Ayoko na Blue!

I

Sa mahigit limang taon ng ating pagsasama

Naging totoo tayo sa bawat isa

Walang kinubli , wala ring itinago

Ikaw ang nakaalam ng aking kasiyahan

Nang aking mga kalungkutan, tagumpay,

Kasawian at maging kabaliwan

Kung tutuusin ay napakaordinaryo mo

Pwedeng bastang palitan, pwede ring iwanan

Pero dahil akin ka, ‘yon ang pinagkaiba

II

Madalas sumusuong ako sa iba’t ibang laban

Napapagod sa aking pakikipagsapalaran

At kung minsa’y umuuwing luhaan

Ngunit dahil alam kong nariyan ka,

Handa akong umiyak at muling umasa

Ako’y sundalo at ikaw ang aking kuta

III

Patawad kong ako’y naging palalo

Palagi kitang pinipilit na magbago

Sa iyong kabuuan ay ‘di ako makuntento

Marahil kung susumbatan mo ako

Sasabihin mong “magulo kang tao!

“Kulang pa ba ang kabutihan ko sa’yo?

“Umalis ka’t bumalik, wala kang narinig

“Pinapansin kung kailan gustong gawin

“Hahanapin ‘pag walang ibang kapiling”

IV

Blue ‘di ko malilimutan ating pinagsamahan

Larawan nati’y itatago ng mainam

Tala ko sa iyo’y mahirap ng maparam

Subalit, hanggang doon na lamang

Iba na ang aking tinatangi

Pagbabago sa puso’y ‘di na maitatanggi

V

Masakit man sabihin pero ayoko na!

Gusto ko mang magpatuloy

Hindi na mapipigilan pa

Pati ang tao sa paligid ko’y humusga

Wala na tayong patutunguhan

Mabuti nang tanggapin ang katotohanan

Paalam na Blue Nassau

Alam kong sa hulihan nito

Ugnayan nati’y mag-iiba lamang ng anyo

Note:

Ang tula-tulaang ito ay para sa dating kulay ng aking kuwarto.

Ngayon kulay purple na siya with matching orange pa.

Wahhhhh!

Advertisements

21 thoughts on “Ayoko na Blue!

  1. Blue Nassau ay ang tawag sa dating kaharian o teritoryo ni hitokirihoshi_kawaii sa emperyo ni manang juling. mas kilala na ito ngayon bilang purple nassau.

    kahit anong part sa tula-tulaan na ito ay wala kang kinalaman. hahaha. tama na ang mga personal kong sulat sa ‘yo. hehehe

  2. wow, ako naman naka relate sa ibang kahulugan, infairness ha. nakakatulong pa gusto mo at kailangan mo ng tangapin na lahat natatapos din. kahit ano pa ito. maganda, pangit, masaya, malungkot at iba pa. kailangan minsan mag let go and move on. SALAMAT

  3. tulad nga ng sabi ni timoty naks! kulay lang pala…nku pag inlove ka lalo gaganda ang blog mo kc ngayon pa lang in love n ang dating ng blog mo ..hehehe

  4. ayoko ng pink. heheh. tama na paminsan-minsan sa damit. hehehe. sino yun? ching! wag mo ng i-reveal.

    bakit purple? kasi yun ang talaga ang orig kong fav. color, gitna un ng cool blue at hot red, at wala lang maiba lang- may pinaghahandaan lang ako. btw, ang purple/violet/lilac ay kilalang kulay para sa paghahanda at espirituwalidad. pansin nyo bago magpasko, naka-kulay ube si father pag malapit na ang pasko?

  5. aling baby… ngayon ko lang nakita message mo … nasa spam kasi. anyway, thanks po sa inyong bati..hmmm kaya ko pinalitan para maiba naman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s