graceful exit…

Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.

que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…

Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.

Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.

Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.

Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…

Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…

Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…

Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…

Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…

Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..

Advertisements

5 thoughts on “graceful exit…

  1. Since I fear endings, kasama na dun ang death mare. I know it’s part of life’s cycle pero time and time again, I would wish I had the power to stop it.

    hitokirihoshi_kawaii: ako… nagwi-wish na pag -ako na yong aalis sana ay mabilisan na lang… like yung kay FPJ… pero sana bago ako mawala, nagawa ko na yong mission ko sa mundo… hay!!!

  2. Madali akong lumuha sa mga istorya ng pagkamatay dahil ilang beses na rin akong nawalan ng mga mahal sa buhay.

    The thing is death is that it is inevitable and the only thing that we can do is to seize every moment given to us.

    hitokirihoshi_kawaii: korek ka diyan leng-leng

  3. Pagkamatayan ang pinag-uusapan lahat tayo darating dyan. Pero bago pa man humantong tayo sa bagay na yan dapat maghasik ka ng kagandahan ng puso sa iyong kapwa at iparamdam mo ang mga mabubuting gawain para pag tinanong ka sa Itaas kung ano ang ginawa mo. O diba ba! proud ka ate jin.

    hitokirihoshi_kawaii: oo naman mang obet…ang misyon ko ay maghasik ng love at gawing lalaki ang mga tulad ni michael… hahaha!

  4. death naman is inevitable. saka you can’t say you truly lived kung di ka mamamatay, diba?

    pero nakakalungkot pa din. kahit sabihin mong, tanggap mo na pag namatay ang isang loved one, sa puso mo, iba nararamdaman. ako, umiiyak pa din ako whenever i look at my nieces photos, iyak pa din ako. di ko nga tinitingnan mga pictures nung burol at libing nya.

    crumbs
    i-view

    hitokirihoshi: yeah nabanggit mo rin lang ang about sa pictures… kung mapapansin nyo nasulat ko ang post na ito bago namatay ang auntie ko (noong june 19)… tulad nung sa uncle ko na asawa niya.. hindi rin kinuhanan ng mga pinsan ko ang buong lamay at libing ni auntie. tama naman ang katwiran nila… gusto nilang maalala ang magulang nila na buhay kaysa patay… sa bagay sino ba namang maglalagay pa sa album ng taong nakalagay sa kabaong…well maliban na lang siguro kung bayani at kailangan madokumento sa libro ng kasaysayan…

  5. alam mo, nung wala pa akong sariling pamilya, wala akong pakialam sa buhay ko. ngayong may pamilya na ako — dun ako nagising na maganda pa lang mabuhay at sempre, naging maingat lalo kasi gustong mabuhay ng matagal. pero sempre hindi pa rin natin masasabi di ba? nakakatakot pero kapag naman masakit na ang buhay, mas mabuti na rin yung graceful exit. hay buhay…

    hitokirihoshi_kawaii: tama ka na mas lalo nating pinapahalagahan natin ang ating buhay kapag may minamahal tayong iba… siguro maigi eh i-maximize na nga lang natin yung time natin sa kanila at maging sa ating sarili… para okay na rin…masaya naman ang life..kung matutuhan itong i-enjoy… thank you very much sa pag-visit!…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s