Head to Toe: Street Catastrophes (reality show)

Dear Ate Jevs,

Medyo nagsawa na po ako manood ng reality show ngayon. Nagiging normal na po kasi ang trend na ito sa TV. Hinihintay ko na nga lang kung anong klaseng gimmick ang gagawin sa Pinoy version ng Fear Factor at Survivor.Kayo po ba ate Jevs, anong paborito at mairerekomenda ninyong reality show?
Henri Caplong

Dear Henri,
Alam mo hindi mo naman na kailangan ang manood ng TV para makakita ng reality show. Maglakad ka man o sumakay sa mga ordinary bus o pampasaherong jeep, pihadong may makikita ka na interesante.

Actually, sa sobrang reality niya pati ikaw mismo nakaranas na rin ng mga ito. narito ang top 10 reality experiences na makikita mo sa real world reality.. ‘di kailangan ng tv, tipid sa kuryente, at walang entrance.

  • Natamaan ka na ba ni Lola o ni Ale? Iyong payong na mahaba tas isinukbit niya sa kili-kili niya. Pusa kawawa ang mga malalaki ang hinaharap, asintado.
  • Nabingi ka na ba sa busina ng mga jeep at bus? Iyong kahit halos nagpa-park na sila sa kalsada sa pagsasakay ng mga pasahero eh panay pa rin ang busina ng mga drivers. Tas yong kundoktor niya eh romoronda na sa kalsada at nangangako na maluwag pa ang bus pero sardines na sa loob ng bus. Nakakabingi, taas ng decibels.
  • Naulanan ka na ba? Hindi ng tubig-ulan ha, iyong singa at dura. Hay ang mga durara proud ng pamana nila sa sangkatauhan.
  • Kahit tumatawid ka sa pedestrian crossing (o sige sa mga taga- Maynila, Ped Xing), may humaharorot pa ring sasakyan na dadaan sa harapan mo.
  • Ang ganda ng lakad mo at pormang-porma ka then suddenly iyong nag-lilinis ng kanal natilamsikan ang khaki mong pants o nabuhusan ka ng kumukulong sabaw sa carinderia or yong malala, ihi sa arenola mula sa bintana ni lola. Wahhhhh
  • Ikaw na babae, tumayo ka sa waiting shed ni kong sining politico then napansin mo na parang mapanghe. Iyon pala may mama sa likod ng pader nagdidilig ng damo, pati bulate tinitigok.
  • Gutom na gutom ka galing trabaho o school, so bili ka naman ng makakain. Nginat-ngat mo na iyong food ng biglang lumapit sa iyo ang isang gusgusing mama o babae. Kukulitin ka nila hanggang sa maging food holdup na iyon.
  • Diretso ang iyong tingin dahil dadaan ka sa mataong lugar o ‘di kaya sa pa-cute ka pa sa istambayan ng crush mo. Yakang-yaka na sana ang lahat ng suddenly na-feel mo may something sa iyong nilakaran. Sorry Dong o Day hindi putik ang inapakan mo ebs ng aso.
  • true story ititch! Nag-aabang ang pinsan ko ng masasakyan sa Cubao ng biglang may sumampal sa kanya. Siempre, di papayag ‘yon gusto rumesbak. Kaso sinabihan siya ng katabi niya na baliw yong sumampal sa kanya. Pag tingin niya sa baliw, nanampal pa ng iba. Fair naman pala.
  • weh to pa. iyong dinadaanan ko sa school , may nakaparada doon na na kariton. Tirahan iyon ng isang mag-asawa na pagala-gala at palimos-limos doon. Hindi naman sila nang-aano, ni hindi nga ako hiningan non kahit kailan. Ang siste, mataas pa ang araw nagdyog-dyogan na ang mga hitad at payong or kumot lang ang takip. Hindi ko alam kung matagal ba ang interval ng pagdaan ko roon pero ‘pag pinapansin ko sila parang padami ng padami ang bata sa kariton nila. Oh di ba taob ang bahay ni kuya sa kariton ni manong.

Siya nood na,

Ate Jevz

10 thoughts on “Head to Toe: Street Catastrophes (reality show)

  1. Wow, congrats sa bagong blog design. :p
    Nakakatawa, nakakaiyak, nakakaasar at nakakapraning ang mga tunay na eksena sa totoong buhay kaysa sa mga reality shows. At least in real life hindi scripted.

  2. salamat! simple pa rin naman… hehehe!
    Korek ka diyan leng-leng. iba pa rin ang nagagawa ng mga tunay na eksena kaysa napapanood mo lang.

  3. hay naku, yang walanghiyang payong na yan, dapat makulong na! isama yung aleng may dala-dala sa kanya! aba’y walang pakundangan sa pag-asinta!

    yung mga mahilig dumura sa kung saan-saan, dapat pinuputulan ng dila ng di na makadura!

    crumbs
    i-view

  4. talagang, may galit ha! oo ewan ko ba sa mga ale diyan… di naiisip na nakakaperwisyo sila sa likod nila. tapos yong kung saan-saan dumudura eh, lakas ding manghawa.. hehe

  5. yes mare korek ka diyan… nung nag-aaral ako sa manila… para ka talagang nanood ng reality show. bahay nila ang daan. may hallway na doon na sila nagtutulog, kumakain, naliligo, nagpapalit ng damit, as in kala mo bahay na walang pader. pag may nagchu-churvahan ako pa ang nahihiya.

  6. yan ang mga katotohanan sa buhay natin… walang kamera o anu pa man…ang totoong reality show talaga…Madalas pa sa public busses na mauubuhan ka ng katabi mu…at di man lang mag sosori…sarap gantihan [duraan siya hangang malunod]

  7. ay tumpak ka diyan dudong, actually kung mag-iinarte tayo amoy pa lang ng taong may sipon malalanghap mo na… what more kung ilabas na niya iyon with matching ubo. ewan ko ba naman kina manong at ale kung bakit di nila naiisip na hindi lang paninigarilyo ang polusyon. hehehe! saka pakikisama mo na rin yon sa ibang tao.

    Salamat sa pagbisita!

  8. 1. aray!
    2. fairview, sapang palay, ilalim cubao. ( fast lane po ba) mamang conductor passsssssssst pasakay
    3. kulay green at yellowish pa kaya. bastos
    4. sa manila ped xing eh ang translation nito sa edsa “BAWAL TUMAWID, NAKAMAMATAY”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s