Neneng Tantrum

Dear Ate Jevz

Kuripot man akong tao, hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumili ng 2 ½ dosena ng Mister donut dahil sa aking katuwaan. Natuwa ako sa mga tao na naapektuhan ng aking pagiging emosyunal at aking pagta-tantrum hehehe…

Sa totoo lang, iniingatan ko na magpakita ng emosyon at isang pribadong bagay sa akin ang pagluha. Eh sa hindi ko na nga maampat dahil sumasabog na ako sa galit eh. Sari-saring kuning na rin ang nagrarambol sa jutak ko simula pa noong imbiernang Viernes.

Naki-jamming na nga ako sa trip ni manang juling tuwing weekend at kahit malayo ay dinayo ko pa ang aking paboritong simbahan, somewhere in San Miguel, Manila para lang mahimasmasan ang anumang nagrarambol sa jutak ko at nagpupumpiyang sa pupuhso kong ewan.

Pinipilit ko na pasukan ng positibong eklabu ang aking pananaw kahit papaano. Kaya naman bukod sa pag-a-eavesdrop kay Don Moen, Kelly Clarkson, Whitney Houston, Leann Rimes, Christina Aguilera at maging kay Mr. Pure energy Gary V eh tumira rin ako ng mga pamatay nina Celine Dion, Corrs, Carpenters, Gary V, Aegis at kung sinong anik-anik pa.

Subalit, datapuwat hindi ko akalaing lalabas si Neneng tantrum at muntik ng pumalahaw ng jiyak. Hindi ko akalaing na talagang tatambad sa akin ang pinakaayaw kong setup sa 2 taon na aking pago-Ortigas. Pastilan!

Mabuti na lang, kahit na may mga panalong dialogue akong narinig maraming tao sa aking paligid ang naantig sa aking pag-e-emote. As in halos lahat gumalaw, maging ang ibang personalidad (naka naman ) eh may I join sa kuning-kuning pero japortant na eklabu sa aking Carerina at sa entire group namin.

Jumundag talaga sa joy ang aking heart kasi wa akong narinig na reklamo kahit alam kong malaking abala rin sa aming mga big brothers ang mga kaganapan. Sa inyong lahat muchos gracias!!!!

Neneng Tantrum

Dear Neneng Tantrum,

Hindi masama ang maglabas ng sama ng loob basta alam mong nasa katwiran ka at wala kang jinajapakan na tao.

Masuwerte ka rin dahil naging positibo ang reaksyon ng mga personalidad sa paligid mo. Hindi ba, kanya-kanyang interpretasyon ang mga tao depende kung gaaano kalakas ang sagap nila?

More power Neneng tantrum sana ay maging mahinahon ka next time at go for gold!

Ate Jevz

12 thoughts on “Neneng Tantrum

  1. Ngayon ka lang kasi siguro nakita ng mga personalidad na iyon si Neneng na nag-tantrum at umiyak ayan tuloy may isang nataranta sa iyo. peace! hehehe

    Mukhang maganda naman ang resulta ng tantrums ni Neneng. :p

  2. naman… ayos na ang mga kanta niyang pakinggan, pag sawi ka talaga pwede mo ring abutin ang kanyang boses pag galit ka na. hahaha!

    ako crush ko noon si kevin costner… siya talaga ang gusto ko makatuluyan dapat ni catherine zeta jones o di kaya ni Katie Holmes… hehehe…. papatol lang din sa matanda, dapat sa okay na…

  3. Sayang, di ko naabutan ang tantrum scene! pero alam ko, panalo talaga yung nangyari. buti nga `ala pa ako nun, kundi, malamang dalawa tayo na nag-tantrum!

    kaazar talaga si kulaz at ow-ful!
    kailangan ko ng revenge tactic!

  4. ganyan talaga ang mga nene kengkay! daig pa minsan ang may buwanang daloy hehehe… pero wag ka iba ang level ng mga bata… talagang susubukan ang katatagan ng pasensiya mo..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s