Mabahong Realidad (base sa mga tunay na pagtatae este pangYAYARI)

(part 5 of Pupu Series)
a. Amoy Paa

Katatapos lang na mag-punch ng magandang empleyadang si Dyesebel ng kanyang time card nang ma-feel niyang nauutot siya.  Luminga-linga siya sandali saka pinasabog ang kanyang ulalala!!!

Eh dumaan ang accounting Boy na si Mr. Chiz

Dyesebel: (tumingin kunwari sa bulletin board) bakit ba amoy paa rito?

Mr. Chiz:  Oo nga! Grabe naman!

b. Makati

Vin: tingnan mo nga rito (tinuturo ang behind niya) parang may gumagapang, ang kati!

(agad sumunod si Dyosa  sa pakiusap ng asawa)

Dyosa: wala naman eh! (nakatutok na sa pwetan ng kanyang asawa)

Vin: (umutot) ay hehehe

Dyosa: bastos!

c. Hilot:

Nanay: Ne pahilot naman, masakit ang kasu-kasuan at balakang ko  (nakadapa, habang nanood ng TV).

Medyo padabog  na sumunod si Nene dahil pagod galing trabaho.

Nanay: Dito (itinuro ang mga hita niya) oh!

Nene: (tahimik na naghihilot mula talampakan papuntang hita nang…pooooooh!) ano ba yan Nay?!! Hinilot na nga eh inututan pa!

Nanay:   Sos! ganyan din naman nung inire kita.

d. Pilay Kasi e!

Takang-takang si Jean Blue kung bakit umagang-umaga seryosong pinapagalitan ng Ina niya  ang pamangkin niyang si Kalabasa. Sa pagkakataon na iyon, hindi na siya nakiusyoso. Noon niya lang kasi nakita ang kanyang apat na taong gulang na pamangkin  na nakayuko  at nakahalukipkip habang pinapagalitan.

Nang sila na lamang mag-ina, tinanong niya ito kung bakit niya pinagalitan si kalabasa.

Nanay:  ah kasi sabi ng kuya mo, tumae raw sa kuwarto.  Yong mga kurtina at punda doon nagpunas. Pinagsabihan ko bat hindi ka nagsasabi sa tito Bayani mo.

Jean Blue: eh anong kinatwiran? Mukhang dalaga na nung nakayuko habang sinasagot kayo eh.

Nanay:  aba sabihin ba naman (with matching mwestra pa ng pagsinghot ng bata) eh kasi Pilay siya eh! Huhuhu!  Bagal-bagal niya gumalaw, sisigawan ko pa.

(oo nga naman, naawa lang siguro si kalabasa sa tiyuhin niya na may dalawang saklay.)

e. Saang College iyon?

Matagal ng napapansin ni Guada ang isang ‘di pamilyar na istudyante na pagala-gala sa kanilang College of Liberal Arts. Lagi niya itong nakikita sa kanilang hallway at maging sa comfort room pero hindi naman niya malaman kung anong course nito.

Isang araw nang makita niyang muli ang nasabing istudyante sa Canteen ng buo nilang Unibersidad ay sinundan na niya ito. Ang mahiwagang istudyante pala ay taga School of Science ayon sa ID nito. Ano ang ginagawa ng mahiwagang istudyante sa kanilang college?

Nung matapos ang pagkain ng istudyante ay pumihit na ito sa pataas sa kanilang building.  At sa may hagdan ay itinalikod na nito ang ID nito at saka pumasok sa CR. ‘Yon na ‘yon

Advertisements

20 thoughts on “Mabahong Realidad (base sa mga tunay na pagtatae este pangYAYARI)

  1. Tanong lang, ba’t kaya kasi ‘di nai-ipon ang utot at gawin na parang pepper spray para magamit na lethal weapon? Tapos may level ng strenght:

    Utot Bata – strong
    Utot Binata – very strong
    Utot Dalaga – extra strong

    :-))

    Teka, umu-utot ba ang mga dalaga? 🙂

    May kuwento ako tungkol sa ‘amoy’.

    Isang gabi, sabi ni Kabise habang hinahalikan ang paa ni Misis, “Hmm, amoy melon.”

    Nung hinalikan ang tuhod, sinabi ulit, “Hmm, amoy melon,” sabay pinatay ang ilaw.

    Humalik uli sa dilim ngunit napasigaw pagkatapos. “Melon amoy!”

    :-))

  2. VF! grabe ka naman, eddie alien na ang mga dalaga pag ‘di sila umuutot. may style and fashion lang sila kung paano ang attack sa eksena. wahehehe

    oo nga noh… ano kaya ang magiging reaksyon ng mga terorista kapag nagpagod sila sa kakagapang at kakagawa ng weapon pero isang spray ng utot lang pala sila. watatatatatatata pohhhhhhhh!

    ayos sa kwento, may kabhahuan din hehehehe!

  3. oo pinapirma ko pa sila ng waiver.. hehehe

    madali bang ma-trace kung sino…

    baka ito na ang huling part ng mabahong series ko…

  4. neng, napaka bango ng blogs mo. ito kinakabagan na ako sa katatawa at kasunod nito punta na ako sa… well u know na!!! astig ka talaga.. imagine mo nagawan mo ng blog ang isang bagay na di mo nakikita subalit naamoy hehehehe

  5. shemprei naman ate.. hehe… tama yan para kabagan ka naman paminsan-minsan. alangan naman kami lang. wag ka nga pala sa dulo ha! balwarte ko na yon. hehehehe. chuz!

  6. gusto ko sana sabihin na hindi akoat walang pakong naririnig ng ganyan kuwentong ubod ng baho at bastos.
    Hay naku kakadiri naman yan.

    Pero parang may kulang at maling character ang ginamit mo no!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s