Kakanin at Nena’s Special bibingka!

palitaw
palitaw

well being certified makamasa, katutubo and whatever na matipid na makaluma, I really like to eat delicious kakanin. apart sa aking precious champorado, hindi ko ipagpapalit ang mga kakanin sa mga foods na mabibili sa mga fast foods. kahit ang pagiging ice cream girl ko ay ipagpapalit ko.

nitong mga nakaraan, I’m happy dahil lagi akong pinapalamon ni manang juling ng kakanin. kung may anda rin lang naman ay pinapasalubungan niya ako ng kutsinta, puto, pitchi -pitchi na mula sa commonwealth market. minsan naman ay may dala rin siyang puto bumbong at bibingka na binili niya either sa quezon city circle or sa tiange sa Lung Center of the Philippines every sunday. In fairness, naa-apreciate ko lalo si manang juling ‘pag may pasalubong ako sa kanya. hehehe sa tanda at cute kong ‘to (chenez!).

puto bumbong at Bibingka
puto bumbong at Bibingka

alam niyo kahit puyat ako or medyo in bad mood ( yes people may mood swing (topak) ako palagi lalo na sa umaga) babangon ako para lang lamutakin ang mga mabigat, pampautot o kahit pampasakit na tiyan na mga kakanin na nakahain sa aming abang hapag-kainan.

ako naman,  type na type kong mapadaan sa arayat, cubao dahil may binibilhan akong tindahan ng kakanin doon saka kami ng ate ko sa commonwealth market din (well hindi ko alam kung pareho kami ng binibilhan ni manang juling).   ‘pag ako ang bumibili hindi naman ako maramihan, tamang makakain lang ng todo sa murang halaga.

paborito kong kakanin ang bibingka, puto bumbong, palitaw, kutsinta, sapin-sapin at higit sa lahat yung ube halaya.

Nena’s Special Bibingka

July 2 nang mapadpad kami sa Cubao, Araneta Center ni Manang Juling. kahit nagmamadali akong makapunta ng gateway, nung inaya niya ako na kumain sa nena’s abay go agad ako.

first plate

first time kong makakain sa nena’s noong araw na iyon. type ko ng bisitahin ito nang mapanood kong i-feature ito sa “Landmarks” ng Net 25  pero dahil wala time, wala makakasama at lalong walang pera ay hindi ako makapunta. Buti nga talaga, pinakain ako ni Manang Juling rito.

well, i would like to invite you people to please visit & eat siempre sa Nena’s Bibingka… why?

kung titignan ang labas ay mukhang ‘di maganda ang nena’s pero sa loob ay maluwag naman po iyon at okay naman ang linis o interior design nito. generally talaga, after ako sa service at sarap ng foods & plus factor na lang ang packaging ng isang resto. lahat naman po ng naranasan at natikman ko sa nena’s ay pumasa sa panlasa ko.

dahil wa kaming alam ni manang juling kung may nagaganap na “eat all you can” doon, in-assist talaga kami ng waitress doon  hanggang sa makakain kami. ganoon din naman yung waiter na kasama niya.

2nd plate

hay naku kung dadako tayo sa pagkain… naka 3 plato po ako. slice-slice lang naman ang  kinain ko roon. iyon nga lang kung wala kaming hinahabol ni manang juling na oras eh baka ay naka-apat pa ako. ang sarap din ng timpla nila ng tokwa’t baboy saka pansit bihon.

medyo di ko lang nalasahan ang bibingka nila (hindi daw oh?!) dahil paiba-iba nga ko ng tikim. yong “eat all you can” nga pala nila Php 75 lang at from 3-6 pm ata.

Gusto ko ring i-emphasize na matagal na po sila sa cubao and orginal ang kanilang bibingka. iyon ang nalaman ko sa “landmarks” and iyon din sabi sa akin ni manang juling.  medyo natatabingan nga lang siya ng mga establishments sa cubao kaya medyo di gaanong napapansin.

3rd plate
3rd plate

I hope na marami  ang sumubok sa  kanilang foods…whether hindi kayo mahilg gaano sa kakanin,para maiba naman at para balikan ang mga pagkaing Pinoy ay kumain na kayo sa Nena’s (gen. romulo st., socorro, cubao, QC) at ng  mga kakanin.  wag natin patayin ang ating sariling mga pagkain na nakakatulong sa turismo, negosyo at sa pagpapalawig ng ating kultura.

ang nena’s ay  katapat ng dating rustan , (saktong-sakto sa cubao post office) at kahilera ng puregold (dating cod).

Mabuhay!

Advertisements

28 thoughts on “Kakanin at Nena’s Special bibingka!

  1. ano sabi mo mare, medyo hindi mo nalasahan ang bibingka? Baka naman nilulunok mo lang kasi. Nguyain mo kasi mare, hehe:) Grabe ha, naglaway ako sa entry na ito. Alam mo naman matakaw din ako sa kakanin at nangunguna lagi sa kutsinta na binabaon mo. Speaking of, magdala ka ulit sa office ha? hahaha! Joke lang pero kung seseryosohin mo, mas maganda:)

  2. oo nga yung bibingkag iyon eh maliit ang part sa mga nilunok ko. hehehe. oo mare tayo ay mga alagad ng kakanin especially ng kitsinta. siempre dadala ako ng kutsinta basta mapadpad si manang juling doon. eh kung iyon kaya ang ipakain ko pag ako na ang…. (chienez!)

  3. SARAP NAMAN ni aling nena este yung kakanin pala nya! nagutom ako sana may kakanin sa malaysia araw araw twing linggo lang kasi ako nakakatikim ng kakanin pag nag sisimba ako… pag hindi ako nag simba walang wala si aling nena este kanin pala…

    salamat sa blogroll! first tym ako dito tapos nasa blogroll mo pako!!! tenks tenks =)

  4. oo masarap po tlaga… mabuti na rin yun mangbadoy kaysa di ka na makatikim. partida kasi nasa malaysia ka pa. punta ka sa nena’s ‘pag namasyal kayo ng bebemo.

    matagal na akong nagpupunta kasi sa blog mo at nagko-comment na rin ako.hehehe. kaya me i blogroll kita. thanks sa pag-visit

  5. punta tayo kay aling nena, favorite ng anak ko rice cakes. Parang ikaw yun PINOY FOOD gusto kesya banyagang pagkain.

    At sino naman si mangbadoy? na palagi mong visit ang blog

  6. oo naman magkakasundo kami ni ira lalo na sa bagay na yan. dapat talaga kumain ng sariling atin. pero lamang ata si ira sa akin kasi siya kumakain din ng gulay ng Pilipinas hehehe.

    pero mga people patas naman me, kahit naman kasi imported I don’t like vegetables. hehehe( pero pili lang naman.)

    si mang badoy ay kwela at makwentong blogger lang… may bebenapo yon kaya di kami talo…talagang hanggang dito may mga intrigang ganyan.

  7. Shucks! Kaloka… bigla akong nagkaroon ng kakanin craving. Buti sana kung maaga pa, may mabibili ako malapit sa akin! Waaaaaaah.

    Mah-umaga lang… patay ang mga kutsinta’t bibingka sa akin! Huuuuu!

    Musta na, girl?

  8. naku sugod na kapatid kapag may pagkakataon. masarap din talagang agahan ang mga ‘yan! just don’t forget to check your sawsawang nyog. hehehe…

    mabuti naman ako, di ko pa napagpapatuloy yung manuscript lagi kng nakakalimtan yong notes ni Titser May. One time brainstorming tayo ha! hihintayin ko talaga ang AGda mo at tutubi ni avi! mabuhay sa ating mga isip-bata!

  9. Pwede ung unang plate ang order ko? wow super kakagutom naman nito. Grabe ang lapang, talagang mapapa wow ka talaga sa sarap. sige pagnagawi ako sa cubao try kong bumisita doon at ng mapawi ang aking gutom. 😛

  10. waaaah
    hwag naman ganitong klaseng mga blog posts
    sabik na sabik na ako sa pinoy tsibog
    hehe

    btw, thanks 4 always visiting the deadbeat club
    care to exchange links?
    sige na!
    hehe
    =)

    thanks and greetings from baltimore!

  11. waaa, tulo naman laway ko. di ba ang tawag dyan sa mga pichi pichi, at mga kakanin e, GASTOS!!! remember ko yan kapag naglalakad yung mama tapos may bibit na basket o kaya bayon, tapos naglalako at sumisigaw ng gastos takbuhan na kami nyan palabas.. para gumastos 🙂 at oo, parang alam ko yang nena’s bibingka… pero mas masarap kung matikman ko ulit sya

  12. oo nga no, tumpak ka diyan! minsan pa nga pag naririnig ko na yung potpot niyan nung bata pa ako… hindi na ako mapakali, di ko alam kung tatawagn ko na siya kaagad o kukuha muna ako ng pera.

    mapapagastos ka talaga… hehehe!

    salamat sa pagbisita!

  13. hehee sana nga makatikim ka na ulit with you little kengkays… naisip ko tuloy kung paano nila kakainin kasi di ba type din nila magsampa ng paa sa upuan habang kumakain. hehe… mabuhay!

  14. tama yan aling baby! go go lang habang may pagkakataon. kasi malay natin lumipat na iyon o magsara na kung hindi tinatao. heheh. may pangungusensya factor?! hehehe. mabuhay sa iyo diyan!

  15. pwede po bang makuha yung no. ng nena’s bibingka this coming dec. ang christmas party namin venue po ay sa araneta coliseum.
    ang aming theme ay paskong pinoy syempre ang pagkain pinoy din
    gusto ko pong mag-inquire

    kindly send an e-mail to me and kung pwede po today na coz our food comittee will have a meeting this afternoon. thank you.

  16. naku wala akong direct contact sa nena’s jackie. and hindi ko na rin alam kung saan ko nalagay yung resibo. inquire na lang siguro kayo sa operator or araneta center… tingin ko naman meron sila.

    hope na-pursue ninyo ang pagkuha ng service and mahain ang pagkain sa nena’s. mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s