FPJ

Head to Toe:

Dear Ate Jevz,

Nanonood ako ng “Alay ni Da King” ‘yong special ng ABS-CBN. Siempre expected ko na pupurihin siya sa programa at ipapakita ang mga pelikula niya. Kung baga the usual na tribute. Ang pinagkaiba lang nito ay talaga namang mga betaranong artista ang nagbigay pugay sa kanya.

from wikipediaWalang anu-ano ay nakaramdam ako ng pagkabalisa, lalo na nang ipakita ang video ng lamay niya sa Sto. Domingo Church at ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan. Noong nakaburol pa siya sa Sto. Domingo, sinuwerte kami ni Manang Juling na makapasok sa loob ng ‘di pumipila (buti na lang gumana ang kawad ni manang juling) doon ko nakita sina Gary V., Sheryl Cruz, Susan Roces na walang make-up. Siempre tumingin din ako sa kabaong ni FPJ, hindi ko na alam kung ano yung sinabi ko sa kanya o naisip ko nung nakita yung bangkay niya. Basta, di ba? At least nakita ko siya ng personal , yun nga lang nakaburol na.

Sa totoo lang, hindi ko masasabi na idolo ko siya. Hindi ko rin siya binoto noong tumakbo siya sa pagkapresidente. Hindi sa isa siyang artista, pero kaya ayaw ko sa kanya bilang pangulo ay dahil wala siya mi katiting na experience sa pamumuno o alam man lamang sa pulitika. Hindi naman kasi natatapos sa pagtulong sa kapwa ‘yan at ang pamumuno ay hindi dapat inaasa sa mga miyembro ng gabinete.

Kung si Erap nga na dumaan sa proseso (naging mayor, senador, at vice president bago naging presidente) ay sinawaing palad pa eh. Medyo nag-iba nga ang pagtingin ko sa kanya, kung may pagkakataon lang ako na mapayuhan siya nung tumakbo siya.sasabihin ko talaga ‘wag ka ng tumakbo, magulo diyan’. Hindi ba nga, sabi ni Ms. Susan sa “Alay ni Da King” na-disappoint sila after nung election. Kung tumakbo si FPJ sa kahit anung City, kahit Makati pa ‘yan sure ball, panalo. Saka iba kasi ang saklaw ng mayor sa president, di ba naman.

Bilang artista, talagang okay siya sa akin. Hindi ako mahilig sa action films pero pag pelikula niya okay na okay sa akin. Hindi naman yung tipong gumon na gumon gaya ng mga kapatid ko, pero siya lang talaga ang pinapanood ko. Ay teka, gusto ko rin pala yung ibang film ni Ramon Revilla Sr., lalo na yung “Joaquin Bordado.” Pero kay FPJ ako siempre.

Naku yung mga film lang niya ang napagkakasunduan namin ng mga kuya ko. As in yung lahat ng kuya ko ha. Kasi kami nila bangaw parehong nanonood ng “Bioman, “Maskman” at Shaider” Siempre yung isang ate ko maka-Sharon, si Manang Juling bumabalimbing kina Nora at Vilma, depende sa trip niya. Hehe!!!

Hindi ko naman siguro napanood ang lahat ng “Panday” Series niya pero isa sa nagustuhan ko at naaalala ko ay ‘yong leading lady niya si Dang Cecilio. Gusto ko rin yung “Dito sa Pitong Gatang;” “Kahit Konting Pagtingin;” “Wanted: Pamilya Banal” at “Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway.”

Yun lang… naalala ko lang na kung may action star na Pinoy, siya lang ang kinikilala ko.

Gumagalang, Dahlia Jalum-Pihit

Dear Dahlia,

Gnyan tlga naaprciate lng ntn ang 1 tao pag ala n cya. Si FPJ kht nkkta lng ntn s TV or Movie, in a way prng nging prt na rin ng lyf ntn. Hula ne ncra videocam ño kc dnala ni manang juling s burol. Eh d nmn cya knw kung how i-use yun.

Hahahha…

Ate Jevz

Advertisements

4 thoughts on “FPJ

  1. oi, dahlia! tapos, anong nangyari sa tribute? di mo tinuloy ang kwento.

    ako, lam mo kung ano naiwang impression sakin ni FPJ? ito: nung mamatay sya, nag-iwan sya ng maraming bakas ng pangangaliwa niya kay inday susan. 😀

    totoo nga siguro ang kasabihan, birds of the same balahibo, sama-sama mag-party! hehehe

  2. “ayos sa kasabihan… ay nabitin ka ba… wala normal lang na tribute.. basta na-touch langa ko nung nilibing na siya,” saad ni Dahlia

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s