Napagtanto ni Bunso
Abril 6, 2009 at 8:56 umaga | In emotion, journey, memory, relationship, sentiment, story | 17 CommentsTags: relationship, letter, life, emotion, kwento, Family, fate, destiny, personality, magkapatid, bunso, brother, sisters, Lenten, Holy week, kapatid
Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!
Dear Ate Jevs,
Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana. Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo. Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest. May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.
I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past. Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa
Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.
Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya. But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama. Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.
Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.
May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito, na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat. At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.
Sincerely,
Nemitz B.
Dear Nemitz,
I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.
Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao. Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.
Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!
Ate Jevz
nakakaloka na nakakatuwa
Nobyembre 1, 2008 at 4:02 hapon | In emotion, self | 10 CommentsTags: emotion, thankful, iisa pa lamang, top search, blog stat, please
ciencia na mi amigo y mi amiga pero di ko talaga maawat ang aking kakangiti. Por que?
napansin ko sa top searches part ng hoshilandia ko na may nag-search ng…
nakakatuwa lang na malaman na talagang may nagtsa-tsaga na mag-type ng complete name ng blog ko at ng partikular na entry ko na medyo matagal ko nang nai-post. kung sino ka man saludo ako sa iyo! at eto pa…
inulit-ulit mo pa ha? kaya natuwa naman ako. thanks! nakakaloka ka o kayo? hehehehe
alam mo pwede ka rin mag-comment “,)
Neneng Tantrum
Setyembre 2, 2008 at 1:19 umaga | In emotion, places, problem, relationship, self | 12 CommentsTags: emotion, help, office, problem, tantrum, topak
Dear Ate Jevz
Kuripot man akong tao, hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumili ng 2 ½ dosena ng Mister donut dahil sa aking katuwaan. Natuwa ako sa mga tao na naapektuhan ng aking pagiging emosyunal at aking pagta-tantrum hehehe…
Sa totoo lang, iniingatan ko na magpakita ng emosyon at isang pribadong bagay sa akin ang pagluha. Eh sa hindi ko na nga maampat dahil sumasabog na ako sa galit eh. Sari-saring kuning na rin ang nagrarambol sa jutak ko simula pa noong imbiernang Viernes.
Naki-jamming na nga ako sa trip ni manang juling tuwing weekend at kahit malayo ay dinayo ko pa ang aking paboritong simbahan, somewhere in San Miguel, Manila para lang mahimasmasan ang anumang nagrarambol sa jutak ko at nagpupumpiyang sa pupuhso kong ewan.
Pinipilit ko na pasukan ng positibong eklabu ang aking pananaw kahit papaano. Kaya naman bukod sa pag-a-eavesdrop kay Don Moen, Kelly Clarkson, Whitney Houston, Leann Rimes, Christina Aguilera at maging kay Mr. Pure energy Gary V eh tumira rin ako ng mga pamatay nina Celine Dion, Corrs, Carpenters, Gary V, Aegis at kung sinong anik-anik pa.
Subalit, datapuwat hindi ko akalaing lalabas si Neneng tantrum at muntik ng pumalahaw ng jiyak. Hindi ko akalaing na talagang tatambad sa akin ang pinakaayaw kong setup sa 2 taon na aking pago-Ortigas. Pastilan!
Mabuti na lang, kahit na may mga panalong dialogue akong narinig maraming tao sa aking paligid ang naantig sa aking pag-e-emote. As in halos lahat gumalaw, maging ang ibang personalidad (naka naman ) eh may I join sa kuning-kuning pero japortant na eklabu sa aking Carerina at sa entire group namin.
Jumundag talaga sa joy ang aking heart kasi wa akong narinig na reklamo kahit alam kong malaking abala rin sa aming mga big brothers ang mga kaganapan. Sa inyong lahat muchos gracias!!!!
Neneng Tantrum
Dear Neneng Tantrum,
Hindi masama ang maglabas ng sama ng loob basta alam mong nasa katwiran ka at wala kang jinajapakan na tao.
Masuwerte ka rin dahil naging positibo ang reaksyon ng mga personalidad sa paligid mo. Hindi ba, kanya-kanyang interpretasyon ang mga tao depende kung gaaano kalakas ang sagap nila?
More power Neneng tantrum sana ay maging mahinahon ka next time at go for gold!
Ate Jevz
Somewhere down the road
Agosto 9, 2008 at 4:45 hapon | In dream, emotion, journey, memory, relationship, self, song, story | 19 CommentsTags: classmate, crush, emotion, fiction, friendship, high school, iisa pa lamang, love, love story, love triangle, online communication, pag-ibig, promise, puppy love, somewhere down the road, song, story, teen romance, teenager, teleserye
Part 2 of Iisa Pa Lamang
Naalala ko rin iyong nakita ako ni Wilfreo Smith habang humahabhab ng pagkain. Sa hiya ko nga iyong takip ng baunan ng barkada ko ang tinakip ko sa bibig ko kaya tawa siya ng tawa sa ginawa ko.
Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang isang kwentuhan na nauwi sa tuksuhan. Hindi man lumabas ng direkta sa mga bibig namin ni Wilfredo, nangako kami sa isa’t isa na maghihintayan kami. Isa na ata ‘yon sa pinakanakakakilig na sandali sa buhay ko.
Isang araw, tumawag na nga si Wilfredo Smith sa telepono namin, bad trip nga lang. Paano nanligaw kasabay pa ang iyong kaibigan niya na may gusto rin sa akin. Pasahan pa sila ng phone ha? Ano ako DJ sa radio, “hello DJ Dyesebel can I pass the phone? Gustong -gusto ko man siya sagutin pero inalala ko iyong friendship namin ni Guida kaya na-busted ko s’ya.
Dumating na nga ang sandaling naghiwa-hiwalay na kami at hindi ako nakapagpakuha ng litrato na kasama siya nung graduation day namin. Hindi rin ako nakapagpaalam kay Wilfredo Smith dahil bigla siyang nawala sa kasiyahan ng batch namin. Last ko siyang nakita ng personal nang dumalaw ako minsan sa kaklase naming naghuhubad ‘pag lasing nung first year college na ako. Sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa akin at tinawag pa nga ata niya ako pero hindi ako makalingon dahil sa ilang.
Lumipas ang anim na taon, nagtatrabaho na ako pero wala akong nasagap na ibang balita kay Wilfedo Smith, maliban sa may GF na siya. Nasaktan ako sa nalaman ko Ate Jevs pero okay lang alam kong may posibilidad na ganoon. Kaysa naman ‘di ba malaman ko na may karelasyon siyang lalake. Mas masakit iyon.
Siguro mga three years ago nang naisipan ko na i-search siya sa isang networking website. Nakita ko naman siya then in-invite ko. After that nagkaroon na kami ng communication. Binanggit niya na hindi ko na raw siya pinansin after nung tumawag siya sa akin. Kunwari nagmaang-maangan ako na di ko alam yong eksenang iyon. And take note nilagay niya iyon sa bulletin imbes na sa message o comment box ng website na friends kami kuno.
Hiningi niya ang number ko at naging textmate kami mga one week lang siguro. Ewan nagtampo ata nang i-text ko na ang mahal niyang ka-textmate. Paano sa gabi niya lang ako tine-text at nagte-text siya from pc. So pag nag-reply ako ang mahal. Buti na nga lang din ginawa ko iyon, kasi nalaman ko sa isa kong kaibigan na nakita niya si Wilfredo Smith na may kaakbay.
Nainis pa ako lalo nung mapansin ko na binura ni Wilfredo Smith iyong comment ko sa kanya sa website. Kaya ang ginawa ko binura ko na rin siya sa list of friends ko. Pero nung mahimasmasan ako humingi ako ng sorry sa kanya kung may nasabi ako sa kanyang ‘di maganda. Sabi lang niya sasakalin niya ako ‘pag nakita niya ako.
Okay na sana eh, bigla ba namang bumanat na irereto raw niya ako sa kabarkada niya. Ang loko ang hilig talagang magpasa, sarap idribol at pasiritin ang hangin. Pero alam mo, kailan ko lang nasabi kay Guida yong tungkol sa amin ni Wilfredo Smith at wala siyang nasabi. Medyo na-guilty ata, kasi nung time pala na nagkakagusto kuno siya kay Wilfredo Smith, may syota pala siya sa probinsya. Ang shakit!
Sa ngayon, hindi ko alam kung may pagtingin pa ako sa kanya pero alam kong may nagbago na rin sa akin parang excited na lang akong makita siya. Kung madudugtungan pa ang kwento namin, bahala na po?
Dyesbel
Dear Dyesebel,
Ur story is too long then d rin pla cool ang ending, joke. In my opinion, singlaki ng alatiris ang chance n d mo p sya frgt.
If I wer u , i-enjoy mo na lang ang life na meron ka ngayon. di mo kc pwdeng pnghwkan ung promise ño b4, halos s TV n lng ngaganap ‘yan. Khit ano png regret m, der n un eh. Kung kayo tlaga 4 each oder sa isa’t isa, magkakaroon rin kau ng moment somewhere down the road.
Mabuhay!
Ate Jevs
Iisa Pa Lamang
Agosto 6, 2008 at 9:32 umaga | In emotion, memory, relationship, self, society, song, story | 16 CommentsTags: song, story, high school, crush, love, classmate, emotion, puppy love, teen romance, fiction, love story, teenager, love triangle, tulay, bridge, pag-ibig, iisa pa lamang, teleserye
Dear Ate Jevz,
Nang i-plug ang teleseryeng Iisa Pa lamang nina Claudine, Gabby and Diether, parang nagandahan ako sa istorya. Nasimulan ko lang ito at hindi na nasusubaybayan dahil sa trabaho. Subalit, one day naisip ko teka parang nakaka-relate ako sa kantang pinagmulan ng teleseryeng ito.
Ang “Iisa Pa Lamang” ay orihinal na kinanta ni Joey Albert at movie title ng pelikula nina Dawn Zulueta at Richard Gomez noong 1992.
Since may hinihintay akong something sometime in September parang oo nga noh napaisip ako kung ano ang impact sa akin ng kantang ito at talagang type ko siyang ibirit sa videoke kasunod ng “I’ll Never Get Over You (Getting Over Me) ng expose and “Somewhere down the road” ni Barry Manilow.”
Okay ito po ang back story…
From first year high school ay magkaklase na kami ni Guida kahit noong mag-transfer ako ng school (second year) eh bumuntot pa rin siya sa akin. Ito na ang siste, nagkaroon ako ng secret crush sa kaklase naming si Wilfredo Smith.
Then dahil madada itong si Guida lagi siyang tumatabi sa akin, napansin rin niya na may itsura itong si Wilfredo Smith na katapat ko lang ng upuan. Isang araw sinabi niya sa akin na crush niya na rin iyon. Of course dahil mas nauna siyang nag-announce ng kanyang saloobin, lalabas na nasa kanya ang copyright.
Anyway, dahil ako ‘yong tipo ng tao na nakikiramdam pa sa emosyon… nag-decide na lang akong maging tulay ni Guida kay Wilfredo Smith. “Isang gawain na sa proseso ay nalaman ko ang tunay kong damdamin.”
Tinanong ko si Wilfredo Smith kong ano ang tipo niya sa isang babae. Lahat po ng sagot niya ay na kay Guida. Kaya mula noon tinatak ko sa isipan ko na hindi niya ako magugustuhan and total wala rin naman sa kanya ang type ko sa isang lalaki eddie sige.
Mix emotion kapag may progress na nangyayari, at kapag nagpaparamdam si lalaki kay babae. Natutuwa ako para sa kaibigan ko pero parang kinukurot ang isang bahagi ng damdamin ko. One time nga may nalaglag si Guida, gumulong iyon sa nilalakaran ni Wilfredo Smith. Pinulot niya iyon saka inabot kay Guida na namumula pa. Nakangiti po ako noon pero nagsikip ang dibdib ko.
Dumating ang araw na na-schedule ang first date nila ni Guida na nagpa-realize sa akin na talagang dapat ko ng kalimutan kung ano ang nararamdaman ko kay Wilfedo Smith. Pero noong araw ng date nila ay hindi siya nakasipot dahil nagkasakit.
Birthday ni Wiilfedo at nang-imbita ng mga kaklase. Gusto kong pumunta pero wala akong guts na gawin iyon. Buti na lamang pinilit ako ng isa kong barkada kasi magkapit-bahay sila. So siempre kasama kong nagpunta si Guida.
Ang nangyari naglasing yung barkada ko at si Guida. Iyong isa naghuhubad at ‘yong isa ay nilabas ang lahat ng problema niya sa buhay at nagwawala sa kakaiyak. Pareho ko silang inaasikaso sa magkahiwalay na bahagi ng birthday party na iyon. Ang hindi ko alam, pinagmamasdan na ako ni Wilfredo Smith, siguro na-amaze sa aking pagiging kind. Hanggang sa kinunan kami ng litrato ng tatay niya. Tumabi siya sa akin imbes na kay guida at umakbay pa po.
Mula noon ay tila nagiging particular na sa akin si Wilfredo Smith. Lagi na niya akong pinapansin. Ako ang pinili niyang ka-partner sa isang sayaw, tinanong niya ang phone number ko at nakikinig na siya ‘pag ako ang nagre-report sa klase.
Nung birthday naman ng kabarkada ko na kapit-bahay niya (yong naghuhubad) hindi ako naka-attend kasi may matindi akong sakit noon. Nakakatuwa nung tumawag ako kinausap ako ng mga lalaking nili-link sa akin
( kunwari madami ) pero ang hinihintay ko ang boses niya. Hindi naman ako nabigo Ate Jevz kasi kinuha niya ang phone at nakipag-usap sa akin.
Mabahong Hirit
Hulyo 8, 2008 at 10:40 umaga | In emotion, places, problem, self, story | 19 CommentsTags: baho, bastos, comfort room, dumi, ebs, emotion, excrement, fart, feces, ihi, jinggle, joke, kwento, pupu, shit, tae, urine, utot

poopoong-sawi-

poopoong-wagi-
(part 2 of mabahong usapan)
Killer Perfume
(kakapasok pa lang sa CR at nakita ang kanyang friend na nag-iisa sa loob)
Girl 1: Wahhh! Ang bango naman dito sa CR.
Girl 2: (Ngumiti) bagong labas lang yan (yong perfume)
Sawi: Girl 1, kamo bagong labas niya dito sa cubicle. Pumururot ng bonggang-bongga saka nagpabango ng todong-todo.
—————————————————-
Bakla kamo
(Nagwiwe na ng matagal ang 2 magkumpare ng mapansin nila na may nakaupo sa loob ng isang cubicle ng kanilang CR.)
Pare A: (pabulong) pare tignan mo iyong isang cubicle nakaupo yong nasa loob.
Pare B: (pabulong rin) baka dumudumi pare.
Wagi: (nakapwesto sa iba pang cubicle) Mga gung-gong bakla lang ‘yan, trip lang magpa-girl sa pag-ihi.
———————————————————————-
Problema ‘to
(Mag-syota nag-aaway sa isang boutique)
BF: ang bagal-bagal mo naman. Patingin-tingin ka lang naman. Bilin mo na ‘yan kung bibilin mo.
GF: Kanina ka pa aligaga ah, bakit nagmamadali ka, may iba ka pang katatagpuin (galit na)?
BF: (lumilinga-linga at kinakalma ang GF) oo may kakatagpuin ako sa CR, pingi ng tissue, bilis!
Sawi: at ako ang katatagpuin niya girl. Wahahaha… wala ka pala booh !
____________________________________________
The Singing P.
(magbabarkada naglalasingan sa small time na kainan na may videoke)
barkada 1: and did it my weeeeey!!! (palakpakan)
barkada 2: lashing ka na pare… pakinggan mo iyong kanta ko. (kumanta ng Skyline Pigeon ni Elton John) … “You’ve left so very fart behind!!!!”
(palakpakan)
barkada 3: shus, mali-mali naman kayo ng lyrics… kahit sa shinging beh di kayo uubra… kinig kayo (bumirit ng remember me ni renz verano)… “Remember me
kapag nag-iisa/ Kapag ika’y nalulungkot / Huwag kang mag-alala /Remember me” (biglang huminto)
Barkada 1 & 2: oh bakit?
Wagi: bumanat na ako eh…
______________________________________________________________
Teki Yucky
DJ Wagi: Astig si Momong dahil kilala siya sa pagiging teki. Hindi siya nagpapatalo sa mga latest gadgets kaya naman tinagurian siya teki boy. One time, kasama niyang nag-CR ang kanyang kaibigan si Pong_Pong, nagyayabang habang lumalabas si Sawi.
Momong: Mahal nga ng bili ko dito Bai (cellphone), maliit pero maraming features. Alam mo naman ako.
Pong-pong: (pabulong) yeah right.
Momong: (tapos na sa pagdumi nang…) shittttt!
Pong-Pong: ano yon??? (nagulat tas kunwari concern)
Sawi: sumama sa balon ko ‘yong CP niya kakadada… Yuck Iwww…
you’ll never be lonely, lonely,
lonely , so baby c’mon and get me.”
Head to Toe: Street Catastrophes (reality show)
Hulyo 4, 2008 at 2:19 umaga | In emotion, journey, places, politics, problem, self, society, story, warning, women, work | 10 CommentsTags: accident, dura, emotion, harrasment, ihi, kalsada, kalye, kariton, kwento, letter, limos, ped xing, pedestrian crossing, places, reality show, street, transportation
Dear Ate Jevs,
Medyo nagsawa na po ako manood ng reality show ngayon. Nagiging normal na po kasi ang trend na ito sa TV. Hinihintay ko na nga lang kung anong klaseng gimmick ang gagawin sa Pinoy version ng Fear Factor at Survivor.Kayo po ba ate Jevs, anong paborito at mairerekomenda ninyong reality show?
Henri Caplong
Dear Henri,
Alam mo hindi mo naman na kailangan ang manood ng TV para makakita ng reality show. Maglakad ka man o sumakay sa mga ordinary bus o pampasaherong jeep, pihadong may makikita ka na interesante.
Actually, sa sobrang reality niya pati ikaw mismo nakaranas na rin ng mga ito. narito ang top 10 reality experiences na makikita mo sa real world reality.. ‘di kailangan ng tv, tipid sa kuryente, at walang entrance.
- Natamaan ka na ba ni Lola o ni Ale? Iyong payong na mahaba tas isinukbit niya sa kili-kili niya. Pusa kawawa ang mga malalaki ang hinaharap, asintado.
- Nabingi ka na ba sa busina ng mga jeep at bus? Iyong kahit halos nagpa-park na sila sa kalsada sa pagsasakay ng mga pasahero eh panay pa rin ang busina ng mga drivers. Tas yong kundoktor niya eh romoronda na sa kalsada at nangangako na maluwag pa ang bus pero sardines na sa loob ng bus. Nakakabingi, taas ng decibels.
- Naulanan ka na ba? Hindi ng tubig-ulan ha, iyong singa at dura. Hay ang mga durara proud ng pamana nila sa sangkatauhan.
- Kahit tumatawid ka sa pedestrian crossing (o sige sa mga taga- Maynila, Ped Xing), may humaharorot pa ring sasakyan na dadaan sa harapan mo.
- Ang ganda ng lakad mo at pormang-porma ka then suddenly iyong nag-lilinis ng kanal natilamsikan ang khaki mong pants o nabuhusan ka ng kumukulong sabaw sa carinderia or yong malala, ihi sa arenola mula sa bintana ni lola. Wahhhhh
- Ikaw na babae, tumayo ka sa waiting shed ni kong sining politico then napansin mo na parang mapanghe. Iyon pala may mama sa likod ng pader nagdidilig ng damo, pati bulate tinitigok.
- Gutom na gutom ka galing trabaho o school, so bili ka naman ng makakain. Nginat-ngat mo na iyong food ng biglang lumapit sa iyo ang isang gusgusing mama o babae. Kukulitin ka nila hanggang sa maging food holdup na iyon.
- Diretso ang iyong tingin dahil dadaan ka sa mataong lugar o ‘di kaya sa pa-cute ka pa sa istambayan ng crush mo. Yakang-yaka na sana ang lahat ng suddenly na-feel mo may something sa iyong nilakaran. Sorry Dong o Day hindi putik ang inapakan mo ebs ng aso.
- true story ititch! Nag-aabang ang pinsan ko ng masasakyan sa Cubao ng biglang may sumampal sa kanya. Siempre, di papayag ‘yon gusto rumesbak. Kaso sinabihan siya ng katabi niya na baliw yong sumampal sa kanya. Pag tingin niya sa baliw, nanampal pa ng iba. Fair naman pala.
- weh to pa. iyong dinadaanan ko sa school , may nakaparada doon na na kariton. Tirahan iyon ng isang mag-asawa na pagala-gala at palimos-limos doon. Hindi naman sila nang-aano, ni hindi nga ako hiningan non kahit kailan. Ang siste, mataas pa ang araw nagdyog-dyogan na ang mga hitad at payong or kumot lang ang takip. Hindi ko alam kung matagal ba ang interval ng pagdaan ko roon pero ‘pag pinapansin ko sila parang padami ng padami ang bata sa kariton nila. Oh di ba taob ang bahay ni kuya sa kariton ni manong.
Siya nood na,
Ate Jevz
Buwan sa Hagonoy
Hunyo 29, 2008 at 9:36 umaga | In emotion, memory, self, society, story | 7 CommentsTags: emotion, hope, moon, buwan, view, night, dark, dilim, chance, smog, smoke, province, storm, flood, baha, pag-asa
Dahil abala sa sari-saring gawain o aktibidad sa buhay, wala na akong interes pang tingnan ang langit para magmuni-muni. Ano pa nga ba ang bago sa ulap sa Kamaynilaan na sa tingin ko’y binubuo ng smoke and fog…(smog).
Sa isang simple at pambihirang pagkakataon ay nahagip ng aking mga mata ang naiibang silay ng buwan nang mapadpad ako sa Hagonoy, Bulacan. Kalilipas pa lang noon ng bagyong Frank at kababa pa lang ng baha nang samahan ko ang isang bagong kakilala para bumili ng sipilyo sa noo’y isa nang nakasarang tindahan.
Ang hindi ko pala pagsama sa kanya sa loob ng nasabing bilihan ay isang oportunidad para masaksihan ang paghawi at paglambong ng ulap sa kakaibang korte at liwanag ng buwan. Animo’y nagsasaad ito na umantabay ka, may mangyayaring kakaiba.
Malaki ang aking panghihinayang na hindi ko nadokumento ang “cinematic view” na iyon. Kung bakit ba naman sa maghapong nakasukbit sa aking katawan ang digital camera ay noong mga oras ko pa iyon napagpasyahang hubarin.
Sana makakita ako ulit ng ganitong tanawin at makunan ko rin ng litrato. Para sa akin kasi ang bagay na normal ay nagiging iba kung bibigyan mo ito ng kahulugan at pagpapahalaga. Ipinapaalala nito na sa gabing madilim at matapos ang maghapong pasakit ng ulan at baha ay may natitira pa ring liwanag at pag-asa.
Head to Toe: Personality or Face Value
Hunyo 25, 2008 at 8:47 umaga | In emotion, memory, self, society, story | 3 CommentsTags: alike, emotion, identical, identity, individuality, kahawig, kamukha, letter, memory, personality, similar
Dear ate Jevz,
For so many times… nababati ako na may ganitong kamukha o naalala nila through sa akin ang kanilang kakilala. Well siempre hindi na nawawala diyan na kamukha ko raw ang ina ko, isa kong kuya, ang bestfriend sis ko at ang isa kong namapayapang pinsan… May isa rin akong lolo na nung isang taon ko lang nakita ang nagsabing kahawig ko raw sa mukha o kilos ang lola o lolo ko…(di ko na matandaan kung sino sa kanila).. eddie ibig sabihin boyish din lola ko kung nagkaganon hehehe…
Pero sa lahat nang magsasabi sa akin na kamukha ko ang kakilala nila.. naiiba yong hindi ko naman kaano-ano… di ba ang pagiging kawaii naman e sa dugo nanalaytay yan kaya okay lang kung kamag-anak. first na naalala ko na nagsabi sa akin na kamukha ko raw ang pamangkin niya ay ang naging ex live-in partner ng tita ko.
Ilang beses na rin ba akong nasabihan na “naalala ko sa iyo iyong pinsan/ kaibigan ko.” In fairness okay naman ata ang mga qualities ng mga taong hinahawig nila sa akin. Nito namang nakaraan, nilapitan ako ng isang big official ng isang ice cream company…sabi niya sa akin… naalala niya sa akin ang pamangkin niya… then tinanong niya ang course ko, same pala kami…
I’m touched kapag through me may naaalalang tao ang kausap ko lalo na kung malapit sa kanya iyon. Mas gusto ko iyon kaysa sabihin ako na kamukha si ganitong kamag-anak ko… hindi naman sa ayaw pero mas gusto ko lang na pag-ugali ang pinapansin… although di ba in some point ng ating life e gusto natin hanapin ang ating sariling style na wish ng ating kuning-kuning na atin lang at walang pair.
Adorada Lambong
Dear Dora,
In ur story mapipiga na tlagang it’s hard na wla kang ka-like d2 sa earth. I knw sometime ka-asar na sabihin na kamukha mo si ganito lalo na kung di mo naman feel yung karakas nun.
Pero don’t feel miserable, especially kung di naman mukha ang puhunan mo… what important tlga sa mga tao ay ang ganda ng personality na mahirap gayahin o pantayan…
Just be yourself… hindi naman sa lahat ng pagkakataon ganun ka nila titignan dahil kapag nakilala ka nila… eddie ikaw naman si Dora the Cute or Dora the great explorer…
Mabuhay!
ate Jevz
graceful exit…
Hunyo 14, 2008 at 12:17 hapon | In emotion, journey, memory, self, society, story, warning | 5 CommentsTags: actor, appreciation, cancer, da boy, daboy, death, emotion, move on, old, recovery, regret, rudy fernandez, showbiz, sickness, television, thankful
Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.
que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…
Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.
Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.
Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.
Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…
Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…
Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…
Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…
Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…
Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.


Happy Father’s Day!
Hunyo 7, 2008 at 5:36 hapon | In emotion, memory, problem, relationship, self, society, story, women | 8 CommentsTags: emotion, Family, happy father's day, daddy, papa, tatay, tito, ninong, teachers, abuse, fatherhood, lalaki, child support, family man, provider, sentiment, comment, greet
Eto na siguro ang isang araw na hindi ko na mase-celebrate at hindi na-celebrate…year 1991 pa lang kasi ay wala na akong daddy at sa loob ng walong taon na nakapiling ko siya… iilang beses lang kaming nagkasama ng personal.
Para sa akin, ang ama ay ang “provider” ng pamilya. Ang buong isang linggo niya ay iikot sa pagtatrabaho at ang day-off niya ay hahatitin sa kanyang pamilya at barkada. Bibihira ang pagkakataon na gagawa siya ng gawaing bahay, dahil inaasahan niyang trabaho na iyon ng kanyang esposa. Pero siempre lahat ng iyon ay napapanood ko lamang sa telebisyon noon. At sa paglakad naman ng panahon ay nakakakilala ako ng masasabi kong mabubuting ama.
Pasintabi sa matatamaan…
Bulto-bulto ang mga kalalakihan ngayon na parang nag-iiwan lang ng stain sa damit kong makapag-buntis ng babae. Puwedeng nadala sila sa tukso o tinamaan ng libog pero paano kaya nila matitiis ang bata na galing sa kanilang dugo’t laman na walang makain at hindi makapag-aral.
Buti pa iyong mga step-dad o mga nag-aampon ng bata, nagmamahal ng tunay sa kanilang mga anak-anakan. Talagang saludo ako sa kanila!
Isama na rin dito ang masasabing mga binabae at kasapi ng ikatlong kasarian. Mas okay po kayong kasama kaysa sa mga guys na walang balls!
Minsan nasabi ko na ang katagang “kahit hindi na siya maging mabuting asawa, maging mabuti man lang siyang ama.” Ito ay dahil na rin sa awa ko sa isang batang malapit sa akin. Dapat magbigay ang ama ng sustento dahil pangangailangan iyon ng bata at dapat din niyang pag-ukulan ng panahon ito dahil iyon ang kailangan nila. Kakarampot lang sa mga batang produkto ng broken family ang kayang umintindi sa naging kalagayan nila sa buhay. At ‘di pa masasabi roon kung tatanda silang walang poot at hinanakit.
Maiigi pa ang mga tiyuhin na kahit may sariling pamilya ay tumutulong para mapag-aral ang kanilang mga kamag-anak. Kasama na rin yan ang mga ninong na madaling malapitan financial o moral support man ang usapan. Isa po kayong malaking aginaldo!
Mayroon namang mga lalaki na itinira ang kanyang asawa’t mga anak sa isang bahay pero mga nagbubuhay-binata, nababarkada, panay ang inom, talamak sa sugal, adik sa kotse, gumon sa droga at pambabae ang inaatupag. Wag sana silang magtaka kung bakit malayo ang loob sa kanila ng kanilang mga anak at ang malala ay hindi na sila ituring na magulang ng mga ito.
Nakakatuwa ang mga school teacher o professor na dedikado sa kanilang pagtuturo at nakapag-iiwan ng marka sa kanilang mga estudyante. Hindi lamang sila nagtatanim ng mga leksyon sa araw-araw, nagsisilbi rin silang inspirasyon para abutin ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap. Kayo ang masasabing ama ng mga estudyante!
Ang pinakamasakit na istorya na maririnig ng kahit sino ay ang pagmamaltrato, pang-aabuso at panghahalay ng isang ama sa kanyang anak. Ang ganitong mga haligi ng tahanan ay maituturing na baliw dahil ipinagpalit ang pwesto ang dalawa nilang ulo. Kahit pa nga yung apat na haligi ng bahay kulang pang itoktok sa dalawa nilang ulo e.
Nakaka-touch ang mga rescuers, volunteers, firemen, o iba pang mapagkawang-gawang lalaki na nag-aalay ng serbisyo at donasyon upang makatulong sa pangangailangan ng ibang pamilya. Sobra-sobrang masigabong palakpakan sa inyo!
Para sa akin, ang mga lalaking marunong magpalit ng diaper, magtimpla ng gatas, mag-ayos ng damit o buhok ng mga bata, magluto ng pagkain, namamalengke, nagba-budget ng pera, naghahatid sa school, nagpapatulog, nagtatahi ng damit etc. ay hindi dapat minamata o pinagtatawanan. Dahil higit sa pagganap ng kanilang mga tungkulin bilang mga ama, sila rin ay mga karespe-respetong lalaki dahil marunong silang magmamahal, mag-aruga at MAGPAKATAO!
Mabuhay po sa lahat ng ama, sa magiging daddy, step-father, Ninong, Tito, Guro, amain, at kahit na doon sa mga mukha ng tatay. Hehe!!!
Happy Father’s day kina Uncle Bong, Bangaw, Kuya Obet, kuya Eric, Kuya Janzen, kuya Marlon…. (kahit malamang si Kuya Obet lang ang makakabasa nito.!)