Head to Toe: Environment friendly tips

Dear Ate Jevs,

Grabe na po tlaga ang global warming. Lahat ng bagay, may buhay o wala ay naaapektuhan. Pati nga po hair ko sobra ng dry.

I think kailangan ko ng mag-care because I believe hindi lamang po kalat o dumi, ang mare-resolve kapag naging mapanuri tayo sa ating ginagawa at ginagamit. Ako, aminado ako na hindi ako dugyot at burara, makakalimutin lang at saka makalat.

May maibibigay po ba kayong tips na tipong kahit simple ay makakatulong ako para wag dumumi at magkaroon ng basura?

Bebong Pinlat

Dear Bebong,

Mbuti nmn at may k2lad mo n cncern n rin s atng mother earth. Nawa’y may 2mulad sau. Nri2 ang few smple tip q n kering gawin pra mpakinabangan ang mga old things na itinatambak lang.

Para hindi na sila maging kalat, gawan na natin ng paraan.

Ate Jevz

old damit. Maraming pakinabang sa mga lumang damit. Pwede itong ipamigay, i-donate at kung pangit na ay gawing basahan. Kung puting shirt, aba’y mas lalong maraming gamit diyan. Pwedeng panala sa gripo o posong makalawang, ulong kinukuto, at pampatong sa noong nilalagnat.

ice cream containers. Maraming mahilig sa ice cream ( mabuti na lang hindi ako mahilig rito) pero kapag ubos na ay kung saan-saan itinatambak ang galon, cup o anumang lalagyan nito, plastic man o lata. Pwede ang mga itong lalagyan ng mga pantahi (sinulid o karayom), krayola, pantali, panty & brief etc. Papasa rin ang mga itong paso para sa mga halaman at arenola sa gabi. Ang cup nito ay pwede ring lalagyan ng ebs or wewe kapag papa-medical check-up.

Old magazines and newspapers. Punit-punit na ang linyang pagbebenta sa mga ito pero iilan lang ang gumagawa. Hindi ba’t masaya ang kumita kaysa matambakan ng basura. Hanap ka na lang ng mahal bumili ng mga ito. Pwede mo rin itong ipangsapin sa iyong cabinet, cover sa iyong notebooks or books, panlingas sa kalan, pambalot sa tinapa o di kaya sa sanitary napkin na bibilin o itatapon na. May mas luma pang gamit diyan,’wag mo na lang ipa-elaborate kasi may CR naman siguro kayo.

Cellophane, paper bags or plastics. Itago mo ‘yong mga pinaglagyan ng mga pinamili mo sa grocery o talipapa. Para pag nakapamili ka hindi ka na kakalabitin ng mga bata o aleng nagbebenta ng plastic. Baka nga makapagbenta ka pa?

Pringles, ricoa, or boxes. Well tulad din ito ng ice cream containers mas maliliit na bagay lang ang mailalagay mo. Pwedeng ilagay sa mga ito ang mga nalaglag na botones, nahanap na pardible, o mga tali. Yong mga barya na hindi mo pinapansin dito mo na lang ihulog para dumami. Kapag may reregaluhan maigi rin ang naka-box.

Itlog. Dahil may kanya-kanyang expertise ang 2 parte ng itlog, may isa rito ang natatapon. Kapag ang egg white ang ginamit, ilagay ang egg yolk sa sinaing para maluto maipakain pa sa mga bata. Kapag ang egg white naman ang natira, lagay mo sa mukha mo, maigi raw yang facial mask. Tas yung egg shell lagay mo sa mga orchids… ginagawa yan ng maderaka ko kaysa sa ihi..hahaha.

Lumang kalendaryo and political paraphernalias. Ito gamit na gamit ko ang taktikang ito noong high school at college. Instead of cartolina and manila paper (na gingamit ko lang pag may pera ako), why don’t you try likod ng mga malalaking calendars or yung mga likod ng mga posters na ginamit mga politico. Hindi mo dapat ikahiya yon, dahil part ng buwis ng parents mo ginagamit lang mga pulitiko sa mga ‘yan. (naks mag-ala aktibista ba?) pwede mo rin silang pamaypay, panggatong at sapin para sa maduming sementong uupuan mo.

retaso, tickets, negatives etc. Well pwede na rin ito sa last kong letter sender. Yong mga magagandang gamit-gamit, pwedeng pagtiyagaan para magamit sa scrapbook like ng retaso ng tela, ticket sa bus, film negatives, balahibo ng ibon, natuyong rosas etc. (pwede rin kaya ang hibla ng buhok, ingrown, naipit na lamok sa libro etc. hehehe)

Mag-alaga ng Hayop. Kung laging may nasasayang na food, mag-alaga ng aso, pusa o baboy. Nakatulong kana sa kanila wala pang naaksayang food. Pero wag mo namang tratuhing hayop ang mga hayop na sobrang panis na ang ipinapakain mo. Redundant na yan!

Napkin. Every time na kakain tayo siempre di pwedeng walang tissue. Kunin mo ang matitirang tissue mo kaysa itapon lang. Magagamit yang sa emergency.

Advertisements

5 thoughts on “Head to Toe: Environment friendly tips

  1. e yung sirang bombilya at fluorescent? — gawing proteksiyon sa bakod. pang-anti-magnanakaw. 😀

    ate jevs: hindi ba bote ng alak o softdrinks ‘yon? pwede rin siguro ang mga ilaw pero dapat tangalin mo na yung white chemicals na nandoon kasi delikado sa health.

  2. yung mga balat ng prutas pwedeng patuyuin at ilagay sa bowl tapos lagyan ng potpouri oil. Ang bango bango pa ng bahay mo. Pwede ring VCO ang ihalo mo, oil din naman ‘yon.

    wow mare pang- bahay at kusina na ni len yan at pwede naman ang forum na ito sa siyensiya ko. hahaha… mabuhay ang mga practical at mapagmahal (kahit papaano) sa kalikasan!

  3. Ano ito Art Angel? parang gusto kong lumipat nalang d2 kc dami mga tips na mapupulot. eh diaper na gamit po saan pwede gamitin?

    ate jevs: pwede yang pataba sa lupa, tanggalin lang ‘yong plastic na nakabalot, kahit na ‘yong mga sanitary napkin na mamula-mula. pwede mo ring taniman ng monggo. joke.

  4. 2. ice cream containers. Maraming mahilig sa ice cream ( mabuti na lang hindi ako mahilig rito) — Hindi ka mahilig sa ice cream? Ililibre pa man din kita ngayon hahaha

    Hindi mo rin naisama ang pagre-recycle ng plastic. Napagkakamalan daw kasi ng mga isda na dikya ang itinatapong plastic sa dagat kaya nakakain nila.

    ate jevs: well siempre libre yan at masama ang tumatanggi sa grasya.. kaya akina… plastic sa dagat, dagdag knowledge yan… kaso hiindi pa kaplastikan na pakainin ang mga isda ng ganon. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s