay John lloyd… lalo na dati sa maging sino ka man at jericho rosales sa santa-santita.

  6. OK tsismisan ninyo ah. hehehehe. Am here! Present! Hehehhe.

    Alam mo naman, VF and I are each other’s buntot! Hehehe

    Girl, basahin mo yung book ng bata bata… magagaling talaga yung dialogs dun. Naging faitthful lang yung movie. 🙂

    hitokirihoshi: ok lang ang buntutan na yan. hehehe

    oo nga di ko pa nababasa iyon. ang nabasa ko noon ata yung isa pang book ni lualhati bautista na “Gapo.” kaso di ko rin natapos kasi gumon ako noon sa pagbabasa ng “mga ibong mandaragit” ni amado hernandez. nakakuha ako ako ng original version as in 1950s pa. hehehe masabi lang..

  7. I like Anne Curtis sa ‘Maging Sino Ka Man’, better than Bea Alonzo.

    AC is more natural sa kanyang acting at hindi bakya ang English niya. Dapat alisin ni Ms. Alonso ang ending nia na e… as in I don’t like e…

    Nakow, nababading na nga akow!

    Hehehehehehehe!

    hitokirihoshi: hmmm may point naman kayo diyan. magaling lalo si anne sa mga bitchy roles parang bida-contravida style. gusto ko siya before lalo sa “Hiram” nina Dina B at Kris A.

  8. Hoy VF! Ala kang karapatang mabading.

    Kasi pangit ka. Hehehehehehhe!

    At saka di bagay.

    Para kang maton-looking na bading. Yuck!

    hitokirihoshi: no comment na lang. hehehe. (sabi ko naman kasi sa iyo VF eh hindi naman kabadingan ang paghanga at pag-critic, eh inulit mo pa. yan napagalitan! hahaha)

  9. OOOpppps! Tabi-tabi po.

    Di ko po planong mang-away.

    Napilitan lang ako.

    Kasi naman… I’m concerned kay VF. Di siya magkaka-fafa pag natuluyan xia! Hekhekhek. I wanna save him from the grips of kavadingan.

    Yun ay kung… di pa siya tuluyang bumigay!

    hitokirihoshi: tingin ko naman di bibigay yan. may BT siya e.

  10. HEHEHEHEHEHEHE!

    Oist BT, hindi ko nga bagay ang Vading dahil pati pusa ko, laging natatakot sa boses ko!

    Eto kasi si Hito, yung mga paborito kong artista ang kuento!

    🙂

    hitokirihoshi: hahaha. naku nasisi tuloy ako. napagalitan kasi. nye nye! (joc-joc) ok lang yan. kwentuhang sining at artistang pinoy naman tayo e

  11. si Manang Juling din Ate kengkay, napaka NOranian dati. dahil sa kanya napanood ko before yung variety show ni ate guy.

    na-dissapoint lang si Mader ng kung ano-anong intriga ang kinasangkutan ni ate guy. well, siguro na rin wala kasi si ate guy dito. haahha. hay may balimbingan talaga!

  12. nyahaha
    di ko ito kinaya talaga
    nanaay ko din vilmanian
    matutuwa yon sayo

    pero may fave movie din ako ni ate vi
    kaso di ko alam yun title
    medyo luma na
    yun sila ni boyet
    tapos si ate vi nagtratrabaho sa planetarium
    tapos may sakit sa utak si boyet
    hehe

  13. kuya Raft3r! ang pelikulang tinutukoy mo ay walang dili’t iba kundi ang nangungunang pelikula sa chart ang “Relasyon.”

    dito kabit ni Boyet si Vilma.

  14. di ko pa rin napapanood ng buo yang relasyon.

    sino po ang bida sa pepe at pilar? sina gabby at maricel po ba iyon ? at sa amerika ba iyong setting non?

    hehehe

    1. hi and welcome dito sa hoshilandia!

      hmmm oo nga itong dekada ay parehong family oriented and may social relevance. may kilala rin ako tulad ng character ni Piolo. at kahanga-hanga ang kanilang katapangan at paninindigan.

      salamat sa pagbisita.

  15. ako,since bata pa ako si Ms.Vilma Santos talaga ang paborito kong artista.magaling kasi sya at magaling umarte.pinakagusto ko sa lahat ng movie nya ay ang ANAK.napakagaling alaga ni Ate Vi dito,muntik na akong maubusan ng luha..

    1. hi joan and welcome sa hoshilandia!

      oo naman hindi matatawaran sa acting yang si Governor VI. isa yan sa ilang versatile actress natin. hindi puwedeng ma-typecast dahil lawak ng range ng kaya niyang gampanan na mga roles. siya iyong actress na pumapaloob sa character.

      hmmm naku naalala kodi ko pa pala napapanoo ang in my life. makarenta na nga sa video city.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s