Magnanakaw – magnanakaw!
Setyembre 5, 2009 at 12:49 hapon | In information, memory, problem, society, story, warning | 24 CommentsTags: akyat -bahay, break-in, caution, crime, dog, hold up, magnanakaw, robbery, shock, steal, theft, thieve, warning
Madalas ako ang nauunang magising sa amin ‘pag WEEKDAYS pero nung Martes (ata) lahat ng tao sa amin gising na. Then nakita ko yung hipag ko sa bakante naming kuwarto na nakahiga at tulala sa kawalan.
Na-holdap/ nanakawan pala siya sa bahay nila nung madaling araw na yun. Natutulog daw silang mag-iina ( nasa abroad kuya ko) nang may kumatok sa maliit na bintana sa kanyang ulunan. Nung tumingala siya nakatutok na raw ang isang lumang revolver sa kanya. Pagkatapos, pinakuha sa kanya yung pink niyang wallet. Sabi ng hipag ko, dalawa pa nga raw ang wallet niya- isang pamekeng leather at yung pink wallet niya. Siguro daw tiniktikan nung bumili siya ng bigas.
Nasabi ko na lang na “buti sa luma ng revolver hindi ka nalaglagan ng kalawang, putik o agiw”. Hehehe! Ikako sa bagay mahirap din ipagsapalaran yung buhay nila sa lumang revolver na yun (natamaan ka na ng bala, matetetano ka pa – double dead yun). In the end, lumipat na lang sila ng bahay. Ang moral lesson dun ay magsara ng ilaw pag matutulog na at laging siguruhing nakakandado ang mga bintana at pintuan.
Ako man ay naka-experience na ng akyat-bahay. Ganito ‘yun… tinining-tining) …
Umuwi ng province ‘yong kuya at nanay ko. So ako lang, yung ate ko at anak niya at isa ko pang kuya na lasing that time ang nasa bahay. Nagpupuyat ako noon sa pagko-computer, maya-maya (around 3 or 4 am) tumahol yung aso namin. Paulit-ulit kaya naman sa pika ko, sinita ko (“hey you white doggy, shut up or I’ll kick your ass!). Ang napansin ko lang ay naka-focus yong aso sa harap ng bahay ng kapit-bahay namin.
Pagpasok ko, tuloy pa rin yung aso sa kakatahol pero nag-tone down na siya. After noon hindi na ako mapakali, punta ako sa kuwarto ko o sa kuwarto ng ate ko, tuloy sa pagko-computer, at punta ako sa CR namin na kung mamalasin ay nasira yung gripo.
Pinilit kong magawa yung gripo at nagawa ko naman gamit ang aking magic plies. Then punta ulit ako sa kuwarto na ewan naman kung bakit naiwan kong nakabukas yung ilaw dun. Tas may kinuha ako sa wallet ko na nilapag ko sa mesa ko na malapit sa bintana. (Eh that time sira yung lock ng bintana ko.)
Nung bumalik ako sa harap ng computer (around 5am), narinig ko maya-maya na may sumigaw. Pagtingin ko sa bintana, nakita ko yung kapit-bahay namin, hinabahabol yung naka-all black na magnanakaw at natalon nun yung gate namin na parang si spiderman.
Sa huli napag-alaman namin na napasok nung magnanakaw yung bahay nung kapit-bahay namin at nakuha ang kanilang cp. Tinanggal isa-isa yung salamin sa kanilang bintana nang hindi nila nalalaman kahit 2 pa naman silang lalaki (sila lang naman yung kainuman ng lasing kung kuya).
Nalaman lang namin na nakawan din yung ate ko nung makita ang kitchain niya sa bag na naiwan ng magnanakaw (nandoon din yung patalim n’ya). Sinungkit yung bag niya at saka kinuha yung wallet niya doon. Biro nga namin ay buti hindi nasungkit pati yung puwit niya nang sungkitin ng magnanakaw yung bag niya na inilagay niya sa likuran niya.
Alam n’yo maraming “mabuti na lang” ako sa araw na yun.
1. buti nagpuyat ako kasi kung hindi baka na-ransack na yung bahay namin. Pwede niyang pasukin yun through sa kuwarto ko kung tutulog-tulog ako.
2. buti hindi ako nilusob nung magnanakaw at saksakin ng patalim niya nung sitahin ko yung aso namin.
3. buti nasira yung gripo kasi at least siguro naalarma yung magnanakaw at ikot ako ng ikot. (magnanakaw: naku may magic plies ‘tong babaeng ito!?
4. at kahit naiwan ko yung wallet ko sa bintana na binuksan niya. P200 lang ang nakuha niya roon kasi buti ulit, hindi ko pa pinapapalitan yung tseke ko doon. (eh $1 million laman nun… tienes! lang).
Mula noon sobrang ingat na ako. Kahit antok na antok ako, tatayo ako para siguraduhin ko na nakasara na ang mga pintuan at bintana. Saka isa pang tip, maging alerto kayo sa mga pinapapasok ninyo sa bahay ninyo, lalo na doon sa hindi ninyo kilala. Kasi doon nadali yung kapit-bahay namin at mag-alaga ng aso hehehe
Head to Toe: Environment friendly tips
Hunyo 6, 2008 at 11:45 umaga | In problem, society | 4 CommentsTags: advice, aso, baboy, box, calendar, cat, caution, cellophane, clothes, damit, dog, donation, eggs, environment, environment friendly, garbage, global warming, hayop, ice cream containers, ice cream cup, ice cream gallon, itlog, letter, napkin, nature, old magazines, old newspapers, papaer bags, pet, pig, plastic, posters, pringles, pusa, recycle, Ricoa, scrapbook, selling old items, tips
Dear Ate Jevs,
Grabe na po tlaga ang global warming. Lahat ng bagay, may buhay o wala ay naaapektuhan. Pati nga po hair ko sobra ng dry.
I think kailangan ko ng mag-care because I believe hindi lamang po kalat o dumi, ang mare-resolve kapag naging mapanuri tayo sa ating ginagawa at ginagamit. Ako, aminado ako na hindi ako dugyot at burara, makakalimutin lang at saka makalat.
May maibibigay po ba kayong tips na tipong kahit simple ay makakatulong ako para wag dumumi at magkaroon ng basura?
Bebong Pinlat
Dear Bebong,
Mbuti nmn at may k2lad mo n cncern n rin s atng mother earth. Nawa’y may 2mulad sau. Nri2 ang few smple tip q n kering gawin pra mpakinabangan ang mga old things na itinatambak lang.
Para hindi na sila maging kalat, gawan na natin ng paraan.
Ate Jevz
old damit. Maraming pakinabang sa mga lumang damit. Pwede itong ipamigay, i-donate at kung pangit na ay gawing basahan. Kung puting shirt, aba’y mas lalong maraming gamit diyan. Pwedeng panala sa gripo o posong makalawang, ulong kinukuto, at pampatong sa noong nilalagnat.
ice cream containers. Maraming mahilig sa ice cream ( mabuti na lang hindi ako mahilig rito) pero kapag ubos na ay kung saan-saan itinatambak ang galon, cup o anumang lalagyan nito, plastic man o lata. Pwede ang mga itong lalagyan ng mga pantahi (sinulid o karayom), krayola, pantali, panty & brief etc. Papasa rin ang mga itong paso para sa mga halaman at arenola sa gabi. Ang cup nito ay pwede ring lalagyan ng ebs or wewe kapag papa-medical check-up.
Old magazines and newspapers. Punit-punit na ang linyang pagbebenta sa mga ito pero iilan lang ang gumagawa. Hindi ba’t masaya ang kumita kaysa matambakan ng basura. Hanap ka na lang ng mahal bumili ng mga ito. Pwede mo rin itong ipangsapin sa iyong cabinet, cover sa iyong notebooks or books, panlingas sa kalan, pambalot sa tinapa o di kaya sa sanitary napkin na bibilin o itatapon na. May mas luma pang gamit diyan,’wag mo na lang ipa-elaborate kasi may CR naman siguro kayo.
Cellophane, paper bags or plastics. Itago mo ‘yong mga pinaglagyan ng mga pinamili mo sa grocery o talipapa. Para pag nakapamili ka hindi ka na kakalabitin ng mga bata o aleng nagbebenta ng plastic. Baka nga makapagbenta ka pa?
Pringles, ricoa, or boxes. Well tulad din ito ng ice cream containers mas maliliit na bagay lang ang mailalagay mo. Pwedeng ilagay sa mga ito ang mga nalaglag na botones, nahanap na pardible, o mga tali. Yong mga barya na hindi mo pinapansin dito mo na lang ihulog para dumami. Kapag may reregaluhan maigi rin ang naka-box.
Itlog. Dahil may kanya-kanyang expertise ang 2 parte ng itlog, may isa rito ang natatapon. Kapag ang egg white ang ginamit, ilagay ang egg yolk sa sinaing para maluto maipakain pa sa mga bata. Kapag ang egg white naman ang natira, lagay mo sa mukha mo, maigi raw yang facial mask. Tas yung egg shell lagay mo sa mga orchids… ginagawa yan ng maderaka ko kaysa sa ihi..hahaha.
Lumang kalendaryo and political paraphernalias. Ito gamit na gamit ko ang taktikang ito noong high school at college. Instead of cartolina and manila paper (na gingamit ko lang pag may pera ako), why don’t you try likod ng mga malalaking calendars or yung mga likod ng mga posters na ginamit mga politico. Hindi mo dapat ikahiya yon, dahil part ng buwis ng parents mo ginagamit lang mga pulitiko sa mga ‘yan. (naks mag-ala aktibista ba?) pwede mo rin silang pamaypay, panggatong at sapin para sa maduming sementong uupuan mo.
retaso, tickets, negatives etc. Well pwede na rin ito sa last kong letter sender. Yong mga magagandang gamit-gamit, pwedeng pagtiyagaan para magamit sa scrapbook like ng retaso ng tela, ticket sa bus, film negatives, balahibo ng ibon, natuyong rosas etc. (pwede rin kaya ang hibla ng buhok, ingrown, naipit na lamok sa libro etc. hehehe)
Mag-alaga ng Hayop. Kung laging may nasasayang na food, mag-alaga ng aso, pusa o baboy. Nakatulong kana sa kanila wala pang naaksayang food. Pero wag mo namang tratuhing hayop ang mga hayop na sobrang panis na ang ipinapakain mo. Redundant na yan!
Napkin. Every time na kakain tayo siempre di pwedeng walang tissue. Kunin mo ang matitirang tissue mo kaysa itapon lang. Magagamit yang sa emergency.
Old school
Pebrero 24, 2008 at 8:07 hapon | In dream, emotion, journey, memory, relationship, self, society, warning, work | 5 CommentsTags: society, caution, warning, life, career, school, parenthood, student, bum, emotion, depression, self-esteem, caregiver, cutting class, Family
Bumisita ang isa sa aking pinakapaboritong pinsang lalake (2 lang naman sila). Paborito ko siya kasi bukod sa magandang lalaking tulad ko (chuz!) ay nasasakyan niya ang mga ka-weirduhan ko. Siya lang naman ang pinsan ko na naglakas loob na pagdamitin ako ng gown sa kasal niya bilang abay …wadapak!
Anyway, sa gitna ng inuman nila ni kuya saklay ay natanong niya sa akin kung may opening sa opisina. Sa isip ko, caregiver yung tinapos niya kaya sabi ko tignan ko, pero sa pagkakaalam ko babae yung pina-priority sa amin. Nakalimutan ko na nursing nga pala siya. Eh d ba pag tapos ka ng ganung course eh amoy dollar ka na..
At dahil mana sa akin na mahilig sa hirit, sabi niya kung pwede raw yung work na linggo ang pahinga. Mayroon daw kasi siyang nahanap kaso yung day-off eh Monday to Friday… ano intindi nyo? Sabi ko, hanep na trabaho iyan dalawang araw lang ang pasok. Iyon pala mamimili siya ng day-off alin sa mga araw sa weekdays.
sa bagay pamilyadong tao na ang pinsan ko kaya siguro yung sun inaaalay na niya sa pamilya niya (Eh trabaho nga, iyon kaya dapat siya muna ang mag-adjust lalo na kung desperado na.). tapos maya-maya nabanggit niya “old school na kasi.”
Nag-sink lang sa kokote ko ang ibig niyang sabihin kinabukasan…napag-alam ko kay manang juling na hindi pala siya umuuwi sa bahay nila dahil wala siyang trabaho. Hiya na rin siguro, habang wala pa siyang nahahanap. Naisip ko lang na tapos nga siya pero nahihirapan nang maghanap ng work dahil sabi nga niya 2 years lang tanda ni Kuya saklay sa kanya. Eh si kuya saklay 10 taon ang gulang sa akin.
Nung lumalamon kami ni kuya saklay ibinahagi ko sa kanya ang aking sentimyento. Ikako, magkapareho sila pinsan at ang isa naming magaling na kapatid … nung panahon na nag-aaral sila ay mga nagbulakbol, hayun dekada na sa school hindi pa rin nagsipagtapos. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan gusto na nilang magbagong buhay, magpatuloy sa pag-aaral at umasa ng magandang trabaho ay medyo malabo na. … (naks palalim na ito!) ngayon pa naman na tumatayo na sila bilang padre de pamilya.
Marami sa lugar naming ang gaya nila… at alam kong maraming kabataan din ang tinutularan sila… yung hindi nakinig sa “Time is gold,” “conserve energy (money),” study your lesson and be good,” etche tira!!! Panakot ko nga minsan dun sa magaling naming kapatid yung kapit-bahay namin na inaaway ko kasi kinakana yung doggies namin…wala na siguro makain. Alam mo yun…. Yung nabubuhay sa kung anong darating… hindi nagsusumikap sa buhay…
Naaalala ko noon, sinabihan ko rin ang magaling kong kapatid na kahit naman di mo iwan iyong pagbabarkada mo basta siguraduhin mo man lang na napapasa mo yung mga subjects mo. Siempre pa, hindi siya nakinig… mas matanda siya sa akin e.. pero nare-realize niya na ngayon na tumpakers ako… yung isa ko ngang ka-barkada, kababaeng tao tumatalon sa pader para lang mag-cutting class at ng makapag-arcade sa ever, eh nagkaroon pa ng honor. Katwiran niya pag may exam naman daw eh tumataas ang bakod sa school.
Alam ko na marami diyan ang nilalamon ng guilt, pity at ang pinakamatindi yung low self esteem. Yun ang dahilan ng kanilang depression na nauuwi sa pagpapatihulog sa billboard sa edsa sa may tapat ng isang giant TV station. Pero, kung iisipin naman talaga… wala silang dapat sisihin kundi ang sarili nila…lalo na kung may ipang-aaral naman pero ginamit sa mga kabulastugan at kababalaghan. (naku lalong na-depress choriii!!!)
Masarap kotongan pero huli na para mga “old school.” Kapag nakakausap ko sila, sinasabi ko na “fight lang” kahit naman ikako sa mga tapos at fresh na like me… eh dumaan din sa mga chiverlou at chinilin china eklabu. Yun nga lang kailangan nilang doblehin pa. Wish ko lang talaga na matuto na ang kabataang Pilipino…(naks!) sa mga naunang pasaway sa kanila.
Professional Pulubi….
Enero 22, 2008 at 1:16 umaga | In memory, places, problem, society, story, warning | 4 CommentsTags: actor, beggar, bus, caution, creativity, españa, lie, manila, moral, morayta, ortigas, places, poor, pulubi, quezon avenue, religion, society, transportation
Iminulat tayo na maging mapagbigay at maging mahabagin sa kapwa lalo na sa mga pulubi. Ang madamot, kuripot, barat at lalong-lalo na ang matapobre ay may karma balang-araw.
Sa paglipas ng panahon, hindi na lamang pangkaraniwang ang isang pulubi na may humpak na mukha, gutay-gutay na damit at marungis na itsura dahil kanya-kanya na sila ng pa-effect sa panlilimos ng pera.
Para sa akin, mas may dating ang mga kumakantang bulag sa bangketa. Binubuhay nila ang mga lumang kanta at magaling silang mangapa ng gitara. Aba, kahit naman siguro nagpapanggap silang bulag, mahirap din iyon ha! Props pa lang ay gumagastos na sila, sama na rin diyan ang boses nila na gumanda na siguro sa araw-araw na pagkanta.
Kaawa-awa rin naman ang mga taong namamalimos na kita mo na ang depekto. Sa amin may matabang mama na gumigitna sa blue and pink footbridge ni Bayani. Nakakatawag siya ng pansin dahil ikinakampay niya ang dalawa niyang kamay na actually mga braso na lang at halos kalahati na lamang din ang kanyang katawan dahil putol na ang kanyang mga paa.
Pero, subalit, datapuwat, sa totoo lang karamihan sa mga namamalimos ngayon ay parang hindi naman kapani-paniwala o walang k na bigyan ng piso.
Naaalala ko noong college, may ipinaskil sa kahabaan ng Lacson, España kanto ng UST patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ang mensahe doon ay ‘wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.
Sa apat na taon kong pag-aaral sa Maynila, samu’t saring kabulastugan din ang aking nakita sa mga namamalimos. Bago ka umakyat sa tulay ng Morayta, yes sa tapat ng McDo, may humarang sa akin na isang babae. Actually panggulat ‘yong style niya, kababa ko lang noon sa FX nang humingi siya sa akin ng pamasahe para makauwi siya sa kanila. Dahil mukha naman siyang kaawa-awa although pansin ko ang nipis ng kilay niya, ay binigyan ko siya ng pera.
Alam n’yo kinabukasan nakita ko ulit siya doon, ganun ulit litanya niya. Ano ba? Kulang pa ba ang isang araw para makaipon siya pang-uwi? Wala naman akong gana na tanungin siya kung saan lupalop ba siya pupunta .
Sa mismong tulay naman ng Morayta may isang matandang babae doon, na maganda naman ang pangangatawan, ang namamalimos. Minsan palakad-lakad siya sa kahabaan ng overpass o ‘di kaya nakapwesto sa hagdan patungo sa FEU.
Pansin ko lang ha, ganda ng pedicure niya kahit marungis siya at minsan naka-jollibee siya. Chuchal! In fairness sa pamantasan namin, wala namang obvious na pulubi siguro manggagantso meron. Hehe!!!
Naalala ko rin one time, dahil sa hirap ng pagsakay at katipiran ko, nilakad ko mula school namin hanggang Quiapo. May lumapit sa aking lalaki na okay naman ang itsura. Humihingi sa akin ng pera na para pamasahe niya pauwi sa Bulacan. Eh sa pagod ko ba naman at nagtitiis nga akong maglakad eh bibigyan ko pa ba siya.
“Kaya nga ako naglalakad, kasi wala akong pera,” sagot ko doon sa lalaki. Na tinanong pa ako ko kung anong course ko. Siempre sabi ko Opto. Wahaha… Opto kong wag siyang bigyan ng pera.
Sa isang part ng QC Ave. naman , kapag nahihinto ang jeep ay may mga kabataan na aakyat dito at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero saka hihingi ng pera. Kung alam lang nila, mas lalong dumumi ang sapatos naming mga pasahero sa pinahid nilang basahan. Noong una nagbibigay ako depende kung natanggal nila yung alikabok sa sapatos ko. Pero ngayon, iniiwas ko na sapatos ko o di kaya kahit punasan nila hindi ko na sila binibigyan ng limos.
Ginagawa na kasi nilang hanap-buhay iyon at minsan makikita mo pa ang mga magulang nila na nakatanghod sa ‘di kalayuan. Biro mo ‘yong bata nakikipagpantentero sa kalsada, sila presentable sa gilid ng kalye.
Mula naman nang pumasok ako rito sa Ortigas ay sari-sari na ring “pamumulubi” ang na-i-encounter ko at kadalasan type nilang sa Bus gawin iyon.
First entry, kahit hindi pa ako nagtatrabaho sa lugar na ito lagi kong nakikita ang mga kabataang aakyat sa bus na nagpapanggap na mga estudyante ng kung anong ewan na school. Hihingi sila ng donasyon sa pamamagitan ng papel (na naka-laminate na ngayon), minsan sobre, minsan din sasabayan nila ng mga paninda.
Second entry, mga member daw ng ganitong church. Tatayo sila sa gitna, pwedeng babasa sila ng linya sa bible saka mangangaral. Mamaya-maya magbibigay na sila ng sobre. Ayokong mag-isip pero grabe sila kung gagamit sila ng ganung style para lang kumita.
Third entry, isang lalaki na may sakit kuno sa balat at paika-ikang maglakad. Sasabihin niya dati siyang mayaman na waldas sa pera at naging gumon sa sari-saring bisyo. Hindi siya titigil doon, talagang mangungusensya siya sa paghihingi ng pera. May mga linya siyang bibitawan na parang ang dating ay “ang sama mo naman kung ‘di mo ako bibigyan.”
One time, habang lumalamon ako sa paborito kong mall sa commonwealth. May lumapit sa aking lalaki. Estudyante rin daw siya na humihingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral.
Kinausap ko siya ng masinsinan, tinanong ko kung saan school yun, sabi niya sa Emerald Ortigas raw. Sagot ko sa kanya, doon din ako. Yung school niya conservatory of music kuno. Tinanong ko ano ang tinutugtog niyang instrumento sabi niya gitara. Tanong ko acoustic, iba ang sagot niya.
Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang i-feature ko siya o ang school niya para mabigyan sila ng exposure. Hindi siya makasagot, pero halata mong ayaw niya. Tinanong ko s’ya kung totoo ba ang iyong telephone number na nasa papel na ibinigay niya. Sabi niya oo.
In the end, binigyan ko s’ya at saka niya inupuan ang ibang costumer para hingan din. Nandoon pa siya ng tawagan ko yung number na binigay niya. Tama ang aking hinala, sinungaling siya. Bakit ko binigyan siya kung alam ko na eklabu lang niya ang kapapelan? Gusto kong makita ang reaksyon niya sa lahat ng tanung at tulong ko.
Nakita ko siya ulit doon sa lugar na iyon. Sa pagkakataong ito naman, yung ate ko ang nilapitan niya. Sa harap niya, sinabi ko sa ate ko nanloloko lang ‘yan.
Alam n’yo kahit marahas magsalita si Manang Juling sa mga humihingi ng limos sa kanya…ang usual niyan linya… “ang laki-laki ng katawan mo, hindi ka magtrabaho, maglabada ka!” eh pasok talaga sa banga!.
Mas tamad pa sa mga sinasabi nilang GRO ang pagkukunwaring paglimos. Bukod sa hindi convincing ang acting, ay mas lalong nawawalan ng effort ang mga Pinoy na magbigay ng limos.
Paano mo nga naman malalaman kung genuine o professional pulubi ang nangangalabit sa iyo?
Liars go to Abroad
Enero 8, 2008 at 1:42 hapon | In places, problem, self, society, warning, work | 3 CommentsTags: abroad, caution, documents, government, lie, NSO, passport, places, policy, Recto, travel, work
Sa hindi pa malinaw na scenario, pinagbibintangan ang pamangkin kong si Ms. Calabasa na ginawang sketch pad ang passport ng ina niyang si Bisanghot. Dahil dun, namomobrolema ang aking ate Bisanghot dahil sana ay naka-fly sana noong January 7 sa bansang nandoon yung isa pa niyang kapatid na si Antot.
Eto na ang siste, pasan na nga niya ang kapapelan niya sa pagre-renew niya ng passport ay naloka pa si Bisanghot dahil mali ang nakalagay na year sa birthdate niya. 1978 imbis na 1977. eh ever since naman ay 1977 ang ginagamit niya. Magkasunod lang kaya sila ni antot. As in kaka-debut lang halimbawa ni antot last year, si Bisanghot naman ngayon.
Hindi ba nakakabanas, simpleng pagkakamali ng iba laki ng dadanasing hirap. Partdida ha, mahabang pila at proseso pa ang pagdadaanan para maayos yung isang simpleng character o number na yun. Alam yan ng buong pamilya ko, bakit? Sa dami namin, dalawa lang kami nung ate kung panganay ang may tamang info sa birth certificate.
Si bangaw nga yung birth certificate, walang name. wa da pak peru trulili.
Kung tutuusin hindi na rin masisisi ng ilang ahensya gobyerno kung bakit buhay na buhay ang Recto University. Naku may nalaman nga akong story na pinagpalit ang identity ng kanyang mga anak makaalis lang bansa yung isa dun. And wagi siya ever.
Tas nalaman ko sa ate ko na isa pa (siencia na ha, marami talaga akong ate. Pero patas naman kasi marami rin akong kuya) na kailangang ipa-authenticate mo muna yung diploma at transcript mo sa school, sa Ched at sa Malacañang para kilalanin ng POEA o kung type mong mag-abroad.
Nang pusang kinalmot, apat na taon kang kokopya sa kaklase mo at mang-uuto ng profs eh sa bandang huli papa-validate mo pa ulit yung diploma mong inagiw na sa dingding.
Ah basta… kakasama ko sa trabaho ni Manang Juling alam na alam ko na pahabaan talaga ang pila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Minsan kahit may backer ka na, mas maikli nga lang hehehe…
Naku wish ko lang pag-turn ko nang lumipad eh wag naman akong mahirapan…ang lesson lang naman diyan eh… tago mo kapapelan mo at wag mong pasusulatan sa bata.. dava. Tas koneksyon-koneskyon, be socialite like mi mama!
If I know marami ang nang-churva ng papeles para makapag-abroad, hindi dahil sa gusto nila kasi kailangan.
Head to Toe presents “Bad Trip”
Nobyembre 29, 2007 at 5:48 umaga | In journey, problem, warning, women | 10 CommentsTags: bus, caution, harrasment, journey, letter, passenger, problem, sleep, transportation, trip, warning, women
Head To Toe by Ate Jevz Ikling-Jaba
Dear Ate Jevz
Hello po Ate Jevs, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kapag nabasa ninyo ang aking liham. Hindi ko po akalain na pati ako ay susulat sa inyo dahil sa aking karanasan at problema.
Kahapon lamang ay talagang literal na bad trip ang aking biyahe, papunta’t pabalik sa aming bahay. Kapag papasok po ako sa opisina, sumasakay ako sa FX para kumportable at hindi na ako lalakad. Dumadaan po kasi mismo sa harapan ng aming building yung mga FX na sinasakyan ko.
Kahapon ng umaga, nagkataon na sa unahan ako napaupo. Kung tutuusin isa yun sa magandang puwesto pero hindi ko yun naramdaman. Ganito po kasi, ugali ko ang matulog na lang sa biyahe kaysa tumingin sa mga kapwa ko pasahero. Minsan kahit hindi naman ako inaantok, pinipikit ko na lang mata ko.
Itong babaeng nakatabi ko ay payat naman di hamak sa akin kaya ako na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman sa kanya at baka ukupado ng rich behind ko ang aming inupuan. Feeling jackpot naman ako dahil naabot ng aking ulo iyong sandalan. so feeling ko ulit okay na ang lahat, medyo naiidlip na nga ako, aba itong katabi ko, panay ang kislot. As in hindi mo siya pwedeng ipagwalang bahala.
So ako although, nakapikit pa rin ang eyes I tried my best na umusog pa, although feel ko na rin yung cambio nung fx. Aba, etong babaeng ito wala pa ring tigil, so dumilat na ako malapit sa medical city.
Tiningnan ko yung babae, walang hiya! Natutulog din pala, malikot lang. sumasandal-sandal pa sa akin.
Nung uwian naman po ay sumakay ako sa bus, kasama ang bago kong ka-opisina. Dahil wala ng maupuan dun na kami sa pinakadulo naupo. Sa totoo lang, may phobia na ako sa pag-upo sa parteng yun dahil may masilumuot na akong karanasan dun pero dahil may kasama naman ako kaya carry lang.
Maya-maya may nakitang kakilala ang ka-opisina ko at doon niya pinaupo sa tabi niya. Tas maya-maya pa ulit may umupo naman na Mama sa tabi ko. Napansin ko na lang panay ang kampay ng binti niya sa binti ko. Siempre deadma muna ako sa umpisa nakikiramdam. Baka naman kasi nangangati yung binti niya o ‘di kaya ay nasisikipan siya at naiipit yung ”twit twit” niya.
Nung as in panay na, pumadyak ako. hindi pa rin siya tumigil, nagsabi naman ako na “ nasisikipan po ba kayo?” ang kaso ang umusog e, yung ka-opisina ko.
The whole time madaldal naman kami, kung matino yung mama alam niyang pinag-uusapan naming nung ka-opisina ko pati na yung kaibigan niya na kung saan kami nagwo-work, hindi pa siya ninikawan ng ulirat nun.
Gusto ko ng patulan, kung baga kukuha lang sana ako ng back up sa kasama ko, kaso ayaw ata ng gulo. So nung nakakita ako nung bumaba sa may unahan, kumaripas ako ng lakad papunta doon.
Siempre feel ko harassment yun pero pumasok din sa kokote ko baka style niya lang yun para lumayas ako sa tabi niya dahil nasisikipan siya. Pero tingin ko pang waluhan yun eh anim lang kami nandoon, kahit na ba may dalawang mataba dun, imposibleng kasikipan at naiipit lang yung twit twit niya kaya panay ang kampay ng binti niya.
Nakakainis po talaga, dahil gusto ko lang ay matiwasay na viaje taz gaganunin ka. Yung sa babae nakakapika pero mapapagpasensyahan ko pa yung sa lalaki talaga ang nakaka-bad trip.
Actually, hindi ito ang first time na feeling ko na na-harass ako, may ilang beses na rin.
Siguro mula ng mag-work ako ditto sa ortigas, may tatlong beses na rin at lahat sa bus.
Una yung, lalaki kunwari tulog pero yung kamay lumalakbay malapit sa hita ko. Nilabasan ko nga ng pamatay kong patalim .14 o katorse (yung sa nail cutter), pinagsabihan at ito ang matindi pag baba ko pinasabugan (pohhhhh) ko siya hahaha!!!
Pangalawa yung matindi, as in yun ang dahilan bat ayaw ko ng pumuwesto sa likod. In your face naglalakbay yung kamay ng lalaki sa bandang tiyan ko. Timang, ata eh, ako hindi ko ma-appreciate yung bel-belly ko siya natatakam. Tinignan ko siya ng matalim, eh iba yung reaction niya kakaiba. Binelatan ako, “pusang ina!!!” baliw ang “tostado.”
Nakakaasar po talaga ate Jevz, nakakabastos na talaga. Bad trip!!!
Banas na banas,
Conchita Macaspac
Reply:
Dear Cochi,
Tnx sa pgsulat u sa column me!
Azar tlga ang mga eksenang ganyan, but if I wer u kung grl lang eh, patient k n lng. E kung sa mrt n nga lng siksikan dun pero w care ang mga babes.
Sa guys ka mag-churva… pg my chnce cla 2 attack all out ang mga hitad. Jst b brave and ipaglbn ang ung ryt. Wag k n lng umupo sa pinaka-bck ng bus ksi mrami ngang mga toasted (Tustado) dun at motherly cat(pusang ina)!
Tc and Gbu!
Ate Jevs
ritrato by werdo u bilib band
Nobyembre 27, 2007 at 10:08 umaga | In picture, song, warning | 6 CommentsTags: , belief, caution, photo, picture, song, warning
Intro:
Ginugulo nila ako, ini-spot-tan at pinagti-tripan.
ayaw akong tantanan sa kanilang mga kalokohan
hindi nila maintindihan na ayoko,
ayokong magpakuha ng litrato.
II
baliw, azar, timang
wag, wag n’yo akong kunan
wala kong paki kung magaling kayong mangalabit
mangalabit ng kodak
basta wag nyo akong kunan
chorus:
bat naman ako magpapakuha, close ko ba kayo?
Eh kung batuhin ko kaya kayo ng nagniningas na plantsa
Kapag inulit n’yo pauulanan ko kayo ng bala
Bala ng pellet gun….tararat rat rat
III
Hindi naman sa pakipot
Wala rin yun sa wa poise
Basta- pag di kita trip
Wa kang K magnakaw
Magnakaw ng shot, baliw
Bridge:
Wag po Wag po Nyo akong kunan
Wag nyo wag nyo Nakawan ng shot
Ah ayaw nyo, eto ang sa inyo.
Tararat rat rat
Repeat chorus (3x)
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

