bomBooh Radio

Nairita ako kanina habang basang-basa akong nakasiksik sa likurang bahagi ng FX an sinakyan ko. Una, dahil doon sa isang lalaki na nagdadabog na ewan kung ako ba ang nakabasa o nakadumi sa kanyang white polo.  Eh kasi naman kung talagang white polo ang uniform niya dapat ay nag-jacket siya para ‘di ito marumihan o kung trip n’ya lang mag-white, eh kumusta naman.

Anyway kung sakali na sabihin niya sa akin, hoy mujer kawaii ikaw ang dahilan kung bakit basa itong polo ko! Of course haharapin ko siya and I would say Chorriii di ko sadya, chorrii na… aba eh kung pumalag pa, ewan ko na lang hahaha…

Pero ang higit kong kinainisan ay ang napakinggan kong batuhan ng dayalog sa radio. Akala ko nagti-trip lang ‘yong driver dahil parang nagmo-monitor lang ng isang paniningil o bentahan sa pagitan ng isang collector at mangungutang. Nang kung bakit naman, hindi ko mahanap-hanap yong earphones ko para makinig na lang sa cp ko.

Iyong lalaki bini-verify kung iyong kausap niya ay isang sexy, 20 years old na babae at may taas na 5’5′ ata yun. Sabi niya nag-avail ata  yung babae sa promo nila na may kinalaman sa hotel  accommodation. Pero doon sa promo na iyon ay mabibigyan lang nila ng discount ‘yong babae at kapag kinuha niya yung price o yung hotel accommodation magbabayad pa siya ng 3000 doon sa kanila.

Alam niyo kung ano pala ang ‘yong napakinggan ko. FM radio station – Star FM at ang DJ ay sina Jan Marino (may isa pa siyang kasama ‘di ko na trip alamin kung sino).

Grabe para sa FM radio station at sa umagang maulan , ganun ang takbo ng show. Ang siste pa ‘yong isang DJ naghihimutok pa na mino-monitor daw sila nung babae kaya nagpi-feedback. Actually, nagtsa-choppy na rin ‘yong linya ng babae pero hindi siya bumigay at pinanindigan niyang hindi siya ang hinahanap nung DJ.   So in the end sina DJ na nga bumigay at nag-aalsaburuto doon sa babae.

Sentimiento ko lang…

Naniniwala ako sa Bombo radio kasi matagal na kayo eh, pero panindigan naman ninyo na nagsi-serve kayo through music and information, eh bat may mga offer na ganyan na may bayad?  Nakikinig ang tao sa FM dahil sa musika yan ang pinakapunto diyan at hindi sa mga eklabu ng mga DJ.

Mapapalampas pa ‘yong mg talkie na FM radio stations dahil nakakaaliw at informative naman sila, in fairness. Pero ‘yong nangyari kanina sana ‘wag na maulit kasi hindi talaga maganda pakinggan.

I don’t think na dapat i-blame ‘yong babae. Eh kung ayaw niya eh ‘di ‘wag. Siya lang ba ang listener ninyo at kailangang pilitin n’yong paaminin kung siya nga si ganito. Sabihin na natin na talagang sinungaling  ‘yong babae, pero hindi ninyo na-handle ‘yong ganung situation? Hindi ba pinag-aaralan ‘yan sa communication arts o mass communication? di lang po natatapos sa magandang boses at paghawak ng equipments ang hosting o pagdi-DJ.

Ang haba-haba ng balitaktakan ninyo, walang music background or di man lang naisip i-cut na lang at mag-usap kayo off air.  Hindi ba isa sa proseso sa ganyang klase ng segment ay may kakausap muna sa babae at ibi-verify muna ang ilang information sa kanya para okay na pag nasa ere na.

Sabihin na natin na hindi ganun yung set up at parang on the spot ang pagbibigay ninyo ng promo, hindi pa rin maganda as a whole… kahit pa nung natapos na ang usapan, tama ba namang kesyo sabihin na nagmo-monitor din yung babae.   kala ko talaga may naka -intercom lang na nagbebentahan ng hotel accommodation.

Ayusin ninyo ‘yan bago maging Bom-boooh radio kayo!

Advertisements

8 comments

  1. That’s way off. Maybe the DJs are just new in the program.

    This morning I was listening to Magic 89.9 and they are giving away a brand new car. All you have to do is to guess the car’s plate number. Callers keep coming, one caller almost guessed the plate number right. Imagine, a radio station is now giving away a car?

  2. wow that’s the real promo pinkleng-leng! I hope I’ll win a blue roadtrek someday.

    anyway, I do understand that maybe they just mishandled that particular situation. My point here is that they should learn from it and improve their craft. They can still prove what they’re claiming…

  3. uu nakikinig din ako before ng morning show ni DJ MO… okay sya mag DJ ang di nakaka bore twing mag rereklamo sya sa kung san san iregularidad ng lipunan at ugali ng tao…

  4. ako si leng-leng lang nag-implwensiya na makinig naman sa kanya. hehehe…

    medyo mas mahilig kasi ako sa pop and hiphop music eh. pero aminado akong controversial yan at nakakaaliw…

  5. Janeski, sayang ‘di ko narinig ang sagutan na yan on-air kahapon. News ‘yan kaya kung kumalat yan ewan ko lang kung saan kangkungan matagpuan yan si DJ… ano ulit name nya mare? Parang hindi mass comm ang kinuha, naturingang DJ. Ayan, galit nanaman ako. I’ll come back later when my head is cooler. Imbyerna!

  6. naku ikaw talaga ang imbyerna… ewan ko na lang talaga kung ano pa ang reaksyon mo kung ikaw mismo ang nakarinig. well since hindi ko naman alam pa ang puno’t dulo ngn eklabung iyon… payo na lang talaga eh i-improve noong 2 Dj yung concept ng show at hosting nila.

  7. Bobo ng mga DJ! I was really frowning listening to them yesterday! anong klaseng radio show yun? That was the cheapest kind of campaign (if that was a campaign or promo) I have ever heard on air! Papatawarin ko na ang korni, pero hindi ang walang kwenta!

  8. naku isa pa itong galit na galit… see bomboo radio DJs, marami ang nairita sa inyo , doon sa mga nakwentuhan lang at lalo na doon sa nakarinig talaga…sige labasan na ito ng komentom para naman sa ikaaganda ng shows iyon…

    total mali talaga…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s