Pinoy ka?

Mayo 28, 2009 at 2:21 umaga | In emotion, politics, problem, sentiment, society | 16 Comments
Tags: , , , , , , , , , ,

Iba na ang pakiramdam ko, kumpara nung estudyante ako, kapag dumarating na ang Hunyo. Apat na petsa lang naman ang sa tingin ko na kailangan kong paghandaan sa pagpasok ng buwan na ito, lalo na kapag nag-aaral ka pa, Independence Day, Father’s Day, Kaarawan ni Rizal at pasukan sa eskwelahan.

Alin ba ang mas binibigyan ng effort? Siyempre ang pasukan ‘di ba. Momobrolema ka kung kakayanin ba ng budget ang pambili ng mga school supplies at tuition fee. At ito pa, ang matinding daloy ng traffic kasabay ng rumaragasang rain & flood.  Naku ayoko ng ikuwento ‘yong nabura ata ang isang hibla ng intestine ko nang ma-stranded kami. Biruin mo 12 oras akong ‘di nakakain, basang-basa ang ulo at mga paa, at di ko alam kung nasan na ang FX taxi na sinasakyan naman. Ayoko na ikuwento ‘yon kasi alam kong maswerte pa ako. Iyong iba nga naglalakad sa hanggang kili-kiling baha e.

IMG_4249

sa Luneta

Maiba tayo, bilang lehitimong taga- Pilipinas, kailan mo sinserong na-feel na wow Pinoy ako? ‘Yon ba ‘yong panahon na gumawa ka pa national flag na gawa sa pinaggupit-gupit at pinagdikit-dikit na art paper with matching stick?  O nung nag-field trip kayo sa Rizal Shrine, Luneta, at Intramuros nung estudyante ka pa?

Pero kahit naman wala ka sa school, kahit papaano’y may bagay na makakapukaw ng iyong atensyon bilang Pinoy. Sige nga, pinapalampas mo ba  ang mga laban ni Manny? At kahit hindi mo trip ang style ni Martin, dinamdam mo rin ang pagkakanta niya ng ating pambansang awit.  Ako  hindi ako mahilig sa mga beauty pageant pero ‘pag alam kong malakas ang laban ng ating pambato  interesado akon malaman ang update sa kanya.

Lately sari-saring isyu rin ang tila humahamon sa atig diwa bilang mga Pinoy.  Nariyan ‘yang pasaring ni Alec Baldwin, pagbawi sa kaso ni Nicole kontra kay Daniel Smith, ang matalim na comment ng favorite writer ni Raft3r na si Chip Tsao, ang desperadang linya ni Teri Hatcher at isasali ko na d’yan ang hot topic ngayon, sinong mas malakas si Nardong Toothpick or Nardong Putik este ang sex video scandal ni Dr. Hayden Kho.

Saan na nga ba inaabot ang damdamin mo sa bayan o sa iyong pagiging Pinoy? Nagagalit ka ba sa mga foreigners na nagkokomento ng ‘di maganda sa atin/sa Pilipinas o sinisisi mo rin ang ating ilang kababayan na nagpapakita ng ‘di magandang asal sa ibang bansa? at sa palagay mo gaano na ba kalala paglamon sa atin ng pagiging kolonyal at pagyakap sa globalisasyon?

Ako ito lang… sabi ng Nanay ko kinausap daw siya ng teacher ng pamangkin ko na kausapin daw in English ‘yong pamangkin kong si Calabasa. Ito ay para daw masanay at  matututo ang bata na magsalita sa Ingles.  In fairness napaisip ako nang — Pinapasok ng mga kuya ko ‘yong pamangkin ko sa loob ng bahay dahil nag-iinuman sila. Eh makulit…

Kuya ko: Hey you, young pumpkin, go inside before I kick your ass!

Calabasa: I don’t like tito you’re such a loser!

Whaahh I’m confused as in confuse  capital LBC.

musika para sa kapayapaan

Agosto 26, 2008 at 10:53 umaga | In emotion, places, politics, relationship, society, song, warning | 14 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , ,

kakapakinig ko sa playlist ng isang online buddy ko. napadpad ako sa musika ng Asin na kinalakhan ko dahil sila ang pinakikinggan noon ng mga nakatatanda kong kapatid. pero tila napahinto ako sa song na ito…

ang bayan kong sinilangan by asin

dahil kahit matagal ng nailunsad sa merkado ang awiting ito sakto-sakto pa rin sa mga pangyayari ngayon.

para sa pamahalaan at sa mga kapatid natin sa Mindanao na naiipit sa giyera, nawa’y matamo na ninyo ang Kapayapaan at Pag-unlad.

nakakalungkot lang na kailangan pa na magbuwis ng buhay ang mga sibilyan at naghahangad ng tahimik na pamumuhay para sa ipinaglalaban ng iba na may dalang armas.

I love Filipino

Agosto 22, 2008 at 9:13 umaga | In emotion, politics, problem, self, society | 14 Comments
Tags: , , , , , , ,

BUWAN ng wika pala ngayong Agosto… hindi ako nakapag-advance ng entry kaya nanghihinayang ako. Anyway…

Gusto ko lang sabihin na mahal ko ang aking wika kahit pa minsan kailangan kong magsalitat’t magsulat sa wikang Ingles at nais ko ring matututo ng ibang lengguwahe gaya ng Spanish, French at Japanese.

Salamin ng aking kultura at pinagmulan, dito ako kumportble at nais kong gamitin ito sa lahat ng pagkakataong mapagbibigyan ako. Ipinagmamalaki kong mas buhay na buhay ang Filipino sa alinmang wika. Ang salita po ng mg Pinoy ay may mga bakas ng Chinese, Spanish at English. Isang nakakatuwang katotohanan para sa akin at sa palagay ko ay isa lamang ang Filipino sa iilang salita na maaari mong ipahayag ang iyong paggalang (sa pamamagitan ng po, opo, at ho), maliban ng pagtawag ng mister, misis, at miss sa isang tao.

Sumasabay rin ito sa takbo ng panahon. Nalalaliman tayo sa mga binibigkas na salita nina lolo at lola pero kung susumahin naiintindihan naman natin yun o kung hindi man may katapat naman na kahulugan iyon sa modernong wika natin. Manood kayo ng mga lumang pelikula nina Fernando Poe Jr., Vilma Santos, Nora Aunor, Ramon Revilla etc, mapapansin ninyo kung ano ang pagkakaiba ng kanilang mga dialogue sa mga fantaserye o telefantasya ngayon sa TV. Nakakaaliw at nakakabilib!

Noon, akala ko nga maalam at matatas na ako sa Filipino at kailangan ko na lamang pagtuunan kong paano ko mapag-uunlad ang pag-aaral ko ng ibang lengguwahe, pero hindi pa pala. Napagtanto ko ito nung magtrabaho na ako rito sa opisina na ang dami ko pa palang ‘di alam at kailangan na matutuhan.

Maaaring sa ngayon ay nagiging pamantayan ng antas sa lipunan kung matatas ka sa wikang Ingles. Aminin din natin na maraming oportunidad na naghihintay kung kaya mong makipatalastasan o kumatha sa salitang ito. Sumasang-ayon ako na kailangan ng mga Pinoy na magkaroon ng armas para sa globalisasyon. At para sa akin ang isang pinakasimpleng paraan para pumailanlang ay ang magkaroon ng kasanayan sa komunikasyon. Komunikasyon na hindi magpapakita na magaling ka, kundi nakakaintindi ka at maiintindihan ka.

Hindi ako naniniwala na kapag magaling kang magsalita ng Ingles matalino ka na, kapalaluan! Magsalita ka ng may kwenta at ipakita mong alam mo ang mga sinasabi mo.

May lagi akong linya, “mahal ko ang Pilipinas pero mahal ba ako ng gobyerno ko?” Ang ibig kong ipunto rito ay ibigay ko man ang makakaya ko kung mawawalan naman ng saysay dahil sa paglilinlang at pandarambong ng mga makapangyarihan para saan pa? Mahirap lumaban sa sistemang nabubulok at pinapaikot ng mga makasarili.

Maaaring ibang isyu na nga ang pangingibang bansa, dahil kinabukasan, pangarap at pag-iwas sa pagkalam ng tiyan ang usapan doon. Subalit, kung dumating ang punto na kailangan ko ng iwan ang Pilipinas at sa ibang bansa na magtrabaho’t manirahan, sisikapin kong kausapin ang mga kapwa ko Pinoy sa wikang Filipino at turuan ng katutubo kong wika ang aking magiging Pamilya.

Ayokong maging banyaga ako sa sarili kong wika at kalimutan ito saan man ako mapadpad. Dahil sa Filipino ko lang nabibigkas ang aking tunay at ibig na ipakahulugan.

Diksyunaryo nga!

Kakanin at Nena’s Special bibingka!

Hulyo 22, 2008 at 10:08 umaga | In favorite, places, relationship, self, society | 27 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , ,

palitaw

palitaw

well being certified makamasa, katutubo and whatever na matipid na makaluma, I really like to eat delicious kakanin. apart sa aking precious champorado, hindi ko ipagpapalit ang mga kakanin sa mga foods na mabibili sa mga fast foods. kahit ang pagiging ice cream girl ko ay ipagpapalit ko.

nitong mga nakaraan, I’m happy dahil lagi akong pinapalamon ni manang juling ng kakanin. kung may anda rin lang naman ay pinapasalubungan niya ako ng kutsinta, puto, pitchi -pitchi na mula sa commonwealth market. minsan naman ay may dala rin siyang puto bumbong at bibingka na binili niya either sa quezon city circle or sa tiange sa Lung Center of the Philippines every sunday. In fairness, naa-apreciate ko lalo si manang juling ‘pag may pasalubong ako sa kanya. hehehe sa tanda at cute kong ‘to (chenez!).

puto bumbong at Bibingka

puto bumbong at Bibingka

alam niyo kahit puyat ako or medyo in bad mood ( yes people may mood swing (topak) ako palagi lalo na sa umaga) babangon ako para lang lamutakin ang mga mabigat, pampautot o kahit pampasakit na tiyan na mga kakanin na nakahain sa aming abang hapag-kainan.

ako naman,  type na type kong mapadaan sa arayat, cubao dahil may binibilhan akong tindahan ng kakanin doon saka kami ng ate ko sa commonwealth market din (well hindi ko alam kung pareho kami ng binibilhan ni manang juling).   ‘pag ako ang bumibili hindi naman ako maramihan, tamang makakain lang ng todo sa murang halaga.

paborito kong kakanin ang bibingka, puto bumbong, palitaw, kutsinta, sapin-sapin at higit sa lahat yung ube halaya.

Nena’s Special Bibingka

July 2 nang mapadpad kami sa Cubao, Araneta Center ni Manang Juling. kahit nagmamadali akong makapunta ng gateway, nung inaya niya ako na kumain sa nena’s abay go agad ako.

first plate

first time kong makakain sa nena’s noong araw na iyon. type ko ng bisitahin ito nang mapanood kong i-feature ito sa “Landmarks” ng Net 25  pero dahil wala time, wala makakasama at lalong walang pera ay hindi ako makapunta. Buti nga talaga, pinakain ako ni Manang Juling rito.

well, i would like to invite you people to please visit & eat siempre sa Nena’s Bibingka… why?

kung titignan ang labas ay mukhang ‘di maganda ang nena’s pero sa loob ay maluwag naman po iyon at okay naman ang linis o interior design nito. generally talaga, after ako sa service at sarap ng foods & plus factor na lang ang packaging ng isang resto. lahat naman po ng naranasan at natikman ko sa nena’s ay pumasa sa panlasa ko.

dahil wa kaming alam ni manang juling kung may nagaganap na “eat all you can” doon, in-assist talaga kami ng waitress doon  hanggang sa makakain kami. ganoon din naman yung waiter na kasama niya.

2nd plate

hay naku kung dadako tayo sa pagkain… naka 3 plato po ako. slice-slice lang naman ang  kinain ko roon. iyon nga lang kung wala kaming hinahabol ni manang juling na oras eh baka ay naka-apat pa ako. ang sarap din ng timpla nila ng tokwa’t baboy saka pansit bihon.

medyo di ko lang nalasahan ang bibingka nila (hindi daw oh?!) dahil paiba-iba nga ko ng tikim. yong “eat all you can” nga pala nila Php 75 lang at from 3-6 pm ata.

Gusto ko ring i-emphasize na matagal na po sila sa cubao and orginal ang kanilang bibingka. iyon ang nalaman ko sa “landmarks” and iyon din sabi sa akin ni manang juling.  medyo natatabingan nga lang siya ng mga establishments sa cubao kaya medyo di gaanong napapansin.

3rd plate

3rd plate

I hope na marami  ang sumubok sa  kanilang foods…whether hindi kayo mahilg gaano sa kakanin,para maiba naman at para balikan ang mga pagkaing Pinoy ay kumain na kayo sa Nena’s (gen. romulo st., socorro, cubao, QC) at ng  mga kakanin.  wag natin patayin ang ating sariling mga pagkain na nakakatulong sa turismo, negosyo at sa pagpapalawig ng ating kultura.

ang nena’s ay  katapat ng dating rustan , (saktong-sakto sa cubao post office) at kahilera ng puregold (dating cod).

Mabuhay!

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.