Ang Pinaka’s top 10 Pinoy-Friendly countries

MATAPOS ang maraming Linggo, nakapanood na ulit ako ng “Ang Pinaka” sa QTV 11 na ang host ay si Rovilson Fernandez na.  In fairness, pinatutunayan talaga ng programang ito na tinatalakay nila ang iba’t ibang paksa bukod sa showbiz.

Sa kanilang September 7 episode ang top 10 Pinoy-friendly countries ang kanilang itinampok.

10. Spain

9.  New Zealand

8. Austria – mayroon daw 22 k + na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

7. Germany – mayroon daw 42 k + na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

6. Guam – mayroon daw 42, 986 na permanenteng Pinoy na naninirahan dito

5. United Kingdom – meron daw 52, 500 na permanenteng Pinoy na naninirahan.

4. Japan – mayroon daw 83, 303 na permanenteng Pinoy na naninirahan

3. Australia – mayroon daw 211, 664 na permanenteng Pinoy na naninirahan

2. Canada – mayroon 369, 225 na permanenteng Pinoy na naninirahan

1. USA– may 2, 271, 933 na permanenteng Pinoy na naninirahan (as of 2004) at 4 million + (as of 2007)

Totoo man o hindi ang data, nakakatuwa rin malaman na halos napapaligiran na ng mga Pinoy ang mga naglalakihang bansa na may magagandang estado ng ekonomiya at kultura. Nakakamangha na nalagpasan o kinakaya na ng ating mga kababayan ang diskriminasyon, pangungulila at pamumuhay sa piling ng mga dayuhan.

Kung ako ang inyong tatanungin, parte na talaga ng pangarap ko na mangibang bansa.  Minsan hindi na lang ito isang pangarap na tipong gusto ko lamang makapamasyal kundi isang option para masuportahan ang aking pamilya at gumanda ang aking karera.

Sa sampung nabanggit siguro pwedeng umabot ng 50 porsyento na makarating ako sa New Zealand, Australia at Canada.  Pakiramdam ko lang naman kasi may kamag-anak at malalapit na kaibigan kami sa tatlong bansang nabanggit. Kung papipiliin ninyo ako kung saan ko talaga type na magtrabaho, sa ngayon sa Canada  ako nakatutok.

sagrada-familia-front-barcelono-spain by Jen Syngkit
sagrada-familia-front-barcelono-spain by Jen Syngkit

Ilan naman sa pinangarap kong puntahan bilang turista ay ang Japan at Spain. Gusto ko lang matunton kung talagang may malaking orasan sa pinaka-main building ng mga paaralan ng mga Hapon, kung nasaan ang Shimabara, na lugar daw pinaghimlayan ng mga Kristiyano noon (Shougo Hamakusa story sa “Samurai X”), at didiskubrehin ko kung nasaan na ang mga bida ng  “Bioman” at “Maskman” etc. Sa Spain naman, gusto ko makapunta sa mga simbahan nila roon at paano mamumuhay ang mga Español.

Kung may isang bagay ako na naiisip kapag binabanggit ang Germany at Austria, iyon ang kwento ni Maria at ng pamilyang von Trapp. Oh ‘di ba talagang patawid -tawid lang ang istorya nito sa Austria at kay Hitler. Isa pa pala na naaalala ko ay ‘yong pelikula nina Michael Douglas at Melanie Griffith na “Shining Through.” Okay din lang sa akin na may magpapunta sa akin sa mga bansang ito.  Proud pati ako masilayan ang monumento ni Dr. Jose P. Rizal sa Germany.

Isa rin sa gusto kong marating ang United Kingdom. Titingnan ko kung anong laban ng Orasan ng Manila City hall sa Big Ben (hehehe!) Maramdaman ang panlalamig ng mga hari at reyna o ang pakikipag-usap sa mga Briton gamit ang aking waray accent. Chuz!

Sa lahat ng nabanggit  parang ayokong pumunta ng Guam. Para kasing puro negative  news ang nasasagap ko lalo na yung dalawang artista noon na nasangkot sa drugs at grupo ng mga sexy stars na nagbebenta umano ng aliw.  Pero ayon naman sa “Ang Pinaka” marami na ngang Pinoy ang  ninirahan at marami naman silang magagandang benefits na nakukuha roon.

Magkagayon man nais ko  pa ring libutin muna ang Pilipinas bago lumipad sa ibang bansa.  Gusto ko, pag napadpad ako sa ibang lugar kargado ako ng mga impormasyon tungkol sa ating bansa, partikular na sa mga tourist spots natin. Aba hindi naman ako papayag na sila lang ang may magandang bansa no! (please watch this video!)

43 thoughts on “Ang Pinaka’s top 10 Pinoy-Friendly countries

  1. papano mamuhay ang mga espanyol? depende kung sa malaking ciudad ka pupunta o sa maliit na barrio pero parang sa atin lang din, yun nga lang, talagang meron silang siesta sa hapon at late na late silang mag dinner. at mas masarap ang churros sa pinas kesa sa espanya, hahaha

    nakakahiya mang aminin, hindi ko pa napupuntahan ang estatwa ni rizal. ang lapit lang namin kay rizal pero bakit nga ba hindi pa rin namin sya madalaw? punta ka rito para tayong dalawa ang dumalaw 🙂

    1. natatawa ako kasi sept 2008 pa pala itong sagot ko, nung june 2009 ay nakarating kami sa estatwa ni rizal sa alemanya. merong rizal park, may rizal st, at may bahay ni rizal. in fact, may knights of rizal pa run!

  2. sige ba kengkay! kahit nakapunta ka na halimbawa, samahan mo pa rin ako ha… ayos!

    salamat din sa info about sa Spain. at least di ba, hindi na ako mahihirapan doon if ever. parang Pinas lang pala eh.

    mabuhay!

  3. Nanggaling ako kina Tonette at Avi, parehong mukhang Biernes santo ang mga blog.

    Buti pa si Ate Hito, laging gising hehehe!

    Best place to visit in Europe is Paris and Rome. Weather is good and there are many world famous landmarks -depende sa hilig. Kung mahilig ka sa ancient architecture, Italy is the best place, particularly Rome. Siempre, puede ka ring mag-good morning kay Pope.

    If you want to trace the path-of-Rose sa novel ni Dan Brown na Da Vinci code, Paris is the place.

    Magaling akong tourist guide. 500 Euro per hour TVA included. Want a tour Ms. Hito?

    🙂

  4. sure VF basta kasama sa package na yan sina Avi at Sherma. Free ticket na rin yan ha saka processing ng mga kapapelan.

    thanks for your info… i wish to visit europe siempre. inggit ako sa friend ko (yang may bigay ng pic) in 10 months naikot na ata ang europe.

    hehe Pares lang lagi ko napupuntahan eh… saka España nung college.

  5. yeah i think that’s the basis of “ang pinaka.” however, we can’t deny that there’s “crab mentality” sa mga Pinoy.

    welcome to Hoshilandia Alps!

  6. Same here mare, gusto ko rin libutin muna ang Pinas bago umikot sa labas. In case I go out again though, gusto ko pumunta sa Vietnam para walang masyadong monoxide:) More on bisikleta and motorcycle daw dun sabi ni papa nung nagpunta sya dun five years ago. Ewan ko lang if it’s still the same now.

    Oi oi oi VF, umayos ka hehe:) I was busy friend, what were you expecting? I’m the newbie in my office so I have to display professionalism.

  7. Tingnan mo Hito, may nagising sa pag-ingayko; si Aleng Tonette, gusto na ring mag-tourist hehehe!

    …been to places too pero di ko pa nakikita ang southern part of the Philippines.

    Ano bang ibig sabihin ng “Usahay”?

  8. Hiya hitokirihoshi!

    Hmmm…. yep, it seems number of permanent residence and naging basis nila to declare that a country is pinoy-friendly. Not enough gauge, if you ask me. Baka mas maganda pang 10 places na piniling tirhan ng Pinoy, that sort of thing.

    But never mind. I so love this post. Maraming natututunan.

    May bro is in Spain, sabi para din daw silang Pinoy. Ala masyadong disiplina.

    I wanna go to Europe and hug my darling VF! Yipeeee! Cities I wanna visit: Rome, Paris, and Brussels!

    I also wanna see Japan, Australia and Africa. Hehehe. 🙂

    Domestic travel pa lang nagagawa ko. Pero still, marami pa ako’ng dapat puntahan. 🙂

  9. VF! Ang Usahay daw ayon sa aking mga BUBwit ay “mahal”. iyan ay salitang bisaya.

    oo nga nagising mo si Titser Tonet ko.

    ako gusto ko sumali sa promo ng cebu pacific para makarating ako sa davao.

    may balita na ba kayo dun sherma?

  10. thanks Brainteaser… nagustuhan mo ang post na ito. natutuwa rin ako na hindi lang lahat nagko-comment, nagbibigay pa talaga ng info. so happy di ba!

    ako isa ultimate dream ko ang makarating ng greece. tas siempre damay na buong Europe doon.

    sweet naman! VF nababasa mo ba ang comment ni Brainteaser! ano ang say mo, dali?

  11. tumaas na naman ang balahibo ko kasi napanuod ko itong video na kahit ilang beses ko ng napapanuod to sa pinas e ngayon ko lang na-aapreciate kasi nagwowork ako sa ibang bansa… pero alam mo bang interms of dami ng pinoy na nagwowork nangunguna pa rin ang US, tapos Dubai at Malaysia…

  12. ako rin mangbadoy nung narinig ko sa website ng DOT yan parang natigalgal ako. nakakapanghinayang lang kasi na may mga bagay na nakakalimutan nating i-appreciate… hehehe.

    saan ka ba ngayon?

  13. Ngayon lang ako makakapag-comment sa dami ng trabaho. haha Ewan ko ba parang isa ako sa mga ‘di nakaisip na magtrabaho sa ibang bansa. Mukhang ‘di ko kasi kakayanin. Mas gusto ko lang magbakasyon at mag-sightseeing at una sa list ko ang Paris. :p

  14. Courtesy Call lang Hito. Musta na?

    Kung gusto nio punta sa Brussels, they have more than 450 varieties of beer. Sinong gutong malasing? Si BT, pakakainin ko ng Brussels sprouts!

    🙂

  15. i’m back!!!

    and yes, kahit san mo pa ilagay ang Pinoy kaya nya
    ganyan tayo kagaling

    nakakatuwa nga marinig ng nagta-Tagalog sa abroad, eh
    yun tipong nasa grocery ka
    tapos may maririnig ka sa likuran mo na nagsasabi “Ang mahal naman dito!”
    hehe

  16. VF! salamat sa iyong courtesy call! waheheh

    naku di ako manunuba eh… chocolate drinks lang ang iniinom ko. hehe..

    pero kung kukunin mo si BT at idadamay mo ako. sige pag-aaralan ko. hahaha

  17. well at least ang pagta-Tagalog sa ibang bansa ay pwedeng mangahulugan ng pagpapakatotoo hehehe..

    oo naman, sabi nga sa kanta ng Bamboo eh Noypo ay astig at may agimat ang dugo..

    mabuhay raft3r welcome back!

  18. May kuwento ako sa comment ni raft3r:

    I take the underground Metro to go to my work to avoid traffic. One evening pag-uwi ko, may sumakay na dalawang di ko kilalang Pinay. Umupo sila sa likuran ko. Panay ang tsismis. Di ko siguro napansin ang ngiti nila dahil busy ako sa iniuwi kong trabaho.

    “Ano naman ‘tong unggoy na ito, ang sungit, komo nakakurbata!” sabi ng isa

    “Oo nga, bigyan mo nga ng saging!” sagot ng isa.

    Sa next stop, may sumakay na kakilala ko.

    “Pare, kumusta na?” tanong sa akin.

    ”Eto pare, paungu-unggoy na lang,” sagot ko naman.

    Hagalpakan na lang ng tawa kaming apat. Nadamage tuloy ako sa McDo.

  19. Eheheheheheh! VF! Wag kang magpakita sa pamangkin kong si Pau! Magaling yun kumilatis ng unggoy…. hehehe. Basta umaakyat sa puno at kumakain ng saging, tinatawag niyang unggoy! Ahahaha.

    Hito, ano na? Ano na nangyayari sa inyo? Ala na ba kayong maiposteng bago? Ano ba?

    I wanna read stuff, guys!

  20. siguro depende sa naging standard ng programa kung bakit napasama ang spain. pero tingin ko, may mga OFWs naman sa Spain. parang malabo na wala.

    mabuhay and welcome sa Hoshilandia!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s