Visita Iglesia

For the first time nag-visita iglesia kami ni Manang Juling. Dati-rati puro kami sa Quiapo o sa Grotto. Nung Friday kasama ang pamangkin kong si Ms. Calabasa at pinsang si Luchie pumasyal at nagdasal kami sa siyam na simbahan. Pito sa simbahan na pinuntahan naming ay nasa Maynila: San Beda, St. Jude Thaddeus, San Miguel, San Sebastian, Quiapo Church, Sta. Cruz at UST church. Narito ang ilang alam at personal kong trivia sa mga simbahang pinuntahan namin.

1. San Beda Church, Mendiola

Sa apat na taon kong pag-aaral sa Mendiola nitong March 9 lang ako unang nakapasok sa loob ng San Beda. Aksidente lang ang pagkakabisita ko rito noong araw na ‘yon dahil napansin kong bukas ito habang papunta ako ng St. Jude. Nagustuhan ko ang altar. Maswerte ang mga Bedan dahil mayroon silang ganitong kagandang dalanginan.

altar of San Bedasan-beda-2.jpg
2. St. Jude Thaddeus Church ( Malacañang, Manila)

Aminado ako na kung meron man na malapit sa aking simbahan o patron ito na ‘yon. Ang kaibigan kong si Cherime ang unang nagdala sa akin dito ng makitulog ako sa dorm nila at magsimbang gabi kami.

Ang kaklase ko naman na si Venus ang ikalawa kong nakasamang nagsimba rito. Siya ang nag-inspire sa akin na magsimba sa St. Jude kung may panahon ako. Maliit lang kung tutuusin ang church pero dinudumog pa rin ng mga tao lalo na kapag Huwebes. Kadalasan mga Chinese (not sure) ang pari, commentators, at readers ang nagse-serve sa misa tuwing Linggo. Madali mong maiintindihan ang sinasabi nila dahil bukod sa may available parati na “misalet,” maayos din ang sound system.

St. Jude Shrine

Ilang beses na akong lumapit Dito, at ilang beses na ring natupad. Minsan , dumalangin ako rito, in four days natupad ‘yong hiling ko. Saka halos lahat ng isinama ko ritong friend ay nagkatotoo rin ang mga panalangin nila. Isa na rito ‘yong kasama ko dati na nawalan ng trabaho, na ngayon ay may posisyon na sa isang big TV station. Basta ‘pag may problema akong matindi o may hinihiling akong malaki, rito ako pumupunta. Type ko rin magsindi ng kandila rito, lalo na dati kasi may iba-ibang color pa depende sa hinihiling mo. Ngayon kasi brown and white na lang pinapayagang itirik doon.

3. San Miguel

Una akong nakapasok sa San Miguel nang kunin akong ninang sa binyag ng panganay ni Cherime. Si Bon Uy Co ay ang una ko ring inaanak. Sa katotohanan din kasi niyan, medyo tumatanggi ako sa pag-aanak ng binyag lalo na kung di ko naman close ang magulang. Hehe!

san-miguel.jpg

Ngayon ko lang din napansin ang estatwa sa harapan ng San Miguel. Bakit dragon ‘yong sinisibat ni San Miguel akala ko demenyo ‘yon. Iyon ang nasa gin e.

Istatwa ni San Miguel

Anyway maganda rin ang San Miguel. Tama lang ang dami ng taong napapadaan at iilan lang ang mga tindera sa labas. Marahil dahil tabing-tabi mismo ito ng Malacañang gaya ng St. Jude at nasa loob-looban pa.

4. San Sebastian

Paborito ko rin ang San Sebastian dahil gandang –ganda ako rito at iba talaga ang ambiance para sa akin. Sa pagkakaalam ko may natatangi itong record sa buong mundo dahil gawa ito sa bakal.

san-sebastian-facade.jpg

Dito nagpakasal si Donna Cruz at ang cute niyang doktor na asawa from Cebu (at dito ko rin feel, wahahaha!).

san-sebastian-2.jpg

Nakapag-choir na rin ako rito pero once lang dahil sa Religion class namin. Isa rin ito sa dinadaanan kong church kapag napapadako ako sa Maynila. Parang in a way kasi gumaganda ang mood ko, ‘pag nandito ako at dito rin ako huling nag-confession sa loob ng maraming taon.


5. Quiapo Church

Isa ito sa pinakamadalas kong mapuntahan, siempre, lalo na ‘pag kasama ko si Manang Juling. Nung college, ‘pag Friday night nagpapagabi na kami ng uwi ng kaklase ko dahil maraming tao sa lugar na ito. Ang nakakaloka lang sa Quiapo ay ang mga umeeksenang tagpo sa labas. Hindi ba mga mahihilig sa murang music at pelikula, damit, cell phone at kung anong anik-anik pa?!

Pampalipas oras din dito ang mga nakahilerang manghuhula. Etong si Manang Juling saka yung isa kong Ate mahilig magpahula. Type ko rin mag-iikot sa lugar na ito lalo na ‘pag kasama ko si Cardcaptor at bumili ng kakanin lalo na ang Buchi na may palaman na mongo. Naku paborito ko yun. Mmmm delicioso!

Di ko na kinunan yung Quiapo, hindi na kami nakapasok eh sa dami ng tao, saka alam n’yo na!

6. Sta. Cruz Church, Manila

Unang beses ko pa lang nakapasok sa simbahan na ito nung Good Friday (March 21). Nakaka-amaze na kakaunti lang ‘yung imahe sa loob (o tinabi muna kasi Holy Week). Hindi ko nakunan ng mahusay ( kuhang cp lang e) pero kakaiba rin yung painting sa bandang altar.

sta-cruz.jpg

Pakiramdam ko sa church na ito ay parang hindi siya basta Catholic church. Pakiwari ko nasa Israel ako dahil sa mood sa loob. Ang altar ay napakasimple (walang imahe na nakapako at iilan lang ang mga santong nakalagay).

Sabi nila pwedeng mag-wish kapag first time na nakapasok sa isang simbahan kaya humiling ako. Pag natupad babalik ako sa Sta. Cruz.

7. UST Santissimo Rosario Church

Siguro pangatlo o pangalawang beses ko palang nakakapunta sa Church na ito. Ang unang nagsama sa akin dito ay si Cardcaptor. Ito ang unang simbahan na napuntahan namin na may tabing ang mga santo. Simple lang simbahan pero malaki siya.

ust-church.jpg

8. Sto. Domingo Church

Kung may recent na trivia sa simbahang ito, iyon ay walang iba kundi rito nilamay ang The king of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr. noong 2004. Kahit parati kong nadadaanan, iilang beses lang akong nahihinto para pumasok dito.

sto-domingo.jpg

Isa sa mga naalala ko ay nang ipinasyal ako ng pangalawa kong Ate rito nung isang birthday ko, ‘yong mga tipong chibi kawaii pa ako. Nung time na ‘yon may ikinakasal,  na first time kong makakita. Sabi ni ate dun daw maraming nagpapakasal dahil sa haba aisle. Naalala ko rin na humiling ako nun na magkaroon ng laruan na telepono at ‘yon natupad naman (kasi siguro binigkas ko ‘yong prayer ko. Hehehe).

9. St. Peter Parish, Commonwealth

Hindi ko na rin kinunan ang simbahan, hindi naman sa ‘di siya espesyal o paborito ko pero kasi rito ako laging nagsisimba. Lagi kong kasama rito si Maya na mahilig maupo malapit sa pintuan na dinadaan-daanan ng mga tao.

Nasaksihan ko mula ng lote pa lang ang kinatatayuan nito hanggang sa dumugin na ito ng mga tao Linggo-Linggo. Masarap magsimba rito ng mga 8PM, 9PM o 2PM kasi uunti lang mga tao saka mahagin sa mga oras na iyon. Ilang beses na rin ginawang setting ang simbahan na ito ng ilang pelikula at teleserye.

Sana next year makapunta naman ako sa mga simbahan sa loob ng Intramuros.

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

8 na mga thought (isipan) sa “Visita Iglesia”

  1. Hoshi, try to visit San Pablo Church sa Laguna. Maganda ‘yun tapos katabi nya pa ang isa sa 7 lakes ng place – Sampaguita Lake if i’m not mistaken. Gusto ko ang San Miguel din kasi dun si jon nagpakumpil bago kami kinasal. Saint Jude naman ang favorite church ni mama:)

  2. buti ka pa nakapag-visita iglesia. wala akong makasama nung holy week e.

    oi, pag nagpunta kang san pablo, yayain mo ko. matagal ko nang gustong puntahan yung seven lakes dun. di matuluy-tuloy at laging pino=postpone nung supposed to be e kasama ko.

  3. hi! donna me cleo! relihiyosa karin pala panatika naman ako. regular naman ko simba lhat linggo. panatika ang lola ko at siya rin nag alaga sa akin gumiyera at hindi lahat ng linggo sinisimba nia kaya masuwerte ang lola ko me apo siyang ako cleofe – fidelisima en happy servant of jesus im the envied santa too that’s true in real life pero ayoko ng popularization baka pagkaguluhan ako ng mga tao nais kong tahimik at malaya akong makakilos at walang hihipo sa akin baka maging nasareno ako or kulto pinakaiiwas ko ito may pagka secretive ako coach ng aking anghel! lam ko dika maniniwala agad di naman ako nagpapaimpress totoo akong human puso rin ni Hesus siguro nasa iyo ang kabilang mukha ni Hesus.sabihin man nila magkamukha tayo well masasabi ko kahawig ko si Hilda koronel masyado kang maganda pero sabi nila malapit narin.kamukha ka ng pinsan ko si magdalena may kasaysayan ang kanyang pangalan sapagkat ang kanyang ina ay masyadong magandang tisay seloso sobra ang papa nia kaya nagpokpok na. pero pinsan kong si magdalena awa ng dios ay disente naman ang buhay kaya lang maypagka born again gaya ni sunshine cruz.yung ugali niya minsan gusto ko minsan ayaw ko kaya minsan hindi ako nakikisawsaw sa kanilang talaktakan di ko masikmura ang kaplastikan! anu pa ba pwede kong sabihin pa sa iyo…maaari mo bang sulyapan ang Salita ng Diyos old testament about sanctuary sa panahon pa ng israelita unfaithfulbride Ezekiel 23 ang magkapatid na ohola at oholiba sa panahon na yaon. sa song of songs ng mangingibig sa iyo oholiba ang ilong na nakabantay at sa aking ang malusog na kambal. anu pa.. am i slice mo bread ni Jesus kanino mapupunta ang bahaging kanan at bahaging kaliwa well maaaring ibigay sa iyo ang right at left naman sa akin. anu ba talaga tayo!!!magkapatid sa pananampalataya. anu pa?! hanggang ngayon mayhilig parin ako sa panood ng barbie minsan sulyapan mo ang the princess en the pauper Sana bestFriend ka! you are the royal princess at ako ang all around princess young gaya ni Virgin Mary like nia blue pero siya rin ang mysticsrose! o sige dito na me pano koto send

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: