Like a Virgin

LAGING sumasakit ang tiyan ko. Madalas ay humihilab ito, parang may  hanging humahampas at kung minsan pa gusto kong isuka lahat ng kinain ko dahil pakiwari ko umaasim at umaapaw na ang laman nito.   Bumibigat na rin ang timbang ko at iilang damit na lang ang nagkakasya sa akin. Pansin ko rin na dumami rin ang tigyawat ko.

Hep-hep hindi ako buntis, at walang dahilan para magdalang-tao si Hitokirihoshi_Kawaii.  Nagpatingin na ako noon sa espesyalista ng Nanay ko sa kidney. Kulang lang daw ako sa vitamin b at maaaring nag-ugat ito sa pagiging inactive ko mula sa pagiging active.  Nagpatingin ako ulit nitong Pebrero, sabi naman ng doctor na gusto akong ipa-ultrasound at ipa- endoscopy baka may something ako sa gallbladder o may ulcer na ako.

Well hindi  rin naman nakapagtataka na manakit ang tiyan ko dahil “pihikan” ako sa pagkain ng gulay at ‘di rin lahat ng klase ng prutas ay kinakain ko. Ang siste pa nito,  puro karne ang nakakain ko at mahilig ako sa French fries na isinawsaw sa gravy, ice cream, chocolate at kung anong anik-anik na foods na hindi talaga healthy. Minsan naiisip ko, baka magka-colon cancer ako dahil sa diet ko.

Then in 2004, (I think) “Imbestigador” featured Virgin Coconut Oil. Naging interesado ako kaagad dito, hindi lamang para sa aking sarili kundi para na rin sa aking Ina na iisa na lamang ang kidney. Hindi nga lang kami nakabili kaagad kasi hindi pa ganon kalakas ang promotion nito. .

Pero talagang napabili na kami ni Nanay ng VCO dahil sa nalaman ko mismo kay Wellness Expert Cory Quirino na alam naman natin na gumagamit ng mga produktong natural at available lang sa kusina.  Nakasama kasi ako sa isang interview sa kanya at tahasan ko siyang tinanong kung ilang taon na siya. Hindi niya ni-reveal sa amin ang kanyang edad, na ginagawa naman niya sa ibang media personalities. Anyway, kahit ano pang edad niya mukha talagang siyang bata at maganda sa personal. Ibinahagi ni Ms. Quirino ang kanyang beauty tips. Para sa kanyang mukha, gumagamit siya ng VCO + sugar para maging facial scrub. Sa kanyang katawan naman ay VCO + salt naman.

Pero mahal ang unang VCO na nabili ni Nanay at ‘di niya nagustuhan ang lasa nito. Ginamit ko na lamang iyon bilang moisturizer at medyo effective naman.  Ginawa namang pamahid iyon ni Nanay kapag nagpapahilot siya.

Habang tumatagal parami na ng parami ang nadidiskubreng nagagawa ng VCO sa loob at labas ng katawan. Maganda siya para sa mga may karamdaman at mahihina ang katawan. Nakakatulong din siya para sa pagpapayat dahil pinapabilis nito metabolism at okay talaga sa digestive system.

Nagsimula ko ulit tangkilikin ang VCO nang bentahan ako ni Tonette. Nag-start ako sa VCO bar (para po siyang soap) na walang halong chemicals or whatsoever. Satisfy po ako rito dahil effective siya sa body ko at mura pa compare sa ibang brand ng sabon.  Bumili ako ng 2 VCO bottles para sa akin at sa Nanay ko. Matagal po ang gamit nito at yakang-yakang maging multi-purpose. Ginagamit ko siyang moisturizer, hinahalo ko siya sa kape ko tuwing umaga, alternative sa lotion and kahit sa hair ko, minsan.

Ano ang nangyari? Talagang feeling ko nagle-less ‘yong mga anik-anik sa mukha ko. Ginagamit ko ang VCO after ng godiva green tea ko (doon kasi ako hiyang) at yelo (pwedeng toner). kaya lang madalas tinatamad akong i-perform ang routine na ito.

Since  di ko mapigilan ang magkape kahit laging nananakit ang tiyan ko, naglalagay ako ng isang kutsarang VCO sa kape ko. Simula noon, naging madalang na ang pagsakit ng tiyan ko. ‘Yong balahibo ko naman sa binti nagiging behave kapag VCO ang pinapahid ko. Isa pa mas matagal mag-dry at fresh na fresh ang skin ko pag VCO ang ginagamit ko.

Dahil sa mga ito, talagang feel na feel ko ang ganda at epekto ng Virgin Coconut Oil. Tingin ko nababawasan iyong toxin sa katawan ko sa bawat take ko nito. Nanay ko naman, type na type na idampi sa kanyang kasu-kasuan ang VCO kapalit ng mga pamahid niya na maaanghang. Inirerekomenda ko talaga na subukan niyo na mag-VCO dahil sa mga benefits nito sa katawan. Makakatulong pa kayo sa mga local entrepreneurs natin plus di ba gawang Pinoy talaga ang VCO!

Kung nais niyong bumili,  mag-inquire  lang sa walking model ng VCO na si Mrs. Antonette Valdez- Pua. Makakasiguro kayo na 100% PURE Virgin Coconut Oil ang makukuha ninyo at sa murang halaga. Please read the ad for more details.

Mrs. Pua's 100% Pure VCO

Advertisements

17 thoughts on “Like a Virgin

  1. Janeski, you sound exactly like me already:) Ganyan din ang epekto sa akin ng VCO kaya remember grabe ako dati kung i-rave ko ito sa inyo:)

    Thank you for this very nice write up on the product matched with a print ad courtesy of Avi. Ang galing n’yo talaga! Manang-mana kayo sa akin:)

  2. salamat sa pag-visit mo sa aking blog at sana wag mo namang kalimutan balik-balikan… pwede mo akong ilagay sa blogroll mo if u like.. hehehe

    actually, ayokong magmarunong pero dapat tingnan mo yung tamang amount ng VCO oil dun sa bote at kung may kahalo itong mga chemicals. better na ang bilhin mo yung wala ng flavor-flavor… kasi para que anong sabihin na virgin (pure) yan kung may kahalo namang iba… na di rin nakakatulong sa health mo.

    I recommend na bisitahin mo ang blog ni Mrs. Antonette dahil siya ang mas maraming alam sa akin. I recommend din na sa kanya ka bumili. 100 % pure ang VCO niya na talagang nanggaling doon sa biochemist na nagsu-supply din sa mga big companies… mas makakabibili ka sa kanya ng mura.

  3. may dagdag na info rin pala si Tonet. eh. bilhin mo raw yung VCO na clear as water kasi hindi naman daw natutulog ang VCO gaya ng suka… ay akin na palang eklabu yun. hehehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s