Hoshi’s second official statement

Oktubre 3, 2009 at 10:59 umaga | In emotion, favorite, journey, relationship, self, sentiment | 74 Comments
Tags: , , , ,

Dalawang taon na kami at lalong akong napapangiti. Mas marami kaming nakikilala at nakakakwentuhan. Ngayong taon, umabot na sa lagpas 18 libo ang nag-toktok sa aking Hoshilandia at patuloy na dumadami pa ang regular na bisita o bumibisita. Siyempre nangunguna na riyan sina VF, Len, Brainteaser, Dpuge,Kuya Blue, Kuya Sandi, Precious, Joyo, Sows, frenchy, iceorg, cute, salbehe, tuutuuki, flamindevil,anak ng pating, tito Jason (salamat nga pala sa kanya kasi tinanggap niya akong pamangkin) at RAFT3R!

Yes nagni-name drop ako kasi gaya ng sinabi ko noon ay piling-pili ang nailalagay ko sa blogroll ko – yung regular na bisita, regular kong binibisita at tingin ko interesanteng basahin ang blog talaga. Pero siempre nami-miss ko rin yung iba at kahit ‘di ko sila napangalanan, mananatili silang part ng aking balwarte. Hindi ko na rin mabisita kasi yung iba at nagba-blog lang talaga ako pag may naisip at oras. Naku di ko pa nga pala na-a-add sina sows at flamindevil hehehe sorry sa ibang pc ko na gagawin (bagal dito eh)! Saka sama na rin natin si living stain, shynyrd at blog ong.

Sa ngayon, kasama ito, ay umaabot na sa 143 ang aking nilathalang kwento at paniniwala. Salamat doon sa mga nagko-comment, especially doon sa mga napadaan lang talaga, hi Liu, jube, Erika, random student etc.! Sana yong iba sa inyo ay makakwentuhan ko pa. Saka nga pala, kadalasan ng binibisita kong blog ay yong nagustuhan ko lang talaga. Hehe (pero medyo bias ako sa iba ha!). Madalas ay nagko-comment din ako sa mga interesante ang post kahit kanino pang blog nakapaskil ‘yon.

Thank you-thank you din sa mga dumadaan kahit di nagko-comment. Okay lang yon, ang importante naman ay nakapag-share ako ng impormasyon at nakakapukaw ng kamalayan, minsan nga lang ay may kalokohan. (Pero pwede naman na kayo mag-rate na lang di ba? at mas maganda comment na rin, total nag-rate ka na rin lang eh. hehehe)

joyo loves my blog, yehey!

joyo loves my blog, yehey!

Alam nyo bang napapangiti rin ako pag napapasama ako sa fastest growing blog at nagta-top ang aking post. Pero iba pala pag napapansin ka mismo at ibina-blog ka ng ibang sikat na blogger. Dito, pinapasalamatan ko si Joyo na pinili ang aking post na “When There’s Sonata” sa isa kanyang nagustuhang blog noong July at kay Blog Ong na binanggit na sikat daw ako o ang hoshilandia sa Pinoy blog world. Yehey!

Sa ngalan nina ate jevs at pupu company, muli ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat! In short, I thank you bow!

Sensible Diversion

Abril 2, 2009 at 6:45 umaga | In entertainment, information, journey, self, story, work | 18 Comments
Tags: , , , , , ,

Siguro may ilang beses ko na rin sinabi, kung anu-ano ang dahilan kung bakit ko napagdesisyunan na mag-blog at kung bakit ang haba-haba ng blog name ko hahaha! And so far naman, eh I’m so glad sa pangangalikot at paglilibot ko dito sa Hoshilandia kasama ng aking mga online buddies, regular visitors, regular columnist (si ate Jevs…hehehe) etc, etc.

Pero siempre ang talagang nagpapasaya sa akin ay ang true essence ng blogging – ang malayang pamamahayag. Sari-saring ideya, paksa at kalokahan ang napo-produce (teka baka magbalik na ang Pupu series… may excited ba?).

Karagdagan pa d’yan sa mga kasiyahan na ‘yan ay nang makapag-contribute ako ng mga articles na mula mismo sa aking three entries dito.  And take note po, hindi lamang po ito for local newsletter kundi pang international magazine pa, saya da va!  Of course may konting rewriting & editing na naganap especially in English yung sa magazine.

sensible-diversion-1b

hitokrihoshi 1

1.Mula rito… ito na ->

sensible-diversion-2b

hitokirihoshi 2

2.mula rito…   ito na ->

3.mula rito… ito na ->

hitokirihoshi 3

hitokirihoshi 3

Thank you nga rin pala sa mga opismit ko na na-a-appreciate & nag-suggest na gamitin ko ang mga posts na ito at sa EIC nung magazine siempre… From medyo kalokohan na entry naging formal article ito…

Mabuhay!

Feliz aniversario ka-Hoshilandia!

Oktubre 8, 2008 at 8:45 umaga | In emotion, journey, relationship, self, story | 20 Comments
Tags: , , , , ,

ONE year na ang KWENTOTPANINIWALANIHITOKIRIHOSHI (long for hoshilandia) noong October 3! Sa sobrang busy, gustuhin ko man na kumpletuhin ang entry na ito sa mismong araw na iyon ay hindi ko nagawa. Huhuhu! (sa totoo lang dami ko pang draft na hindi matapos-tapos.)

Anyway, nakakatuwa naman dahil sa loob ng isang taon ay nakapag-post ako ng mahigit 60 entries, kinatok ng lampas  apat na libo, nagkaroon ng mga online buddies, naka-attend sa wordcamp, nakatanggap ng sari-saring comments na talagang nakakapagpangiti sa akin at nakapasok na rin ako sa
Top Posts from around WordPress.com at Fastest Growing WordPress.com blogs. (Kanina lang nag-check ako nakita ko ulit blog ko rito. yahoo!)

Masaya ako ‘pag may nakakapansin sa blog ko esp. sa di ko naman kilala. Well, dahil na rin iyon sa hindi ko naman masyado in-advertise, mabagal akong mag-post ng bagong entry na madalas ay madrama,  minsan ay mga kalokohan  lang at may panaka-nakang pagbugso ng kaseryusuhan.

Siempre gusto ko rin batiin si Ate Jevz at ang aking mga ka-PUPU dahil nakakailang kwento’t paniniwala na rin sila di ba? Iyong mga avid viewers and commentators ko. Sa mga friends ng mga kaibigan ko talaga, mabuhay kayo (oo  Sherma, Raft3r and VF kayo yun!)… sarap ninyong kasagutan, swear!

Sa mga batikang blogger na nagbibigay sa akin ng panahon (yes ate kengkay, mangbadoy, papertilapia, artinformer, aling baby, geisha, pelicarol, etc.). Sorry dun sa mga nakakaligtaan kong ilagay sa blogroll.  Kasi depende  ‘yan kung type ko ang blog ninyo o kung gaano kayo kadalas sa hoshilandia ( oh ‘di ba may requirements). Pero happy ako roon sa mga napapadaan lang pero pabalik-balik naman.

Siempre special mention sa aking thank you entry para sa anniversary ng hoshilandia ang aking blog mentor na si gumamelang malikhain at masulat – avi canale.  Siya po ang sisihin ninyo kung bakit may hitokirihoshi na umeeksena sa wordpress. Siya rin ang susi kung bat nakapagpa-picture sa akin si Mr. WordPress hahaha!  Salamat din sa mga regular customers ko rito na sina pinkleng-lengstorymachine tonet, hot momma DyeseTet, nawawalang Kuya Obet… doon sa iba na kunwari ay ‘di tumitingin pero regular naman na nagbabasa, thank you na rin. Pero alam ninyo mas maa-appreciate ko ang presenysa ninyo  kung marunong kayong mag-comment. I thank you.     Hehehe

Dahil may pahintulot na ako ni ate jevs, ire-reveal ko na ang lihim… lihim kung bakit mahaba ang url and blog ko…. Sa totoo lang na-amaze ako na makita iyon na nakalagay sa wordcamp I.D ko. Feeling ko kung may contest ng pahabaan ng blog and url name, panalo na ako. … okay bakit nga ba?  Kasi noong una ay ayokong i-share sa iba na meron na akong blog.   Kung malaman man nila, hahayaan kong mahirapan sila sa kaka-type.

Pero di naglaon ay naisip ko na pati ako nahihirapan na rin.  Ang nakakatuwa lang ay kahit ganoon,  may dumadaan pa rin. Saka madali namang i-recall di ba ( oo ikaw VF ang tinatanong ko.. hehehe. ang hitokiri nga pala po ay “slasher” sa salitang Hapon) hayaan ninyo, mas magiging open na ako.   Lalo pa’t napag-alaman ko na takam na takam sa local info… (yes hindi po hard news) ang aking mga readers  (hahaha may ganun!) mabuhay!

Wordcamp 2008: for healthy & wealthy blogging

Setyembre 7, 2008 at 3:07 hapon | In places, society, story | 41 Comments
Tags: , , , , , , , , , , ,

Socialization and information, ang pinaka-point ko kung bakit sumama ako kina Avi at Sherma na magpunta sa wordcamp ng wordpress kahapon, September 6.

Kung tutuusin past time ko lamang ang pagbaba-blog at outlet para maipahayag ang aking mga sentimiento. Masaya ako na marami ang nagbabasa ng blog ko at kapag may nagko-comment, lalo na’t hindi naman ako gaanong nag-e-effort na i-promote ito o sumulat ng paksa na hindi ko naman type. So bat pa ako pumunta sa gathering na gaya ng wordcamp?

In fairness, worth it and ibang experience ang event kahapon. Sa rami ng pwedeng pasukang silid para makinig sa mga lectures, ay nakatatlo lang kami . Iyon ay bukod sa pinaka-highlight na kung saan ibinalita ni Mr. WordPress Matt Mullenweg ang latest at study nila sa mga bloggers ng wordpress.

May isa lang akong pinaghihinayangan na ‘di nabutan ‘yon iyong sinundan na lecture ni Mr. Danilo Arao. Subalit, ang makinig sa “Blogging and Journalism in the Philippines” ni Mr. Arao ay isang malaking bagay para sa akin. Nabigyan niya ako ng overview sa pagitan ng pagba-blog at journalism. Ano nga ba ang lakas na magagawa ng simpleng pagbibigay ng impormasyon sa internet, partikular na kung haka-haka lamang ang naisusulat? Kung ang mga journalists ay may sinusunod na code of ethics, aniya, dapat ganon din ang gawin ng mga bloggers.

Subalit, napaisip ako na teka karamihan pala ng mga posts ko ay may pagka-personal at medyo kalokohan. Magkagayon man, alam ko na naka-stick ako sa aking principles. Hindi ako nagba-blog para mag-report ng balita at basta-basta magbigay ng opinion. Nasa side ako ng journalism na to entertain and to persuade public opinion. May paksa na gusto kong talakayin na maaaring makapukaw ng kamalayan at interes ng mga mambabasa, sa paraang nasa-satisfy ako. I love Psychology and sociology!

Pero definitely, tama si Mr. Arao sa kanyang mga tinuran. Type ko ‘yong Barong na suot niya (proud Filipino talaga!), ang paraan niya ng pananalita (“your favorite justice secretary!) at ang pagtalon-talon niya sa harapan… hehehe! (iyon talaga!)

Okay din ‘yong kay Mr. Oliver “Blogie” Robillo, “Building a Blogging Community.” Sa kanyang part napagtanto ko na pwede talagang maging channel ang pagba-blog para magkaroon ng boses at palitan ng impormasyon ang grupo ng mga tao na may iisang adhikain. Plus point pa rito iyong kanyang pagbabahagi sa tunay na kalagayan at persepsiyon ng media at ng mga tao tungkol sa Mindanao.

Sayang rin iyong unang lecture na pinuntahan namin, na di namin nasimulan, kasi maganda yung pinatutungkulan niya na may kinalaman sa paglalagay ng goal at pagtupad sa pangarap sa pamamagitan ng blog. Actually, may kinalaman dito ang iba pang speakers sa auditorium. Anila, may pera rin sa pagba-blog at malayo ang mararating ng isang blogger kung kanyang seseryosohin ang kanyang ginagawa. Hindi nga ba’t marami ngayong job opening para sa mga web designer at web content writer.

Bagaman, pinalaking bata sa label ng Alaska ang tingin ko kay Mr. WordPress Matt Mullenweg, tuwang-tuwa ang mga tao sa kanyang mga balita. Hindi ako tech-savvy eh pero thanks sa kanya dahil may wordpress at may blog ako.

Sa kabuuan tatlong bagay ang iniwan sa akin ng wordcamp

  1. maging responsableng blogger
  2. gamitin sa tama ang mga bentahe na naibibigay ng blog
  3. may kita sa pagba-blog

sana next year maka-attend ako ulit at manalo ulit ako, yong mas malaking premyo naman. Hehehe!

note: yung pix dito na lang.

Head to Toe: Sparkbook

Mayo 25, 2008 at 2:27 hapon | In dream, emotion, journey, problem, self, work | 4 Comments
Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

Dear ate Jevs,

Nai-inspire po ako na gumawa ng scrapbook dahil na rin sa impluwensiya ng aking isang ma-pink na kaibigan. Ang dami-daming ko pong ideas pero nito ko lang po naisip na bakit ‘di ko simulan sa mga photos or things na magbibigay sa akin ng inspirasyon o yung tinatawag na sparkbook po, ayon nga sa isang website na nakita ko po.

Excited po akong simulan ang aking sparkbook, in-organize ko na lang po ang mga gagamitin ko at kung paano ko ilalagay ang mga iyon. Kakaisip ko po, dumating ako sa point na ‘teka ganito na pala nangyari sa mga pinagarap ko po noon at ano nga ba ang gusto kong gawin five or ten years from now.

Na-realize ko po na may mga bagay na kung ano yung ginusto ko po, yun ang nangyari at may mga type ako pero iba ang ibinigay sa akin. Halimbawa, may isa akong gustong-gusto na company na pagtrabahuan nun pero ang nangyari po, sa kalaban nun ako napadpad.

Parang ano po, yung mga natupad kong pangarap, talagang pinaghirapan ko po talaga. Sa start, lakas loob lang hanggang sa ipupursige ko na po kasi kailangan ko nang pangatawanan. Gaya nung kunin ko ang course ko. May iba po kasing gustong ipakuha sa akin yung family ko po.

Minsan naiisip ko po na, ano ba talaga? Yung pangarap ko po ba kailangan kong ipursige o hayaan ko na yung fate or destiny na lang bahala?

Gumagalang,

Karerina Go

Dear Karerina,

Naku iha! Tlgang nkka-aliw ang mga gnyang kbgayan, from diary to blog and scrapbook ay talagang maganda to express urself. Parang type ko na rin gumawa nyan.

Anyway, ur ryt sa iyong sentiment re sa mga dreams. But I think sa ganyang area may mga things na need mo tlgang pghrpan and may iba na ipaubaya mo n kay Lord! Just do ur best and hayaan mo sya ang gumalaw for u.

In a wei mllaman mo rin kung umbot k n s end pra i-pursue p ang type mong gwin. I remember yung isa kong na-interview na directress sa isang reputable school sa Makati. Ang claim niya , “enabler” daw siya. “I don’t want to wait for things to happen, I make things happen,” sabi pa nya s ‘kin I admyr that woman, knwing din her humble beginnings.

So don’t give up sa iyong mga endeavors, I think bata ka pa kaya go lang ng go!

Ate Jevz

bat ako magba-blog?

Oktubre 3, 2007 at 9:11 umaga | In story | 7 Comments
Tags: , , , , , , , , ,

At bakit naman hindi?  

  1. may paglalabasan ako ng sama ng loob
  2. maku-kwentuhan ng mga istorya ko sa buhay
  3. baka gumana ang pagiging creative ko
  4. para in ako sa  mga friends ko. Lahat kasi sila mayroon na ako na lang ata ang wala.
  5. nahihilig na rin akong magbasa, eh di dapat magsulat na rin. Soon baka pwede na ring magsalita.
  6. baka may mabingwit akong additional friends
  7. para makatulong ako sa mga nawawalan ng ideas
  8. para pag wala akong testi sa friendster at multiply, eh may pagbubuntunan akong iba.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.