Mga Marka
Matagal-tagal na rin pala akong ‘di napadpad dito. Bukod sa abala sa totoong buhay at maraming inaasikaso ay aminado akong mas nabibigyan ko ng atensyon ang hoshilandia.com ko. Pero hindi pa ako bibitiw sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi, dito ako nagsimula at dito ako totoo. Dito ako loka-loka at dito rin ako emotera. Dito ko kayo nakilala at dito ko n’yo rin ako unang nakilala.
Kung iba late, ako uunahan ko na at puwede n’yo akong batiin. Apat na taon na ang blog kong ito sa October 3 na kung saan nabuo ang aking Pupu series at nakasama si Ate Jevs. pero hindi mo na ako e-emote gusto ko muna bigyan ng highlight ang title. Ang inspirasyon nito ay mga nakakasalamuha kong mga bata at ang naitago kong ginupit na artikulo noon na ngayon ay baka ipamigay ko na, hehehe!
Napansin ko sa aking sarili na ako ay mabilis na mag-mature hindi sa pisikal (walang aminan siempre) kundi sa pananaw ko sa buhay (maniwala ka promise). Subalit, hindi ibig sabihin na ang taong mabilis mag-mature ang pag-iisip puro benefits. Pag masyado ka kasi nakatingin sa future may nahahakbangan ka na ‘di mo pala dapat na kinaliligtaan. Pero kung tatanungin na nga ako ng tanong na if you could turn back time…(that means pakilamera ako sa oras) what would you tell to your younger self? Hmmm.
“Huwag kang maging mahiyain, huwag kang matakot at tama ka!” Hindi naman sa pang-aano pero wala naman akong gaanong pinagsisihan o kahit gusto pang balikan. Naglalaro ako, nahilig sa anime, nagkaroon ng mga kaibigan, at nag-aral nang tamang mabuti. Naniniwala ako na kung inayawan ko ang isang bagay o isang tao noon, kahit tila ito sana ang naging dahilan ng pagkakaiba ng pamumuhay ko ngayon, ay hindi ko dapat panghinayangan. Kung iyon ba ang naabot ng utak ko noong panahon na iyon e, eddie ganoon. Kung iyon ba ang tingin kong dikta ng puso ko, eddie iyon. Ang aral naman sa buhay ay hindi isang click, heto na. Nasa paglalakbay yan at panahon na iyong ginugugol.
Siyempre wala namang perfect at may mga wishes ka na gustong manyari. Pero bawat bagay o tadhana na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ay malamang na malamang ay may purpose kahit parang stressing and hurtful initially. Hindi ko makikita ang magandang bagay, kung hindi ako nakakita ng pangit. Hindi ko hahangarin na magtagumpay kung hindi ko naranasan na maging loser! Pero bawat stage ng buhay ay dapat naaayon dahil may oras ang mga ito. Sana ma-realize ito ng mga kabataan na ang aaga-aga ay puro pang-matanda na ang inaatupag. Hindi porke ginagawa ng matatanda ay “in” at ‘yon talaga ang gusto ninyo sa buhay.
wala na
may kinikilingan ka
may favoritism ka sa blog
hehe
ako mas gusto ko dito kesa sa jr mo
iba na kasi ang orig
naks!
ah ganun ba… oh well pagninilayan ko ang iyong komento. kung paano at saan mo hinuhugot ang iyong rason. buhehehe!
teka, teka
bakit dalawa-dalawa pangalan ko sa first comment?
=(
aba-aba ewan ko sa iyo…masyado ka kasi atat. buhahaha!
hello, hoshi! maligayang ikaapat na kaarawan sa iyong blog. sana ay magpatuloy at lumawig pa ito. siyanga pala, maganda ang bago nitong lay-out. malamig sa mata…
hmmn… magkaiba ang hoshilandia.com at ito. ang dot com mo, gusto ko yong puntahan dahil mas easy access, hehe. mas fast-phased rin iyon usually, mas youth-oriented at mas may commercial na content, ahehe…
ito namang kwento’tpaniniwala, para sa akin, for some reason, mas mahirap puntahan, ahaha. subalit i’d say na mas marami ritong inputs na elaborated kaysa sa kabila (kung saan cut into digestible pieces ang inputs), mas informative generally ang content at naandito ang mas introspective at mas self-aware (self-aware daw, may gano’n?) na hoshing nasalubong ko sa blogosphere.
ah, yes, you seem to have grown, my dear. tsaka, tila di naman ikaw ang tipong ma-regrets, hehe… saka, bata ka pa. pang-matanda na ang regrets and frustrations. malayo ka pa roon.
well wishes sa iyo and regards!
napakaganda naman ng comment mo dito! salamat-salamat!
thank you rin at binigyan mo ako ng objective comment about sa 2 blog ko. minsan kasi hindi ko na rin mapag-iba ang dalawa. buti at kapan-pansin pa rin na pinipilit ko na may kanya-kanya pa rin ang mga ito ng characteristics.
oo bata me at kahit hindi compare sa iba, may bata pa rin sa pagkatao ko. hohoho!
kung nakakalimot kailangan mapaalalahanan. kung sumusobra naman dapat masabihan ng bongga.
salamat sa iyong pagtambay dito, isa ka sa maraming rason bat hindi nawawala ang passion ko blogging. mabuhay!
whooops! sakto ang punta ko sa celebration. happy 4th year anniversary sa blog mong ito, hoshi!
learning and regrets. kasama yung nagpapatibay ng experience. mas mabuti na konti yung regrets mo, natutuwa akong malaman yun. isa pa, you seems to figure out many things at talagang nag advice ka na rin sa mga kabataan,haha! sobrang nag mature ka na nga yata.
mag enjoy ka pa lalo sa maraming bagay at matuto. yung mga lugar at pasyal na madalas mong i-share, lagi mo yung pagpatuloy.
ulit, happy 4th year anniversary!
salamat sa iyong pagbati kuya duking!
hindi naman ako sobrang mature, parang tama lang hehehe. may pagka-isip bata pa rin naman. hahaha. gusto ko lang i-impart sa mga kabataan na sana i-act nila kung ano ang age nila.
sana manawari yang mga kahilingan mo sa akin. Salamat at naa- appreciate mo ang aking paggala at pagtsika ng aking mga kabagayan sa buhay!
happy anniversary din sa ‘yo co -blogger
Comment link to http://www.facebook.com/photo.php?fbid=2104695332735&set=p.2104695332735&type=1&theater
wahhh gandah! ilalalagay ko ito sa next post ko!
wow congrats hehe
naalala ko dati dito mo yta pinost yungtula ba yung bgo ako magbday, ung nasa barko ako nun hehe
more power sa blogging
at maraming salamat kasi dahil sau nhilig din me sa blogging hehe
tc ( ”,)
salamat sa iyong pagbati at suporta Syngkit!
Oo dito nga iyon.
Isang achievement na sa akin ang maging mag-blog kang masaya.
mabuhay!