From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?

Advertisements

19 comments

  1. mukhang maganda naman ang taiwanese series na Tokyo Juliet, kung saan bida sina Ariel Lin ( It Started With A Kiss) at Wu Zun ( lead singer ng Fahrenheit at ng Romantic Pirncess). pansin ko lang magaling na actress si Ariel… iba ang acting niya sa ISWAK sa Tokyo Juliet…

  2. nostalgic. dami ko ring paboritong anime. hanggang ngayon, bumibili ako ng mga anime dvds. wala lang. hilig ko lang talaga ang konsepto ng mga anime.
    ang kinaadikan kong koreanovela eh yung jumong. astigin kasi.

  3. wahahaha…naalala ko ang mga panahon na kinikilig ako sa mga anime na yan! at halos lahat ng nabanggit eh kinabaliwan ko talaga. lupet nung MG tandang tanda ko pa pilot episode nyan nung May 9 ata yun nanoood pa ako concert yan nung sa Ultra! hala may folder din ako puro MG, Fushigi yuugi at samurai x ang laman! nung nagsunuran ang Endless love hayyy…lupet! dami ko sinabi ahhh..hindi ko mapigilang mapa-smile habang nagbabasa!

  4. ay Eka! meron din akong folder ng fushigi, akazukin, samurai x etc.. hehehe… parang May 5 or 6 ata nag-start yung MG… teka tignan ko sa diary ko.. wahehehe… mabuhay ang mga adik sa asian arts!!!

  5. naku…hoshi di yata ako nakarelate doon ah…meteor garden mejo napanood ko ng konti sa Pinas…dito kasi sa Roma wa ako tfc at saka walang taym sa tv….dito na lang sa blog pwede pa….hehehehehhe…good day sau friend.

  6. nahalungkat mo pa ito? ayos ah!

    okay lang yun, malamang pag ako d’ya baka hindi ko rin nakahiligan ang mga ito… mabuhay! hindi pa ako makapag-blog… busy pa

  7. This blog made me smile. Hihi. Nabuhay din ako sa panahong yan, early high school ako noon… Adik din ako sa mga anime na nabanggit, ang pinaka crush ko ay si Shinji Ikari ng NGE. Haha. Nahumaling din ako ng konti sa Meteor Garden na tinapatan ng My MVP Valentine. Well, sa totoo lang mas malaki talaga ang impact ng mga asyanong palabas ngayon kumpara sa mga taga Kanluran…

    • hi floree and welcome in my hoshilandia sr!

      nakakatuwa naman at napa-smile pa rin kita sa old post na ito. tumpak ka nga, mas trending na nga ngayon ang mga asian series na para sa akin ay dapat lang. kasi mas nakaka-relate tayo sa kanila at mas napag-aaralan natin ang iba pang lahi. dati pag sinabing Chinese akala ko taga-China lang mayroon pa palang taga-Taiwan . Tas yung mga Korean akala ko magkakamukha lang ngayon kaya ko na atang i-distinguish ang Korean sa Japanese and Chinese. hehehe

      saka ngayon visible na rin ang mga Thai.

      gusto ko rin yang NGE.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s