Mga Imbak na Marka: action films

Mabahong Action

Bago pa sabihin na unti-unti nang natitigok ang movie industry ay kapansin-pansin na nauna nang nabaon sa hukay ang mga action films. Wala na ang mga blasting, ang mga nakakatakot ng pagmumukha ng mga goons, ang mga pa-tweetums pero nagpapa-sexy na leading ladies at ang mga maaangas na bida na kadalasan ay naka-leather jacket na itim.

Siempre dagdag pa sa naging dagok dito ang pagpanaw ng tinaguriang Da King ng action films sa bansa na si Fernando Poe Jr., ang kaisa-isang actor na kinikilala kong action star. Pero bakit hindi natin buhayin ang mga pamatay na linya nila di ba? Yun nga lang medyo mabaho ang dating.

Akin ang Trono

Eksena: Nagtutukan ng baril sina Pupung Wagi at si Pupung Pugak. Pareho nilang kini-claim na balwarte nila ang trono.
Pupung Pugak: Hindi mo makukuha ang inidorong ito! Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay.

Pupung Wagi: Puro ka satsat este hangin, tapusin na natin ito (puro-rot-rot!)

Matira Matibay

Eksena: Patuloy ang bakbakan sa pagitan ng grupo nina Pupung Sawi at Pupung Yagit. Gustong patunayan ng bawat isa na sila ang malakas.

Pupung Sawi: Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, tae ka!

Pupung Yagit: Oo ngayon na natin mapapatunayan kung sino sa atin ang masasawi, loser!

Isasama kita sa hukay

Eksena: Galit na galit si Pupung Wagi dahil trinaydor siya ni Pupung Yagit. Dahil kasi ditto ipa-flush na sila ng Janitor.

Pupung Wagi: Akala ko ang ahas nasa gubat, meron din pala sa kubeta

Pupung Yagit: Ang hirap kasi sa iyo, akala mo di ka tae. mahilig kang mag-Trust. Ang lagay ba ay ako lang, siempre isasama na kita sa hukay (pusong negro).

Janitor: Grabi man mga ini daku-daku, hay pastilan!

Para sa iyo, lahat gagawin ko

Uu: Natatakot ako Doro, pakiramdam ko malapit na tayong magkahiwalay

IniDoro: Lahat gagawin ko, kahit buhay ko isasanggalang ko para sa iyo kahit kailan, kahit saan.

Uu: talaga Pups?!…

(Eh dumaan ulit yung Janitor, nag-flush)

Janitor: lentek di naman ni-plus tung toilit, bweset (grrr urf urf)

IniDoro: Uu!!!!!

Tiagong Pupu

Tiagong Pupu: Hangga’t hawak ko itong magic kwintas, kawawa ang hahara sa aking daraanan. Hehehe. Humanda kayo Pupung Sawi, lintik lang ang walang ganti!

(sinusubukan na ni Pupu na dumaosdos sa Inidoro nang may…

Mr. Janitor with Mr. Clean and Mr. Muscle: I’m no body, no body, no body but you. Nandaren sarameun silheo nigaanimyeon silheo, I want no body, no body, no body…

Agoy! finish na rin sa wakas!