Head to Toe: anti-stress and buryong

Dear Ate Jevs,

 

Lately, I feel bushed and morose… I don’t know if it’s because of my stress or I just need to breathe from my daily routine. Can you give me some tips of how to cast positive energy and obtain fresh ideas?  

 

Edra Pinupil

 

Dear Edra,

 

Yo! You know Hija, you’re like my friendly friend – Conchita. She also asked me re stress. Indeed, I realized that stress or boredom is leaking all over the town and entirely affecting our nervous system.

 

Anyway, the subsequent are the 15 bustles to grasp hot poop and to poleax poop:

 

  • Manood ng sine at maupo sa pinakatuktok. Doon, pwede kang matulog at manood ng reel and real action.

 

  •  Umakyat sa bubong at mag-star gazing. Pansinin ang smoke effect ng  tindang barbecue at pagsusunog baga sa kalapit na sari-sari store. Kumaripas ng takbo kapag may humihithit  ng tabako sa tabi mo.

 

  •  Mag-alaga ng aso o pusa. Sa kanila ipakain ang mga inaayawan mong pagkain. Huwag sipain kapag nag-iinarte, baka ma- rabies ka.

 

  • Kapag kinukulit ka ng BF mo, bumili kayo ng tatlong balot. Kainan ang isa para lumakas ng tuhod.  I-display sa mesa at gawing inspirasyon ang pangalawa, tandaan na ganun ka-pangit magpa-abort. ‘Yong huli, ituktok mo sa ulo ng BF mo, kapag nagalit ibig sabihin  mahina kokote niya.

 

  • Sumakay sa tsubibo, damhin kung gaano ka-simple ang pagiging bata, taas- baba ka na, may hilo ka pa.

 

  • Huwag mag-aircon bus kung mauupo ka rin lang sa hulihan. Mahahanginan nga bunbunan mo, maiinitan naman ang pwetan mo. Madalas doon din may nangyayaring kababalaghan.

 

  • Pasyalan ang ‘di na nadadalaw na kaibigan sa ganap na 4pm. Nakapag-bonding na kayo, may libre ka pang soft drinks and banana –Q, pwede ring pande coco.

 

  • Huwag kakausapin ang magulang kapag papasok na sa trabaho. Male-late ka na, magugulangan ka pa.

 

  • Pagkagising humarap sa salamin. Tignan kung ano ang epekto ng  ‘di mo matandaang panaginip sa buhok at pagmumukha mo. Lumabas ng kwarto ng ‘di nagsusuklay, pansinin kung  ano naman ang epekto mo  sa inyong buong angkan.

 

  • “Kumain” ng ice cream. Kagatin mo ito at huwag dila-dilaan. Binili mo ‘yan ng nagyeyelo kaya bat mo hihintaying matunaw. Kainin ito sa tabi ng aircon para mas cool ang effect.

 

  • Tumakbo sa Quezon Circle at maging fit & glam habang bata pa. Para makakuha ka ng inspirasyon, luminga-linga sa paligid. ‘yon na ‘yon

 

  • Kumain ng buto ng Santol. Kapag nasa CR ka na, isipin na, hindi pala dapat nilulunok lahat dahil sa bandang huli masasaktan ka lang.

 

  • Pag magulo sa bahay at aburido ka, gumala ka sa buong lugar / subdivision ninyo. Tignan, kung saan maraming dumi nandoon naglalaro ang mga bata. Kung saan naman malinis walang taong nagdadaan at malalaki rin ang mga talahib na may sssss at kokak.

 

  • Dumungaw sa bintana. Mare-realize mo na may  pinagkakaabalahan pala ang kapit-bahay mo. Plus point kong mapagtanto mo na nice pala s’ya… oiiii!!! Believe me!

 

  • Kung  namomobroblema ka kung maliligo ka muna o kakain, piliin ang maligo muna. Mahirap nang maunahan lalo na kung babagal-bagal ang susundan mo. Siguraduhin mo rin na bago ka pumasok natago muna ang ulam niyo.

 

14 thoughts on “Head to Toe: anti-stress and buryong

  1. nice ang cute naman ng mga imahinasyon mo parang gusto kong gumawa rin ng ganyan pero kailangan may originality diba? congrats dahil napatawa mo ako sana sa iba magkaroon ng aral o kabag para may maiutot man lang sila o diba? may napala sa pinagpaguran mo hahahahahaha, ika nga raw “dapat tumawa ng tumawa para mapuno ng hangin ang tyan at pagkatapos sabay i utot ito o i dighay haaaay ang sarap ng pakiramdam” yan ang nakalimutan mo please add mo hahahahahaha.

  2. dear obet,

    Thanks at napautot ata kita… well practical and reality lang naman ang mga suggestions ko. ako’y nagagalak na nahipo (na-touch I mean!) ko ang iyong damdamin at tiyan. cioa!

    ate jevs

  3. dear tet,

    well stresstabs and dulcolax are instant remedies… parang pang quickie… siempre kailangan mo rin ng inspirasyon. hahaha…

    more power!

    ate jevs

  4. Dear watusiboy,

    first of all the start, i wonder what’s the story behind ur name…heheh
    second from the sophomore… thanks for dropping by and to your nakakangiting praise!!!

    lastly, yes ! you can write to me… I’ll try my best na mabigyan ka ng makabuluhang chenes…

    mabuhay!

    ate jevs

  5. Dear Salve,

    Hayaan mo pag-iisipan. Depende naman kasi yan sa “Doppelganger” ko hehehhee…

    thanks sa iyong suggestion!!! pero mas type kong tumanggap ng sulat..

    Ate Jevz

    1. dear Eyem,

      before anything else, welcome in hoshilandi of hitokirihoshi!

      Thanks sa iyong pagbati nakaka-smile at nakaka-inspire! saan ko napupulot hmmmm… yan ay kapag namamaga na ang puwit ko sa traffic, kapag di na ako mapakali kapag ihing-ihi na ako o kung umuulan at walang magawa. hehe

      mabuhay!
      ate Jevs

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s