Happy Mother’s Day!

 

Madalas sa kainan ang bonding namin ni Manang Juling. Pwedeng may uusbong na diskusyon pero hindi ako nakikipagtalo sa kanya. Sabi nga ng mga kapatid ko, sa akin lang siya nakikinig, pero ang hindi nila maisip e kasi ako ang lagi niyang kausap.

 

Alam ng mga kapatid ko na hindi rin ako nominado for Best performer in a daughter role  Ang isang special skill ko lang ay matutuhang makinig sa mga kwento niya  Kahit paulit-ulit na at tila alam ko na ‘yon,  nakikinig pa rin ako kasi ang puno’t dulo niyan ay gusto lang niya  ng may ka-chat.  

 

Persona ko na ang magkaroon ng sariling mundo (paminsan-minsan). Subalit, kapag lumabas na ako roon, hindi ko kinakaligtaan  na may nagmamahal sa akin at karapat-dapat kong mahalin. Mahirap maging ina, lalo na kung nag-iisa kang umiintindi sa isang weirdo at mga pasaway mong mga anak

 yon oh, Hi C!

Ba’t ‘di n’ya ako pinagbibigyan at bakit niya ako lagi pinapagalitan? Madalas kong tanong bilang musmos na nene Naliwanagan ang kokote ko na hindi madali ang mag-alaga ng bata nang mag-yaya ako sa pamangkin ko. Nagsusumikap ako na maging pasensyosa pero nasasagad talaga

 

Alam mo ba ‘yong pakiramdam na mag-uumpisa ka ng managinip, tapos biglang iiyak iyong sanggol sa tabi mo. Para kang nahulog sa pagkakalaglag, na kung pwede lang i-tacker ang bibig niya e ginawa mo na…

 

Naranasan mo na rin ba ang humawak ng budget ng buong pamilya na tipong sa iyo manggagaling ang pera para sa tubig, kuryente, telepono, maging ng tuition fees at iba pang anik-anik? Akala ko okay na ang pagiging matipid ko  pero iba pala ang power ni Manang Juling. Kailangan marunong kang mag-priority at matutong humindi. Sige nga pano mo sasabihan ang kuya mo na magtipid na humihingi sa iyo ng baon.

 

Wala pa diyan iyong pagdalo sa mga gulo nila sa buhay. Naranasan mo na rin ba ang magpanggap kang guardian kahit sa tingin pa lang ay talagang mukhang bata ang itsura mo kaysa ipinapakiusap mo sa guidance counsellor? Sa bagay di hamak na maigi na ‘yon kaysa magsugod sa ospital o mapadpad sa presinto.

 

May nabasa akong English novel na nabili ko ng sampung piso. May isang character dun na galit sa style ng parents niya.  Pero ‘di naglaon, napagbulaybulayan niya na ginawa lang nila kung ano ang  alam nilang tama at nararapat. Mayroon  din silang pagkatao na  hindi lang dapat unawain kundi kailangan ding intindihin, dahil sa bandang huli, tao rin sila na may sariling mga paniniwala, pag-uugali at pangangailangan.

 

Kung ano ang ating magulang sila na ‘yon. May sarili silang background story na humulma na sa kanila ng maraming taon. Matampuhin, mahina, magagalitin, istrikto, parang walang  paki, eh ganon talaga…  Ako tinatanong ko sa sarili ko kung hindi ba ako ganon, sabi niya mas masahol  ka pa hitad!  ‘Pag majunda ka na baka ikaw na ang “oldest weird on earth.”

 

Kaya payo ko lagi kay Manang Juling, mag-ballroom kayo at magpakasaya… malalaki na  kami…”Be Happy, yoh!!!!”

 

 Advance Happy Mother’s day  sa lahat, lalo na kay Manang Juling. Pati na rin kina young Mommy Tonet at Hot Mama Tet!!!

 

 

Advertisements

10 thoughts on “Happy Mother’s Day!

  1. Manang Jules rocks! Intergalactic-Super Mudra talaga!

    Idol ko yan si Manag Jules, inspirasyon sa imahinasyon. Dapat magkachikahan talaga kami nang todo one of these days.

    Advance happy mother’s day mga ka-nanayan!. 😀
    —————
    http://www.salvacion.wordpress.com
    http://www.eyeview.wordpress.com

    Hitokirihoshi_kawaii: ay like what i told u gusto ko siya gawan ng indie film… then 10 episodes sa mmk. hehee.. naku willing sa interview ‘yan. pinipilit nga nyan na gawan ko siya ng article tas puro pix niya… page: buhay- pinoy manang juling edition

  2. Ang cute niyo ni Manang Juling sa picture pero daig ka pa rin niya sa get-up. haha

    Maaga ang Mother’s day article mo na ito pero sa kabilang banda, araw-araw naman talaga dapat ay mother’s day. :p

    HITOKIRIHOSHI_Kawaii: oo lagi naman akong daig niyan… nagmumukha akong alalay niya palagi…medyo napaaga nga, naisip ko ito kasi sa mga napag-uusapan nitong mga nakaraan. at ngayon pa lang kailangan ko ng mag-ipon dahil tiyak, papalibre ulit ‘yan sa MAX. ayaw nya ng burger! burger! lang

  3. SALAMAT SA’YO NANAY!

    sweet, sweet nyo naman ma’am!

    =P

    NYek hindi ako sweet I swear! hehehe… nangangaral lang ako sa mga bata na akala mo eh mas magulang kong umasta… kaya iha….yon na

  4. mare, ang bait ng tsura mo sa picture n’yo ni manang juling….’kaw ba talaga ‘yon? hahaha! Thanks for the greeting, janeski. Ang aga ah:) At least alam mo na ang buhay ng isang ina, one day when you become one alam mo na ang gagawin mo:)

    hitokirihoshi_kawaii: naku mukha ngang aning e… heheh. oo nga alam ko na kaya, naiisip ko talaga babading-bading kukinin ko o di kaya yung mature na para sila na lang sa bahay. hehehe

  5. Ay naku! hands off, up and down ako kay manang juling.
    Mula get up at drama’t pananaw sa buhay. Grabe, super, as in, mega. all in all. wala kong masabi kung vow ako kay manang juling. kahit nga hindi ka magblog tungkol sa kanya mag comments ako eh.
    happy mother’s day manang juling.
    Syempre kay mommy tonet din at hot mama tet( sino yun? aray napaso ako, ouch!)

    Hitokirihoshi_kawaii: salamat sa pagbati kay manang juling.. naku pagbinasa niya ito… baka humagulgol yon at mapakain ako sa Max.. heheh… oo nga di ko alam bat nga ba hot mama yang si Tet?

  6. alam mo ba habang binasaba ko ang blog. nanariwa sa aking isipan ang liham ng isang magulang na nagpababa ng aking luha. nagmula ang pa nga sayo ito diba?. dahil ngayon ko naramdaman ang pagiging isang magulang na talagang mangyayari’t mangyayari ang mga pinagdaanan nila para sa atin. kaya para maramdaman mo ng lubos siguro dapat maging ganap ka munang isang ina. kasabihan nga makakabayad ka raw sa magulang mo kapag lumagay ka na sa isang magulong mundo (ang tinutukoy ko ang pag-aasawa diba?) kaya saludo ako sa lahat ng ina na nagbigay ng buhay at panahon para sa kanilang minamahal na mga anak. mula sa puso ng isang ganap na magulang na ngayon bumabati ako ng HAPPY MOTHER’S DAY!

    hitokirihoshi_kawaii: nakakapukaw naman ng damdamin ang iyong tinuran master! ang totoo n’yan maraming isyu akong nasagap nitong mga nakaraan. marami rin akong gustong isulat pero pang private eklabu ko na lang… advance happy mother’s day kay ate nessie decena!!!

  7. hoy! bubae koreksyonis hindi na decena si nesie. ganap na syang isang martos noong 2002 kaya take note hindi sya magiging mother kung hindi ako napangasawa nya!

    hitokirihoshi_kawaii: ay oo nga nakalimutan ko. kasi naman kahapon sabi mo kamag-anak siya ni madonna decena… chorriii chorii!!

  8. awwwwwww……
    ang galing galing naman ng iyong mother dear..
    ganon naman talaga lahat ng nanay eh…
    at tsaka alam mo ang sweet mo naman… yiiiiiiiiiiiiiii…
    enge piso.. hahahaha joke 🙂

    hitokirihoshi_kawaii: salamat, tiyak aabot sa tenga ang ngiti nun pag nabasa n’ya comment mo. naku di me sweet… hahaha… kaya wala kang piso..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s