Superwhatword: Focus

Nobyembre 26, 2008 at 9:40 umaga | In emotion, problem, self, sentimen, story | 31 Comments
Tags: , , , , , , , ,
superwhatword of gamehouse

superwhatword of gamehouse

“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight

Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord.  Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.

Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.

Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)

Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.

Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?

Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba.  Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi.  Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen.  Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.

Hinuha:

Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?

Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna  roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral.  Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.

Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan  mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.

Ano ang focus?

“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams

Head to Toe: Sparkbook

Mayo 25, 2008 at 2:27 hapon | In dream, emotion, journey, problem, self, work | 4 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

Dear ate Jevs,

Nai-inspire po ako na gumawa ng scrapbook dahil na rin sa impluwensiya ng aking isang ma-pink na kaibigan. Ang dami-daming ko pong ideas pero nito ko lang po naisip na bakit ‘di ko simulan sa mga photos or things na magbibigay sa akin ng inspirasyon o yung tinatawag na sparkbook po, ayon nga sa isang website na nakita ko po.

Excited po akong simulan ang aking sparkbook, in-organize ko na lang po ang mga gagamitin ko at kung paano ko ilalagay ang mga iyon. Kakaisip ko po, dumating ako sa point na ‘teka ganito na pala nangyari sa mga pinagarap ko po noon at ano nga ba ang gusto kong gawin five or ten years from now.

Na-realize ko po na may mga bagay na kung ano yung ginusto ko po, yun ang nangyari at may mga type ako pero iba ang ibinigay sa akin. Halimbawa, may isa akong gustong-gusto na company na pagtrabahuan nun pero ang nangyari po, sa kalaban nun ako napadpad.

Parang ano po, yung mga natupad kong pangarap, talagang pinaghirapan ko po talaga. Sa start, lakas loob lang hanggang sa ipupursige ko na po kasi kailangan ko nang pangatawanan. Gaya nung kunin ko ang course ko. May iba po kasing gustong ipakuha sa akin yung family ko po.

Minsan naiisip ko po na, ano ba talaga? Yung pangarap ko po ba kailangan kong ipursige o hayaan ko na yung fate or destiny na lang bahala?

Gumagalang,

Karerina Go

Dear Karerina,

Naku iha! Tlgang nkka-aliw ang mga gnyang kbgayan, from diary to blog and scrapbook ay talagang maganda to express urself. Parang type ko na rin gumawa nyan.

Anyway, ur ryt sa iyong sentiment re sa mga dreams. But I think sa ganyang area may mga things na need mo tlgang pghrpan and may iba na ipaubaya mo n kay Lord! Just do ur best and hayaan mo sya ang gumalaw for u.

In a wei mllaman mo rin kung umbot k n s end pra i-pursue p ang type mong gwin. I remember yung isa kong na-interview na directress sa isang reputable school sa Makati. Ang claim niya , “enabler” daw siya. “I don’t want to wait for things to happen, I make things happen,” sabi pa nya s ‘kin I admyr that woman, knwing din her humble beginnings.

So don’t give up sa iyong mga endeavors, I think bata ka pa kaya go lang ng go!

Ate Jevz

Head to Toe: anti-stress and buryong

Abril 11, 2008 at 10:45 umaga | In emotion, self, story, warning, work | 12 Comments
Tags: , , , , , , , , , ,

Dear Ate Jevs,

 

Lately, I feel bushed and morose… I don’t know if it’s because of my stress or I just need to breathe from my daily routine. Can you give me some tips of how to cast positive energy and obtain fresh ideas?  

 

Edra Pinupil

 

Dear Edra,

 

Yo! You know Hija, you’re like my friendly friend – Conchita. She also asked me re stress. Indeed, I realized that stress or boredom is leaking all over the town and entirely affecting our nervous system.

 

Anyway, the subsequent are the 15 bustles to grasp hot poop and to poleax poop:

 

  • Manood ng sine at maupo sa pinakatuktok. Doon, pwede kang matulog at manood ng reel and real action.

 

  •  Umakyat sa bubong at mag-star gazing. Pansinin ang smoke effect ng  tindang barbecue at pagsusunog baga sa kalapit na sari-sari store. Kumaripas ng takbo kapag may humihithit  ng tabako sa tabi mo.

 

  •  Mag-alaga ng aso o pusa. Sa kanila ipakain ang mga inaayawan mong pagkain. Huwag sipain kapag nag-iinarte, baka ma- rabies ka.

 

  • Kapag kinukulit ka ng BF mo, bumili kayo ng tatlong balot. Kainan ang isa para lumakas ng tuhod.  I-display sa mesa at gawing inspirasyon ang pangalawa, tandaan na ganun ka-pangit magpa-abort. ‘Yong huli, ituktok mo sa ulo ng BF mo, kapag nagalit ibig sabihin  mahina kokote niya.

 

  • Sumakay sa tsubibo, damhin kung gaano ka-simple ang pagiging bata, taas- baba ka na, may hilo ka pa.

 

  • Huwag mag-aircon bus kung mauupo ka rin lang sa hulihan. Mahahanginan nga bunbunan mo, maiinitan naman ang pwetan mo. Madalas doon din may nangyayaring kababalaghan.

 

  • Pasyalan ang ‘di na nadadalaw na kaibigan sa ganap na 4pm. Nakapag-bonding na kayo, may libre ka pang soft drinks and banana –Q, pwede ring pande coco.

 

  • Huwag kakausapin ang magulang kapag papasok na sa trabaho. Male-late ka na, magugulangan ka pa.

 

  • Pagkagising humarap sa salamin. Tignan kung ano ang epekto ng  ‘di mo matandaang panaginip sa buhok at pagmumukha mo. Lumabas ng kwarto ng ‘di nagsusuklay, pansinin kung  ano naman ang epekto mo  sa inyong buong angkan.

 

  • “Kumain” ng ice cream. Kagatin mo ito at huwag dila-dilaan. Binili mo ‘yan ng nagyeyelo kaya bat mo hihintaying matunaw. Kainin ito sa tabi ng aircon para mas cool ang effect.

 

  • Tumakbo sa Quezon Circle at maging fit & glam habang bata pa. Para makakuha ka ng inspirasyon, luminga-linga sa paligid. ‘yon na ‘yon

 

  • Kumain ng buto ng Santol. Kapag nasa CR ka na, isipin na, hindi pala dapat nilulunok lahat dahil sa bandang huli masasaktan ka lang.

 

  • Pag magulo sa bahay at aburido ka, gumala ka sa buong lugar / subdivision ninyo. Tignan, kung saan maraming dumi nandoon naglalaro ang mga bata. Kung saan naman malinis walang taong nagdadaan at malalaki rin ang mga talahib na may sssss at kokak.

 

  • Dumungaw sa bintana. Mare-realize mo na may  pinagkakaabalahan pala ang kapit-bahay mo. Plus point kong mapagtanto mo na nice pala s’ya… oiiii!!! Believe me!

 

  • Kung  namomobroblema ka kung maliligo ka muna o kakain, piliin ang maligo muna. Mahirap nang maunahan lalo na kung babagal-bagal ang susundan mo. Siguraduhin mo rin na bago ka pumasok natago muna ang ulam niyo.

 

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Marso 1, 2008 at 5:20 hapon | In emotion, memory, self, work | 14 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.