Memoria en la Biblioteca

Dear ate Jevs,

Isang bagay na nami-miss ko sa school ay ang library namin.  Kapag hindi mo nga ako mahagilap doon mo ako pwedeng hanapin.  Libro ang kahalinhinan ng pagsulat ko sa notebook o pagtuhog ko ng kwek -kwek.

Sa library ko natagpuan ang kakaibang mundo na nagbibigay sa akin ng especial enjoyment, pero hindi naman ibig sabihin na porke’t  type kong humawak  ng libro eh seryoso na ako  sa pag-aaral. Nagbabasa lang ako ng book ‘pag trip ko, kahit noong nag-aaral pa ako o kung kinakailangan na. Malakas naman ang reading tolerance ko dati. Dahil isa sa pinakamalamig na bahagi ng aming pamantasan ay aming aklatan, madalas pa nga akong antukin doon eh.

Kung tutuusin, hindi naman gaanong delikado sa reference section para matulog kasi gilid na ay may sulok-sulok pa ‘yon.  One time while reading a book, I realized na iba na ang paningin ko. Tipong sa taas na part ay libro then sa ibabang part parang dragon na may puwit ng kalabaw, nanaginip na ako ng may may two minutes siguro rin ‘yon. Sa section din iyon nakalagak ang mga labi ng encyclopedia, almanac pati na ang mga computer na mayroong naka-install na ganung libro. Kaka-browse ko minsan napadpad ako sa isang part nun na game pala. At first kunwari afraid pa ako buksan then paunti-unti binuyo ako ng curiosity ko na laruin siya at tingnan ang aking IQ level. Sus blood level ko ata ang tumaas nang sitahin ako ng librarian  namin.Type na type ko roon sa reference section ang mga lumang book ng quotations.  ‘Yon mga ‘yon ang nilalagay ko kapag nagsusulat ako sa birthday cards or letters. Hehe.

Sa periodical section naman nakahandusay ang iba’t ibang kalumaang issue ng magazines and newspapers, may microfilm pa ha. Dahil isa na naman itong gilid-gilid area, type ko rito maglagi. Kapag nandoon ka kasi medyo feeling historian ka. Actually, tinitingnan ko lang doon ang mga lumang komiks, katandaang pictures ng mga sikat na artista noon pa like Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Eddie Garcia , FPJ, Robin Padilla, at marami pang iba. Isa pa, nababasa ko rin doon ‘yong mga babasahin na  hindi ko mabili at  kahit may pera ay ‘di ko rin bibilhin. Kaysa bumili ako ng back issue ng mga magazine eh di doon na lang.

Sa internet section ako talaga notorious.  Once na um-enter ako roon alam na ng mga librarian na maingay na naman.  Mahilig kasi ako mag-print doon ng mga anime materials ko na siempre wala namang kinalaman sa pinag-aaralan ko.  Eh dahil kakatipid type ko mag-print sa dot matrix na printer, e di ba tikitik ng tikitik ‘yon.  Tapos doon din ako nagta-type ng assignment ko na siempre bawal rin kasi nga internet lang. hahaha. Karma nahuli ako kung kailan naka-duty doon ang crush ko.

Napadpad lang ako sa Filipiñana nung nagte-thesis na ako.  Isa ‘yon sa ayaw kong section, next sa science & math section. Malayo na ang photocopy machines doon eh wala ka namang matima tas kailangan pang ipadaan sa mga librarian.

Pero, ang paborito ko sa lahat ‘yong circulation section dahil nandoon na halos lahat ng hinahanap ko.  ‘Yong mga librong pumupuno sa green card ko ay doon nanggagaling. Pero alam mo ba ang madalas kung iuwi o hiramin mula roon ay  hindi ko naman nagagamit sa pag-aaral ko.

Hiniram ko lang ‘yong “tom sawyer” nung tapos na naming pag-aralan. Mas pinili kong basahin ang Japanese book at psycho graphology kaysa Spanish namin.

Hay, ewan ko type na type ko makakita ng mga libro pero madalas masarap lang silang tingnan dahil bibihira lang ako ganahan magbasa dami na kasi agaw -atensyon ngayon.

Van del Bandel

Dear Van,

Ako rin type ko ring magbabasa pero hindi lang ng libro kundi maging blog, website, komiks, magazine kahit ‘yong mga vandalism sa CR at Bus.

Kahit anong mangyari don’t ever forget to read kahit ano pa ‘yan kasi iba ang hatid ng libro sa anumang uri ng nakikita ng mata.

Tandaan basa ha, hindi mga tumingin-tingin ng pictures then dapat kahit papaano ay may matitima ka.

Ate Jevz

Advertisements

23 thoughts on “Memoria en la Biblioteca

  1. Van talaga ang name ng nagpadala ng sulat ate Jevz? haha
    At Ang inspirasyon ba ng article na ito ay ang pagkain sa fast food chain sa Katipunan? :p

    Pareho kami ni Van, tambayan ko rin ang library dahil feeling ko estudyante talaga ako kapag andoon ako. Sa periodical section agad ako dumidiretso para magbasa ng dyaryo at saka pa lang lilipat ng pwesto kapag nakahanap na ng librong mbabasa.

    More power ate Jevz. :p

  2. nyahaha
    way back in high school, i was a geek
    hard to believe but true
    tambay ako ng library
    panay pa basa ko non
    kahit ano, babasahin ko
    fast foward to 2008, i can’t stand reading
    let alone be near a book
    hehe

  3. Ate Jevs: salamat leng-leng sa wish mong power! actually matagal na itong sulat na ito bago pa iyong sa katipunan.. lagi lang nasa draft ko dahil nakakalimutan kong i-post. tanong ko lang ha… sigurado ka bang diyaryo ang hawak mo at hindi straw?

  4. ate jevs: hindi kaya kamag-anak mo si van, raft3r? sa bagay true ang mga ganyang istorya sa dami ng makakapag-abalahan today. mabuhay!

  5. pinasasabi ni van: tumpak ka diyan rimewire…kahit may mga maiingay na foreign students sa tabi-tabi gaya ng mga KOreans k lang…

    alam mo ba akala ko foreigner ka rin kala ko kasi ‘di ko naiintindihan ang firstwordmo… mabuhay!

  6. at pareho din kayo ni Van. anong klase pampatulog meron sa reference section. wahaha

    eto naghahanap pa rin ng oras at inspirasyon para mapagpatuloy ang kwentong pambata. ikaw, kumusta na?

  7. hmmm.. sa uste ba siya nagaaral? hehe wala lang, nanghuhula lang ako. 😀

    gusto ko rin yung lib. pinayayaman ko lib namin dahil hiram ako ng hiram tapos nakakalimutan kong ibalik kaya limpak limpak ang aking binabayarang overdue fee. hee. 😀

  8. ate jevs:hindi ko lang sure kung taga UST itong si Van. at least d ba, walang masasabi sa iyo ang library/ librarians ninyo kasi nagbabayad ka ‘pag nanghihiram.
    ask ko lang mas mura ba pag nagbayad ka na lang ng book kaysa bumili ng bago? hehehe

  9. um, oo 😀 kasi 5pesos per day lang eh. limpak limpak na yun sakin. hehehe! 😀 eh kung bibili ng bago, dagdag pa yung pamasahe papuntang mall. plus effort. tapos usually pagdating sa bookstore wala rin namang kopya. hehe!

  10. ate jevz: sa bagay may tama ka diyan. ako rin dati, kung para lang naman sa isang grading period, di na ako bumibili. sayang rin naman natatambak at mahal na talaga ang mga aklat.

    tama ang katipiran, mahal ang “miles!” yahoo

  11. ate jevz: nakakatuwa naman itong si van dahil nakahiligan nya ang magtambay sa loob ng kumbento un kc ang tawag ko ng nasa highschool pa ako dahil ang librarian ang aming madre dapat tahimik ka aru! me un ang tambayan ko pag mayroon akong vacant time hehehehehehe hanggang nasa college na me. dahil pwede kang magbasabasa ng anek anek d2. dapat nga may playboy para sulit ang babasahin d2. hahahahahahaha!

  12. ate jevz: hoy bat nang-aagaw ka ng name and linya! nagbabalak ka pang magpanggap na ako ha! joke!

    kumbento ba? pwede na rin … dapat nga gawing tambayan ang mga library para mahilig sa pagbabasa ang mga kabataan, pero wag namang playboy. teka matanong ko lang , may playboy na ba nung panahon mo? heehhe

  13. hilig ko rin mag-library kasi dun kami nagkikita ng klasmeyts ko para magkwentuhan ng mahina dun sa sulok haha o kaya matulog habang nagbabasa, go figure hehe…pero minsan pag sinisipag, napapapunta rin ako sa mga reference sections. yung iba naman related na sa mga subjects ko. 🙂

  14. ate jevs: naku totoo ‘yan nagiging lihim na chatroom yang mga library na yan…ako dati diyan ko hina-hunting ang mga crush ko. hehehe

  15. Ako, naghahanap ng oras! Hahahah. Kulang time ko to blog. Hmmmp. Kaloka. May mga pinapagawang work kasi e masyadong time consuming. Hayyay!

    At di ko pa rin nagagawa si Agdan. Kulang din ng inspirasion. Hahahaha. O bakasion kaya?

    Nakakahalata ako sa inyong tatlo nina Sonnet at Avi. Busy o nagbibisibisihan? Wala na kayong bagong mga poste. Dun sa kanya, namamatay na ako sa usok ng sigarilyo. Dito naman, inaantok ako sa reference section. Hay….

    New post! New post! New post! Ayan tuloy, nagwelga akong mag-isa. Heheheh.

  16. oo nga noh! hahaha. sige may mga draft na ako para sa bago kong mga post
    baka sunod-sunod pa nga eh. busy lang talaga lately…more power sa iyo!

  17. tambayan ko din yang library, lalo na pag masyadong maaga ang klase ko nun. sa humanities ako madalas tumatambay, nakikipag-getting to know you kina robert frost, emily dickinson, e.e cummings, saka sa iba pa nilang katropa. tapos pwede pa akong mag-nap.hehehe. pambawi sa paggising nang maaga. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s