Cafe Hoshi
Oktubre 24, 2009 at 5:16 hapon | In dream, entertainment | 36 CommentsTags: business, dream, facebook, online game, Restaurant City
Kung laro sa FB ang pag-uusapan, mas nag-i-stick ako sa “Restaurant City” kahit marami ang nagpa-farmtown (inabandona ko na sa akin) o farmville at sa iba pang mas cool na laro roon. Dumating pa nga sa puntong asar na asar ako kasi ang tagal-tagal mag-load at hirap makapasok. Dagdag pa roon ‘yong bumabagal ang PC ko kapag naka-open siya ( eh medyo anti-FB talaga ‘to).
Pero hanggang ngayon, ayaw ko pa rin tantanan ito at kahit may ibang resto na mas nagagandahan ako. Kumukuha ako ng tip para mag-level up pero ayoko mangopya, gusto ko idea ko mismo ang design doon. Kahit parang eng-eng lang.
Kung totoo lang siguro ‘to, malamang mahihirapan akong makabawi sa kita. Magastos ako lalo noong una. Ang isa ko ngang nakuhang award ay pagkilala sa aking pakikipag- shopaholic. Malamang din ay maguguluhan ang mga customers ko kasi bukod sa ang labo-labo ng ayos ng aking exterior and interior designs noon ay labo-labo rin ng menu ko. Basta depende lahat sa mood ko, madali ako magdesisyon sa pagpapalit ng mga kabagayan o paggastos. Katwiran ko, sa totoong buhay kuripot ako, hanggang dito ba naman? Iyon ang baba ng popularity.
Subalit, paunti-unti nakuha ko na ang ibig kong designs, mapaloob at labas. Hindi ko pa rin makuhang magyabang sa bagay na ‘yan pero sobrang kontento ako every time na pinagmamasdan ko ito ngayon. Lagi pa rin naman akong walang pera, pero I know na part ‘yon ng aking investment para mapaganda, tumaas ang level at makapagdagdag ng mga ingredients. Magastos pero medyo alam ko na kung ano ang mas magandang pagkagastusan.
Napagtanto ko na kaya ko siguro pinagtatyagaan ang laro na ito ay dahil psychologically sina-satisfy nito ang dream ko sa pagde-design, pagbili ng mga kabagayan, matutong magluto at higit sa lahat ay magnegosyo. Like real business, pwede rin kasi ang larong ito na iwan-iwanan at isabay sa ibang gawain. Very pang yuppies at busy students talaga.

Hoshi in Resto city
Hindi ko sinasabi na magsipaglaro tayo ng resto city, siempre mas maraming laro na tiyak na magugustuhan n’yo (may Café World na rin ako). Ang nakakatuwa lang ay na-realize ko sa sa bagay na ito ang mga gusto kong gawin na hindi ko magawa, ‘yong puwedeng pangarap ko at magandang taktika sa pagnenegosyo.
Well sana nga ay magkaroon ako ng Café Hoshi someday ‘di ba?!
KAPAYAPAAN, KALAYAAN, KARANASAN…noynoy aquino
Setyembre 9, 2009 at 4:40 umaga | In dream, politics, sentiment, society | 14 CommentsTags: cory aquino, dream, experience, freedom, kalayaan, kapayapaan, karanasan, mar roxas, Noynoy Aquino, panaginip, peace, politics, presidency
May party akong napuntahan na hindi ako ganoon ka kumportable. Hiwalay ang kuwarto kung saan may kainan, doon sa kuwartong may mga program gaya ng sayawan, kantahan at palaro sa parang hotel na ‘yon.
Noong marinig ko na parang may dance contest, nagpasya akong sumali. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at doon ko lang naalala na naka-dress pala ako kaya inabot ko ang aking sinturon at sapatos sa aking kaibigan na nanonood lang sa program.
Sa mga kasali, alam ko dalawa doon ay kakilala ko. bigla nag-alala ako na baka stop-dance ang laro. Dyahe naman sa akin ang sumali pa sa ganung laro pero nandoon na rin lang, sumige na ako. Ang nakakaloka lang ay imbes na pasayawin kami ay nagkaroon ng question and answer portion.
Pinakitaan kami ng tatlong que cards na naglalaman ng mga salitang KAPAYAPAAN, KARANASAN at KALAYAAN. Mamimili ka alin sa tatlo o i-enumerate mo ang tatlo ayon sa pagigingg importante nito sa iyo. Panghuli ako sa sasagot at yong nauna sa akin ay si Tita Cory pala. Ang sagot niya ay KAPAYAPAAN.
Naisip ko ay may punto siya pero ako ang nasa isip ko, kalayaan ang gusto ko na unahin. Pero naisip ko rin nung pagkakataon na ‘yon, mahirap idepensa at may pipili kaya nung cue card na may nakalagay na KARANASAN? Pero noong ako na ang sasagot ay hindi na ako nakapagbigay ng kuro, kasi nagising na ako.
Wala lang sa akin ang panaginip na ‘yon, bagama’t weird at nakasama ko pa talaga si Tita Cory ha. Pero kanina habang nakikinig ako sa speech at pagdedeklara ni Noynoy Aquino na tatakbo na siya na sa pagkapangulo biglang bumalik sa akin ang panaginip ko.
Marahil pinili ni Tita Cory ang Kapayapaan kasi yun naman talaga ang nagawa niya during her time, gusto ko ng Kalayaan bilang indibidwal at mamamayan at ang KARANASAN ay para kay Noynoy. Sa totoo lang kasi, ‘yon ang tingin kong kulang sa kanya at mas gusto ko siyang tumakbo bilang pangalawang pangulo.

nais ko'y kalayaang,'di papel lamang
Siyempre, ayaw ko rin naman sa mga TRAPO (traditional politician) na punong-puno sa karanasan pero wala namang kakuwenta-kuwenta at integridad. Ang sa ganang akin ay kaya nga bang mamumuno, desidido, maaasahan, mapagkakatiwalaan at may magandang hangarin para sa bayan.
Naniniwala naman ako na mayorya sa mga binanggit kong katangian ay tinataglay ni Noynoy. At kung titingnan ang mga posibleng kakandidato, namumukod tangi nga siya sa maraming aspeto. Pero may bunga kasi ng isang magandang puno na nababalewala ang pagkalinam-naman at sustansya pag piñatas ng hilaw. Nakakatakam man tingnan pero nakaka-frustrate pag hindi naibigay yung hinahanap mong dapat na lasa nito.
Dagdag na tanong lang… kung hindi ba namatay si Tita Cory at iba ang ginawang taktika ni Mar Roxas (lalong-lalo na ang flop niyang padyak ad), papaimbulog kaya ang name ni Noynoy? May isa lang akong gustong purihin sa kanyang mga sinabi niya iyon ay dapat wag mawalan ng pangarap o pag-asa.
Hoshi in Dreamland
Hunyo 28, 2009 at 11:30 umaga | In dream, story | 22 CommentsTags: dream, pyschology, premonition, past, subconscious
Synopsis:
Kagagaling ko lang sa pagsisiesta and once again ginamitan na naman ako ng psychology sa dreamland. Nakaka-strike two na nga ako in one week. I have my own interpretation pero baka meron din kayo sa 2 dreams ko na I think ay may common denominator.
Episode 1: Beaded Necklace
Nasa mall si Hoshi with her family. Matapos niyang matawag ang pasaway niyang pamangkin, nakita niya si Pao at nakita rin siya nito. Hindi niya alam kung bakit ang unang pumasok sa utak niya ay takbuhan ito. She ran as fast as she could, lumipad ng mataas at maging invisible. But this time, magaling ang lalakeng humahabol sa kanya parang hindi n’ya matakasan.
When finally naisip niyang tapusin na ang marathon game na iyon, hinaharap niya si Pao na naging si Eli. At binibigyan siya nito ng beaded necklace.
Episode 2: YM
Sa isang common place kung san madalas namamalagi si Hoshi, napansin niyang may isang pinagkaiba rito. May isang ekstrang upuan dun na napag-alaman niyang pwesto pala ni Mike.
Naisip niyang for years wala siyang kontak dito and now, pwede na silang mag-chat araw-araw through YM. She was about to ask someone para tawagin si Mike at hingin dito ang ym nito. Subalit, hindi niya tinuloy. Ano pumasok sa utak niya? Siguro pride o wala lang…
Short and simple pero meaningful ang mga eksena sa dreamland. Pwede iyong effect lamang pag—iisip, usig ng subconscious mind, at siguro premonition. May naiisip ba kayong intepretatation sa story one and two?
Sleepless in Shuttle
Hunyo 26, 2009 at 2:02 umaga | In dream, health, problem, self, work | 17 CommentsTags: bus, dream, dreaming, FX taxi, shuttle, sleep, sleep disorder
Stress or may insomnia na si hoshi? Ewan basta lately especially pag may pasok, ang tulog niya ay halos nasa 4 to 5 hours na lang, ‘yon na ‘yong may quality ha. Dati ‘di niya gaanong iniinda kung medyo kulang siya sa tulog, katwiran niya ay mas gugustuhin na niya ang kulang kaysa sobra-sobra kasi mabigat sa pakiramdam. yun nga lang parang feeling niya ay anemic na siya.
Dati, hindi s’ya makatulog pag di nakahilata sa kama, banig o folding bed. Pero nung tumuntong na siya ng college, dahil sa puyat at pagod sa malayo niyang pamantasan ay unti-unti na niyang nakasanayan ang matulog kahit nakaupo sa FX. Nung nagtrabaho naman na siya ay nakakaidlip-idlip na rin siya sa maalinsangan o kung minsan ay mahulamig-mig na simoy ng bus. Dun na niya binabawi ang kanyang puyat.
Pero aminado naman si Hoshi na hindi lang naman related sa work why siya kulang sa sleep lately. Palagi na siyang nanood ng movie. Buti na yon kesa naman sa series dava?!

porma ng mga sleepless
One secret na kanyang sinabi ay hindi raw siya yong tipong madaling makatulog. Parang it takes 10-15 minutes kahit pa nakahiga na siya and all. Part na ata ng body clock niya ang magmuni-muni bago makapaglakbay sa dreamland. Well, unless na pagod na pagod siya o antok na antok. Hindi na nga niya matandaan kung kailan yung naging mahaba ang tulog niya na hindi pilit. Basta trip daw niyang matulog at dinadalaw na siya ng antok kaso parang ‘di naman siya makatulog ng maayos.
Another secret niya na-reveal ay nang may makitulog sa kanyang Purple Nassau. What? Si Hoshi nag-i-sleep talk. Buti na lang, hindi siya ‘yong tipong nakakabuo ng sentence. Maximum na ang two words at nagigising na siya. Minsan lang din daw yun, siguro pag sobrang stress na siya. Pero sabi isa rin daw senyales yun ng anxiety.
Tinanong ko siya baka naman over na siya sa pagkakape. Sagot niya kahit nakakadalawang 3 in 1 coffee na siya sa maghapon. Inaantok pa rin siya. Okay fine! Naisip na lang niya ay baka gumugulo na naman ang ayos ng kanyang Purple Nassau at masyado siyang abala sa kanyang ipinopostrong sari-saring biz. Well aja, jia you y mas suerte na lang sa kanya. Nawa’y masolusyunan niya ang kanyang problema.
Golf and Master Louie
Hunyo 15, 2009 at 10:50 umaga | In emotion, favorite, information, relationship | 17 CommentsTags: dream, louie pablo, golf, pinoy golfer, pinoy golf club, sports
Alam ko ang larong golf, ‘di ba dun champion sina Efren bata Reyes este si Tiger Woods. Pero aamin ko na hindi ako marunong maglaro nun at hindi ko alam kung kailan din ako makakalaro nun. Pero nai-imagine ko naman maglaro, lalo na ‘pag napapadako ako sa VMMC (Veterans Memorial Medical Center) sa North Avenue, Q.C.
Kaya pag-uwi ko nagsi- siato ako, kasi anuman ang happiness mo – abutin mo, habulin mo, aksyunan mo dahil dapat may energy. Hehehe –( nga pala bayabas lang ang vitamin ko. hehehe)
And ang good news naman ay ‘di ko man matupad ito sa ngayon ay may isang tao naman na malapit sa akin ang nagkampeon dito, hindi po si Tiger (hindi pa kami close you know), kundi ang aking pamangkin na si Louie Pablo na naninirahan sa New Zealand.
Ayon nga sa website na http://www.pinoygolf.co.nz/, nasungkit ng aking 11 taong gulang na pamangkin ang 1st American Idol tournament ng Pinoy Golfers Club doon. And take note, bukod sa tinalo niya ang umano’y all time great golfer na si Billy “Malagkit” Misa ay tinawag pa siyang Master (big deal talaga sa akin di ba?). Ako kaya kailan tatawaging Sensei Hitokirihoshi o Bossing Hitokirihoshi with matching trumpet and red carpet?
Basta Master Louie, keep it up, more power and mabuhay! Proud kami sa bahay at sa hoshilandia sa iyo! Yahoo!
My late Dad appeared twice…
Mayo 29, 2009 at 10:08 umaga | In dream, journey, memory, relationship, story | 16 CommentsTags: dream, dreaming, father, happy father's day, interpretation
Dear ate Jevs,
Mula noong Linggo ay dalawang beses ko ng napapanaginipan ang namayapa kong ama. Medyo kinikilabutan ako, hindi lamang dahil sa takot ko dahil patay na siya pero dahil medyo makahulugan ang mga eksena sa mga ‘yon.
Ganito ang panaginip ko noong Linggo…
Galing sa isang bahay (na hindi ko alam kung kanino) ay gusto ko raw puntahan ang abandonadong bahay ni Daddy ( ayon sa panaginip) na nasa iisang street lang nun. Madumi at madilim na parang ilang taon ng napabayaan ang nasabing bahay. Tingin ko nga parang nasunugan pa ‘yon dahil kasing itim na ng uling ang gate.
Nalungkot ako nung nakita ‘yon. Lungkot na parang may halong hinanakit, panghihinayang at siguro pangungulila. Nang babalik na ako kung saan ako lumabas na bahay, nakasalubong ko ang nanay ko. Isinama niya ako sa isang malaking sasakyan (parang lumang pick up truck na may puting tent at napapanood sa mga lumang pelikula). Nung umakyat kami, nakita ko ‘yong daddy ko na payat na payat at humaba na ang kulot niyang buhok. (Medyo hawig ni Daddy si Richard Gere kaso kayumanggi siya at maypagka-kastila.)
Nakikinig lang ako sa usapan nila nanay at si Nanay ang nagpapaliwanag sa akin na nagpanggap lang daw si Daddy na patay na siya. Lumabas na 10 years siyang nagkunwaring patay ayon sa Nanay ko (pero sa totoong buhay 18 taon na). Nakalimutan ko bakit kailangan niyang magpanggap. Pero ang naalala ko ay umiyak ako. Sinabi o naisip ko na hindi naman ako lumuha dahil sa ginawa niyang pagpapanggap pero bakit ni hindi man lang niya ako kinausap nun.
Ate Jevs kaya ko ang mag-lucid dream o alam ko sa panaginip ko na nanaginip ako kaya medyo carry kong kontrolin ang sitwasyon doon. Kaya palaisipan sa akin paano ako napasakay na nagpanggap nga lang siya at hindi pa siya patay.
Hindi pa ako gaanong nakaka-recover dun nang mapanaginipan ko ulit siya kaninang madaling araw. This time kinausap niya kami ng kapatid kong nasa ibang bansa. Doon magkakatabi kami at nagkukuwento naman siya tungkol sa kabataan niya. Parang noong kabataan niya raw ay nakagawa siya ng pelikula. Ipinakita pa nga niya iyong poster ng pelikula na parang ang bida ay si Gabby Concepcion. Ngayon ewan ko kung siya ay director, writer o aktor din doon. Basta ang sabi niya siya ang may concept sa pelikulang ‘yon na may Mr. Fighting ang title.
Aware na ako sa panaginip ko na patay na siya kanina. Kaya after niyang maikuwento naputol na ang panaginip at nagising ako. Siyempre hiniling ko na sana sa panaginip na lang siya umapir at ‘wag na sa paggising ko kasi natatakot ko.
Ate Jevs bago ang mga panaginip ko sa kanya, huli ko siyang napanaginipan noong 2003 ‘yong as in na nakita ko talaga siya. That was very touching kasi may special event na nangyari sa buhay ko nun and hindi ko rin naisip na magpapakita siya.
Ngayon napapaisip po talaga ako kung ano ba ang mga naisip at nagawa ko bakit nagpapakita si Daddy sa panaginip ko. Medyo naniniwala rin kasi ako na kapag natural death naman at matagal na, maliban sa pagbibigay sa kanila ng panalangin ay dapat hindi na rin sila ginagambala pa.
Luciana Nuevas
Dear Luciana,
‘Di ko alam kung masasagot ko ng tama ang iyong letter. Hindi ako magaling sa pag-i-interpret ng panaginip. (Baka si Hitokirihoshi at iba niyang ka-blog ay makapagbibigay sa iyo payo/ comment/ suggestion.)
Ang naiisip ko lang ay baka dahil ‘yan sa nalalapit na Father’s day nitong June at may isang bagay na hinaharap mo ngayon o darating pa lang na nire-represent ng iyong Daddy. Try mong ipagdasal siya sa simbahan at ano ba ang mga bagay na maaaring may kinalaman sa kanya ang naiisip mo ngayon.
Anyway, advance Happy Father’s Day naman d’yan sa mga matitino, responsable at mapagmahal na ama! Maswerte kayo dahil alam ninyong i-enjoy ang buhay.
Mabuhay!
Ate Jevs!
R.I.P. Daddy
Nobyembre 6, 2008 at 3:43 umaga | In emotion, journey, memory, relationship, self, story | 18 CommentsTags: all soul's day, belief, daddy, death, dream, father, fatherhood, memory, parent, tradition
Dear Ate Jevs,
May nabuo akong prinsipyo na imbes na maghimutok ay ipagdasal na lamang ang mga yumao. Ewan kong may matatamaang paniniwala iyon pero tingin ko mas maiigi na ang ganoon. Alangan naman kasi every time na masasaktan ka ay ibubunton mo sa taong wala naman diyan o lagi mong itataya sa lotto ang numero ng kanilang kapanganakan etc. etc.
Pero kapag Nov. 1 or 2 nakikisama naman ako sa tradisyon ng mga kamag-anak ko. Iyong padasal at konting paghahanda. Kasama sa buong angkan na ipinagdasal namin ay ang yumao kung Daddy. Halos 17 years na rin siyang patay at masasabi kong unti-unti ko ng nakakalimutan ang kanyang itsura kung hindi lang sa mga lumang larawan namin.
Medyo madrama ang mga eksena ng aking kabataan at kasama siya sa highlights. Hindi ko na ikukuwento ang mga ‘yon kasi gusto ko ng ibaon sa limot ang mga pangit at gusto ko na lang itira ay iyong ang masasayang alaala.
Sa aming apat na tunay magkakapatid, dalawa sa amin ang maki-ama, ang isa deadma at ako, bukod sa ina ko na lang ang nakasama ko simula’t sapul, ay masasabing maki-nanay. Subalit, siguro sa konting makakayanan ng aking Daddy ipinadama naman niya sa akin noon na espesyal din naman ako sa kanya Wala akong naalala na pinalo niya ako, bagkus aawayin niya sinuman na gagalaw sa noo’y very soft and delicate kong negrang skin.
Aaminin ko na may time na nagkaroon din ako ng hinanakit. Maraming akong tanong na alam ko rin namang ako na lang din ang sasagot kasi wala na nga iyong gusto kong tanungin. Naka-move on naman ako at nag-mature na.
Nung kumakain na kami sinabi sa akin ni insan na noong nabubuhay daw iyon, daddy’s girl daw ako. Sabi ko, hindi ko matandaan na naging masyado akong malapit sa kanya. Sagot niya, lagi daw akong kinakarga noon ‘pag nasa bahay. Alam mo Ate Jevs, na-move ako roon sobra. Mas nakikilala ko siya sa salita at sa mga kwento ng mga taong lagi niyang nakasalamuha noon.
Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit sabihin nating paranormal, parang siya pa ang hindi nakakalimot sa akin. Nagpakita pa nga siya sa akin sa panaginip nung magtapos ako sa pag-aaral. Wala siyang sinasabi roon pero nakukuha ko ang ibig niyang ipakahulugan na binabati niya ako at masaya siya. Kinakamayan niya ako pero nung iaabot ko na sana ang aking kamay nasabi o naisip kong patay na siya. Hindi naman niya ipinilit kundi ngumiti lamang siya saka lumabas. Actually, hindi ko na ini-expect na makita pa siya kahit sa panaginip. Pero kung totoo iyon, mas masayang-masaya siguro ako.
Sa November 9 ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ang kanyang puntod ay nakalagak sa sementaryo ng lugar kung saan siya nagbinata, nag-asawa at namatay. Sa totoo lang, halos wala ng espesyal ang bawat punta ko roon. Ni hindi ko na nga gustong puntahan ang bahay nila roon, ang nais ko na lang gawin ay ipagdasal siya na sana maging mapayapa at masaya siya saan man siya naroroon.
Nene Saltiq
Dear Nene,
May tma k nga n mdmdamin ang iyong letter. Kulang na lang ay hingin q rin s ktabi q ang tissue n’ya (btw, nsa coffee shop ako while reading your letter sa aking laptop) dahil sa pagsirit ng luha ko.
U know what, nhhirapan me n mag-comment. But 4 me, tama ka na maigi na maalala mo ang mabubuti at masasayang bagay kaysa pangit.
Mabuhay!
Ate Jevs
Only When I Sleep
Nobyembre 26, 2007 at 8:42 umaga | In dream, self | 2 CommentsTags: belief, dream, interpretation, place, self
Only When I Sleep
By Annie May Kho
Sa Araw-araw ng ating buhay, may mga bagay na nagiging dahilan para tayo maging mature, lumungkot, humalakhak, lumamon, maglaro at magpakawala (wild). Subalit, kahit gaano kahaba natin iunat an gating mga kamay at gaano kadiin nating i-brush ang ating mga ngipin, sa pagsapit ng gabi, kailangan nating matulog.
Si Hikaru Chacha, isang nilalang na may lakas ng loob, walang paki at Capricorn, ay naniniwalang may ibig ipakahulugan ang mga panaginip. sa artikulong ito, isinawalat niya ang mga nilalaman ng kanyang kokote kapag siya’y nahihimbing.
Me: kailan ka naging particular tungkol sa iyong mga panaginip?
Hikaru: Shiguro nung elementary deis ko, One factor na naging vivid and meaningful ang mga dreams ko shiguro nung I read the whole bible and then nag-attend ako dun sa Church na in-introduce ng aking big brother.
M: Ano yung mga nilalaman ng panaginip mo nun?
H: Oh so scary! Right after, na-finish ko yung book of Apocalypse (Revelation). Nananiginip ako that I was walking sa Quezon City Circle na may mga lumilipad na papers. Yung weather, pangit and then yung mga people, nag-uusap about “666” or end of the world. Naalala ko rin when our house was renovated and I started na mag-attend sa church ng brother ko, lagi ko nadi-dream yung red male demon na lumalapit sa akin.
M: Gaano kadalas mong napapaniginipan ang mga iyon?
H: I couldn’t count, pero parang siyang “series of shows.” Straight na three days, na same topic, farang ganun! Sometimes, napapaniginipan ko pa rin yung mga scary things na yun but I’m not afraid anymore, slight!
M: Humingi ka ba ng payo tungkol sa mga panaginip mo?
H: Yes, I did. I talked with my friends, kuya and ate from the church. They said, Itabi ko raw yung bible ko near sa bed ko whenever I sleep. I did it, but soon, nag-occur again yung mga bad dreams ko. Then I asked my Kuya yung ibang way, he advised me to rebuke yung mga demons sa dreams ko.
Mentioning our Lord’s name in facing those odd creatures ay talagang effective. Nakakatanggal ng kaba talaga. I still do that, once in a while.
M: Naniniwala ka ba na maari mong mahulaan ang hinaharap sa pamamagitan ng panaginip?
H: yes! I think my simple example for that ay nung na-dream ko yung a glass of water na may rust. Of course di ko pwedeng i-drink yun di ba. Nung magising ako, I learned that sira ang makina ng well namin.
M: ano yung pinaka-memorable mong dream?
H: I have a lot of memorable dreams, eh pero I think yung pinaka yung when I was walking daw sa isang mall, then may girl (that I don’t know) na nag-talk sa akin about me transferring to another school.That time I was in college, yung course na kinuha ko ‘di like ng my mother and sister ko, of course hindi embalming huh!
Sabi ko sa girl na I don’t want. Pero pinu-force niya ako to do that. I felt sad, kasi as if na she’s controlling me. You know what, nung magising ako I was crying. Soon, nag-away kami ng sister ko ng matindi dahil lang sa pagpunta sa mall.
M: Masasabi mo bang hindi lahat ng panaginip ay kabaligtaran ang ibig sabihin sa totoong buhay ?
H: yeah! May times pa nga na kung ano yung nangyari sa dreams ko, yun din nangyayari sa totoo. Often, about sa places eh na later on mare-realize ko na lang na wait a minute farang I went here na. It’s like a “déjà vu” to me.
M: Nag-aral ka ba na mag-interpret ng mga panaginip?
H: Aha, but not that serious. I read dream dictionaries and articles etc ganun lang. Nakakapagbigay sila ng hint but for me yung accurate explanation to your dream eh you na rin ang makapagsasabi. Analyze your present situations, aspirations, frustrations then compare sa dreams mo. In that way, you can interpret your dreams.
M: Ano yung pinaka-common subject ng mga panaginip mo?
H: “Flying,” it’s like a talent for me. If I wish to fly, fly talaga me. It has two different explanations, depende nga sa yung emotion or situation sa yung dream. For me, maybe I want to get something or I just want to escape sa mga problems ko sa life.
M: May palagi ka bang napapanaginipan sa isang lugar na iyong tinutulugan?
H: Oo, In my mother’s room lagi kong nadi-dream about water. Minsan inaanon ako ng malaking alon, minsan basta nasa ilalim ako ng body of water.ganun.
M: ano sa tingin mo sa panaginip na yun?
H: ah kasi yung room naming yun ang pinakaluma sa lahat , then doon na talaga sina mommy before I was born. Maybe yung mga waters nay un represent sa mga tears na ikina –cry ng mommy ko. She also confesses to me na yun umiiyak siya sa gabi.
M: May time ba na nahihiwagaan ka sa isang lugar kung san ka natulog kasi may napanaginipan ka dun na parang kakaiba?
H: Sa hospital sa may north ave. na-confine kasi dun si mommy this year. Then for the first time dun kami sa ward so there’s so many people there. Yung breeze talagang pumapasok sa loob and yung whole area old na talaga. So I was expecting na okay baka mamaya may monster or ghost na mag-appear sa dream ko.You know what, yung dream ko dun was one of the most beautiful dreams na naalala ko. Nakakakita ako ng pink buildings then I saw my mom, na okay and healthy. I have powers daw to manipulate things and yung feeling talagang wow. Hindi ko ini-expect na ganun ang mapapaniginipan ko dun.
Bagaman marami pang napag-usapan ng inyong linkod at si Hikaru Chacha gaya ng lucid dream at tila astral projection niyang mga panaginip, kailangan namingh putilin ang entry na ito. Masyado ng mahaba at masakit na sa mata. Nandun dun ang rason kung bakit ang “Only When I Sleep” title nito.
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.



