So, what’s the latest?

NAA-AMAZE ako sa sarili ko dahil hindi na ako gumon (addict) sa TV. Dati kasi from 5 am to 12 midnight ay halos alam na alam ko ang mga programa sa dalawang nag-uunahang TV Station sa bansa.

Naalala ko pa na kahit mga kuya kong maton, napapatiklop ko ‘pag talagang nagagalit na ako dahil hindi ako makapanood. Nung grade 3 naman ako, pinaghahanap ako minsan nina Manang Juling at Bestfriend, hindi pa kasi ako kumakain at umuuwi gayong mga 9pm na noon. Iyon pala ay nakikinood ako ng TV sa kapit-bahay namin. Madali lang naman ako Makita eh meron akong watching position.

Dahil din siguro sa kapapanood ko may alam na akong mga mature topics. Nakakapanood na rin kaya ako ng “Melrose Place” at “Baywatch” noong grade 3 ako. Tas siempre damay pa diyan iyong kailangan ko munang manood ng news bago ‘yong primetime programs. Kaya nga noong mga panahon na ‘yon ang katsika ko na ay iyong kapitbahay naming na Magna Cum Laude (masabi lang no!? hahaha).

Noong high school kung ‘di ko tinatakasan ‘yong service namin, ay nagpapagabi ako ng uwi. Nakikinood pa kasi ako sa mga kaklase ko. Kasi kung uuwi ako kaagad hindi ko maabutan ‘yong pinapanood kong anime. Tas iyon na nga, dahil sa isang palabas nag-cutting ako sa klase, nagbiyahe pa sa Maynila mula QC, humahangos palagi para makauwi at siempre nagpupuyat ng todong-todo. May time pa nga na wala akong social life dahil mas gusto kong kaharap ang TV kaysa tao.

Teka, kailan nga ba ako nawalan ng gana manood ng TV. Sa pagkaka-alala ko, nagsimula iyon nung maging ratings conscious ang dalawang istasyon. Kasi dati kung magpaparinigan sila, minsan lang sa isang araw eh na-addict ata , pataasan na ng ere per gap. Malaking factor din na busy ako sa work.

Siguro in a way naging healthy naman ang naging bunga noon, kaso parang nakakaumay, daig pa ang commercial. Magkagayon man, nagamit ko naman ang pagiging addict ko sa TV sa maraming pagkakataon sa aking karera.

Basta for me, pagdating sa entertainment and acting, mas magaling ang Kapamilya and kung news, special effects (telefantasya), creative gimmicks doon naman mahusay ang Kapuso.

Whether, nag-mature na ba ako o naiiba na ang hilig ko, malaking ginhawa talaga na hindi na ako ganun ka babad sa TV (naku aayon malamang si Manang Juling dito hahaha). Marami pang bagay akong nagagawa na mas nakakaaliw at kapaki-pakinabang.

18 thoughts on “So, what’s the latest?

  1. well ginagawa ko na lang lamp ang TV ko… hahah…

    kinakatulugan ko na lang ang mga palabas pagsapit ng 11 pm.. hindi ko na nga napapanood ang bubble gang eh. heheh

  2. wahhh maka-baywatch ka rin pala ha!?

    oo nga.. isa rin yan sa nakakainis sa kapamilya. kung tutuusin ang dami nilang talent. panay pa kuha sa iba.

    kaya tuloy yung iba nasasayang at lumilipat na lang din.

    happy sunday!

    me proud to be…ka… kalokohan

  3. Hahahahaha! Kaloka… pampatulog na CNN… lamp na TV!

    Heh!

    Musta na sistah? Kaloka kayo, di ko na kayo nakikita samantalang dati, pakalat kalat lang tayo kung saan saan.

    Ano ba namang trabaho meron kayo!

    Hmmmmp!

    Miss ko na yung dati…. huhuhuhu

  4. ako rin sherma di ko rin alam kung anong trabaho ko e. heheh! hayaan mo magkakalat din kami. kailangan din lang namin ni avi ng ikakalat muna.

    hehehe… mabuhay!

  5. Waaa! Ano ba to, walang maasar sa blogendia! Tapos makulimlim pa dito at malamig. Yung pusa ko, wala nang ginawa kundi matulog tapos wala pa yung lagi kong kausap!

    Sa TV naman, wala ka ng makita kundi US elections & falling stock prices. Nakakadepress!

    Mustana Aleng Hitori! (makukompleto ko rin yang pangalan mo hehehe!)

  6. wawa naman pla kayong mag-asawa mare… hehhe! ganyan talaga pagbata, dumaan din tayo diyan di ba?!
    kumusta na, hinahunting ka namin, kailangan na namin ng VCO.

  7. hi hitooo!! Ü

    ahaha… natawa naman ako sa Melrose Place (saka sa Baywatch din!) avid fan ako ng mga yun. Lalo ng paborito kong panoorin yung umpisa ng Baywatch na lahat sila tumatakbo. ~singing Baywatch song~

    Tapos yung Melrose place pa nga, ahaha, meron pa nga akong binder nung highschool na may nakalagay na Melrose Place picture/subject sa harap at likod!!

    Hayyy, I miss those days… Ü

  8. Hi Paper Tilapia! welcome back!

    ako medyo na-addict doon. paborito kong character sa melrose si Jane, yung partner ni Michael (Thomas Calabro).

    sa baywatch naman, yung maliit na girl n ang name ata ng character ay Nicole. hehehe!

  9. alam mo ate Kengkay, isa ang ally mcbeal sa TV shows na naku-curious akong panoorin kasi puring-puri talaga siya hindi lamang ng mga fans kundi maging ng mga director and scriptwriters sa atin.

    pag nagawa ang dvd ko, hiram ako kay avi… ng copy niya hehehe..
    maigi po ang cartoons pampalimot ng edad. heheh! mabuhay!

  10. Naku mare, hindi ko naaasikaso ang VCO kasi si mama back to work nanaman. Walang auditor sa dating nyang office kaya they asked for her special service. Parang hindi nga nag-retire last year kung mag-aasta ngayon. Dinaig pa ako sa pagka-office girl ng tsura. Kaya there’s nobody at home to follow up on the orders. Wala na rin ako VCO bars waaaa!!! Nakikigamit ako ng sabon ni Sonnet para sa mukha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s