Materialistic
Disyembre 22, 2009 at 7:44 umaga | In journey, places, society, story, women | 16 CommentsTags: cab, contentment, driver, Family, marriage, materialistic, prostitution, relationship, satisfaction, taxi, travel
Alin ba ang mas mainam, ang maging kontento sa kung ano ang meron o mangarap ng magandang buhay para sa kinabukasan ng iyong pamilya?
Dahil half day na at male-late pa ako, tas gusto pa ng guard sa MRT na buksan ang dala kong regalo, nilakasan ko na lang loob kong mag-taxi. Actually, sooobrang bihira akong mag-taxi ng walang kasama o hindi inuudyukan e. Siguro last year pa ako last nag-taxi ng walang kasama.
Para kasing may masamang usok na bumubuga sa kokote ko ‘pag napapansin ko na mabilis pumatak ang metro. Wala akong gaanong tiwala sa mga taxi driver, maliban sa respetado at kilala ang kanilang operator. Siempre, pinaka-bottom line din e, kuripot na naman ako.
Kinausap ko yung driver, na ginagawa ko para maging feeling close nang hindi niya taasan ang singil sa akin. Ewan at mula sa kita niyang whooping 2000 per day ‘pag December (malinis na raw yun) hanggang sa mga bisyo ng mga taxi drivers gaya ng pambabae hanggang sa pamimik-ap sa quezon ave at makati ng mga lalaki, bading at matrona ay napunta kami sa kuwentuhang pag-aasawa.
May nasabi ako about na hirap mag-asawa o magpamilya ngayon. Kailangang handa ka sa gastusan at pagiging magulang. Eh mukhang kontento naman sa buhay si Manong. Sabi niya, masaya naman ang may pamilya basta nagtutulungan, masipag sa paghahanap-buhay at hindi materialistic. May iba raw kasi (siguro mga babae) na wala na nga raw makain ay kung anu-ano pa raw ang gustong bilhin. (buti hindi niya sinabi yung kung anu-ano ang inaatupag like cheese miss sa’n at pagsusugal).
Medyo napahinto ako, as if nag-moment ako at may nag-voice over ng ilang segundo. “Hoshi, materialistic ka nga ba? Sagot ni Hitokiri, hindi ka materialistic kuripot ka girl!”
Binalikan ko siya, sabi ko kay manong driver, minsan dapat matutuhan talagang maging kontento para mas maa-appreciate mo ang buhay. mukhang nag-agree naman si manong driver. pero sa totoo lang nandoon pa rin ang pagtatalo sa isip ko. pinalaki kasi ako ng nanay ko na ‘wag humintong mangarap. Animo’y ang pangarap ay color sa iyong life.
In the end, magkaiba pa rin ang satisfaction at contentment. Hehehehe! Kapag masaya ka na eddie masaya ka na.
Napagtanto ni Bunso
Abril 6, 2009 at 8:56 umaga | In emotion, journey, memory, relationship, sentiment, story | 17 CommentsTags: brother, bunso, destiny, emotion, Family, fate, Holy week, kapatid, kwento, Lenten, letter, life, magkapatid, personality, relationship, sisters
Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!
Dear Ate Jevs,
Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana. Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo. Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest. May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.
I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past. Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa
Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.
Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya. But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama. Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.
Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.
May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito, na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat. At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.
Sincerely,
Nemitz B.
Dear Nemitz,
I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.
Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao. Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.
Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!
Ate Jevz
Kakanin at Nena’s Special bibingka!
Hulyo 22, 2008 at 10:08 umaga | In favorite, places, relationship, self, society | 27 CommentsTags: bibingka, culture, Family, Filipino, food, food trip, halaya, kakanin, kutsinta, nena's special bibingka, palitaw, pansit, puto, puto bumbong, restaurant, sapin-sapin, tokwa't baboy, ube

palitaw
well being certified makamasa, katutubo and whatever na matipid na makaluma, I really like to eat delicious kakanin. apart sa aking precious champorado, hindi ko ipagpapalit ang mga kakanin sa mga foods na mabibili sa mga fast foods. kahit ang pagiging ice cream girl ko ay ipagpapalit ko.
nitong mga nakaraan, I’m happy dahil lagi akong pinapalamon ni manang juling ng kakanin. kung may anda rin lang naman ay pinapasalubungan niya ako ng kutsinta, puto, pitchi -pitchi na mula sa commonwealth market. minsan naman ay may dala rin siyang puto bumbong at bibingka na binili niya either sa quezon city circle or sa tiange sa Lung Center of the Philippines every sunday. In fairness, naa-apreciate ko lalo si manang juling ‘pag may pasalubong ako sa kanya. hehehe sa tanda at cute kong ‘to (chenez!).

puto bumbong at Bibingka
alam niyo kahit puyat ako or medyo in bad mood ( yes people may mood swing (topak) ako palagi lalo na sa umaga) babangon ako para lang lamutakin ang mga mabigat, pampautot o kahit pampasakit na tiyan na mga kakanin na nakahain sa aming abang hapag-kainan.
ako naman, type na type kong mapadaan sa arayat, cubao dahil may binibilhan akong tindahan ng kakanin doon saka kami ng ate ko sa commonwealth market din (well hindi ko alam kung pareho kami ng binibilhan ni manang juling). ‘pag ako ang bumibili hindi naman ako maramihan, tamang makakain lang ng todo sa murang halaga.
paborito kong kakanin ang bibingka, puto bumbong, palitaw, kutsinta, sapin-sapin at higit sa lahat yung ube halaya.
Nena’s Special Bibingka
July 2 nang mapadpad kami sa Cubao, Araneta Center ni Manang Juling. kahit nagmamadali akong makapunta ng gateway, nung inaya niya ako na kumain sa nena’s abay go agad ako.

first plate
first time kong makakain sa nena’s noong araw na iyon. type ko ng bisitahin ito nang mapanood kong i-feature ito sa “Landmarks” ng Net 25 pero dahil wala time, wala makakasama at lalong walang pera ay hindi ako makapunta. Buti nga talaga, pinakain ako ni Manang Juling rito.
well, i would like to invite you people to please visit & eat siempre sa Nena’s Bibingka… why?
kung titignan ang labas ay mukhang ‘di maganda ang nena’s pero sa loob ay maluwag naman po iyon at okay naman ang linis o interior design nito. generally talaga, after ako sa service at sarap ng foods & plus factor na lang ang packaging ng isang resto. lahat naman po ng naranasan at natikman ko sa nena’s ay pumasa sa panlasa ko.
dahil wa kaming alam ni manang juling kung may nagaganap na “eat all you can” doon, in-assist talaga kami ng waitress doon hanggang sa makakain kami. ganoon din naman yung waiter na kasama niya.

2nd plate
hay naku kung dadako tayo sa pagkain… naka 3 plato po ako. slice-slice lang naman ang kinain ko roon. iyon nga lang kung wala kaming hinahabol ni manang juling na oras eh baka ay naka-apat pa ako. ang sarap din ng timpla nila ng tokwa’t baboy saka pansit bihon.
medyo di ko lang nalasahan ang bibingka nila (hindi daw oh?!) dahil paiba-iba nga ko ng tikim. yong “eat all you can” nga pala nila Php 75 lang at from 3-6 pm ata.
Gusto ko ring i-emphasize na matagal na po sila sa cubao and orginal ang kanilang bibingka. iyon ang nalaman ko sa “landmarks” and iyon din sabi sa akin ni manang juling. medyo natatabingan nga lang siya ng mga establishments sa cubao kaya medyo di gaanong napapansin.

3rd plate
I hope na marami ang sumubok sa kanilang foods…whether hindi kayo mahilg gaano sa kakanin,para maiba naman at para balikan ang mga pagkaing Pinoy ay kumain na kayo sa Nena’s (gen. romulo st., socorro, cubao, QC) at ng mga kakanin. wag natin patayin ang ating sariling mga pagkain na nakakatulong sa turismo, negosyo at sa pagpapalawig ng ating kultura.
ang nena’s ay katapat ng dating rustan , (saktong-sakto sa cubao post office) at kahilera ng puregold (dating cod).
Mabuhay!
Happy Mother’s Day!
Abril 23, 2008 at 4:29 umaga | In emotion, memory, relationship, self, story, women | 9 CommentsTags: anak, emotion, Family, ina, magulang, mother's day, motherhood, parenting
Madalas sa kainan ang bonding namin ni Manang Juling. Pwedeng may uusbong na diskusyon pero hindi ako nakikipagtalo sa kanya. Sabi nga ng mga kapatid ko, sa akin lang siya nakikinig, pero ang hindi nila maisip e kasi ako ang lagi niyang kausap.
Alam ng mga kapatid ko na hindi rin ako nominado for Best performer in a daughter role Ang isang special skill ko lang ay matutuhang makinig sa mga kwento niya Kahit paulit-ulit na at tila alam ko na ‘yon, nakikinig pa rin ako kasi ang puno’t dulo niyan ay gusto lang niya ng may ka-chat.
Persona ko na ang magkaroon ng sariling mundo (paminsan-minsan). Subalit, kapag lumabas na ako roon, hindi ko kinakaligtaan na may nagmamahal sa akin at karapat-dapat kong mahalin. Mahirap maging ina, lalo na kung nag-iisa kang umiintindi sa isang weirdo at mga pasaway mong mga anak

Ba’t ‘di n’ya ako pinagbibigyan at bakit niya ako lagi pinapagalitan? Madalas kong tanong bilang musmos na nene Naliwanagan ang kokote ko na hindi madali ang mag-alaga ng bata nang mag-yaya ako sa pamangkin ko. Nagsusumikap ako na maging pasensyosa pero nasasagad talaga
Alam mo ba ‘yong pakiramdam na mag-uumpisa ka ng managinip, tapos biglang iiyak iyong sanggol sa tabi mo. Para kang nahulog sa pagkakalaglag, na kung pwede lang i-tacker ang bibig niya e ginawa mo na…
Naranasan mo na rin ba ang humawak ng budget ng buong pamilya na tipong sa iyo manggagaling ang pera para sa tubig, kuryente, telepono, maging ng tuition fees at iba pang anik-anik? Akala ko okay na ang pagiging matipid ko pero iba pala ang power ni Manang Juling. Kailangan marunong kang mag-priority at matutong humindi. Sige nga pano mo sasabihan ang kuya mo na magtipid na humihingi sa iyo ng baon.
Wala pa diyan iyong pagdalo sa mga gulo nila sa buhay. Naranasan mo na rin ba ang magpanggap kang guardian kahit sa tingin pa lang ay talagang mukhang bata ang itsura mo kaysa ipinapakiusap mo sa guidance counsellor? Sa bagay di hamak na maigi na ‘yon kaysa magsugod sa ospital o mapadpad sa presinto.
May nabasa akong English novel na nabili ko ng sampung piso. May isang character dun na galit sa style ng parents niya. Pero ‘di naglaon, napagbulaybulayan niya na ginawa lang nila kung ano ang alam nilang tama at nararapat. Mayroon din silang pagkatao na hindi lang dapat unawain kundi kailangan ding intindihin, dahil sa bandang huli, tao rin sila na may sariling mga paniniwala, pag-uugali at pangangailangan.
Kung ano ang ating magulang sila na ‘yon. May sarili silang background story na humulma na sa kanila ng maraming taon. Matampuhin, mahina, magagalitin, istrikto, parang walang paki, eh ganon talaga… Ako tinatanong ko sa sarili ko kung hindi ba ako ganon, sabi niya mas masahol ka pa hitad! ‘Pag majunda ka na baka ikaw na ang “oldest weird on earth.”
Kaya payo ko lagi kay Manang Juling, mag-ballroom kayo at magpakasaya… malalaki na kami…”Be Happy, yoh!!!!”
Advance Happy Mother’s day sa lahat, lalo na kay Manang Juling. Pati na rin kina young Mommy Tonet at Hot Mama Tet!!!
Champorado
Marso 18, 2008 at 3:12 umaga | In dream, memory, self | 6 CommentsTags: champorado, crave, Family, fatherhood, favorite, food, gatas, hopia, kutsinta, milk, Milo, motherhood, palabok, pancit, Ricoa, spaghetti, taho
Champorado
Gustong gusto ko ang Champorado,
Hainan mo man ako ng pancit, spaghetti o palabok
Iyon pa rin ang pipiliin ko.
Simple man ang aking paborito
Metikulosa ako sa lasa nito
Kahit nga luto ni Manang Juling, hindi pumasa sa panlasa ko
Ang memorable na champorado na natikman ko?
Ang limang pisong ga-mangkok ni Manang Guia
Maraming cocoa, tama ang tamis, gumamit ng malagkit at
Higit sa lahat may gata ng niyog
Malinamnam din yun dahil pinolbos ng gatas
Ngunit wala na si Manang Guia, (nasa abroad na no!)
Bihira na rin ang nagtintinda
Kung meron man, naku di ganun kasarap
Sinubukan kong maghanap ng ibang pagkain
Napagtripan ko ang taho, hopiang monggo, kutsinta
Pati na ang bibingka
Pero wala pa ring pumalit sa Champorado
Bakit ba ako takam na takam sa pagkaing ito?
Aking naalala kapatid kong nasa ibang bansa na
Lagi niya akong ipinagluluto ng lugaw na binuhusan ng Ricoa
Para kumain ako… dinadamihan niya iyon ng asukal
Sa halos ganun ding luto ako ipinapakin ni Manang Juling
Ang sa kanya ay bahaw na kanin na bubuhusan niya ng…
Isang tasang mainit na mainit na Milo.
Isang araw aking napagtanto, hindi ko na gusto
Ang ipinapakain nila sa akin
Anung sustansiya ang makukuha ng noo’y
Patpat kong katawan
“Nay ba’t ba lagi na lang Milo ipinakain n’yo sa akin?”
Tanong ko kay Manang Juling
Wala siyang masagot, pero naintindihan ko
Wala naman akong makakain na iba
Maging ang namayapang si Mang Celing
Mayroon din iniwang alala sa akin
Pinakain niya ako ng manit na champorado
Nang panahong nilalagnat ako dahil sa isang aksidente
Hay kailan at saan ako makakain ng masarap na champorado?

Old school
Pebrero 24, 2008 at 8:07 hapon | In dream, emotion, journey, memory, relationship, self, society, warning, work | 5 CommentsTags: bum, career, caregiver, caution, cutting class, depression, emotion, Family, life, parenthood, school, self-esteem, society, student, warning
Bumisita ang isa sa aking pinakapaboritong pinsang lalake (2 lang naman sila). Paborito ko siya kasi bukod sa magandang lalaking tulad ko (chuz!) ay nasasakyan niya ang mga ka-weirduhan ko. Siya lang naman ang pinsan ko na naglakas loob na pagdamitin ako ng gown sa kasal niya bilang abay …wadapak!
Anyway, sa gitna ng inuman nila ni kuya saklay ay natanong niya sa akin kung may opening sa opisina. Sa isip ko, caregiver yung tinapos niya kaya sabi ko tignan ko, pero sa pagkakaalam ko babae yung pina-priority sa amin. Nakalimutan ko na nursing nga pala siya. Eh d ba pag tapos ka ng ganung course eh amoy dollar ka na..
At dahil mana sa akin na mahilig sa hirit, sabi niya kung pwede raw yung work na linggo ang pahinga. Mayroon daw kasi siyang nahanap kaso yung day-off eh Monday to Friday… ano intindi nyo? Sabi ko, hanep na trabaho iyan dalawang araw lang ang pasok. Iyon pala mamimili siya ng day-off alin sa mga araw sa weekdays.
sa bagay pamilyadong tao na ang pinsan ko kaya siguro yung sun inaaalay na niya sa pamilya niya (Eh trabaho nga, iyon kaya dapat siya muna ang mag-adjust lalo na kung desperado na.). tapos maya-maya nabanggit niya “old school na kasi.”
Nag-sink lang sa kokote ko ang ibig niyang sabihin kinabukasan…napag-alam ko kay manang juling na hindi pala siya umuuwi sa bahay nila dahil wala siyang trabaho. Hiya na rin siguro, habang wala pa siyang nahahanap. Naisip ko lang na tapos nga siya pero nahihirapan nang maghanap ng work dahil sabi nga niya 2 years lang tanda ni Kuya saklay sa kanya. Eh si kuya saklay 10 taon ang gulang sa akin.
Nung lumalamon kami ni kuya saklay ibinahagi ko sa kanya ang aking sentimyento. Ikako, magkapareho sila pinsan at ang isa naming magaling na kapatid … nung panahon na nag-aaral sila ay mga nagbulakbol, hayun dekada na sa school hindi pa rin nagsipagtapos. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan gusto na nilang magbagong buhay, magpatuloy sa pag-aaral at umasa ng magandang trabaho ay medyo malabo na. … (naks palalim na ito!) ngayon pa naman na tumatayo na sila bilang padre de pamilya.
Marami sa lugar naming ang gaya nila… at alam kong maraming kabataan din ang tinutularan sila… yung hindi nakinig sa “Time is gold,” “conserve energy (money),” study your lesson and be good,” etche tira!!! Panakot ko nga minsan dun sa magaling naming kapatid yung kapit-bahay namin na inaaway ko kasi kinakana yung doggies namin…wala na siguro makain. Alam mo yun…. Yung nabubuhay sa kung anong darating… hindi nagsusumikap sa buhay…
Naaalala ko noon, sinabihan ko rin ang magaling kong kapatid na kahit naman di mo iwan iyong pagbabarkada mo basta siguraduhin mo man lang na napapasa mo yung mga subjects mo. Siempre pa, hindi siya nakinig… mas matanda siya sa akin e.. pero nare-realize niya na ngayon na tumpakers ako… yung isa ko ngang ka-barkada, kababaeng tao tumatalon sa pader para lang mag-cutting class at ng makapag-arcade sa ever, eh nagkaroon pa ng honor. Katwiran niya pag may exam naman daw eh tumataas ang bakod sa school.
Alam ko na marami diyan ang nilalamon ng guilt, pity at ang pinakamatindi yung low self esteem. Yun ang dahilan ng kanilang depression na nauuwi sa pagpapatihulog sa billboard sa edsa sa may tapat ng isang giant TV station. Pero, kung iisipin naman talaga… wala silang dapat sisihin kundi ang sarili nila…lalo na kung may ipang-aaral naman pero ginamit sa mga kabulastugan at kababalaghan. (naku lalong na-depress choriii!!!)
Masarap kotongan pero huli na para mga “old school.” Kapag nakakausap ko sila, sinasabi ko na “fight lang” kahit naman ikako sa mga tapos at fresh na like me… eh dumaan din sa mga chiverlou at chinilin china eklabu. Yun nga lang kailangan nilang doblehin pa. Wish ko lang talaga na matuto na ang kabataang Pilipino…(naks!) sa mga naunang pasaway sa kanila.
FPJ
Disyembre 10, 2007 at 6:49 umaga | In memory, politics | 4 CommentsTags: actor, death, death anniversary, election, Family, movie, showbiz, television
Head to Toe:
Dear Ate Jevz,
Nanonood ako ng “Alay ni Da King” ‘yong special ng ABS-CBN. Siempre expected ko na pupurihin siya sa programa at ipapakita ang mga pelikula niya. Kung baga the usual na tribute. Ang pinagkaiba lang nito ay talaga namang mga betaranong artista ang nagbigay pugay sa kanya.
Walang anu-ano ay nakaramdam ako ng pagkabalisa, lalo na nang ipakita ang video ng lamay niya sa Sto. Domingo Church at ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan. Noong nakaburol pa siya sa Sto. Domingo, sinuwerte kami ni Manang Juling na makapasok sa loob ng ‘di pumipila (buti na lang gumana ang kawad ni manang juling) doon ko nakita sina Gary V., Sheryl Cruz, Susan Roces na walang make-up. Siempre tumingin din ako sa kabaong ni FPJ, hindi ko na alam kung ano yung sinabi ko sa kanya o naisip ko nung nakita yung bangkay niya. Basta, di ba? At least nakita ko siya ng personal , yun nga lang nakaburol na.
Sa totoo lang, hindi ko masasabi na idolo ko siya. Hindi ko rin siya binoto noong tumakbo siya sa pagkapresidente. Hindi sa isa siyang artista, pero kaya ayaw ko sa kanya bilang pangulo ay dahil wala siya mi katiting na experience sa pamumuno o alam man lamang sa pulitika. Hindi naman kasi natatapos sa pagtulong sa kapwa ‘yan at ang pamumuno ay hindi dapat inaasa sa mga miyembro ng gabinete.
Kung si Erap nga na dumaan sa proseso (naging mayor, senador, at vice president bago naging presidente) ay sinawaing palad pa eh. Medyo nag-iba nga ang pagtingin ko sa kanya, kung may pagkakataon lang ako na mapayuhan siya nung tumakbo siya.sasabihin ko talaga ‘wag ka ng tumakbo, magulo diyan’. Hindi ba nga, sabi ni Ms. Susan sa “Alay ni Da King” na-disappoint sila after nung election. Kung tumakbo si FPJ sa kahit anung City, kahit Makati pa ‘yan sure ball, panalo. Saka iba kasi ang saklaw ng mayor sa president, di ba naman.
Bilang artista, talagang okay siya sa akin. Hindi ako mahilig sa action films pero pag pelikula niya okay na okay sa akin. Hindi naman yung tipong gumon na gumon gaya ng mga kapatid ko, pero siya lang talaga ang pinapanood ko. Ay teka, gusto ko rin pala yung ibang film ni Ramon Revilla Sr., lalo na yung “Joaquin Bordado.” Pero kay FPJ ako siempre.
Naku yung mga film lang niya ang napagkakasunduan namin ng mga kuya ko. As in yung lahat ng kuya ko ha. Kasi kami nila bangaw parehong nanonood ng “Bioman, “Maskman” at Shaider” Siempre yung isang ate ko maka-Sharon, si Manang Juling bumabalimbing kina Nora at Vilma, depende sa trip niya. Hehe!!!
Hindi ko naman siguro napanood ang lahat ng “Panday” Series niya pero isa sa nagustuhan ko at naaalala ko ay ‘yong leading lady niya si Dang Cecilio. Gusto ko rin yung “Dito sa Pitong Gatang;” “Kahit Konting Pagtingin;” “Wanted: Pamilya Banal” at “Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway.”
Yun lang… naalala ko lang na kung may action star na Pinoy, siya lang ang kinikilala ko.
Gumagalang, Dahlia Jalum-Pihit
Dear Dahlia,
Gnyan tlga naaprciate lng ntn ang 1 tao pag ala n cya. Si FPJ kht nkkta lng ntn s TV or Movie, in a way prng nging prt na rin ng lyf ntn. Hula ne ncra videocam ño kc dnala ni manang juling s burol. Eh d nmn cya knw kung how i-use yun.
Hahahha…
Ate Jevz
a sad delivery story
Nobyembre 20, 2007 at 3:32 umaga | In memory | 4 CommentsTags: death anniversary, delivery, Family, fatherhood, friendship, motherhood
16th death anniversary ng daddy ko last nov. 9. medyo bad trip ako sa ginawang celebration sa bahay kasi naturingang death anniv… eh may videoke at inuman pa.wala naman gaanong problema dun… because i’m certified “diva,” ang azar ko lang ay nung makita ko ang mga political people. hindi naman pala mga invited ay nagsipagdatingan pa doon.
anyway, dumating ang kumpare ni daddy, kasama ng buong pamilya niya. actually kababata ko ang 3 maria niya… pero nung lumaki kami hindi na kami masyadong close.
ang sad story ay ikinuwento ni nanay kinabukasan. mayroon pala silang memorable experience ng kumpare ni Daddy nung ipinanganak ako. ang alam ko kasi medyo comedy ang scene nung chinurva ako ni maderaka kasi sa kotse na niya ako ipinanganak. Dapat nga Conchita name ko (buti na lang natauhan sila bago pa maisulat sa papel).iyon pala may sad part pa doon.
dapat after three days lalabas na kami ni nanay(ganun kasi policy nun ewan ko lang ngayon), pero inabot kami ng one week sa hospital.Hindi kasi kami dinadalaw ni daddy at wala namang pambayad sa paglabas naming mag-ina. Nung dumalaw si Tito B saka na kami nakalabas.
Sabi pa nga ni nanay , hindi rin siya nakakain ng halos isang araw dahil wala ngang pambili. Wahuhu
Ngayon I know, kung bakit may pagkaaning-aning ako. Lumabas na ako sa kotse, nagutuman pa… Hehehe.
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.


Happy Father’s Day!
Hunyo 7, 2008 at 5:36 hapon | In emotion, memory, problem, relationship, self, society, story, women | 8 CommentsTags: abuse, child support, comment, daddy, emotion, Family, family man, fatherhood, greet, happy father's day, lalaki, ninong, papa, provider, sentiment, tatay, teachers, tito
Eto na siguro ang isang araw na hindi ko na mase-celebrate at hindi na-celebrate…year 1991 pa lang kasi ay wala na akong daddy at sa loob ng walong taon na nakapiling ko siya… iilang beses lang kaming nagkasama ng personal.
Para sa akin, ang ama ay ang “provider” ng pamilya. Ang buong isang linggo niya ay iikot sa pagtatrabaho at ang day-off niya ay hahatitin sa kanyang pamilya at barkada. Bibihira ang pagkakataon na gagawa siya ng gawaing bahay, dahil inaasahan niyang trabaho na iyon ng kanyang esposa. Pero siempre lahat ng iyon ay napapanood ko lamang sa telebisyon noon. At sa paglakad naman ng panahon ay nakakakilala ako ng masasabi kong mabubuting ama.
Pasintabi sa matatamaan…
Bulto-bulto ang mga kalalakihan ngayon na parang nag-iiwan lang ng stain sa damit kong makapag-buntis ng babae. Puwedeng nadala sila sa tukso o tinamaan ng libog pero paano kaya nila matitiis ang bata na galing sa kanilang dugo’t laman na walang makain at hindi makapag-aral.
Buti pa iyong mga step-dad o mga nag-aampon ng bata, nagmamahal ng tunay sa kanilang mga anak-anakan. Talagang saludo ako sa kanila!
Isama na rin dito ang masasabing mga binabae at kasapi ng ikatlong kasarian. Mas okay po kayong kasama kaysa sa mga guys na walang balls!
Minsan nasabi ko na ang katagang “kahit hindi na siya maging mabuting asawa, maging mabuti man lang siyang ama.” Ito ay dahil na rin sa awa ko sa isang batang malapit sa akin. Dapat magbigay ang ama ng sustento dahil pangangailangan iyon ng bata at dapat din niyang pag-ukulan ng panahon ito dahil iyon ang kailangan nila. Kakarampot lang sa mga batang produkto ng broken family ang kayang umintindi sa naging kalagayan nila sa buhay. At ‘di pa masasabi roon kung tatanda silang walang poot at hinanakit.
Maiigi pa ang mga tiyuhin na kahit may sariling pamilya ay tumutulong para mapag-aral ang kanilang mga kamag-anak. Kasama na rin yan ang mga ninong na madaling malapitan financial o moral support man ang usapan. Isa po kayong malaking aginaldo!
Mayroon namang mga lalaki na itinira ang kanyang asawa’t mga anak sa isang bahay pero mga nagbubuhay-binata, nababarkada, panay ang inom, talamak sa sugal, adik sa kotse, gumon sa droga at pambabae ang inaatupag. Wag sana silang magtaka kung bakit malayo ang loob sa kanila ng kanilang mga anak at ang malala ay hindi na sila ituring na magulang ng mga ito.
Nakakatuwa ang mga school teacher o professor na dedikado sa kanilang pagtuturo at nakapag-iiwan ng marka sa kanilang mga estudyante. Hindi lamang sila nagtatanim ng mga leksyon sa araw-araw, nagsisilbi rin silang inspirasyon para abutin ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap. Kayo ang masasabing ama ng mga estudyante!
Ang pinakamasakit na istorya na maririnig ng kahit sino ay ang pagmamaltrato, pang-aabuso at panghahalay ng isang ama sa kanyang anak. Ang ganitong mga haligi ng tahanan ay maituturing na baliw dahil ipinagpalit ang pwesto ang dalawa nilang ulo. Kahit pa nga yung apat na haligi ng bahay kulang pang itoktok sa dalawa nilang ulo e.
Nakaka-touch ang mga rescuers, volunteers, firemen, o iba pang mapagkawang-gawang lalaki na nag-aalay ng serbisyo at donasyon upang makatulong sa pangangailangan ng ibang pamilya. Sobra-sobrang masigabong palakpakan sa inyo!
Para sa akin, ang mga lalaking marunong magpalit ng diaper, magtimpla ng gatas, mag-ayos ng damit o buhok ng mga bata, magluto ng pagkain, namamalengke, nagba-budget ng pera, naghahatid sa school, nagpapatulog, nagtatahi ng damit etc. ay hindi dapat minamata o pinagtatawanan. Dahil higit sa pagganap ng kanilang mga tungkulin bilang mga ama, sila rin ay mga karespe-respetong lalaki dahil marunong silang magmamahal, mag-aruga at MAGPAKATAO!
Mabuhay po sa lahat ng ama, sa magiging daddy, step-father, Ninong, Tito, Guro, amain, at kahit na doon sa mga mukha ng tatay. Hehe!!!
Happy Father’s day kina Uncle Bong, Bangaw, Kuya Obet, kuya Eric, Kuya Janzen, kuya Marlon…. (kahit malamang si Kuya Obet lang ang makakabasa nito.!)