Sleepless in Shuttle
Hunyo 26, 2009 at 2:02 umaga | In dream, health, problem, self, work | 17 CommentsTags: dreaming, dream, bus, sleep, sleep disorder, shuttle, FX taxi
Stress or may insomnia na si hoshi? Ewan basta lately especially pag may pasok, ang tulog niya ay halos nasa 4 to 5 hours na lang, ‘yon na ‘yong may quality ha. Dati ‘di niya gaanong iniinda kung medyo kulang siya sa tulog, katwiran niya ay mas gugustuhin na niya ang kulang kaysa sobra-sobra kasi mabigat sa pakiramdam. yun nga lang parang feeling niya ay anemic na siya.
Dati, hindi s’ya makatulog pag di nakahilata sa kama, banig o folding bed. Pero nung tumuntong na siya ng college, dahil sa puyat at pagod sa malayo niyang pamantasan ay unti-unti na niyang nakasanayan ang matulog kahit nakaupo sa FX. Nung nagtrabaho naman na siya ay nakakaidlip-idlip na rin siya sa maalinsangan o kung minsan ay mahulamig-mig na simoy ng bus. Dun na niya binabawi ang kanyang puyat.
Pero aminado naman si Hoshi na hindi lang naman related sa work why siya kulang sa sleep lately. Palagi na siyang nanood ng movie. Buti na yon kesa naman sa series dava?!

porma ng mga sleepless
One secret na kanyang sinabi ay hindi raw siya yong tipong madaling makatulog. Parang it takes 10-15 minutes kahit pa nakahiga na siya and all. Part na ata ng body clock niya ang magmuni-muni bago makapaglakbay sa dreamland. Well, unless na pagod na pagod siya o antok na antok. Hindi na nga niya matandaan kung kailan yung naging mahaba ang tulog niya na hindi pilit. Basta trip daw niyang matulog at dinadalaw na siya ng antok kaso parang ‘di naman siya makatulog ng maayos.
Another secret niya na-reveal ay nang may makitulog sa kanyang Purple Nassau. What? Si Hoshi nag-i-sleep talk. Buti na lang, hindi siya ‘yong tipong nakakabuo ng sentence. Maximum na ang two words at nagigising na siya. Minsan lang din daw yun, siguro pag sobrang stress na siya. Pero sabi isa rin daw senyales yun ng anxiety.
Tinanong ko siya baka naman over na siya sa pagkakape. Sagot niya kahit nakakadalawang 3 in 1 coffee na siya sa maghapon. Inaantok pa rin siya. Okay fine! Naisip na lang niya ay baka gumugulo na naman ang ayos ng kanyang Purple Nassau at masyado siyang abala sa kanyang ipinopostrong sari-saring biz. Well aja, jia you y mas suerte na lang sa kanya. Nawa’y masolusyunan niya ang kanyang problema.
Ma, fara fo!
Mayo 17, 2009 at 8:35 umaga | In information, journey, sentiment | 12 CommentsTags: biyahe, bus, driver, jeep, pasahero, quotes, traffic, transportation, tricyle, viaje
Masarap umupo sa unahan ng jeep or FX. Okay na okay rin ang umupo sa tricycle kung saan sumasakto ang pwet mo at umiindayog kapag idadaan ng driver sa humps ang kanyang mga gulong habang ‘di naman malaman kung saan direksyon ipinapadpad ng hangin ang mga hibla ng iyong buhok.
Pero ang isa pang nakakanakaw ng eksena, bukod sa beautiful scenery ng traffic, ay ang tumatangong-tangong aso o tiger na display ni manong sa unahan. Subukan mong gayahin at tiyak hindi mo na mararamdaman ang traffic, kahihiyan na lang. hehehe.
Pero okay din ang mga drivers o may –ari ng sasakyan na sa tula inilalabas ang kanilang imahinasyon. Tamo, makakakita ka ng mga stickers na may caricature na babaeng nakabuyang-yang o guhit lang ata ang saplot sa katawan then may mga quotes pa.
“Basta driver, sweet lover”
“Driver na may bigote, magaling sa diskarte”
“Pag pangit doble (bayad), pag maganda libre, pag fungi patay (ads na ata ito)
Sobrang naaliw ako one time sa isang tricycle papuntang ecopark. Kabit-kabit talaga ang mga saying niya na nakapaskil at okay na okay ang mga rhyme huh! Sana lang nga eh nakunan ko ng picture.
Naisip ko tuloy, ganun ba ka… si manong. Pero in fairness talagang agaw pansin ang mga nakadikit na stickers. Pero teka pwede bang gumawa rin ako ng quotes para sa kanila?
“Driver na kaskasero sa kubeta ang diretso”
“Jeep na punong-puno ng pasehero, may driver na nakakalbo”
“Driver na ayaw magpasabit, galit sa may anghit”
“Pasaherong tutulog-tulog, nagdadrama sa konduktor” (teka pang bus pala ito)
“Gwaping na kasakay, kay manong gustong umakbay”
“Lalaking bumubukaka, nasisikipan ang kargada (hmmmp)
“Babaeng nanahimik, naninikip ang dibdib” (hmmp ulit)
“Taong maalahas, sa magnanakaw malakas ang hatak”
“BARYA LANG SA UMAGA, kung ayaw mong mabanas mag-hapon”
“BAYAD MUNA BAGO BUMABA, dahil ‘pag hindi itutumba ka” (joke!)
“Pasaherong aanga-anga at “ha ng“ha?’, may nakasukbit (kasi) sa tenga
“Ang nagmamadaling sumakay at bumaba, nanlaslaslas ng bulsa”
“Batang bulakbol sa pag-aaral, nagiging estudyante sa jeep” (charot!)
Yun lang!
Professional Pulubi….
Enero 22, 2008 at 1:16 umaga | In memory, places, problem, society, story, warning | 4 CommentsTags: actor, beggar, bus, caution, creativity, españa, lie, manila, moral, morayta, ortigas, places, poor, pulubi, quezon avenue, religion, society, transportation
Iminulat tayo na maging mapagbigay at maging mahabagin sa kapwa lalo na sa mga pulubi. Ang madamot, kuripot, barat at lalong-lalo na ang matapobre ay may karma balang-araw.
Sa paglipas ng panahon, hindi na lamang pangkaraniwang ang isang pulubi na may humpak na mukha, gutay-gutay na damit at marungis na itsura dahil kanya-kanya na sila ng pa-effect sa panlilimos ng pera.
Para sa akin, mas may dating ang mga kumakantang bulag sa bangketa. Binubuhay nila ang mga lumang kanta at magaling silang mangapa ng gitara. Aba, kahit naman siguro nagpapanggap silang bulag, mahirap din iyon ha! Props pa lang ay gumagastos na sila, sama na rin diyan ang boses nila na gumanda na siguro sa araw-araw na pagkanta.
Kaawa-awa rin naman ang mga taong namamalimos na kita mo na ang depekto. Sa amin may matabang mama na gumigitna sa blue and pink footbridge ni Bayani. Nakakatawag siya ng pansin dahil ikinakampay niya ang dalawa niyang kamay na actually mga braso na lang at halos kalahati na lamang din ang kanyang katawan dahil putol na ang kanyang mga paa.
Pero, subalit, datapuwat, sa totoo lang karamihan sa mga namamalimos ngayon ay parang hindi naman kapani-paniwala o walang k na bigyan ng piso.
Naaalala ko noong college, may ipinaskil sa kahabaan ng Lacson, España kanto ng UST patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ang mensahe doon ay ‘wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.
Sa apat na taon kong pag-aaral sa Maynila, samu’t saring kabulastugan din ang aking nakita sa mga namamalimos. Bago ka umakyat sa tulay ng Morayta, yes sa tapat ng McDo, may humarang sa akin na isang babae. Actually panggulat ‘yong style niya, kababa ko lang noon sa FX nang humingi siya sa akin ng pamasahe para makauwi siya sa kanila. Dahil mukha naman siyang kaawa-awa although pansin ko ang nipis ng kilay niya, ay binigyan ko siya ng pera.
Alam n’yo kinabukasan nakita ko ulit siya doon, ganun ulit litanya niya. Ano ba? Kulang pa ba ang isang araw para makaipon siya pang-uwi? Wala naman akong gana na tanungin siya kung saan lupalop ba siya pupunta .
Sa mismong tulay naman ng Morayta may isang matandang babae doon, na maganda naman ang pangangatawan, ang namamalimos. Minsan palakad-lakad siya sa kahabaan ng overpass o ‘di kaya nakapwesto sa hagdan patungo sa FEU.
Pansin ko lang ha, ganda ng pedicure niya kahit marungis siya at minsan naka-jollibee siya. Chuchal! In fairness sa pamantasan namin, wala namang obvious na pulubi siguro manggagantso meron. Hehe!!!
Naalala ko rin one time, dahil sa hirap ng pagsakay at katipiran ko, nilakad ko mula school namin hanggang Quiapo. May lumapit sa aking lalaki na okay naman ang itsura. Humihingi sa akin ng pera na para pamasahe niya pauwi sa Bulacan. Eh sa pagod ko ba naman at nagtitiis nga akong maglakad eh bibigyan ko pa ba siya.
“Kaya nga ako naglalakad, kasi wala akong pera,” sagot ko doon sa lalaki. Na tinanong pa ako ko kung anong course ko. Siempre sabi ko Opto. Wahaha… Opto kong wag siyang bigyan ng pera.
Sa isang part ng QC Ave. naman , kapag nahihinto ang jeep ay may mga kabataan na aakyat dito at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero saka hihingi ng pera. Kung alam lang nila, mas lalong dumumi ang sapatos naming mga pasahero sa pinahid nilang basahan. Noong una nagbibigay ako depende kung natanggal nila yung alikabok sa sapatos ko. Pero ngayon, iniiwas ko na sapatos ko o di kaya kahit punasan nila hindi ko na sila binibigyan ng limos.
Ginagawa na kasi nilang hanap-buhay iyon at minsan makikita mo pa ang mga magulang nila na nakatanghod sa ‘di kalayuan. Biro mo ‘yong bata nakikipagpantentero sa kalsada, sila presentable sa gilid ng kalye.
Mula naman nang pumasok ako rito sa Ortigas ay sari-sari na ring “pamumulubi” ang na-i-encounter ko at kadalasan type nilang sa Bus gawin iyon.
First entry, kahit hindi pa ako nagtatrabaho sa lugar na ito lagi kong nakikita ang mga kabataang aakyat sa bus na nagpapanggap na mga estudyante ng kung anong ewan na school. Hihingi sila ng donasyon sa pamamagitan ng papel (na naka-laminate na ngayon), minsan sobre, minsan din sasabayan nila ng mga paninda.
Second entry, mga member daw ng ganitong church. Tatayo sila sa gitna, pwedeng babasa sila ng linya sa bible saka mangangaral. Mamaya-maya magbibigay na sila ng sobre. Ayokong mag-isip pero grabe sila kung gagamit sila ng ganung style para lang kumita.
Third entry, isang lalaki na may sakit kuno sa balat at paika-ikang maglakad. Sasabihin niya dati siyang mayaman na waldas sa pera at naging gumon sa sari-saring bisyo. Hindi siya titigil doon, talagang mangungusensya siya sa paghihingi ng pera. May mga linya siyang bibitawan na parang ang dating ay “ang sama mo naman kung ‘di mo ako bibigyan.”
One time, habang lumalamon ako sa paborito kong mall sa commonwealth. May lumapit sa aking lalaki. Estudyante rin daw siya na humihingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral.
Kinausap ko siya ng masinsinan, tinanong ko kung saan school yun, sabi niya sa Emerald Ortigas raw. Sagot ko sa kanya, doon din ako. Yung school niya conservatory of music kuno. Tinanong ko ano ang tinutugtog niyang instrumento sabi niya gitara. Tanong ko acoustic, iba ang sagot niya.
Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang i-feature ko siya o ang school niya para mabigyan sila ng exposure. Hindi siya makasagot, pero halata mong ayaw niya. Tinanong ko s’ya kung totoo ba ang iyong telephone number na nasa papel na ibinigay niya. Sabi niya oo.
In the end, binigyan ko s’ya at saka niya inupuan ang ibang costumer para hingan din. Nandoon pa siya ng tawagan ko yung number na binigay niya. Tama ang aking hinala, sinungaling siya. Bakit ko binigyan siya kung alam ko na eklabu lang niya ang kapapelan? Gusto kong makita ang reaksyon niya sa lahat ng tanung at tulong ko.
Nakita ko siya ulit doon sa lugar na iyon. Sa pagkakataong ito naman, yung ate ko ang nilapitan niya. Sa harap niya, sinabi ko sa ate ko nanloloko lang ‘yan.
Alam n’yo kahit marahas magsalita si Manang Juling sa mga humihingi ng limos sa kanya…ang usual niyan linya… “ang laki-laki ng katawan mo, hindi ka magtrabaho, maglabada ka!” eh pasok talaga sa banga!.
Mas tamad pa sa mga sinasabi nilang GRO ang pagkukunwaring paglimos. Bukod sa hindi convincing ang acting, ay mas lalong nawawalan ng effort ang mga Pinoy na magbigay ng limos.
Paano mo nga naman malalaman kung genuine o professional pulubi ang nangangalabit sa iyo?
Head to Toe presents “Bad Trip”
Nobyembre 29, 2007 at 5:48 umaga | In journey, problem, warning, women | 10 CommentsTags: bus, caution, harrasment, journey, letter, passenger, problem, sleep, transportation, trip, warning, women
Head To Toe by Ate Jevz Ikling-Jaba
Dear Ate Jevz
Hello po Ate Jevs, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kapag nabasa ninyo ang aking liham. Hindi ko po akalain na pati ako ay susulat sa inyo dahil sa aking karanasan at problema.
Kahapon lamang ay talagang literal na bad trip ang aking biyahe, papunta’t pabalik sa aming bahay. Kapag papasok po ako sa opisina, sumasakay ako sa FX para kumportable at hindi na ako lalakad. Dumadaan po kasi mismo sa harapan ng aming building yung mga FX na sinasakyan ko.
Kahapon ng umaga, nagkataon na sa unahan ako napaupo. Kung tutuusin isa yun sa magandang puwesto pero hindi ko yun naramdaman. Ganito po kasi, ugali ko ang matulog na lang sa biyahe kaysa tumingin sa mga kapwa ko pasahero. Minsan kahit hindi naman ako inaantok, pinipikit ko na lang mata ko.
Itong babaeng nakatabi ko ay payat naman di hamak sa akin kaya ako na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman sa kanya at baka ukupado ng rich behind ko ang aming inupuan. Feeling jackpot naman ako dahil naabot ng aking ulo iyong sandalan. so feeling ko ulit okay na ang lahat, medyo naiidlip na nga ako, aba itong katabi ko, panay ang kislot. As in hindi mo siya pwedeng ipagwalang bahala.
So ako although, nakapikit pa rin ang eyes I tried my best na umusog pa, although feel ko na rin yung cambio nung fx. Aba, etong babaeng ito wala pa ring tigil, so dumilat na ako malapit sa medical city.
Tiningnan ko yung babae, walang hiya! Natutulog din pala, malikot lang. sumasandal-sandal pa sa akin.
Nung uwian naman po ay sumakay ako sa bus, kasama ang bago kong ka-opisina. Dahil wala ng maupuan dun na kami sa pinakadulo naupo. Sa totoo lang, may phobia na ako sa pag-upo sa parteng yun dahil may masilumuot na akong karanasan dun pero dahil may kasama naman ako kaya carry lang.
Maya-maya may nakitang kakilala ang ka-opisina ko at doon niya pinaupo sa tabi niya. Tas maya-maya pa ulit may umupo naman na Mama sa tabi ko. Napansin ko na lang panay ang kampay ng binti niya sa binti ko. Siempre deadma muna ako sa umpisa nakikiramdam. Baka naman kasi nangangati yung binti niya o ‘di kaya ay nasisikipan siya at naiipit yung ”twit twit” niya.
Nung as in panay na, pumadyak ako. hindi pa rin siya tumigil, nagsabi naman ako na “ nasisikipan po ba kayo?” ang kaso ang umusog e, yung ka-opisina ko.
The whole time madaldal naman kami, kung matino yung mama alam niyang pinag-uusapan naming nung ka-opisina ko pati na yung kaibigan niya na kung saan kami nagwo-work, hindi pa siya ninikawan ng ulirat nun.
Gusto ko ng patulan, kung baga kukuha lang sana ako ng back up sa kasama ko, kaso ayaw ata ng gulo. So nung nakakita ako nung bumaba sa may unahan, kumaripas ako ng lakad papunta doon.
Siempre feel ko harassment yun pero pumasok din sa kokote ko baka style niya lang yun para lumayas ako sa tabi niya dahil nasisikipan siya. Pero tingin ko pang waluhan yun eh anim lang kami nandoon, kahit na ba may dalawang mataba dun, imposibleng kasikipan at naiipit lang yung twit twit niya kaya panay ang kampay ng binti niya.
Nakakainis po talaga, dahil gusto ko lang ay matiwasay na viaje taz gaganunin ka. Yung sa babae nakakapika pero mapapagpasensyahan ko pa yung sa lalaki talaga ang nakaka-bad trip.
Actually, hindi ito ang first time na feeling ko na na-harass ako, may ilang beses na rin.
Siguro mula ng mag-work ako ditto sa ortigas, may tatlong beses na rin at lahat sa bus.
Una yung, lalaki kunwari tulog pero yung kamay lumalakbay malapit sa hita ko. Nilabasan ko nga ng pamatay kong patalim .14 o katorse (yung sa nail cutter), pinagsabihan at ito ang matindi pag baba ko pinasabugan (pohhhhh) ko siya hahaha!!!
Pangalawa yung matindi, as in yun ang dahilan bat ayaw ko ng pumuwesto sa likod. In your face naglalakbay yung kamay ng lalaki sa bandang tiyan ko. Timang, ata eh, ako hindi ko ma-appreciate yung bel-belly ko siya natatakam. Tinignan ko siya ng matalim, eh iba yung reaction niya kakaiba. Binelatan ako, “pusang ina!!!” baliw ang “tostado.”
Nakakaasar po talaga ate Jevz, nakakabastos na talaga. Bad trip!!!
Banas na banas,
Conchita Macaspac
Reply:
Dear Cochi,
Tnx sa pgsulat u sa column me!
Azar tlga ang mga eksenang ganyan, but if I wer u kung grl lang eh, patient k n lng. E kung sa mrt n nga lng siksikan dun pero w care ang mga babes.
Sa guys ka mag-churva… pg my chnce cla 2 attack all out ang mga hitad. Jst b brave and ipaglbn ang ung ryt. Wag k n lng umupo sa pinaka-bck ng bus ksi mrami ngang mga toasted (Tustado) dun at motherly cat(pusang ina)!
Tc and Gbu!
Ate Jevs
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.

