Feliz aniversario ka-Hoshilandia!

ONE year na ang KWENTOTPANINIWALANIHITOKIRIHOSHI (long for hoshilandia) noong October 3! Sa sobrang busy, gustuhin ko man na kumpletuhin ang entry na ito sa mismong araw na iyon ay hindi ko nagawa. Huhuhu! (sa totoo lang dami ko pang draft na hindi matapos-tapos.)

Anyway, nakakatuwa naman dahil sa loob ng isang taon ay nakapag-post ako ng mahigit 60 entries, kinatok ng lampas  apat na libo, nagkaroon ng mga online buddies, naka-attend sa wordcamp, nakatanggap ng sari-saring comments na talagang nakakapagpangiti sa akin at nakapasok na rin ako sa
Top Posts from around WordPress.com at Fastest Growing WordPress.com blogs. (Kanina lang nag-check ako nakita ko ulit blog ko rito. yahoo!)

Masaya ako ‘pag may nakakapansin sa blog ko esp. sa di ko naman kilala. Well, dahil na rin iyon sa hindi ko naman masyado in-advertise, mabagal akong mag-post ng bagong entry na madalas ay madrama,  minsan ay mga kalokohan  lang at may panaka-nakang pagbugso ng kaseryusuhan.

Siempre gusto ko rin batiin si Ate Jevz at ang aking mga ka-PUPU dahil nakakailang kwento’t paniniwala na rin sila di ba? Iyong mga avid viewers and commentators ko. Sa mga friends ng mga kaibigan ko talaga, mabuhay kayo (oo  Sherma, Raft3r and VF kayo yun!)… sarap ninyong kasagutan, swear!

Sa mga batikang blogger na nagbibigay sa akin ng panahon (yes ate kengkay, mangbadoy, papertilapia, artinformer, aling baby, geisha, pelicarol, etc.). Sorry dun sa mga nakakaligtaan kong ilagay sa blogroll.  Kasi depende  ‘yan kung type ko ang blog ninyo o kung gaano kayo kadalas sa hoshilandia ( oh ‘di ba may requirements). Pero happy ako roon sa mga napapadaan lang pero pabalik-balik naman.

Siempre special mention sa aking thank you entry para sa anniversary ng hoshilandia ang aking blog mentor na si gumamelang malikhain at masulat – avi canale.  Siya po ang sisihin ninyo kung bakit may hitokirihoshi na umeeksena sa wordpress. Siya rin ang susi kung bat nakapagpa-picture sa akin si Mr. WordPress hahaha!  Salamat din sa mga regular customers ko rito na sina pinkleng-lengstorymachine tonet, hot momma DyeseTet, nawawalang Kuya Obet… doon sa iba na kunwari ay ‘di tumitingin pero regular naman na nagbabasa, thank you na rin. Pero alam ninyo mas maa-appreciate ko ang presenysa ninyo  kung marunong kayong mag-comment. I thank you.     Hehehe

Dahil may pahintulot na ako ni ate jevs, ire-reveal ko na ang lihim… lihim kung bakit mahaba ang url and blog ko…. Sa totoo lang na-amaze ako na makita iyon na nakalagay sa wordcamp I.D ko. Feeling ko kung may contest ng pahabaan ng blog and url name, panalo na ako. … okay bakit nga ba?  Kasi noong una ay ayokong i-share sa iba na meron na akong blog.   Kung malaman man nila, hahayaan kong mahirapan sila sa kaka-type.

Pero di naglaon ay naisip ko na pati ako nahihirapan na rin.  Ang nakakatuwa lang ay kahit ganoon,  may dumadaan pa rin. Saka madali namang i-recall di ba ( oo ikaw VF ang tinatanong ko.. hehehe. ang hitokiri nga pala po ay “slasher” sa salitang Hapon) hayaan ninyo, mas magiging open na ako.   Lalo pa’t napag-alaman ko na takam na takam sa local info… (yes hindi po hard news) ang aking mga readers  (hahaha may ganun!) mabuhay!

Advertisements

20 thoughts on “Feliz aniversario ka-Hoshilandia!

  1. salamat Rafter sa iyong pagbati! siempre no…kailangan may ganun mataas ang pamantayan namin este ko dito… hahaha! saka talagang binabasa ko yung nilalagay ko sa blogroll ko.

    wala pa kasi ako time nitong nakaraan pero ngayon sige medyo maluwag ako? paano at saan ko makikita ang pa-contest mo?

    mabuhay!

  2. Bon Anniversaire / Happy Birthday!

    (bong annivérsér). Yan ang pag-pronounce sa French!

    Hehehehe! Akala ko noon, suicidal na isdang hito yang pangalan mo ateng HitoKiri. Naaa, at gangster pala!

    OO, kahirap ngang i-pronounce yang pangalanmo sa kagaya kong bulol hehehe! Tapos, idagdag mo pa yung accent ko sa Tagalog, hayan, panay tuloy a tawa ni BT.

    Yes, I visit your blog because of your funny stories. You sound very friendly and reading blogs like this makes me feel closer to home. And yes, hope to meet you one day….basta promise mo lang na huwag mo akong tawanan pag nag-Tagalog ako.

    Voila. Bon anniversaire ulit. May you have more ‘Hitokirihoshiniversaire’ to come! 🙂

    (try mo nga yan pag hindi ka nabulol hehehe!)

  3. aba may bago akong natutuhan ngayon at french pa ha. salamat sa pagbati!

    grabe napangiti na naman ako…

    “Yes, I visit your blog because of your funny stories. You sound very friendly and reading blogs like this makes me feel closer to home.”

    wuhuhu thanks po!

    hindi ko po kayo pagtatawanan kasi hindi rin naman ako marunong mag-Ilocano eh. hehehe
    Mabuhay!

  4. oi congrats! napahanap pa talaga ako kina aling baby, kengkay at geisha… isa lang akong simpleng blogger na walang magawa sa malaysia hahahah!

    kahit di ako masyado sa bahay mo patuloy ka parin dumaraan sa bago kong ebahay…

    happy anniversary!!!

  5. salamat Mangbadoy! ayaw pa aminin, batikan ka talaga!

    at least kahit nasa ibang lugar ka abot kamay ka lang namin dahil sa ebahay mo…dava-dava!

    mabuhay!

  6. PS Ateng. (off topic)

    Puntahan mo yung latest comment ko kay BT re: OFW. Pag may time ka, can you also write about the topic, Flipina stereotyping? Yun kung type mo lang…

    Pakipasa nga kay Avi. Can’t access her blog.

  7. Aba, biruin mo naka-one year na ang blog mo at ang daming nagbabasa samantalang noon sinasarili mo lang ang blog mo sa isang social networking site.

    Keep on writing. Keep on expressing yourself. By doing so, you’re making a positive difference to your readers without knowing it! :p

  8. Happy Anniversary, Hito!

    Wow, sarap ma special mention, hehehehehe!

    Lam mo ba, mas mahaba pa yung alam kong URL mo.

    mgakwentotpaniniwalanihitokirihoshi

    Hahaha

    Wala na palang “mga”! Huuuuu….

    Congratulations, girl. It was nice making kulit in your blog. 🙂

  9. oo nga e… hindi ako makapag-post ng bago kasi bukod sa busy eh nagkasakit po ako. hayaan ninyo sunod-sunod ang gagawin ko… pag may sakit ka pala at boring mas maraming naglalaro sa isip mo. hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s