Mga Marka

Mahilig ako sa t-shirt at mas mahilig ako sa dark colors –  black at blue pero okay din sa akin ang tamang tingkad na green, orange, and purple.

Uulitin ko ng uulitin ang pagsuot ng t-shirt basta nalabhan (naman!), komportableng suotin, sakto ang size sa aking pumapayat ng katawan at like na like ko ang designs.  Para rin kasi sa akin, iba yung pakiramdam at aura mo kapag komportable ka sa suot mo. Ready ka to face the world, mabuhay!

Kaya naman kairita lang na mangupas, mamantsahan o kaya ay mapunit. Hindi naman puwedeng ipang-aalis mo pero may mga bagay na ‘yan. Casual na casual lang ang dating na tipong mamalengke ka at go-go-go matilamsikan ng putik o ng tinatadtad na dilis, puwede rin na gaya ng mga nagpi-paint sa wall ng iba ng abstract painting a.k.a vandalism.

pag ganyan, nakakapanghinayang man pero kailangan ng i-demote ang favorite pang-alis na t-shirt sa pagiging favorite pambahay t-shirt. shirt. wala ng better luck next time. hohoho!

By the way, Happy Father’s Day sa lahat ama. Happy Birhrday din kina Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal at  sa Tito ko sa blogworld na si Tito Jasonhamster!

Mabuhay!