Confession: His name is Lex

After ng matagal kong pakikisama kay SM at panaka-nakang pakikipag-ulayaw kay SW, ay may bago na akong kinahuhumalingan.

At tila mas malakas ang tama ko kay Lex kasi every time na kaharap ko siya nakakalimutan ko ang oras. As in wala akong reklamo kapag napupuyat na ako sa kanya.

Alam ko namang dapat ay maging mature ako at dapat magkaroon ng priority sa mga bagay-bagay pero para siyang may batubalani, hindi ko mapigilan ang aking sarili na siya’y hanap-hanapin. Minsan isinasantabi ko na iyong panonood ko, iyong kailangan kong basahin, at iyong kailangan kong trabahuin.  Iba e ‘pag siya ang kasama ko, ang dami kong nadidiskubre at ang dami kong natutuhan.

Minsan natatakot na ako kasi ma-adventure si Lex, nai-intimidate ako sa lakas ng loob at talino niya. Hindi siya mayaman pero kaya niyang magkaroon ng ari-arian dahil sa diskarte niya.  At kakapalan ko na ang mukha ko na sabihin na magagawa niya iyon pag kami ang magkasama. Handa akong sumabay sa mga adventures niya at alam kong makakamit namin ang aming mithiin kapag kaming dalawa ang magka-partner. Oh da va!

Hay… basta I don’t care kung hanggang saan kami basta ang alam ko ay hindi ko siya bibitiwan kahit magalit pa si Manang Juling! Remember his name is Lex!

Note:

Gusto mo malaman kung sino  sina SM and SW?

ang paglalakbay ni PooPoo’ng Yagit

ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes

Ehhh… ohhhh… (tumulo ang pawis) puroroooot !!!!

Plookkk!

Iniluwal si PooPoo’ng Yagit sa likod ng halamanan.

Iniwan pagkatapos makaraos ng kanyang iresponsableng lumalang

Aba man ang kalagayan sa mamasa-masang damuhan,

Umaasa siyang sa bandang huli …

“Someday, aahon din ako sa lusak! “

 

Sniff .. sniff arf arf arf..

Sa wakas may nakapansin na kay PooPoo’ng Yagit

Siya si Brownie, na kanina pa pagala-gala

Sa hindi inaasahan,

 

Swis sis sis.. BHok… ewikkk.. tagoink

Inihian na ni Brownie, inapakan pa si PooPoo’ng Yagit

Katawan niya’y napepe, nahati at kumalat

Kumapit si PooPoo’ng Yagit sa 2 talampakan ni Brownie

Isinama siya nito palabas ng hardin ng zoo

Subalit, pagdaka’y ikinaskas din siya nito

Kawawang PooPoo’ng Yagit, balik damuhan ang drama

 

Ummmm ahhh… ummmm boink, tungekk…

Nagdilim ang paligid ni PooPoo’ng Yagit

Dalawang nilalang ang sa kanyang tumabing

Shaks, shit, iwww!!!

‘di natuloy ang kaligayahan ng dalawang kumag

Si PooPoo’ng Yagit, sa damit nila’y nanikit

 

Epilogue:

Wuhuhuhu…

Balik sa birthplace ni PooPoo’ng Yagit, unti-unti na siyang naninigas

Ang katawan niyang ‘di na buo ay nag-iiba na rin ang kulay

Ang ulap ay dumilim, maya-maya ‘y bumuhos ang ulan

Paalam PooPoo’ng Yagit, kasawian mo’y tapos na