Sunrise or Sunset?

Bukod sa period sa isang araw, ano ang kahulugan sa iyo ng bukang-liwayway (Sunrise) o takipsilim (Sunset)? Alin sa dalawang ito ang mas gusto mo at bakit?

Iyong huling tanong ang ipinukol sa akin ng  dalawang ‘di ko nakikilalang matandang babae sa isang madilim na kuwarto, na kaming tatlo lamang ang naroon. May hawak pa nga noon na images ang babae habang nagtatanong sa akin. Sinagot ko sila na mas gusto ko ang sunset.  Ang sabi ng matandang babae na nagtanong sa akin, na sa pakiwari ko ay nasa edad 50 lamang, ay ” bakit gusto mo bang nasa hulihan at sumusunod lamang sa pila?’

sunset (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales
sunset (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales

Gusto kong mangatwiran sa kanya na parang “oo, gusto ko munang ina-analyze ang sitwasyon bago ako magpursige kung gusto kong lumaban.”  Pero hindi ko na nagawa iyon. Alam ninyo kung bakit?  Dahil nagising na ako alas 4 o 5 na ng madaling araw kahapon, Sept. 14.

Matagal ng vivid ang mga panaginip ko, pero napaisip talaga ako tungkol sa bagay na iyon. Inaalala ko tuloy kung ano ba ang ginawa o inisip ko bago ako natulog. Sino kaya ang dalawang matandang babae?  Bakit tungkol sa sunset at sunrise ang kanilang mga tanong sa akin? Pwede namang nagpa-straight ka ba ng ng hair o nagpa-rebond? San ba talaga ang SM Edsa , sa north o sa west?  O ‘di kaya ay “anong gagawin mo ‘pag napupu ka sa CR na walang tubig, tissue at wala kang mahihingan ng tulong?”

Sa pagkakaalam ko lang kasi ay nag-computer ako mga ilang oras bago ako natulog. Nakipag-chat ako sa ate ko na nasa Dubai, nag-upload ng pictures sa Friendster at naglaro ng “whatword” sa PC. Hehehe!

sunrise (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales
sunrise (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales

Pero  may naiisip na akong interpretasyon sa aking panaginp. Iyong babaeng nagsalita ay posibleng si Ate Jevz ko. Pwedeng ang nais niyang ipakahulugan ay imbis na pagtuunan ang pagtatapos, ang hulihan o ang negatibong aspeto ay bakit hindi roon sa pagsisimula o bago. Iyong tipong inspirado ka dahil alam mong may panibagong oportunidad at pag-asang nakalaan para sa iyo. (naka naman!)

14 thoughts on “Sunrise or Sunset?

  1. ” bakit gusto mo bang nasa hulihan at sumusunod lamang sa pila ”

    Gusto ng matandang itanong kung bakit ayaw mong maging leader. Kung bakit gusto mo na lang laging taga sunod. Bakit di mo subukang ikaw naman ang magpasunod.

    There is always to sides of life .. One is a leader and other is the follower.

    Maybe it is now time to be a leader 🙂

  2. totoo bakit nga ba gusto mo ng sunset kesa sunrise?

    at totoo rin ba na follower ka lang? Sayang naman!

    Well, feeling ang ibig sabihin ng panaginip mo na ng matatandang babae ay. MAG ENJOY HABANG BATA KA. KUNG HINDI DADATING ANG SUNSET MO NG HINDI MO ALAM ANG PURPOSE MO. HEHEHEH

    OR IF WANT TO BE SOMEDAY MAGING JOLINA NA PINATANDA.

  3. Hi DEXTER! Thank you sa iyong interpretation and payo. siguro nga, masyado ako nagpaparaya o nakadepende sa sasabihin ng malalapit sa akin at sa sitwasyon. mabagal din akong magdesisyon.

    anyway, i think support din ang dream na iyon sa aking mga aktibidad ngayon at pinaplano.

    thanks again sa pagbista!

  4. ate tet! actually sa totoong buhay, siempre mas gusto ko sunrise.

    hindi naman sa follower sa lahat ng bagay. marami namang pagkakataon na ako ang pumipili ng gusto ko lalo na pag malalaking bagay na. gaya ng career na tinatahak ko.

    I don’t think na literal yung question nung matanda, may something doon. siguro nga ay gawin ko na ang nararapat at gusto kong gawin.

    pero may point ka rin sa tinuran mo sa last part… hahah! alam kong dadating din ang time na magpapakasaya na lang ako. hinay-hinay lang.

  5. Both sunrise and sunset are a beauty to behold.

    Kaso nga lang bihirang-bihira ko makita ang sunrise dahil sa katakawan ko sa pagtulog. But sunrise reminds us that there’s a new day, a new beginning, to see a better perspective.

    Mas na-appreciate ko naman ang sunset, mas dramatic kasi ang dating. hehe Noon kapag bakasyon, nag-scooter kami ng sister ko patungo sa kabukiran tapos hihintayin lang namin ang sunset. Nakakagaan sa pakiramdam. ;p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s