Through the years… barkada

CMC ito ang name ng barkada ko.  Siempre may ibig sabihin ‘yan at bahagi ng aming pact noon na kami lang ang nakakaalam ng ibig sabihin niyan.

Sabi nga nila, marami kang makikilala at makakasama pero iilan lang ang masasabi mong mananatili at magiging tunay mong kaibigan. Kadalasan, may ituturing tayong best friend, special friend, close friend at kahit na boy/girl friend, pero iba pa rin kung mayroon kang isang barkada. Barkada na binubuo ng magkakaibang persona pero magkakalapit ang damdamin.

Maswerte ako na nagkaroon ako ng barkada na alam kong nariyan palagi at naglalaan ng oras basta’t libre sila. Malaking bagay ang time and communication to aflame the friendship. Of course sahog na rin diyan ang trust, care etc.  Kahit halimbawa, na hindi ko na sila nakikita basta nagparamdam sila okay fine pa rin.

MAGKAKATABI kami nina Che at Maya dahil alphabetical ang sitting arrangement namin noon.  Pero kahit dapat pinaggigitnaan ako nung dalawa, sila lagi ang halos nagtatabi kasi itong si Che (na hayop ang pagkaputla ng balat), parang sakitin at may phobia sa ibang tao.

Akala nilang dalawa, at halos lahat ng classmate ko supladita ako at seryoso sa buhay.  Sa bagay, ganun talaga ang gusto kong packaging (may ganun) ng image ko parang defense mechanism baga kasi transferee ako from a public school.  Di nagtagal lumabas ang tunay naming kulay ni che. Ako na seryoso raw ay lukaret pala at ito namang si Che na mahiyain kuno eh sos nakikipagbangayan pa talaga sa mga lalaki.

Siguro one of the significant things na nangyari sa akin nung high school ay nung mabuo na ang grupo namin noong August 26, 1996. Sari-saring grupo na kasi meron sa school namin, may mga honor students,  famous sa campus at mga loko-loko, kaya naisip namin dapat kami rin. Hinila namin si Grace na matagal ng kaibigan ni Maya para sumali sa amin .

Anong special sa amin? Priority namin siempre na tulungan ang isa’t isa. Si Cherime napaka-generous niyan, basta meron siya magbibigay ‘yan. Every time na wala akong costume, sa kanya  ako lumalapit. Kahit na seksi ng katawan niya,  pinagkakasya ko pa rin ang chubby kong katawan sa damit niya. Si Maya naman na famous sa hindi pagpapasok ng kahit sino sa bahay nila ay mapagpakain naman. Umaabot na yata sa point na mga kutsara’t tinidor na  lang ang baon namin ni Che kasi alam naming pakakainin kami ni Maya. ( hahaha dapat pala PG name namin) .

Si Grace naman kahit kimi ‘yan eh nakikipaglaban kapag may isa sa aming apat ang nalalagay sa alanganin. Generous din iyon basta may maitutulong at expressive sa kanyang mga nararamdaman.

NGAYON may kanya-kanya na kaming life at kanya-kanyang laban sa buhay. Minsan,  hadlang talaga ang mga pagbabago pero ganun talaga tao kami na kailangang mag-grow sa piling ng ibang tao. Pero magkagayon man, alam namin na parte na ng buhay namin ang aming barkada at ang aming pagkakaibigan.

Happy 12th Anniversary CMC!

Advertisements

8 thoughts on “Through the years… barkada

  1. Tara, batsi na. Saan ba tayo magfo-foods ngayon. Ikaw taya ha! Kung wala kang datong, hingi ka kay Mami mo pambili ng “predicate”!

    Isasama ba natin sina BT, Avi, Tonette etc! Huwag na, matatakaw ang mga yun!

    Good morning po! 🙂

  2. Suddenly, I started missing all my friends mare. Yong mga JASMS friends ko hindi ko na napagkikita. Buti na lang si denoy a.k.a raft3r eh kapitbahay lang dito sa blog valley. When we were kids, seatmates kami lagi sa classroom kasi magka-height kami:) Ngayon, cherifer boy na sya hehehe:) Real friends are those who remain really close to you despite the distance. Tipong one or two years kayo hindi nagkita pero pag biglang tumawag s’yo at nag-usap kayo sa phone, parang kahapon lang kayo huli nagkita:) The connection is always there.

  3. Avi! actually tama nga na madalas kung sino yung katabi mo yun talagang katabi mo yun ang nagigig kaibigan mo kahit sa umpisa eh malamang di niyo gusto ang isa’t isa.

    ganun ding paraan nahanap ko ang aking kauna-unahang best friend na si Maricar Briones nung grade 4 ako. nasan na kaya siya ngayon?

  4. Haaaaay. Na-miss ko tuloy iyong mga friends ko noong grade school at tropa ko noong college. I miss their noise, their presence, their ways of making you feel better and loved.

    Happy Anniversary sa inyong samahan, hitokirihoshi. :p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s