Professional Pulubi…

Iminulat tayo na maging mapagbigay at maging mahabagin sa kapwa lalo na sa mga pulubi. Ang madamot, kuripot, barat at lalong-lalo na ang matapobre ay may karma balang-araw.

Sa paglipas ng panahon, hindi na lamang pangkaraniwang ang isang pulubi na may humpak na mukha, gutay-gutay na damit at marungis na itsura dahil kanya-kanya na sila ng pa-effect sa panlilimos ng pera.

Para sa akin, mas may dating ang mga kumakantang bulag sa bangketa. Binubuhay nila ang mga lumang kanta at magaling silang mangapa ng gitara. Aba, kahit naman siguro nagpapanggap silang bulag, mahirap din iyon ha! Props pa lang ay gumagastos na sila, sama na rin diyan ang boses nila na gumanda na siguro sa araw-araw na pagkanta.

Kaawa-awa rin naman ang mga taong namamalimos na kita mo na ang depekto. Sa amin may matabang mama na gumigitna sa blue and pink footbridge ni Bayani. Nakakatawag siya ng pansin dahil ikinakampay niya ang dalawa niyang kamay na actually mga braso na lang at halos kalahati na lamang din ang kanyang katawan dahil putol na ang kanyang mga paa.

Pero, subalit, datapuwat, sa totoo lang karamihan sa mga namamalimos ngayon ay parang hindi naman kapani-paniwala o walang k na bigyan ng piso.

Naaalala ko noong college, may ipinaskil sa kahabaan ng Lacson, España kanto ng UST patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ang mensahe doon ay ‘wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.

Sa apat na taon kong pag-aaral sa Maynila, samu’t saring kabulastugan din ang aking nakita sa mga namamalimos. Bago ka umakyat sa tulay ng Morayta, yes sa tapat ng McDo, may humarang sa akin na isang babae. Actually panggulat ‘yong style niya, kababa ko lang noon sa FX nang humingi siya sa akin ng pamasahe para makauwi siya sa kanila. Dahil mukha naman siyang kaawa-awa although pansin ko ang nipis ng kilay niya, ay binigyan ko siya ng pera.

Alam n’yo kinabukasan nakita ko ulit siya doon, ganun ulit litanya niya. Ano ba? Kulang pa ba ang isang araw para makaipon siya pang-uwi? Wala naman akong gana na tanungin siya kung  saan lupalop ba siya pupunta .

Sa mismong tulay naman ng Morayta may isang matandang babae doon, na maganda naman ang pangangatawan, ang namamalimos. Minsan palakad-lakad siya sa kahabaan ng overpass o ‘di kaya nakapwesto sa hagdan patungo sa FEU.

Pansin ko lang ha, ganda ng pedicure niya kahit marungis siya at minsan naka-jollibee siya. Chuchal! In fairness sa pamantasan namin, wala namang obvious na pulubi siguro manggagantso meron. Hehe!!!

Naalala ko rin one time, dahil sa hirap ng pagsakay at katipiran ko, nilakad ko mula school namin hanggang Quiapo. May lumapit sa aking lalaki na okay naman ang itsura. Humihingi sa akin ng pera na para pamasahe niya pauwi sa Bulacan. Eh sa pagod ko ba naman at nagtitiis nga akong maglakad eh bibigyan ko pa ba siya.

“Kaya nga ako naglalakad, kasi wala akong pera,” sagot ko doon sa lalaki. Na tinanong pa ako ko kung anong course ko. Siempre sabi ko Opto. Wahaha… Opto kong wag siyang bigyan ng pera.

Sa isang part ng QC Ave. naman , kapag nahihinto ang jeep ay may mga kabataan na aakyat dito at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero saka hihingi ng pera. Kung alam lang nila, mas lalong dumumi ang sapatos naming mga pasahero sa pinahid nilang basahan. Noong una nagbibigay ako depende kung natanggal nila yung alikabok sa sapatos ko. Pero ngayon, iniiwas ko na sapatos ko o di kaya kahit punasan nila hindi ko na sila binibigyan ng limos.

Ginagawa na kasi nilang hanap-buhay iyon at minsan makikita mo pa ang mga magulang nila na nakatanghod sa ‘di kalayuan. Biro mo ‘yong bata  nakikipagpantentero sa kalsada, sila presentable sa gilid ng kalye.

Mula naman nang pumasok ako rito sa Ortigas ay sari-sari na ring “pamumulubi” ang na-i-encounter ko at kadalasan type nilang sa Bus gawin iyon.

First entry, kahit hindi pa ako nagtatrabaho sa lugar na ito lagi kong nakikita ang mga kabataang aakyat sa bus na nagpapanggap na mga estudyante ng kung anong ewan na school. Hihingi sila ng donasyon sa pamamagitan ng papel (na naka-laminate na ngayon), minsan sobre, minsan din sasabayan nila ng mga paninda.

Second entry, mga member daw ng ganitong church. Tatayo sila sa gitna, pwedeng babasa sila ng linya sa bible saka mangangaral. Mamaya-maya magbibigay na sila ng sobre. Ayokong mag-isip pero grabe sila kung gagamit sila ng ganung style para lang kumita.

Third entry, isang lalaki na may sakit kuno sa balat at paika-ikang maglakad. Sasabihin niya dati siyang mayaman na waldas sa pera at naging gumon sa sari-saring bisyo. Hindi siya titigil doon, talagang mangungusensya siya sa paghihingi ng pera. May mga linya siyang bibitawan na parang ang dating ay “ang sama mo naman kung ‘di mo ako bibigyan.”

One time, habang lumalamon ako sa paborito kong mall sa commonwealth. May lumapit sa aking lalaki. Estudyante rin daw siya na humihingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral.

Kinausap ko siya ng masinsinan, tinanong ko kung saan school yun, sabi niya sa Emerald Ortigas raw. Sagot ko sa kanya, doon din ako. Yung school niya conservatory of music kuno. Tinanong ko ano ang tinutugtog niyang instrumento sabi niya gitara. Tanong ko acoustic, iba ang sagot niya.

Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang i-feature ko siya o ang school niya para mabigyan sila ng exposure. Hindi siya makasagot, pero halata mong ayaw niya. Tinanong ko s’ya kung totoo ba ang iyong telephone number na nasa papel na ibinigay niya. Sabi niya oo.

In the end, binigyan ko s’ya at saka niya inupuan ang ibang costumer para hingan din. Nandoon pa siya ng tawagan ko yung number na binigay niya. Tama ang aking hinala, sinungaling siya. Bakit ko binigyan siya kung alam ko na eklabu lang niya ang kapapelan? Gusto kong makita ang reaksyon niya sa lahat ng tanung at tulong ko.

Nakita ko siya ulit doon sa lugar na iyon. Sa pagkakataong ito naman, yung ate ko ang nilapitan niya. Sa harap niya, sinabi ko sa ate ko nanloloko lang ‘yan.

Alam n’yo kahit marahas magsalita si Manang Juling sa mga humihingi ng limos sa kanya…ang usual niyan linya… “ang laki-laki ng katawan mo, hindi ka magtrabaho, maglabada ka!” eh pasok talaga sa banga!.

Mas tamad pa sa mga sinasabi nilang GRO ang pagkukunwaring paglimos. Bukod sa hindi convincing ang acting, ay mas lalong nawawalan ng effort ang mga Pinoy na magbigay ng limos.

Paano mo nga naman malalaman kung genuine o professional pulubi ang nangangalabit sa iyo?

4 thoughts on “Professional Pulubi…

  1. Try mo sila hingan next time lumapit sila janeski, kakaripas agad sa takbo mga ‘yan. Ginawa ni papa ‘yon before. Hinabol ni papa yung pulubing mama na humingi sa kanya ng limos tapos sya ‘tong humingi. Binilisan ng pulubi ang lakad n’ya, hinabol pa rin ni papa para sabihin, “damot mo naman, humihingi ka pero ayaw mo rin mamigay.” Tapos tumakbo na ng mabilis yung tao.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s