Sleepless in Shuttle

Hunyo 26, 2009 at 2:02 umaga | In dream, health, problem, self, work | 17 Comments
Tags: , , , , , ,

Stress or may insomnia na si hoshi? Ewan basta lately especially pag may pasok, ang tulog niya ay halos nasa 4 to 5 hours na lang, ‘yon na ‘yong may quality ha.  Dati ‘di niya gaanong iniinda kung medyo kulang siya sa tulog, katwiran niya ay mas gugustuhin na niya ang kulang kaysa sobra-sobra kasi mabigat sa pakiramdam. yun nga lang parang feeling niya ay anemic na siya.

Dati, hindi s’ya makatulog pag di nakahilata sa kama, banig o folding bed.  Pero nung tumuntong na siya ng college, dahil sa puyat  at pagod sa malayo niyang pamantasan ay unti-unti na niyang nakasanayan ang matulog kahit nakaupo sa FX. Nung nagtrabaho naman na siya ay nakakaidlip-idlip na rin siya sa maalinsangan o kung minsan ay mahulamig-mig na simoy ng bus.  Dun na niya binabawi ang kanyang puyat.

Pero aminado naman si Hoshi na hindi lang naman related sa work why siya kulang sa sleep lately.  Palagi na siyang nanood ng movie. Buti na yon kesa naman sa series dava?!

porma ng mga sleepless

porma ng mga sleepless

One secret na kanyang sinabi ay hindi raw siya yong tipong madaling makatulog. Parang it takes 10-15 minutes kahit pa nakahiga na siya and all. Part na ata ng body clock niya ang magmuni-muni bago makapaglakbay sa dreamland.  Well, unless na pagod na pagod siya o antok na antok. Hindi na nga niya matandaan kung kailan yung naging mahaba ang tulog niya na hindi pilit. Basta trip daw niyang matulog at dinadalaw na siya ng antok kaso parang ‘di naman siya makatulog ng maayos.

Another secret niya na-reveal ay nang may makitulog sa kanyang Purple Nassau. What? Si Hoshi nag-i-sleep talk. Buti na lang, hindi siya ‘yong tipong nakakabuo ng sentence. Maximum na ang two words at nagigising na siya. Minsan lang din daw yun, siguro pag sobrang stress na siya. Pero sabi isa rin daw senyales yun ng anxiety.

Tinanong ko siya baka naman over na siya sa pagkakape. Sagot niya kahit nakakadalawang 3 in 1 coffee na siya sa maghapon. Inaantok pa rin siya. Okay fine! Naisip na lang niya ay baka gumugulo na naman ang ayos ng kanyang Purple Nassau at masyado siyang abala sa kanyang ipinopostrong sari-saring biz. Well aja, jia you y mas suerte na lang sa kanya. Nawa’y masolusyunan niya ang kanyang  problema.

My late Dad appeared twice…

Mayo 29, 2009 at 10:08 umaga | In dream, journey, memory, relationship, story | 16 Comments
Tags: , , , ,

Dear ate Jevs,

Mula noong Linggo ay dalawang beses ko ng napapanaginipan ang namayapa kong ama. Medyo kinikilabutan ako, hindi lamang dahil sa takot ko dahil patay na siya pero dahil medyo makahulugan ang mga eksena sa mga ‘yon.

Ganito ang panaginip ko noong Linggo…

Galing sa isang bahay (na hindi ko alam kung kanino) ay gusto ko raw puntahan ang abandonadong bahay ni Daddy ( ayon sa panaginip) na nasa iisang street lang nun. Madumi at madilim na parang ilang taon ng napabayaan ang  nasabing bahay. Tingin ko nga parang nasunugan pa ‘yon dahil kasing itim na ng uling ang gate.

Richard Gere

Richard Gere

Nalungkot ako nung nakita ‘yon. Lungkot na parang may halong hinanakit, panghihinayang at siguro pangungulila. Nang babalik na ako kung saan ako lumabas na bahay, nakasalubong ko ang nanay ko. Isinama niya ako sa isang malaking sasakyan (parang lumang pick up truck na may puting tent at napapanood sa mga lumang pelikula). Nung umakyat kami, nakita ko ‘yong daddy ko na payat na payat at humaba na ang kulot niyang buhok. (Medyo hawig ni Daddy si Richard Gere kaso kayumanggi siya at maypagka-kastila.)

Nakikinig lang ako sa usapan nila nanay at si Nanay ang nagpapaliwanag sa akin na nagpanggap lang daw si Daddy na patay na siya. Lumabas na 10 years siyang nagkunwaring patay ayon sa Nanay ko (pero sa totoong buhay 18 taon na). Nakalimutan ko bakit kailangan niyang magpanggap. Pero ang naalala ko ay umiyak ako. Sinabi o naisip ko na hindi naman ako lumuha dahil sa ginawa niyang pagpapanggap pero bakit ni hindi man lang niya ako kinausap nun.

Ate Jevs kaya ko ang mag-lucid dream o alam ko sa panaginip ko na nanaginip ako kaya medyo carry kong kontrolin ang sitwasyon doon. Kaya palaisipan sa akin paano ako napasakay na nagpanggap nga lang siya at hindi pa siya patay.

Hindi pa ako gaanong nakaka-recover dun nang mapanaginipan ko ulit siya kaninang madaling araw. This time kinausap niya kami ng kapatid kong nasa ibang bansa. Doon magkakatabi kami at nagkukuwento naman siya tungkol sa kabataan niya.  Parang noong kabataan niya raw ay nakagawa siya ng pelikula. Ipinakita pa nga niya iyong poster ng pelikula na parang ang bida ay si Gabby Concepcion. Ngayon ewan ko kung siya ay director, writer o aktor din doon. Basta ang sabi niya siya ang may concept sa pelikulang ‘yon na may Mr. Fighting ang title.

Aware na ako sa panaginip ko na patay na siya kanina. Kaya after niyang maikuwento naputol na ang panaginip at nagising ako. Siyempre hiniling ko na sana sa panaginip na lang siya umapir at ‘wag na sa paggising ko kasi natatakot ko.

Ate Jevs bago ang mga panaginip ko sa kanya, huli ko siyang napanaginipan noong  2003 ‘yong as in na nakita ko talaga siya.  That was very touching kasi may special event na nangyari sa buhay ko nun and hindi ko rin naisip na magpapakita siya.

Ngayon napapaisip po talaga ako kung ano ba ang mga naisip at nagawa ko bakit nagpapakita si Daddy sa panaginip ko. Medyo naniniwala rin kasi ako na kapag natural death naman at matagal na, maliban sa pagbibigay sa kanila ng panalangin ay dapat hindi na rin sila ginagambala pa.

Luciana Nuevas

Dear Luciana,

‘Di ko alam kung masasagot ko ng tama ang iyong letter. Hindi ako magaling sa pag-i-interpret ng panaginip. (Baka si Hitokirihoshi at iba niyang ka-blog ay makapagbibigay sa iyo payo/ comment/ suggestion.)

Ang naiisip ko lang ay  baka dahil ‘yan sa nalalapit na Father’s day nitong June at may isang bagay na hinaharap mo ngayon o darating pa lang na nire-represent ng iyong Daddy. Try mong ipagdasal siya sa simbahan at ano ba ang mga bagay na maaaring may kinalaman sa kanya ang naiisip mo ngayon.

Anyway, advance Happy Father’s Day naman d’yan sa mga matitino, responsable at mapagmahal na ama! Maswerte kayo dahil alam ninyong i-enjoy ang buhay.

Mabuhay!

Ate Jevs!

Bulong sa isipan

Abril 29, 2009 at 10:58 umaga | In emotion, self, sentiment | 12 Comments
Tags: , , , ,

I

Tumungo ako sa isang bahay na ang mga tao ay ‘di ko kilala

Bastos ba kung sabihin ko na, basta na lang akong  pumasok doon?

Pero wala ka ng magagawa, ginawa ko na e at baka gawin ko rin ulit.

II

Magulo ang mga stimulus sa mind ko kaya I went there

Humanap ako ng nice spot na ‘di disturbing at very convenient

Nandoon ako para humimpil, jiffy lang may pagsasabihan lang ako

III

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy  sinambit ko ang aking spontaneous speech

Na parang isang essay- may welcome remarks, briefing at rationale.

Ganun naman ‘pag matagal nang ini-internalize at nagma-materialize

IV

Abala ako sa pag- anas  nang suddenly may nag-invade sa aking mind

Tinatalo ng isang diwa ang mga nag-i-strike na ideas sa aking kokote

Parang may nag-i-scan sa content nito at gradually iniiba ang processing

V

Hindi ako nanlaban, instead hinayaan ko na maka- receive ng  message

Isipin mo na lang na  tila nawala ako sa sarili pero matino naman

Nakakakita, nakakarinig, nakakadama ng isang Nilalang na invisible sa lahat

VI

Parang  magkasing boses Kami at  magkatabi sa pwestong pinili ko.

At bigla,  nasagot ang mga hinuha ko na napakanatural lamang na dumaloy…

Na gaya ng dugo sa aking katawan na maaaring minsa’y naiiba ang agos

VII

Kusa kong napagtanto ang kahulugan ng pangyayari, simple pero malalim

Na habang naglilitanya ako ng mga kabagayan, biglang may bubulong

Parang ako na halos ang sumagot sa mga tanong at kalabuan ng utak ko.

VIII

Gusto mo ba ma-experience ang na- experience ko? Magdasal ka ng taimtim

Head to Toe: Sparkbook

Mayo 25, 2008 at 2:27 hapon | In dream, emotion, journey, problem, self, work | 4 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

Dear ate Jevs,

Nai-inspire po ako na gumawa ng scrapbook dahil na rin sa impluwensiya ng aking isang ma-pink na kaibigan. Ang dami-daming ko pong ideas pero nito ko lang po naisip na bakit ‘di ko simulan sa mga photos or things na magbibigay sa akin ng inspirasyon o yung tinatawag na sparkbook po, ayon nga sa isang website na nakita ko po.

Excited po akong simulan ang aking sparkbook, in-organize ko na lang po ang mga gagamitin ko at kung paano ko ilalagay ang mga iyon. Kakaisip ko po, dumating ako sa point na ‘teka ganito na pala nangyari sa mga pinagarap ko po noon at ano nga ba ang gusto kong gawin five or ten years from now.

Na-realize ko po na may mga bagay na kung ano yung ginusto ko po, yun ang nangyari at may mga type ako pero iba ang ibinigay sa akin. Halimbawa, may isa akong gustong-gusto na company na pagtrabahuan nun pero ang nangyari po, sa kalaban nun ako napadpad.

Parang ano po, yung mga natupad kong pangarap, talagang pinaghirapan ko po talaga. Sa start, lakas loob lang hanggang sa ipupursige ko na po kasi kailangan ko nang pangatawanan. Gaya nung kunin ko ang course ko. May iba po kasing gustong ipakuha sa akin yung family ko po.

Minsan naiisip ko po na, ano ba talaga? Yung pangarap ko po ba kailangan kong ipursige o hayaan ko na yung fate or destiny na lang bahala?

Gumagalang,

Karerina Go

Dear Karerina,

Naku iha! Tlgang nkka-aliw ang mga gnyang kbgayan, from diary to blog and scrapbook ay talagang maganda to express urself. Parang type ko na rin gumawa nyan.

Anyway, ur ryt sa iyong sentiment re sa mga dreams. But I think sa ganyang area may mga things na need mo tlgang pghrpan and may iba na ipaubaya mo n kay Lord! Just do ur best and hayaan mo sya ang gumalaw for u.

In a wei mllaman mo rin kung umbot k n s end pra i-pursue p ang type mong gwin. I remember yung isa kong na-interview na directress sa isang reputable school sa Makati. Ang claim niya , “enabler” daw siya. “I don’t want to wait for things to happen, I make things happen,” sabi pa nya s ‘kin I admyr that woman, knwing din her humble beginnings.

So don’t give up sa iyong mga endeavors, I think bata ka pa kaya go lang ng go!

Ate Jevz

bat ako magba-blog?

Oktubre 3, 2007 at 9:11 umaga | In story | 7 Comments
Tags: , , , , , , , , ,

At bakit naman hindi?  

  1. may paglalabasan ako ng sama ng loob
  2. maku-kwentuhan ng mga istorya ko sa buhay
  3. baka gumana ang pagiging creative ko
  4. para in ako sa  mga friends ko. Lahat kasi sila mayroon na ako na lang ata ang wala.
  5. nahihilig na rin akong magbasa, eh di dapat magsulat na rin. Soon baka pwede na ring magsalita.
  6. baka may mabingwit akong additional friends
  7. para makatulong ako sa mga nawawalan ng ideas
  8. para pag wala akong testi sa friendster at multiply, eh may pagbubuntunan akong iba.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.