who’s vain

Tonet tagged me to write something about makeup essentials.

Like Tonete, hindi rin ako ma-vain na tao, tamad nga ako kahit mag-aayos ng buhok eh, tanungin ninyo pa si Manang Juling (belated Happy Birthday Nay!)

What’s important for me is the hygiene and yung pagiging pleasant ng mukha. Eh ano naman kung todo-make up kung mukha namang busangot at pakang-kang kung pomorma. Mas masarap kung magustuhan ka ng mga tao dahil sa natural mong ganda at personalidad… (naks palusot pa no? pero true naman ini)

Kung pagiging banidoso ang pag-uusapan, mas mabusisi ako sa sabon. Godiva green tea ang ginagamit ko sa fez ko, then sa katawan avon body wash at VCO. Sa mga araw na sinisipag ako at maraming time, nagsasabon ako ng godiva, nagkaskas ng yelo sa mukha saka ko lalagyan ng VCO ni tonet para moisturizer. Type ko rin ang VCO bar niya para sa likod ko at fez ko.

Sa lotion hanggat maaari kailangan naglalagay ako at kapag gabi at weekend naglalagay din ako ng VCO sa mga hita ko. Nagiging soft kasi yung skin ko doon at yung mga balahibo ko sa binti mas nagiging smooth. Sa hair, naman ginagamit ko head & shoulder (intensive or menthol) shampoo at sunsilk (orange or pink) conditioner.

Okay may ginagamit naman pala akong make-up. Lip balm at lipstick ( sa mga special & important occasion) na halos parang makulayan lang ang labi ko. Mas maganda ko gagamit ng lip brush kasi iba yung dikit ng lipstick pag ginamitan noon. Na-try ko na rin maglagay ng lip liner pero parang nagiging makulay naman masyado at kinatatamaran ko na.

Madalas kasi sa mga performance lang ko noon (school & theatre) ako nagmi-makeup or kung may dadaluhang functions like kasal. Siempre pag ganoon na nagpapa-parlor na ako. Pero hanggat maaari gusto ko pa rin yung natural na look na parang may something lang… mas pinabobongga ko lang yung hair ko.
Ang ginagawa ko lang ay huwag pababayaan na makatulog na may make-up. Kung may gusto akong itira, gusto ko eyeliner kasi gusto ko yung mata ko parang maitim na mananakot, hahahaha!!!

Advertisements

17 thoughts on “who’s vain

  1. wow, lolette! amazed akeszh. ako kasi, just plain soap & water lang. ehehe. bihira mag-lotion. kapag trip din lang. hehe. basta ang hindi dapat mawawala sa akin ay powder & cologne. hehe

  2. tonet! naman mare iba yung nasabihan kang maganda ka dahil maganda ka talaga at walang halong pintura sa mukha.
    pero di ko naman sinasabi na may eklabu sa mga nagmi-makeup eh kung yun naman ang kailangan e…saka may ibang effect yun sa aura dava.

  3. kristy ! tamo naman ang beauty natin kahit ate-atehan na eh bebe fez pa rin. ( may ganun talaga!)

    tama ng paminsan-minsan ang pagmi-makeup… para pag nagganun tayo grandiosa talaga

  4. vian ka ba kamo?

    before i’m using branded lubricant akala ako ko ok na yun ok lang.

    but when VCO came i’d realized mali pala mare, settle for the best na ko ngaun.

    Tama ba ang intindi ko sa vain? hehehehe

  5. waaahhh… di ko pa nagagawa itong tag na ito, lagot ako kay Tonetski. hehe
    hindi rin ako ganoon ka-vain, soap, water and lotion lang.
    Me-I-mention talaga ang VCO, ibang klase talaga. hehe

  6. ako nung asa pinas, eskinol kapag gabi, hehe. nung andito ako sa alemanya, moisturizer na kasi iba ang dating ng klima dito sa aking mala flawless (akala ko lang) na skin e, yun lang — kapag minsang nag mek up ako, yung panglinis ng mek up, pero minsan nga lang e

    hitokirihoshi: in fairness no kengkay kahit simple ang ating mga beauty secrets eh habulin pa rin tayong mga Pinay… walang kokontra! mabuhay!

  7. Ang perfume, hindi ba parte ng women’s vanity? Ate Hito, tanongin mo si Ka Tonette kung may VCOng perfume na amoy ilang-ilang –yun bang parang bagong paligong dalagang bukid…

    Other recommended na amoy: -amoy melon at melon amoy

  8. Vf! sa bagay tumpak ka diyan, nawala nga sa isip ko. every time na may nag-aalok sa akin ng avon, fullerlife and natasha… tumitingin talaga ako ng murang cologne. I remember may nagustuhan akong pabango sa Oxygen nung 2004 pero till now hindi ko pa nabibili.

    madalas kasi kung hindi ako naalok eh, may nagreregalo sa akin ng cologne or perfume. with that, i would like to thank my sponsors… my ate malot from New Zealand, May of Pasong tamo extension, organizers ng mga presscon na dinadaluhan ko at si kuya Marcial na kahit panglalake ang pabango binibigay pan rin sa akin… mabuhay kayo!

  9. ang girlfriend ko rin banidosa… pero less make up sya depende pag may occasion pero dapat presentable daw sya parati.. buti na lang ang mga lalaki hindi ganito para kasi ang haba ng oras nyo para lang sa pag-aayos ng sarili… hehehe!

  10. ewan ko nga ba… gusto ko nga makuha ang taktika ng mga lalaki e… kaso nakita ko sa mga kuya ko wisik-wisik lang ng tubig… parang ok na.. ayoko naman nun… ahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s