Humor not discrimination

MABUTI naman at humingi na ng tawad ang pamunuan ng BBC at ng show na “Harry and Paul” sa pagkomedya nila sa paghihirap at pagpapaalila ng ating mga kababayang Pilipina sa ibang bansa.

Marami namang paraan at mas creative na linya na pwedeng ibato sa ganoong mga eksena para kailangang magbanggit pa ng isang nasyonalidad na malamang ay ni hindi nila alam kung ano ang tunay na pinagmulan at pinagdadaanan. Ang sarap iharap sa kanila si 2005 Ms. International Lara Quigaman at isupalpal sa kanila ang kanyang winning answer.

Alam kong matagal nang namumuhay na parang virus ang diskriminisyon, hindi lamang sa mga Pilipino kundi maging sa ibang lahi na aba na nga ang kalagayan ay niyuyurakan pa.  Nasa kulay ba ‘yan, nasa trabaho o nasa dumi lang ng kokote ng nag-iisip?

Masaklap lang at sa TV pa ito itinatampok ha? (sama n’yo na iyong sa “Desperate Housewives” ni teri hatcher)  Masakit na nga ang makaranas noon sa realidad, ipinagduldulan pa ng isang show na maganda sanang panoorin para panandaliang makabawas ng problema. Ilan pa kayang tao ang iimpluwensyahan nila para patuloy na matahin ang mga Pinay?

Oo talagang dapat lang ang ginawa nila at sana hindi na maulit pa sa kahit anong show sa US, UK at sa kahit ano pang bansa. Pero sa totoo lang, nakadali na sila, nag-iwan na naman ng peklat. Hmp!

Sinong  alien?

Gaya ng aking pangako kina BT at VF na ibabahagi ko ang aking comment sa post ni BT na On the OFW Phenomenon, Mail-order Brides, Prostitutes, and More

ito ang aking iba pang sentimiento…

My bad experiences with aliens were through chatting and (indirect) interviews. Okay to explore… madalas nakikipag-chat ako with other nationals. grabe, out of 10, 2 1/2 lang ang okay….sex lang ata ang nasa kokote nila and once na malaman nila na you don’t have camera kahit may pics ka… hihinto sila sa pakikipag-chat sa iyo.

Interviews well madalas, kapag ang nai-interview ko ay Filipino from abroad, one of my leading questions is yung discrimination. well, i’m happy that though na dumaan sila sa ganun eh nao-overcome nila. for example yung kay billy crawford. sabi niya, tinawag siyang yellow man, FLIP, and non sense.

“When I got to New York, when I was in junior high, discrimination for being Filipino yes! Because we’re known for mostly of our negativity around the world, we’re known for prostitution, for drugs and for poverty. Lahat ng masama alam ata ng mga Filipino o alam nila mga Filipino ang mga gumagawa nun,” yan po ang eksaktong sinabi niya walang labis walang kulang. pero tingnan n’yo naman may naabot din siya.

okay another courageous Filipina ang nakausap ko na kahit may mga kuning s’ya sa buhay… go for gold pa rin.

“Pag passive ka… body language is very important. I experienced it in the beginning akala nila kakayan-kakayanin ka nila because parang feeling mo hindi ka siguro sa sagot mo. Kailangan confident ka.

“I wouldn’t deny that in the beginning I was intimidated but years went on I realized that if they gonna pay attention to you, what goes around comes around.” – Rachelle Ann Wolfe (former Bb. Pilipinas Young International and host of “GMA Supershow”)

see… dumadaan sila sa matinding discrimination and even ganun, buti na lang fighter sila o lahat tayong Pinoy. ang may problema yung mga taong makikitid ang utak. boooh kayo mga alien… mabuhay Pinay & Pinoy.

Advertisements

17 comments

  1. “Masakit na nga ang makaranas noon sa realidad, ipinagduldulan pa ng isang show na maganda sanang panoorin para panandaliang makabawas ng problema. Ilang pa kayang tao ang iimpluwensyahan nila para patuloy na matahin ang mga Pinay?”

    Hello, Hito, my friend. This is a winning line! Iyan, pwede nating isupalpal sa kanila.

    Kailangan talaga nating labanan ang diskriminasion. Tama ka, isa itong virus na kailangang mapuksa.

    Mabuhay ka at ang iyong blog!

  2. salamat BT sa napakabilis mong reply! dapat sugpuin na ‘yan. Abanse Pinay! ay teka dati atang party list un ah.. hehehe

    pero Mabuhay talaga tayong mga Pinay!

  3. hai! o genki desu ka?

    discrimination is everywhere. in the workplace even at home. pero no one would ever equal the experience of racial discrimination.

    i have a lot of first hand experience even in our own country, in our own background so to speak.

    if we want to cleanse other’s thought about “us”, we need to cleanse ourselves from the imperfection of human nature.

    😀

  4. Hola Geisha!
    yeah I agree, It’s really sad that some of our kababayans resort to illegal and immoral activities abroad. Their images affect those who work hard and striving for excellence.

    I wish people, especially Filipinos would know how to give respect and appreciate genuine beauty or kindness!

  5. totoo yan, kahit saang sulok ng mundo laganap na ang diskriminasyon sa ating mga Pinoy pero sana makita rin ng mga kapwa natin na nagt-trabaho sa ibang bansa tuluyang sirain ang imahe ng mga Pinoy sa paningin ng ibang nationals…marami pa rin talaga sa mga kababayan natin na lantaran ang panloloko pati na rin sa kapwa Pinoy nila. nakakapanlumo pero totoo. Sana maisip nila na pare-pareho lang naghihirap ang lahat para kumita at makatulong sa pamilya. wag naman sana nilang patuloy na sirain ang mga Pinoy sa mga panloloko at panggagamit nila sa ibang tao.

  6. Yo, HitoKiri-san!

    Nice of you to remember that Ms. P. L. Quigaman episode. Wasn’t she witty? Beauty and Brains talaga ang mga Pinay kaya ang daming nai-inggit. 🙂

    Pero tanong ko lang, bakit ba naman yun pa ang tinanong ng press. If a famous English dictionary already once defined Pinays as nannies, di ba parang insulto na yon mismo? Buti na lang magaling at matalim ang sagot ni Ms. Quigaman. Pero sa totoo, I’m not sure if the audience were really ready to accept the message of her answer. There was already prejudice in the question itself.

    Anyway, thanks for writing this. Thru the internet, unti-unti natin na mai-assert ang mga karapatan natin as a respectable race.

    Mabuhay ang Pilipino!

  7. Humor is good as long as it is not at the expense of a certain person, race, culture etc.

    I saw that scene from Harry & Paul on YouTube and it’s not really done in good taste; it’s dry humor.

  8. Totoo yan, talagang dry sila. Pag gusto mong tumanda kaagad, manood ka sa BBC hehehe! Di kagaya natin, laging nakangiti. Tingnan ninyo si Erap, panay ang joke:

    Pumunta sa court hearing si Erap.

    JUDGE: Ano ba talaga ang nangyari?
    ERAP: (‘di nagsasalita).
    JUDGE: Sumagot ka sa tanong! Magsalita ka!
    ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang ito? Bakit may speaking?

  9. madalas nga ganon na nga lang ang mabisang reaksyon, ang mang-deadma.

    pero koreke ka, ang karma mas grabe pag tinamaan sila. pung!

    may kinalaman kaya ang financial crisis ng US sa comment mo? chuz!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s