Maliban sa anime, nawili rin ako sa kapapanood ng youth oriented shows. Nandiyan ang Gimik, T.G.I.S, G-mik at Click pero wala na atang mas espesyal at tatalo sa pagkahumaling ko sa Dawson’s Creek (DC).
Unlike sa mga local shows, sariling discovery ko ang DC dahil napanood ko ang teaser nito sa ABS at ipinapalabas siya nun sa Studio 23, every Monday at 8pm. Nung high school wala akong nakilala na nanonood din ng DC. Halos lahat kasi ‘pag ‘di naikwento sa akin, ay nakikinood na rin lang ako ng show kasi yun din ang ginagawa ng mga friends and classmates ko.. (ano yun peer pressure?)
1998 nang iere ang programa and that time nasa 4th year high school na ako. Medyo saliwa ang timeline namin ng programa kasi yung mga bida nasa sophomore pa lang nun. But anyway, talagang nasasakyan ko ang trip nila saka ‘di ba mas liberated and mature sila., plus sa totoong buhay ay mas matanda sila sa akin. Si Kerr Smith (Jack McPhee) ay 26 years old na nang pumasok sa DC pero yung character niya 16 years old lang.
Dati nga grade 3 pa lang ako ay nanood na ako ng Melrose Place at Baywatch. Pagkatapos kasi ng Ewoks yun o ng first ever X-Men.
Sobrang naka-relate ako sa character ni Katie Holmes (asawa na ngayon ni Tom Cruise) na si Josephine “Joey” Potter. (actually wala ng iba pa!) Boyish, conservative, skeptical at brainy siya. Parang may pagkakahawig kami kung mag-isip pero siempre hindi naman ako yung katulad na katulad niya.
My most favorite scene ay nang kumanta si Joey ng “Own my Own” (from the play Les Miserables) para sa talent portion ng sinalihan niyang contest. Na-amaze ang best friend niyang si Dawson dun dahil siguro talagang nag-transform ang kanyang beauty. Dun na rin unti-unting na-realize ni mokong na ibang level na ang love niya kay Joey. Agree ako sa litanya ni Joey (although kinikilig na ako) na yung make-up at yung magandang ayos niya ay para lang sa araw na yun… bukas balik na naman siya sa usual na joey at mas maganda kong maa-appreciate siya sa natural niyang itsura at personalidad. (ako ba ito?)
Pareho rin kami ng paboritong novel ang Little Women. Dito binase ang pangalan niya, sa heroine ng nobela na si Josephine March. At pare-pareho kami ng naging career ng kinalaunan… Promise, ni hindi pumasok sa kokote ko noon na magiging inventor ako ngayon.
Di ko rin alam kung nagkataon, na-inspire or talagang trip ko lang na mas matanda rin ang type kong lalaki. Si Josephine nakatuluyan niya ay isang guro, tas sa season 5 ng DC na-in love din si Joey sa kanyang professor. Naku, huli na pala ang lahat sa akin kasi graduate na ako… saka sa bagay malabo rin kung tutuusin, karamihan ng prof ko bading saka weird hehehe.. choriii chorrii. Basta may kilig factor rin sa akin yung affair nina Joey at nung prof niya… tas in fairness may itsura pati yung actor na gumanap na prof.
Tinanong ko rin sa sarili ko kung may chance ba na parang may tipong Dawson-Joey-Pacey love triangle ako nung high school… (sirit! di ko na sasabihan, akin na lang yun). Sa tanong na sino ang mas gusto ko para kay Joey? Honestly, dati di ko masagot yun. Di ko kasi type ang itsura ni James Van Der Beek (Dawson Leery) at parang ewan naman ang character ni Pacey Witter (Joshua Jackson). But later on, agree ako sa sentiment ng aking isang friend na kapag si Pacey ang kasama ni Joey, wala siyang eklabu sa buhay, totoong totoo siya sa sarili niya. Parang ideal partner sa kanya si Dawson pero si Pacey naman yung … ewan, di ko rin alam ang tawag. Hehehe…
Nung college laman naman ako ng booksale store, kakatingin ng magazine kung saan na-feature ang DC o si Katie Holmes. Yung mga pagmumukha nila ang pambalot ko sa mga books ko at kahit saan na puwede kong isalampak ang mga pictures nila. Ang Dawson’s Creek album din ang first na nabili kong cassette tape (mas tipid kasi nun ang tape saka orig pa..) Yung site din nila ang madalas kong i-surf para updated ako sa episodes at chika sa kani-kanilang buhay. Gulat nga ako nang maging sila Katie at Joshua sa totoong buhay.
Nagkaroon din ng syota si Joey na naging bading in the end… sayang nga eh kasi gwapo si Kerr. Naalala ko yung eksena na dino-drawing ni Joey si Jack (Kerr) nang nakahubad, mala-Titanic… ang cute!
Pero kung ako yun, okay lang na medyo bading ang syota ko. Baka makalibre kasi ako ng make-up at gupit pati na ng foot spa (joke!) Naisip ko na kaya yun, ako yung magwo-work si girlalu ang nasa bahay at sa parlor business namin. hehehe
Nung una akong makabili ng VDC copy ng DC sa Odyssey (siempre original yun no) at na-excite akong panoorin yun… kahit di ko favorite ang mga episodes. Na-realize ko na, okay din pala ang character ni Dawson na nangangarap maging film director. Ako naman gusto ko commercial lang muna. Parang kailangan dumaan ka muna sa maraming hardships and criticisms bago mo mapagtagumpayan ang dream mo.
Nakakatuwa na na-experience ko rin yung gumagawa sila ng short film na about sa love story rin nila ni Joey. Nung college kasi , ako yung assistant director and scriptwriter ng short film namin na pang bading din ang story… (talagang di pa raw ako tapos sa kabadingan. Hehehe). Alam mo yung pagko-conceptualize, yung mismong shooting at hanggang sa huling sandali sa editing studio. Sama nga ng loob ko noon, kasi ang credit ko lang ay ang pagiging assistant director, eh akin kaya ang idea ng story… kaya dapat scriptwriter din. Wuhuhuhu… (yan ang sinasabi ko e, sa mga section 1 and section A mas nakakarami ang mapapel!) Basta na-inspire at maluha-luha ako nung mapanood ko yung episode na yun… siguro kasi iyon din ang time na muli kong napanood yung program after 2003.
Naalala ko rin na gilting-guilty ako noon kapag napapalampas ko ang DC para lang sa Winter Sonata ni Bae Yong Jun ko. Pero ngayon makakabawi na ako, meron na akong buong season 6 (yahoo!!!) Talagang ire-rekomenda ko ang DC kahit sa mga younger generation. Of course, may mga ilang eksena na dapat hindi ginagaya, like yung mga patungkol sa sex.. pero in way kasi nagtuturo din siya ng aral at pang –awareness lang ang mga yun.
Masasabi ko na sobrang na-touch ako ng program na ito and big part siya ng teen/college years ko… Dito nagmula ang mga fashion ko (noon), yung reaction ko, saka inspirasyon ko sa pag-aaral at buhay. Naiyak ako nang magsara na ang programa na para bang tapos na rin ang pagiging bata ko.
Pero okay naman sa akin ang ending at saka yung mga pinuntahan ng characters, although namatay si Jen Lindley (Michelle Williams). Hahaha, si Jack nakatuluyan yung cop na elder bro ni Pacey (ang mga hitad sa dalampasigan pa nag-lambutsingan!)
Siempre, kung ang baby thesis ko ay anime, ang pinaka solo thesis ko naman ay “Youth Oriented Shows: Effects on Teenagers’ Values and Intellectual Development.” Like dun sa una, bawat ginagawa ko sa second thesis ko ay okay… malaki man ang gastos at pagod ko. Di ko nga alam kong paano ko napasagot ang may sobrang isang daan na high school students from three different schools. Saka wala akong tigil sa kaka-research. Bakit ba eh gusto ko naman ang nalalaman ko?! Naging pal ko pa nga yung isang librarian namin dahil nahilig naman siya sa isang youth shows nung 80’s. (Eddie nakatipid nun sa kaka-print at kaka-research Hehehe..)
Sana may ganun ulit na program (kahit hindi ko na siya mapanood)… yung hindi puro kalandian at pagpapapogi lang ang ipinapakita. Wag naman sanang ipamukha sa mga kabataan na pakikipagrelasyon at pagsunod sa uso lang, ang mukha ng teen years. Sana tulungan din sila sa pamamagitan ng mga characters at mga istoryang tumatalakay kung paano nila i-develop ang kanilang personality. Tas bigyan ng mas malalim na focus yung pag-cope nila sa mga problema at kung paano nila abutin ang kanilang mga pangarap, i-inspire sila kung baga.
Sus tantanan na yung “rich boy meets girl,” “sobrang gwapo ko, love triangle tayo,” “Bro and sis, inggit ako.” Saka ang mga geek ngayon, hindi na halos nakasalamin… palalabasin ngang matalino pero kinakawawa naman sa grupo… ano yun eddie bopol rin. Oh eto, bat hindi kaya nila talakayin ang “identity crisis.” Sa DC ko lang napanood yun, sa story and character ni Jack. Taz medyo panabit lang yun kasi support lang naman siya. (naku lumalalim na ako, oi nakakuha ng idea… sorry yung detalye ibibigay ko kapag ako ang director at writer.) Oh hindi ba, yung mga tomboy at bading, ginagawa lang clown sa story, tas matatapos yun kapag na-in love na si tomboy kay boy next door… tantanan!!!
Sa ngayon, enjoy ako sa kapapanood ng DC… anong episode and season na nga ba ako?… hehehe!!!
okay… name of dawson’s little sister is lily and joe’y prof is david wilders… shocks!!!
Ano ang laman ng entry na ito, mare? ‘Di ko binasa eh, gusto ko lang mag-comment – ang haba ha! hahaha:)
oo nga … ganito ako pag excited at maraming nalalaman hahaha… kaya nga di ba ang famous na line sa film eh… “masyado ka ng maraming nalalaman dapat sa iyo, itumba na.” well sa akin… masyado akong madada… wahehhe.. anyway, about lang ito sa akinfg favorite show… tnx sa pagko-comment
Favorite ko ang Dawson’s Creek. Maraming nabalik na mga alaala lalo na noong high school ako. hahaha
ay magaling Leng-Leng!!! magkakasundo tayo rito… hehehe…
i was also a fan of dawson’s creek.i was also a sophomore when that was aired on tv. i met my best buddy because of that show.and until now we still talk about it.we really enjoyed that show.we are looking for copy of complete seasons. anyway, i enjoyed reading your entry. it brought me back to my high school years. 🙂
wow thanks for reading this long post.
and its nice to know that you’re also a fan of the show.
oh high school life!
welcome in Hoshilandia Sr!