Happy Father’s Day!

Eto na siguro ang isang araw na hindi ko na mase-celebrate at hindi na-celebrate…year 1991 pa lang kasi ay wala na akong daddy at sa loob ng walong taon na nakapiling ko siya… iilang beses lang kaming nagkasama ng personal.

Para sa akin, ang ama ay ang “provider” ng pamilya. Ang buong isang linggo niya ay iikot sa pagtatrabaho at ang day-off niya ay hahatitin sa kanyang pamilya at barkada. Bibihira ang pagkakataon na gagawa siya ng gawaing bahay, dahil inaasahan niyang trabaho na iyon ng kanyang esposa. Pero siempre lahat ng iyon ay napapanood ko lamang sa telebisyon noon. At sa paglakad naman ng panahon ay nakakakilala ako ng masasabi kong mabubuting ama.

Pasintabi sa matatamaan…

Bulto-bulto ang mga kalalakihan ngayon na parang nag-iiwan lang ng stain sa damit kong makapag-buntis ng babae. Puwedeng nadala sila sa tukso o tinamaan ng libog pero paano kaya nila matitiis ang bata na galing sa kanilang dugo’t laman na walang makain at hindi makapag-aral.

Buti pa iyong mga step-dad o mga nag-aampon ng bata, nagmamahal ng tunay sa kanilang mga anak-anakan. Talagang saludo ako sa kanila!

Isama na rin dito ang masasabing mga binabae at kasapi ng ikatlong kasarian. Mas okay po kayong kasama kaysa sa mga guys na walang balls!

Minsan nasabi ko na ang katagang “kahit hindi na siya maging mabuting asawa, maging mabuti man lang siyang ama.” Ito ay dahil na rin sa awa ko sa isang batang malapit sa akin. Dapat magbigay ang ama ng sustento dahil pangangailangan iyon ng bata at dapat din niyang pag-ukulan ng panahon ito dahil iyon ang kailangan nila. Kakarampot lang sa mga batang produkto ng broken family ang kayang umintindi sa naging kalagayan nila sa buhay. At ‘di pa masasabi roon kung tatanda silang walang poot at hinanakit.

Maiigi pa ang mga tiyuhin na kahit may sariling pamilya ay tumutulong para mapag-aral ang kanilang mga kamag-anak. Kasama na rin yan ang mga ninong na madaling malapitan financial o moral support man ang usapan. Isa po kayong malaking aginaldo!

Mayroon namang mga lalaki na itinira ang kanyang asawa’t mga anak sa isang bahay pero mga nagbubuhay-binata, nababarkada, panay ang inom, talamak sa sugal, adik sa kotse, gumon sa droga at pambabae ang inaatupag. Wag sana silang magtaka kung bakit malayo ang loob sa kanila ng kanilang mga anak at ang malala ay hindi na sila ituring na magulang ng mga ito.

Nakakatuwa ang mga school teacher o professor na dedikado sa kanilang pagtuturo at nakapag-iiwan ng marka sa kanilang mga estudyante. Hindi lamang sila nagtatanim ng mga leksyon sa araw-araw, nagsisilbi rin silang inspirasyon para abutin ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap. Kayo ang masasabing ama ng mga estudyante!

Ang pinakamasakit na istorya na maririnig ng kahit sino ay ang pagmamaltrato, pang-aabuso at panghahalay ng isang ama sa kanyang anak. Ang ganitong mga haligi ng tahanan ay maituturing na baliw dahil ipinagpalit ang pwesto ang dalawa nilang ulo. Kahit pa nga yung apat na haligi ng bahay kulang pang itoktok sa dalawa nilang ulo e.

Nakaka-touch ang mga rescuers, volunteers, firemen, o iba pang mapagkawang-gawang lalaki na nag-aalay ng serbisyo at donasyon upang makatulong sa pangangailangan ng ibang pamilya. Sobra-sobrang masigabong palakpakan sa inyo!

Para sa akin, ang mga lalaking marunong magpalit ng diaper, magtimpla ng gatas, mag-ayos ng damit o buhok ng mga bata, magluto ng pagkain, namamalengke, nagba-budget ng pera, naghahatid sa school, nagpapatulog, nagtatahi ng damit etc. ay hindi dapat minamata o pinagtatawanan. Dahil higit sa pagganap ng kanilang mga tungkulin bilang mga ama, sila rin ay mga karespe-respetong lalaki dahil marunong silang magmamahal, mag-aruga at MAGPAKATAO!

Mabuhay po sa lahat ng ama, sa magiging daddy, step-father, Ninong, Tito, Guro, amain, at kahit na doon sa mga mukha ng tatay. Hehe!!!

Happy Father’s day kina Uncle Bong, Bangaw, Kuya Obet, kuya Eric, Kuya Janzen, kuya Marlon…. (kahit malamang si Kuya Obet lang ang makakabasa nito.!)

Advertisements

10 thoughts on “Happy Father’s Day!

  1. Nakow! sabihin mo lang ke kuya obet na binati mo sya, magko-comment agad yun dito! yn pa! pero bilib ako dun. lab u, kuya obet. yung header ko po, asan na?

    happy father’s day sa mga pudra out there!

    hitokirihoshi_kawaii: oo nga! mabuhay KOYA behT!

  2. Marami talaga ngayon ang mga sperm donor na lang!
    Tama ka diyan, Avi. Sabihin na lanh kaagad kay kuya Obet at paniguradong may instant reply agad. Happy Father’s Day Ka Obet and to all the fathers out there. :p

    hitokirihoshi_kawaii: naka naman si koya obet bida ever sa post na ito…buti sana kong karamihan sa mga sperm donor eh gwapo kaso hindi… heheh

  3. janeski, hindi man mabasa ng switee ko ang entry na ito, ikukwento ko sa kanya na he falls in the last category, yung para sa mga butihing ama. Maswerte ang Sonnet namin because she has a father like him:) Sana lang walang favoritism kasi mas sweet sya magsabi ng “hello papa” kesa “hello mama”

    hitokirihoshi_kawaii: Korek mare! ipagdiwang talaga ang mga father na tulad ni John… mabibilang na lang ang katulad niya… si bangaw naman kahit ganun e masasabi kong mabote-bote na… hehehe

  4. Hahaha! Maboteng at mabuting ama rin yan si bangaw otherwise hindi hahabol-habol si juliana sa kanya hehe:)

    hitokirihoshi_kawaii: korek mare… hindi nga lang maamoy o makita yon.. nagwawala na… pati na si pia.

  5. Hi hitokirishoshi salamat sa blog mo sobrang na antig ang puso ko. alam mo ba na sa t’wing darating ang araw na yan don ko lang nararamdaman na ang sarap ng pakiramdam pala na maging isang ama. kaya sa lahat ng mga father na katulad ko saludo ako sa inyo! HAPPY FATHER’S DAY!

    hitokirihoshi_kawaii: saludo rin ako sa iyo koya obet, ang ulyaning ama este ang uliran umanong ama. waheheheh

  6. I’m sure mga luha pang pumatak mula sa mga mata ni kapatid obet habang tinitipa nya ang komento na inilagay nya rito, mare.

    hitokirihoshi_kawaii: oo nga mare… nakita ko nagpupungas pa ng mata. hahaha!

  7. Salamat ha! ako ba ung tinutukoy mo dito na uliran…
    Seriously speaking, na-touch ako dahilparang lalo kong naramdaman na mgiging ama na ako. Hayaan mo, ipinapangako ko na hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko, pipilitin kong mging isang mabuting Ama at Asawa sa pamilya ko.

    -dragonheart26

  8. salamat at nag-comment ka, akala ko babasahin mo lang.. hehehe. mabuti rin at naantig ka sa laman ng entry na ito.

    hindi ko pa masasabi na uliran kang ama, kasi wala pa noh! pero mukhang promising ka naman. hehehe!

    dapat lang na gawin mo Chris na maging mabuti ka sa mag-ina mo. dahil kahit isa sa kanila ang mapabayaan mo eh maapektuhan ang isa. I wish you all the best and kapag nanganak na si Deb ” happy Father’s day na sa iyo!”

  9. kakalungkot ka parang trial and error na lang ang pag-gawa ng bata… kawawa naman ung mga bata na walang kamuwangmuwang na kakagisnan ang mundong komplikado na wala mang gabay na natatanggap mula sa knilang mga ama… saludo din ako sa mga taong mas ama pa sa mga tunay na ama.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s