Wala lang

Hinangad mo, pinagbuhusan ng panahon at enerhiya pero parang wala lang

Pinag-ipunan , ipinagpalit sa mas importante subalit nawalan ng halaga

Napagmamasdan at mahahawakan pero hindi maaaring mapasaiyo.

Malimit sa simpleng trip nanggagaling ‘yan

tapos makakahiligan at yon mapupunta sa pagkahumaling

madalas sa minsan, nabibigyan mo ng rason kung bat mo nagugustuhan ‘yon

pero panaka-naka iisipin mo na sa totoo lang wala ka naman talagang mapapala

subalit dahil ‘yon ang hinahanap ng mata mo at ‘yon ang type ng puso mo

eddie go, bahala na si Batman

Gaya ng isang palabas na pumapalo ang ratings at lumalaylay ang istorya

na depende na sa mga manunulat o manonood kung tutukan pa ito

dadaan din ang punto na mapagtatanto mo na tama nga ba ang ginagawa mo?

dapat nga bang pag-ukulan ng pansin ito o nagsasayang ka lang ng oras?

Sa bandang huli masasaktan ka ba o di kaya’y makaapekto sa iba?

Kahit ikaw ang klase ng tao na praktikal sa buhay

sinisikap na bigyan ng silbi ang bawat sentemong lumalabas sa iyong bulsa.,

o indibidwal na nagpapakaperpekto, parang abnormal na rin kung minsan

kung wala kang ginawa na parang wala lang, hindi ba?

Pero bilang tao na may lohikang sinusunod, alam mo na hindi pwede,

hindi laging dapat ganoon at kailangang balanse ang mga bagay.

Masarap ang sumubok o makipagsapalaran pero hanggang kailan nga ba?

Kapag pati ikaw hindi mo na rin alam kung wala ka na sa direksyon?

Bat kaya sa una pa lang ay hindi mo na pinigilan ang sarili mo?

Alam mong may mas importante at may dapat na asikasuhin

Pero bakit nag-uukol ka pa sa aspetong wala ka naman

inaasahang kapalit o mahihita?

Parte nga ba ng pagkatao mag- trip, magmukhang tanga at maging ewan?

Advertisements

4 comments

  1. Ok lang yan mare, that’s what we call experimentation. Maganda ang ganyan minsan kaysa following a certain formula in life all the time. Nandyan ang thrill and through this process, malalaman mo kung ano talaga ang gusto mo. Ituloy mo lang ang pag-explore Dora, ay Hoshi pala:)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s