Only When I Sleep

Only When I Sleep

bangagBy Annie May Kho

Sa Araw-araw ng ating buhay, may mga bagay na nagiging dahilan para tayo maging mature, lumungkot, humalakhak, lumamon, maglaro at magpakawala (wild). Subalit, kahit gaano kahaba natin iunat an gating mga kamay at gaano kadiin nating i-brush ang ating mga ngipin, sa pagsapit ng gabi, kailangan nating matulog.

Si Hikaru Chacha,  isang nilalang na may lakas ng loob, walang paki at Capricorn, ay naniniwalang may ibig ipakahulugan ang mga panaginip. sa artikulong ito, isinawalat niya ang mga nilalaman ng kanyang kokote kapag siya’y  nahihimbing.

Me: kailan ka naging particular tungkol sa iyong mga panaginip?

Hikaru: Shiguro nung elementary deis ko, One factor na naging vivid and meaningful ang mga dreams ko shiguro nung I read the whole bible and then nag-attend ako dun sa Church na in-introduce ng aking big brother.

M: Ano yung mga nilalaman ng panaginip mo nun?

H: Oh so scary! Right after, na-finish ko yung book of Apocalypse (Revelation). Nananiginip ako that I was walking sa Quezon City Circle na may mga lumilipad na papers. Yung weather, pangit and then yung mga people, nag-uusap about “666” or end of the world.           Naalala ko rin when our house was renovated and I started na mag-attend sa church ng brother ko, lagi ko nadi-dream yung red male demon na lumalapit sa akin. 

M: Gaano kadalas mong napapaniginipan ang mga iyon?

H: I couldn’t count, pero parang siyang “series of shows.” Straight na three days, na same topic, farang ganun! Sometimes, napapaniginipan ko pa rin yung mga scary things na yun but I’m not afraid anymore, slight! 

M: Humingi ka ba ng payo tungkol sa mga panaginip mo?  

H: Yes, I did. I talked with my friends, kuya and ate from the church. They said, Itabi ko raw yung bible ko near sa bed ko whenever I sleep. I did it, but soon, nag-occur again yung mga bad dreams ko.  Then I asked my Kuya yung ibang way, he advised me to rebuke yung mga demons sa dreams ko.

Mentioning our Lord’s name in facing those odd creatures ay talagang effective. Nakakatanggal ng kaba talaga. I still do that, once in a while.  

M: Naniniwala ka ba na maari mong mahulaan ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip?

H: yes!  I think my simple example for that ay nung na-dream ko yung a glass of water na may rust. Of course di ko pwedeng i-drink yun di ba. Nung magising ako, I learned that sira ang makina ng well namin.    

M: ano yung pinaka-memorable mong dream?

H: I have a lot of memorable dreams, eh pero I think yung pinaka  yung  when I was walking daw sa isang mall, then may girl (that I don’t know) na nag-talk sa akin about me transferring to another school.That time I was in college, yung course na kinuha ko ‘di like ng my mother and sister ko, of course hindi embalming huh!

Sabi ko sa girl na I don’t want. Pero pinu-force niya ako to do that. I felt sad, kasi as if na she’s controlling me.  You know what, nung magising ako I was crying. Soon, nag-away kami ng sister ko ng matindi dahil lang sa pagpunta sa mall.  

M:  Masasabi mo bang hindi lahat ng panaginip ay kabaligtaran ang ibig sabihin sa totoong buhay ?

H: yeah!  May times pa nga na kung ano yung nangyari sa dreams ko, yun din nangyayari sa totoo. Often, about sa places eh na later on mare-realize ko na lang na wait a minute farang I went here na. It’s like a “déjà vu” to me.

M: Nag-aral ka ba na mag-interpret ng mga panaginip? 

H: Aha, but not that serious. I read dream dictionaries and articles etc ganun lang.  Nakakapagbigay sila ng hint but for me yung accurate explanation to your dream eh you na rin ang makapagsasabi. Analyze your present situations, aspirations, frustrations then compare sa dreams mo. In that way, you can interpret your dreams.

M: Ano yung pinaka-common subject ng mga panaginip mo?

H: “Flying,” it’s like a talent for me. If I wish to fly, fly talaga me. It has two different explanations, depende nga sa yung emotion or situation sa yung dream. For me, maybe I want to get something or I just want to escape sa mga problems ko sa life.  

M: May palagi ka bang napapanaginipan sa isang lugar na iyong tinutulugan?

H: Oo, In my mother’s room lagi kong nadi-dream about water. Minsan inaanon ako ng malaking alon,  minsan basta nasa ilalim ako ng body of water.ganun.

M: ano sa tingin mo sa panaginip na yun?

H: ah kasi yung room naming yun ang pinakaluma sa lahat , then doon na talaga sina mommy before I was born. Maybe yung mga waters nay un represent sa mga tears na ikina –cry ng mommy ko. She also confesses to me na yun umiiyak siya sa gabi. 

M: May time ba na nahihiwagaan ka sa isang lugar kung san ka natulog kasi  may napanaginipan ka dun na parang kakaiba?

H: Sa hospital sa may north ave. na-confine kasi dun si mommy this year. Then for the first time dun kami sa ward so there’s so many people there. Yung breeze talagang pumapasok sa loob and yung whole area old na talaga. So I was expecting na okay baka mamaya may monster or ghost na mag-appear sa dream ko.You know what, yung dream ko dun was one of the most beautiful dreams na naalala ko.  Nakakakita ako ng pink buildings then I saw my mom, na okay and healthy. I have powers daw to manipulate things and yung feeling talagang wow. Hindi ko ini-expect na ganun ang mapapaniginipan ko dun.

Bagaman marami pang napag-usapan ng inyong linkod at si Hikaru Chacha gaya ng lucid dream at tila astral projection niyang mga panaginip, kailangan namingh putilin ang entry na ito. Masyado ng mahaba at masakit na sa mata. Nandun dun ang rason kung bakit ang “Only When I Sleep” title nito.      

2 thoughts on “Only When I Sleep

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s